Maray na AGA! π Makulimlim man ang araw pero umpisahan natin ang araw na ito ng pasasalamat sa Kanya. Kung ikaw man ay nasa bahay, papuntang work o may lakad ngayon! Ingat po sa maghapon madlang noisepipz! π₯οΈ
Joined 26 July 2022 · 302 posts
I was once lost BUT now I'm found. AMBIVERT! π
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Maray na AGA! π Makulimlim man ang araw pero umpisahan natin ang araw na ito ng pasasalamat sa Kanya. Kung ikaw man ay nasa bahay, papuntang work o may lakad ngayon! Ingat po sa maghapon madlang noisepipz! π₯οΈ
Kanina pa makulimlim at bumuhos na nga ang ulan. Dumagdag pa ito sa antok ko. Sarap tuloy matulog pero di pwede. π Ulan 3x Please lang tumila ka na. Di ko mapigilan ang hikab ko Baka mamalayan ko na lang nakaidlip na ako Uwian ay matagal pa. π May LPA naman kaya? π€
SULAT - KAMAY Mahilig si papa sumulat sa likod ng litrato. Isinulat niya iyan noong Jan. 30, 1998. Ito ang nakapaloob sa sulat, ... To: Ninong and Ninang Sorry po kung hindi po kami makakabisita sa inyo ngayon sapagkat nahihiya po kami. Pasensiya na po kayo na po ang bahalang umintindi. God bless you all! ... Di ko alam kung anong okasyon ang dapat sanay dadaluhan nina papa noon pero alam ko buntis jan si mama, malapit na ang kabuwanan at nanganak ng February. Isa siguro sa namana ko kay papa ang pagsusulat pero di kasing galing niya sa dahilang bihira lang ako magsulat. Kapag na sa mood. Hehe. Magandang hapon sa lahat! PS. Nakakaantok ang oras. π€
P. A. G. T. A. T. A. P. O. S Nahalungkat ng kapatid ko ang mga larawan namin noon mga dugyot pa lamang kami. π Nakalagay dapat sa photo album kaya lang nasira na ito kaya lahat ng pictures namin ay nasa isang lalagyan na lamang. Kay sarap lang balikan ang mga alaala ng nakalipas. Ishare ko lang itong nasa larawan, Recognition Day namin yan at nagkaroon ng intermission number ang bawat baitang. Nakalimutan ko kung ang grade ako niyan. Halata naman na binabasa ko lang kung anong katumbas ng letrang "S" sa likod ng folder. Binigay kase sa amin niyan sa araw mismo ng pagtatapos namin. Ang kagandahan lang noon dahil hindi pa uso ang cellphone, makukuhanan mo lang talaga yung pinakaimportanteng nangyare sa buhay mo. Ngayon kase bawat galaw o kilos mo ay maaaring makuhanan gamit ang camera sa phone at i-upload sa facebook. Pero di rin naman masama ito sapagkat sumasabay lamang tayo sa pagbabago. Have a nice day ahead madlang noisepipz. π
CHEERDANCE Buhaghag ang mga buhok na parang sinabunutan, makapal na make-up, black & red ang motif ng costume, checkered pants *hiniram lang sa isang school* and white shoes. Yan ang costume namin noong cheerdance competition nung college kami at mapapasayaw ka na lang para sa grades. π Ilang weeks din ang ginugol namin bago makua ang mga steps, nakakapagod pero masaya. Sulit ang pagod at sakit ng katawan na tinanghal kami na champion. Di namin inasahan sa totoo lang dahil magagaling ang aming mga katunggali. Nadaan siguro sa buhok namin na buhaghag. π Nasa likod ako diyan sa larawan kase ang tangkad ko daw kaya maging ako di ko maaninag. π Good eve/night! βΊοΈ PS. Para sa grades may nagagawa tayong akala natin imposible.
4Ps PURPOSE PATIENCE PERSEVERE PRAY Yan ang tampok sa homily kanina ng pari kanina, mas tumatak kase nataun na sa salitang Bikol ang misa kanina, mas namnam mo ang bawat salita na binibitawan niya. Pero mas pinagtuunan niya ng pansin ang PATIENCE o magkaroon ng mahabang pasensiya at pagtitimpi sa sarili o mga plano na di pa natutupad. Kaakibat rin dito ang perfect timing o tamang panahon sa lahat ng bagay ayon sa kagustuhan Niya. Di ako palabasa ng bible pero may isa ako paboritong kasabihan at ito ay "When the time is right, I, the Lord will make it happen, Isiah 60:22". Related siya sa homily kanina kase tulad ko may mga plano rin ako para sa sarili at pamilya ko na para bang ang hirap - hirap maabot kahit tingin mo ay ginagawa mo naman ang lahat para dito pero di pa rin sapat. Tinamaan ako doon eh, kaya lang di pa rin mawaglit sa isip ko ang tanong na kakapit pa ba o kailangan ng paunti - unting bumitaw at magdetour na? Ito yung agony ko ngayon sa totoo lang. Dito talaga masusukat kung gaano kahaba ang pasensiya na mayroon ka lalo na kung matagal ang reply niya. Charr. π Good night! PS. A well spent Sunday! π PPS. Di na drawing @charlsss. π€£ Sa labas lang kami kasi puno na ng tao sa loob. π SanFranciscoChurch
DOWNY Noon yan ang nakakainis matapos maglaba at nakapagsampay na saka naman magsisiga ng tuyong dahon ang kapitbahay sa likod nila kaya tuloy ako sabay kuha ng sinampay kahit basa pa, sayang ng downy. Di pa kase noon uso ang washing machine at dryer, di pa afford. Pero bihira na ngayon ang magsiga ng basura dahil ipinagbawal na. Kanina pa ako nakikipagpatintero sa ulan - magsasampay tapos kukunin kasi uulan tapos iinit. Kaya ang ginawa ko di ko na lang nilagyan ng sipit para mas madali makuha kung umulan na naman. Lunchtime na. Nakapagluto na ba? Kami ginataang tilapia. π PS. Anong kwentong labahin ninyo? π
β‘ Uulan na naman siguro kase may mahihinang kumukulog at kumikidlat na naman tulad kagabi. At kita ang liwanag nito sa bintana. Mayroon na naman sama ng panahon pero di ko alam ang detalyeng balita tungkol kina Maymay at Neneng. π’ PS. Di ko na nakuhanan ng picture kase gabi na at ayaw ko na lumabas ng bahay π
JOY RIDE Kaninang hapon, dali - dali akong pumunta sa centro dahil may importante akong puntahan at bilhin. Kaya lang pagkatapak ko mismo palang mismo sa harap ng opisina nila ay maaga raw silang nagsara ngayon dahil walang koryente *kasali pala ang centro sa mawawalan ng koryente mula 9 am hanggang 6 pm*. Di agad pumasok sa isip ko kase halos gumagamit ng gen.set kaya naman olats ang lakad ko. Sayang ng pamasahe, bumaba nga sa tricycle pero tumaas naman sa jeep. π€¦ββοΈ Bukas na pala yung isang Korean Resto malapit sa Basilica, "Shabu-Shabu 249" konti ang tao kanina. Mahal ito sa ibang korean resto, bukod sa unlimited samgyupsal ay mayroon kase silang hot pot na wala sa iba. Good night! PS. Sadyang may pagkakataon na di umaayon sa iyo. βΉοΈ
SAN FRANCISCO CHURCH Ang San Francisco Church ang isa sa mga kilalang simbahan dito sa amin at makikita ito sa centro. Para naman kahit gaano kabusy ang mga tao sa pagtatrabaho ay pwedeng pumunta rito para manalangin, maglabas ng saloobin o maging pasasalamat. Kung minsan lugar ito para huminga at magpahinga para sa pagod na katawan at isipan at damdamin. Ibang - iba na ang ayos at istruktura nito noon kaysa ngayon tulad ng makukulay na pinta na ang nasa mga haligi at mga pader maging sa loob nito ay maraming nagbago. Mayroon ring mga nagtitinda ng kandila at bracelets sa labas mismo ng simbahan. Bukod diyan, isa ito sa paboritong simbahan ni papa kaya naman kapag napunta kami sa centro di pwedeng hindi kami magsimba at manalangin. Pero di ko nadala hanggang paglaki kase madalang na ang pagsimba ko at di ko yun itatanggi. π₯Ί Magandang gabi sa lahat! Kumusta ang araw ninyo? TGIF! PS. Kuha ko yan kaninang hapon. Madaliang pagpunta sa centro. π
MM Mid - morning na pala. βΊοΈ Kanina may nakita akong batang lalaki edad 8 o 9 years old, ang bilis ng lakad niya papasok ng school at may bitbit na biscuits at juice. Sabay tingin sa relo ko at malapit na pala ang recess nila. Dali-daling maglakad para maibigay agad ang snacks sa kanyang kapatid. Ang sweet ni kuya. π Tanda ko rin noon kapag hinahatid at sundo ko ang bunsong kapatid ko sa school, kinder siya noon. Di rin ako mapakali kapag malapit na magrecess at di ko pa siya nadadalhan ng pagkain, malapit lang naman sa bahay lalakarin lang. Di uso sa amin na bigyan ng pera lalo na't maliit pa baka kung anu-anong bilhin at di mabusog. π Magandang umaga sa lahat! Huli man din ay maihahabol din. π PS. Di ko napictureran yung bata kase ang bilis maglakad.
Hi madlang noisepipz! ππ» Mayroon po akong bagong post sa noise app. Payag ba kayo sa sim card registration? If you want to know more, feel free to visit yung link. Thanks! π https://noise.app/unknownymous/mkjz702k
BATAS NA! Isinabatas na ang SIM CARD REGISTRATION sa buong bansa. Parehong PREPAID AT POSTPAID sim cards ay kailangan ng iparehistro sa PUBLIC TELECOMMUNICATION ENTITY (PTE) sa loob ng 180 days at kung di makapagrehistro ay automatic na idideactivate ang nasabing sim cards. At ang mga NEW users ng sim card ay maactivate lamang kapag nagrehistro sa PTE. Sang-ayon ako sa batas na ito ngunit may ilan lamang akong tanong kung sakaling maimplement na ito. 1. Saan magrerehistro? Online o may agency? 2. Paano kung dual sim ang gamit ng isang tao? 3. Safe ba kaya ang mga datos o impormasyon kung sakaling magrerehistro sa PTE? Dahil ang ilan sa mga sim cards natin ay nakalagay sa lahat ng transactions and accounts natin mapabanko man o social media. Magandang hapon sa lahat! PS. Kayo madalang noisepipz, anong SAY ninyo?
MANOK Kaninang umaga habang nag-aalmusal kami, panay tahol ng tatlong bubwit. Kala namin may tao kase para silang di mapakali, yung manok pala ang dahilan. π€¦ββοΈ Masyadong kasi silang territorial, ayaw nilang may ibang mga hayop na makita sa bahay namin kahit pusa lagi nilang hinahabol para umalis kaya lang di sila makaakyat sa pader. π Magandang hapon sa lahat. π PS. Di masyadong makapag-update kasi busy sa work. Sayang yung palaro ni Sir Aya di ako naksali, nakita ko notifications lampas ng 5 pm. π€£ Pero nakatanggap pa rin ng biyaya. π
BISPERAS Kapapasok pa lang ng buwan ng Oktubre ay marami ng ganap sa barangay namin dahil sa kapistahan matapos ang mahigit dalawang taon na natigil ito dahil sa pandemya. Muli na namang nanunumbalik ang saya at sigla ngayon nalalapit ang kapistahan ng aming barangay. Ilan sa mga di mawawala kapag pista ay perya, liga sa basketball, Barangay Got Talent, pageantry at parada sa barangay kung saan kasama ang ilan sa mga opisyal nito, banda, mga bata sa educare, mga guro at mga iskolar ng barangay. Kaya bukas panigurado, marami na naman ang mga dayo galing sa ibang mga barangay, makikikain at makikidalo sa mga kakilala o kaibigan. Naglalako ng ice cream, ice candy o ice drop, maririnig mo kahit saan ang kalembang ng bell. Di mawawala ang videoke sa kanya-kanyang tahanan. Ngayon nga ay maykumakanta na at di na naipagpabukas. At lalong lalo na, may ilan na makikita kang lasing sa kalsada Di po kami naghahanda tuwing pista. Ako lamang ay makikikain rin bukas at inalok na kami noong Biyernes pa lang sa kanilang tahanan. Birthday rin kasi bukas kaya doble celebration ang magaganap. Ako ay matutulog na rin dahil may pasok pa bukas pagkatapos nito. Sweetdreams! βΊοΈ PS. Anong ganap ninyo tuwing pista sa inyong barangay?
LAST CHAT "NABUSY lang. Hahahaha" Yan ang last chat ko sa messenger kaya yan naman ang sagot ko sa tanong na nasa larawan. Nakakatawa lang ang mga nababasa ko sa comment sections at ilan sa mga ito ay... "How to apply po?" "Eatwell" "You have sent an attachment" "Nasa table ang lyrics" "Wala daw tayong silbi sabi ni mama." Nagpipigil ako ng tawa kase baka mapagalitan pa ako nina mama eh tulog na yun. π€£ GV on a Sunday night. π Goodnight! PS. Kayo madlang noisepipz, ano ang huling text o chat? Just put your answers below! π
GURO Ni: @unknownymous | LGVC Isa ako sa mga batang walang kamuwang-muwang Musmos at ignorante pang maituturing ng lipunan Ambabaw lamang ng kanyang kaligayahan Tanging hangad lamang ay magkipaglaro sa mga kaibigan. Unang beses na pagtapak ng munting mga paa sa paaralan Kasabay ang mahigpit na kapit sa kamay o damit ng magulang Baka mawala sa dami ng taong nagkukumpulan Ngunit namutawi ang galak at kasiyahan. Unang bungad mo saki'y ngiting pagkatamis-tamis At isang mahigpit na akap sa aking munting bisig Kaya naman naibsan ang kabog sa dibdib na napakabilis At puso kong ito'y kumalma ang pagpintig. Ang pangalan ko'y di mabubuo kung walang alpabeto Kahit na pagbigkas ng pangalan minsa'y naging kumplikado Ito ay naging madali sa paraang itinuro mo Kahit umabot sa puntong namaos ang boses mo.Β Ikaw ang unang nagturo sa akin kung ano ang mga numero Gamit ang mga daliri, isa - isang binibilang ang mga ito Binibigkas ng malakas mula isa hanggang sampo Hanggang sa ito'y makabisado. Binusog ng kaalaman sa iba't ibang larangan Mapa-akademiko o pang- isports man Upang maging gabay sa kinabukasan At maging sandata sa mapaghamong lipunan. Magandang pag-uugali sa mga mata ay iyong ipinamulat Sa paglaki laging piliin kung ano ang mabuti at dapat Sa aking mga gurong ibinigay higit pa sa sapat. Ang puso ko'y lubos na nagpapasalamat πππ Happy Teacher's Day po sa lahat ng kaguruan dito sa noise app. π₯° PS. Kagabi pa dapat ito kaya lang nakatulog na. π #OriginalContent #IdaanKoNaLangSaTula
Nagising ako ng 4:30, gusto ko pa sanang umidlip pero di na ko dinalaw ng antok. Sarap pa naman matulog kaya lang bangon na. π΄ Magandang umaga sa lahat! βΊοΈ PS. Magpopost sana ako dito kagabi kaso ayun naunahan ng antok, di namalayan nakatulog na. π
FARE May pinalabas na anunsiyo tungkol sa pamasahe dito sa aming lugar. Bumaba na pala ng 2 pesos ang pamasahe ngayon sa tricycle, 13 pesos na lang ang kailangan at 11 pesos kung discounted naman. Pero napapansin ko pa rin na 15 pesos pa rin ang hinihingi nila at pinupuno na ng mga pasahero ang isang byahe,masyadong sikisikan na. Kung sanay ibalik sa 8 pesos bago magpandemic ayos lang sana na puno ang sasakyan. Minsan naman sa pag-aarkila, mahal din ang singil nila. Lahat naman tayo naghahanapbuhay kaya di ko rin masisisi ang ilang pumapasada pero andun lang ako sa TAMANG PAMASAHE, bukod sa nagmamahal na ang mga bilihin at bills sa tubig, koryente at internet, hirap din kaya magbudget ng mga expenses lalo na kung sakto o minsan kulang pa ang sinasahod. Kelan kaya ako mananalo sa lotto? π€ Heto na naman po ako, MAG-IINGAY! Magandang hapon sa magaganda at poging madlang noise pipz! ππ PS. Speaking of lotto, maaari bang magkaroon ng 433 winners sa isang draw?
GUILTY "Ohh! So you're the one who took all our jobs!" Ito yung meme na may katuturan, wala pa nga jan ang flashlight. Sa paglipas ng panahon, di na rin natin maitatanggi ang pag-usbong ng mga pagbabago sa lipunan. Nakuuu napag-initan tuloy si Mr. Cellphone, siya lamang ay naimbento ng mga malilikhaing imbentor sa kasalukuyan at patuloy pang nagsasaliksik upang mapaganda ang mga features at specs nito. Kaya nga lang di afford ng BULSA ang ilan sa makabagong modelo. π Radio at cassette tape lang noon ang kinahiligan ko lalo na yung radyo nina lolo at lola, small but terrible, maliit pero malakas ang sounds. Kaya part na ng life ko ang pakikinig ng mga tugtogin π Magandang umaga sa lahat! π»
POLBO May nakakatawa akong experience dahil sa polbong Johnson's baby powder noong 4th year high school ako. Malapit lang ang school sa amin kaya naman di na kami nagbabaon, bago pumasok sa hapon di ko iniiwan ang mga hugasan na nakatiwangwang kaya hinuhugasan ko na. One time, di ko namalayan malapit na mag-1 o'clock kaya dali dali akong nag-ayos ng sarili, suklay at kaunting polbo. Pero nalate pa rin ako at pagdating na pagdating ko nagtawanan ang mga kaklase ko. Yun pala sa magmamadali ko sabog sa mukha ang polbo na nilagay ko. Tinawanan ko na rin ang sarili ko at mula noon sa school na ako naglalagay ng polbo. π€£ SKL. Happy lunchtime! βΊοΈ PS. Sabi nila the best daw ang high school kaya naman may mga memories tayo na di malilimutan, masaya, malungkot o nakakatuwa man yan. Kayo anong kwentong matatawa na lang kayo pagbumabalik sa iyong mga alaala? PPS. Same post sa kabila para magkalaman naman itong isa. π€£
TUKO Ang tuko o gecko sa ingles ay isa lamang sa mga uri ng butiki na naninirahan sa mga puno. At napabalita pa na sa ibang bansa ay mahal ang bili nito para sa isang piraso. Related sa tuko ang ishishare ko sa kase parang xmas light na naman ang bahay sa pawala-wala ng koryente at nasisisi namin ang tuko kung bakit nawawala dahil yan ang rason daw kung bakit bigla na lang nawawala base sa post na nasa larawan. π€£ Magandang gabi sa lahat! PS. Di masyadong nakapagpost kase nabusy sa paglalaba (kahapon), pagsampay at pagkuha (pabalik - balik ang pag-ulan) at pamamalantsa (kanina), natingin-tingin lang saglit sa noise.
INTL COFFEE DAY Sa mga madlang noise pipz na mahihilig sa kape para po sainyo ito. Di na ata mawawala sa sistema natin na pagkagising sa umaga pagtitimpla agad ng kape ang ginagawa. Kanino ka nga bumabangon? Kulang ang araw kapag di nakapagkape. π One time may convo kami ni @charlsss sa messenger, Me: Pano pag mayo ng KAPE? (Paano kung wala ng kape?) Cha: Dae pwede yan, mai-STRESS ang mga TAO! (Di pwede yan, lalong mai-stress ang mga tao) PS. Sa mga kaibigan ko dito sa noise ang motto nila ay KAPE IS LIFE! Ilan kaya nauubos nilang tasa ng kape sa maghapon? PPS. "Can't explain why you loving me makes me weak?" Background music ko yan habang nagpopost dito. π€£

HELLO OCTOBER! "And all at once, summer collapsed into FALL!" - Oscar Wilde One day, we were exhausted from the heat and sweat but now it's different because finally there is a cold breeze of air to start this month. βοΈ Hindi man tayo nakakaexperience ng four seasons pero mararamdaman na natin ang malamig na simoy ng hangin kase sa mga nakaraang araw sobrang init tapos bigla na lang uulan. Yung lamig ng hangin ng dadampi sa ating mga balat ang namimis ko, unti - unti na tayong magsusuot ng jacket kasi malamig na. π§₯ Magandang umaga sa lahat! π PS. Unang post ko ito gamit ang NOISE APP from playstore. Hehe. Thanks sa update ni sis @ScarletDoll. Unang bungad ng October, bagong update sa app. π
SNACKS Cheese rings at chips ang snacks na dinala ko kase nagkicrave ako kumain ng chichirya at masakit ang balakang. Dati rati'y masakit ang puson ay sign. Isa na naman ang ibig sabihin nito, malapit na naman akong datnan. Limang araw na naman na pagtitiis. π Sa mga sissy ko dito sa noise, ano ang signs na dadatnan na kayo? Maulan na hapon. π PS. May biyaya na naman akong natanggap...kisses. π«

BACK TO WORK Tatlong araw akong di pumasok kaya naman medyo tambak ang mga gagawin pero keri naman. Minsan kailangan rin magrelax at hindi puro trabaho lang. Di ko sinabing lagi ng umabsent wala ka ng sasahurin pagnagkataon. π Happy lunchtime sainyo. π PS. Anong niluto ninyong ulam??
REPLY Malaki na talaga ang pinagkaiba noon at ngayon pagdating sa communications. Kase dati kailangan mo pa mahingi o malaman ang cellphone number ng taong gusto mong makausap. Lakasan lang ng loob para iapproach pero mahiyain ako sa ganyang bagay. Mabuti na lamang nauso ang Slam Book noon kayat lahat ng kaklase mo napasulat mo eh madali mo na lang malaman kung mayroon na bang cellphone o wala. Minsan kase walang nilalagay. Pero wala pa akong phone noon kaya nakatago lang yung notebook na yun. Kaya nauso ang group message at text clans. Kausuhan dati. π€£ Ngayon mas advance na, di na nagloload sa sim card kaya kahit di mo na alam ang phone number eh may access naman sa internet at mahahanap sa facebook at messenger. Kaya ngayon na madali na lang ang access, di na ako agadΒ² sumasagot ng tawag kung di nakaregister sa contacts ko lalo na laganap ang scammers. Hehe. Pero kung ganyan naman sa larawan, ano sa tingin ninyo? Reply na ba agad? π€£ Magandang gabi sa lahat! π
ADVISORY NA NAMAN Nakuuu di talaga papaawat si Kasureks na matapos ang buwan na di magbrown out. Di naman binabawas sa bill ang brownout na schedule nila lalo pang tumataas ang bayaran sa koryente. π€§ Sa Friday, sakto sa last day ng buwan 9 am - 6 pm mawawalan ng koryente ang aming barangay. Hayy. Sobra naman ang iniiiiiiiiiiiit niyan. Kala ko mafifeel ko na ang lamig ng simoy ng hangin, di pa pala daig pa ang summer. π’ Lunch! π½οΈ
VIDEOKE Bawat okasyon di mawawala ang videoke, isa sa mga aound system ng bawat bahay. Hehe. Di rin natin maitatanggi na hilig ng mga noypi ang kumanta at halos lahat eh nakikilala international level. Tulad ng pamangkin ni Cha na si Hardy, bata pa lang mahilig na sa kanta. Daig pa kaming mga tita niya. Hanggang pangbanyo lang ako. π Magandang morning sa inyong lahat. π PS. Bakit kaya ganun nakakalimutan lahat na alam na title ng kanta kapag nasa harap na ang videoke? π€£ππ
Kapag ganitong may okasyon, bukod sa nabusog ka sa amoy ng mga niluto ay asahan sa huli tambak ang hugasin. π€£ Certified tagahugas! Per piraso po ng hugasin ang bayad sa akin para naman sulit ang paghuhugas. Di na ko kumuha ng piktyur kase masakit sa mata ang mga hugasin. π