Lahat ba talaga ng bunso ay talagang super lambing!? Tinawag ko si Erynn sabi ko iayos ko ang hair nya. Lumapit naman agad at umupo sa lap ko. At habang sinusuklay ko ang hair nya e ang litanya ng bebe, "You're the best best best best best best Mama." Di ko nga nabilang kung ilang BEST ang sinabi nya. Sino ba namang hindi kikiligin na after ko maitali ang hair nya e may hug at kiss pa akong reward sa kanya. Paano namang hindi ka magigiliw kapag ganyan diba?! Sana naman madala nya yang ganyang ugali hanggang sa paglaki nya. Sana walang magbago. Nakakasaya ng pus💚.
4 comments
Sweet naman yang bebe mo sis, base on my experience sa kapatid at pamangkin ko malambing talaga kapag bata pero when turns to teen age laking pagbabago kasi nagmamature e.
Nakakasad siguro kapag ganun na ano. Kakatuwa habang bata pa at napakamalambing naman talaga.
oo ate..same sa bunso ko..lalaki..panay kis at hug pa xa
Nakakatuwa ano neng. Sana hindi magbago..