09|04|2021 ✨
To my sponsors, I love you. ❣
Annyeongggg! It's me again, your wee BC.
It's Saturday and it's my day off! Yey!
Anong talent mo pag nalasing?
Minsan na rin akong nalasing. Hindi ko na maalala kung kailan ako unang lumagok ng alak. Ang naaalala ko lang noon ay umiinom ako ng "tuba" o coconut wine.
Studyante na ako sa kolehiyo nong una kong nalasahan ang pait ng alak. Hindi maipinta ang aking pagmumukha nung ako'y sumubok.
Kalaunan ay nasanay na ako sa lasa ng alak. Inaamin ko di ako tinatamaan agad kumpara sa iba kong kasamahan sa inuman. Hindi dahil sa sanay na akong naglalaklak ng alak , marahil siguro ay maatas ang tolerance ko sa alak ika nila.
Paalala: Huwag sumama sa mga di mo kakilala.
At dahil nga sa di mabilang na beses na sumasama akong umiinom kasama ang barkada, kaklase at katrabaho, marami na akong nasaksihang kakaibang talento kapag sila'y nalasing na. Tinamaan na ng kabayo. HAHA
Kaya ngayon ay ibabahagi ko ang ilan sa mga talentong ipinamalas ng aking mga kainuman. Alam kong marami sa inyo ang makaka relate dito.
Suka Warrior
"Susuka pero di susuko". Sila yung mga malalakas umiinom at hindi humihindi ng baso. Pagka-pasa 'lagok agad' ganurn. Kaya ang resulta? Suka here, suka there, suka everywhere. Sila din yung kinakaibigan ang inidoro. Mabibigla ka nalang at makikita mo na silang kinakausap ang inidoro. Bubulong pa minsan ng " Lord pramis, di na ako iinom pagkatapos nito".
The Dancer
Sila yung nakikisabay sa mga galawan at sayaw ng mga anime character sa screen.Minsan naman gumagawa na sila ng kani kanilang steps. Yung iba nagte-twerk pa habang hawak yung baso. Yung iba gumugulong gulong na din sa floor haha.
The Singer
Kung may dancer, shempree dapat may singer din. May mga likas na singer na talaga sa grupo pero may nagiging singer na din bigla pag nakainom na. Sila yung kunwari di hahawak ng mic keyso daw di sila marunong , kesyo nahihiya daw. Pero mareeee jusko, nanghahalbot na ng mic pag nalasing haha, tapos mga wala ng hiya haha. Feel na feel yung kanta kahit wala na sa tono.
The Talkative/ Best in English
Ito yung mga tahimik kunyari sa inuman pero pag tinamaan na? Halos ikwento na buong buhay niya. Kung ano-ano na ang nashe-share na hindi dapat e share. Lumalabas na yung mga sikretong malupit! Pero alam niyo kung anong mas malupit? Di na sila marunong mag bisaya , English na English haha.
The Spiderman
Sila yung ang hahaba ng kamay abutin ang pulutan. Sila talaga umuubos tapos di naman umiinom ng alak. Tapos yung chaser na C2 ginawang drinks. Hay naku! Haha
The Crybaby
Sila yung bigla nalang hahagulhol sa kalagitnaan ng inuman. Yung ilan umiiyak kasi may problema sa pamilya. Yung iba umiiyak dahil di pa nakapag move on sa mga mahal nila sa buhay. Kadalasan talaga sa mga umiiyak ay wasak. May iba naman na umiiyak kasi gusto lang umiyak.
The Great Adviser
Isa ako sa mga ito. Yung akala mo naman ina-apply sa sarili yung mga pinapayo sa kaibigan di naman. Ika nga nila "madaling sabihin pero mahirap gawin". At ito pa haha, with feeling at facial expression din ako minsan pag nagpapayo.
The Bubble Bud
Alam niyo na kung sino ang mga ito. Sila yung dapat umuwi ng maaga kasi strict ang parents nila. Dapat alas diyes nasa bahay na. Minsan sa kanila di nagpapaalam , bigla bigla nalang nawawa na parang bula. Kunwari pa tung iba na magbabanyo lang daw pero di na bumalik. Haha
The Yaya
Sila yung nagliligpit ng mga kalat sa inuman. Sila din yung nag-aasikaso sa mga sumusuka nalang kung saan saan haha. May mindset na sila na 'CLAYGO' , clean as you go.
The Driver
Ako to! I mean , isa ako sa mga ito. Kami yung tagahatid ng mga barkadang lasing at di na makalakad at makatayo. Haha. Requirement na kami maghatid kasi ang dinahilan nila sa pag alis ay kasama kamo kami sa inuman kaya dapat sasamahn din sa pag-uwi pada makasiguradong safe.
The Videographer/Photographer
O ano na? Isa kaba sa kanila o isa sa mga biktima ng mga nakakatawang stolen shots at videos na kuha nila sayo? Tapos ese-send pa sa GC. Kaya pagka gising mo parang gusto mo nang lamunin ka nalang ng lupa. Nahihiya ka talaga sa sarili mo pati sa mga pinaggagawa mo. Haha sge inom pa!
Best in Chat and Calls
Drunk chats and calls, familiar? Haha. Marami akong kilalang ganito. Yung todo chat sa ex para makipagbalikan. Sila yung gusto pa ng second chance. Mga di makapag move on. Ang lalakas ng loob mag chat at mag call sa mga ex pag lasing pero pag nagising na? Wala na , finish na. Papalamun nanaman sa lupa? Haha. Never ko pa naman na try to sa tanang buhay ko.
Saan kayo nabibilang kaibigan? Kung may gusto kayo idagdag, just drop it sa comment section. I know I'm a bit late for this prompt pero gusto ng kamay ko mag share about kalasingan eh. :D
Thank you for reading amazing souls!
I appreciate you taking your precious time to visit and read my work. Saranghae!
God bless us all! ❣
P.S. I will edit this one later. I will add some photos . wavvyuuu muah
Pinlano ko din sana gumawa ng article na ganito after nung Drunken Moments ko pero meron ka na pala 😁saan ako diyan? Madami. Hahaha. Madami ako personalities kapag nakakainom. Suka Warrior or tiga tawag ng uwak, The Spiderman or Kung Fu (kung fumulutan wagas), The Crybaby, The Great Adviser, The Talkative/Best in English, Best in Chat and Calls ans lastly The Driver kahit walang kotse. Hahaha. Yung sa tropa kasi dalawa silang lalaki parehong tiga Rizal tapos kami dalawang babae tiga QC. Mas malapit bahay nung isa kaya kahit out of the way sa akin ay pinapaikot ko na yung taxi sa kanila tapos ako na lang mag-isa. Once lang ako noon nahatid nung tropa kong babae nung as in tulog na tulog ako. Pero kadalasan talaga nakakatulog ako sa taxi. Magigising na lang ako nasa tapat na ng subdivision at tinatanong na ng guard namin saang street ako. Hahaha. Kakahiya