Nakasaing na pero di pa tapos sa pagpiprito ng daing para sa almusal. Maaga kami sumamba ni mister kaya nakadaan din sa bakery at nakabili ng pandesal. Kape at pandesal ang breakfast nya at 'yun na din ang baon nya para meryenda nya mamaya. Di na ako nakapagprepare ng baon nya for lunch kasi mali-late na at maaga ang pasok nya today. Tapos bukas until Sunday naka on-loan sya sa dati nyang branch kaya di sya makakauwi ng ilang araw. Buti na lang bago sya nakaalis kanina e naalala nya na malapit na ang due ng water pero wala naman kami narereceive na bill. Madalas kasi iniipit lang ng delivery man sa gate ang bill. Tapos ilang araw kaming wala baka nahulog sa labas. Kaya mamaya kapag nakatapos na ako makapagpamodule sa mga bata kailangan ko ng asikasuhin yung sa water at makabayad na din. Kamusta po kayo? Nakapag almusal na ba? 💚 Magandang umaga nga po pala. 😉
1 comment
Opo nag almusal na po ng tinapay. Sa amin din po ganun ang gawain, iniipit lang pero buti na lang hindi po nawawala.