18 & 1
Before the day ends, I would like to share why we're so busy in the past few days. It's a double celebration wherein my youngest sister turns 18 today and Em - em, our makulit na bubwit turns 1 a few days ago. We decide to make it into one simple celebration.
*Tipid Tips* π
I'm so tired but happy with the outcome of this occasion. I don't know if I'm able to go to work tomorrow.
πππ
Good night fellas!
PS. Wag po sana kayong manosebleed. π€§
Wake up and see how beautiful the light of dawn this morning. I hope you enjoy all through out the day! Good morning my friends. π€
PS. Yung sanay post ko kagabi eh nakalimutan ko. π
PARCELS
Dumating na ang mga parcel na inorder namin siya shopee, mga mask naman lang ito at isang sandal ng kapatid ko. Maramihan na ang bili namin dahil mahal bumili sa tindahan. Walang freebies si seller. π
Magandang hapon! βΊοΈ
GANAP KAHAPON
Sinamahan ko si mama pumunta ng centro at may bibilhin siya. Maaga kami umalis para di abutin ng tanghali pero halfway palang sa may kanto nakuuuu sobrang traffic. Andaming mga bus at sasakyan sa ibang lugar para makapagsimba sa Basilica Minore, 3 sundays daw iyan at mukhang sa October pa. Pilgrims ata tawag dun kaya 30 minutes ang hinintay namin para makalampas.
Bilib rin ako sa tatag ng pananampalataya ng mga Pilipino sapagkat kahit maulan ay tumuloy pa rin sila para makapagsimba. Sa totoo lang, di na ako palasimba tulad ng iba lalo na sa paboritong simbahan ni papa, ang San Francisco Church.
At dahil sa trapik medyo natagalan kami sabayan pa ng ulan.
SKL. π
Magandang umaga! Ingat pa rin po kahit maaraw na. Lalo na sa mga kababayan natin na dinaanan ng bagyo. Kumusta po?
PS. Anong favorite niyong combi sa mga flavors pagnabili ng fries? Hehe. Ako, sour cream, BBQ at cheese. Pero want ko man itry sa sunod yung iba. π
WALANG PASOK
Dahil sa pananalasa ng bagyong Karding, SUSPENDIDO na ang klase sa lahat ng antas at pati na sa government base na rin sa announcement galing sa nakatataas.
Ito na nga ang hinihintay na announcement ng mga magulang. Manatili na lang sa bahay kung wala namang gagawin sa labas. At kung kailangan, dobleng ingat po. π€
Keep safe everyone.
Malakas na naman ang buhos ng ulan sa amin. Ramdam mo talaga ang sama ng panahon dahil sa ihip ng hangin. π
Sa ngayon, alam ko makakarelate ang ilan mga magulang ngayon. Kapag ganitong may bagyo, ang unang tanong agad ng mga magulang at mga anak, may pasok kaya bukas?
Kanina kase may mga magulang na nag-uusap, eto yung narinig ko sa pag-uusap kase anlakas ng boses. π
P1: May pasok kaya bukas?
P2: Wala pang announcement galing sa teacher.
P1: Kami nga rin. Di pa nga ako nakakaplantsa ng uniform nila eh.
...
- the END!
Dati pa, may sinusunod na tayo kung papasok sa school ang mga bata!
Signal 1: Kinder to Elementary, no classes.
Signal 2: K - High School
Signal 3: K - College (depende sa school kapag college)
Pero ngayon nag-aabang na ng announcement para di mabuyo sa pagpasok. At iba naman kung papasok sa work. π€£
Magandang gabi po sa lahat kahit maulan. π€
PS: Ubos na ang kape. π
ST KARDING
Nasa ST category na pala ang bagyong Karding at nanalasa ngayon sa Polilio Islands na ngayon ay napasailalim na sa Signal no. 5 base sa page na nasa larawan 21 minutes ago naipost.
Nawa'y ipanalangin po natin ang ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo. Alam po namin ang takot at kaba bilang isa rin po kami sa laging dinadaanan NOON ng bagyo. Matapos manalasa, malaking kawalan ang mga nasirang pananim, bahay o mga tumbang mga puno.
Ingat po ang lahat! ππ»
PS. Makulimlim pa rin at umuulan ng kaunti dito sa amin.
"Ang pinakamagandang bagay tungkol sa ulan ay laging humihinto...sa HULI!" - Eeyore
Titila rin ang ulan. πΆ
Tama nga naman, kahit gaano kalakas ang ulan o unos sa atin ito ay daraan lang sa ating buhay. Need mo lang ng payong o kapote para sa proteksiyon. Kaya wag kalimutan kapag lalabas ng bahay o pupunta sa work. π
Maulan na morning madlang noisepipz! Ingats po sa maghapon.
PS. Nagparamdam ulit si NDRRMC π
Kaya pala iba ang ihip ng hangin dahil sa sama ng panahon *iniwan siguro* π, may bagyo na naman pero daplis lang sa lugar namin.
Tandang - tanda ko pa noon pagsasapit ang ber months laging bumabagyo at palaging ang target ang Bicol kaya laging handa noon. Pokpok dito, pokpok doon, ayusin na ang dapat ayusin, itabi na ang mga importanteng dokumento at mga damit para di mabasa. Nag-iipon na ng mga de lata, battery sa flahslights at kandila. Nagpapasko kami noon walang koryente at bumalik makalipas ng mahigit isang buwan. Pero ngayon, laging sa Northern part na ng Luzon dumadaan.
Ingat po ang lahat dahil sa malakas na ulan, kulog at kidlat na mararanasan natin baka hanggang bukas.
Good night! π
EVERYBODY SING
After one year, nagbabalik ang game show na lahat pwedeng manalo - ang SONGBAYANAN!
Nakuuu, nakakakaba ang Jackpot round! 9 songs ang title na nahulaan at isa na lang para manalo sila ng tumataginting na ISANG MILYON! Mayroon silang 32 seconds na natitira at 2 seconds na lang di pa nahulaan ang kanta.
Sa 2 seconds na natitira, sobrang tuwa namin dahil NANALO sila, hati - hati sila sa 1M. Ang last song ay MAHAL NA KITA by BGYO. TINRY din namin hulaan kaso mali hahaha.
Kaya sa game show na ito, every SECONDS count. Bukas naman ulit. Hehe.
Magandang gabi sa lahat!
DM
Yan ang feature ni Noise App kung saan pwede mo ng makausap ng personal ang mga naging kaibigan o kakilala mo rito sa noise cash. Kailangan lang na nakafollow kayo sa isa't isa para bongga. Konting explore pa sa kanya at pasasaan ba't magiging madali na lang. π
Kaya mga kaingay PM is the key sa mga gusto ninyong makausap ng kayo lang. Getting to know each other. π
β
PAPAYA
Marami - rami naman pala ang bunga ng tanim na papaya sa likod bahay. Kusang tumubo lang yan at namunga. Maliliit lang talaga ang hugis at manamis namis. Dalawa silang tanim sa likod - isang lalake at isang babae. Ano ba pinagkaiba nila? π€
Sino pa ang nakakaalala ng kanta at sayaw na PAPAYA SONG & DANCE ni Edu Manzano? Sino ang nakihataw at nakisabay pagpinapatugtog ito? Ating muling pakinggan at makiindak sa awitin. ππΊ
https://youtu.be/Pt6ClV-aptU
Magandang hapon sa lahat! π
FAGOD ANG FERSON
Mayroon ata sainyo ang nakakahalata na ganyan ang uso ngayon sa mga convo, di ko alam sino nagpauso. π
Fagoda ang ferson dahil sa lavahin. Sinabay ko na kase yung mga damit ni mother earth para naman feel niya ang kanyang off. π
Magandang hapon sa lahat! π
PS. Ilan sa inyo ay nakapagsiesta na at mayron ng meryenda. Pahingi naman oh? π Wala munang piktyur. π€£
HAMOG
Ikaw'y namumuo tuwing madaling araw.
Bilogan ang hugis na napakalinaw.
Nakadantay sa mga dahon at tangkay.
Na animo'y nagpapaaraw.
...
Magandang morning madlang noisepipz! Laba day si inday. Nakakain na rin ng almusal para may lakas sa buong maghapon. βΊοΈ
SCAMMER ALERT
Nagmessage ang kapatid ko na may dumaan daw sa amin para humingi ng limos. Modus! Mabuti na lamang alerto at naalala niya ang post sa facebook dito sa aming barangay. Ayon sa nasabing post, naiparating na ito sa kinauukulan. Sana mabigyan ng agarang AKSYON.
Kaya ang kabilin-bilinan ko sa mga kapatid ko pagnasa bahay, laging lock ang gate at pinto. Bago pagbuksan silipin muna sa bintana. Kase may instances kase na may lumalapit sa bahay namin nanghihingi ng tulong o limos. Kapag binigyan naman kahit kaunti, NAGDEDEMAND NA KULANG. Kinalampag pa ang gate namin ng ilang beses para lang pagbuksan sila.
Bukod sa bahay namin, may nangyayare pa dito na dinawit pa ang pangalan ng barangay namin, may sumakay daw ng jeep at nagsasabing taga - dito sa amin, iyak ng iyak at nagdadrama, gumawa ng kwento na ganito, ganiyan. Dinaan sa awa, di ang tao na nakasakay sa jeep ay nagbigay ng tulong doon sa lalake. Nakuuuuu! Napag-alaman na ang nagpakilala ay DAYO daw. Kalaking tao, di magbanat ng buto.
Hindi naman masama ang humingi ng tulong basta TOTOO, hindi yung manloloko ng tao.
Nakuuu! π€
"Em-em ang kanyang pangalan.
Ngunit tawag namin sa kanya'y bubwit.
Dumating siya sa amin na pagkaliit-liit.
Di matatawaran ang kanyang kulit."
Kaya ating tularan si Em-Em. π
Bow!
Happy 1st barkday my Em-Em. Two months old ka lang ng dinala ka sa amin. Kala ni mama di ka na lalaki kase ang liit mo, yun pala mas malaki ka pa sa mga ate mo. Ten months old ka ng naglalambing, nagpapasaway at nagpapacute lalo na kay mamita pag may nagawang kasalanan. Lagi naman kinakampihan ni ate Tata, wag na daw pagalitan. ππ€£
Magandang umaga! ππ
TAMBALAN
"Una magdasal ka para mabuhay ka. Pangalawa, magtoothbrush ka para mabuhay naman ang iba. YOWN!" - Tambalan
Yan palagi ang bubungad sayo kapag napakinggan mo sa radyo ang tambalang balahura ng Love Radio Manila. "Tambalanista" yan ang tawag sa sumusubaybay sa segment nila tuwing alas 8:00 - 8:30 AM at babalik ng 9:00 - 9:30 AM para sa Mahiwagang Burnay Story.
Di ko na tanda kung kelan ako sumubaybay sa kanila pero tagal na rin. Bihira na lang ako makapakinig sa kanila dahil nasira ang radio namin sa bahay. Talaga naman mahahawa ka sa hagalpak na tawa parang nakalunok ng megaphone nina Nicoleliyala at CrisTsuper. Kahit mga balahura ay goodvibes lagi ang hatid sa madlang pipol tuwing umaga. At isa pa, lagi sinasabi, may tama ka, isang malaking tsek ng pink na ballpen. π
PS. Sino gusto magdonate ng radyo sa akin. π€£
Magandang umaga sa lahat. π
TURON
Turon!! (3x) Turon kayo jan! π
Kain po tayo ng menindal. Andaming lang asukal. Kapares nito ang kape. β
PS. Kain muna bago magluto ng hapunan.
"Lagi na lang umuulan,
Parang walang katapusan"
... πΆποΈ
Yan tuloy napakanta ng di oras. Haha. Mag-isa na ako sa room kaya okay lang. Lipat office na kase yung kasama ko dito. Maulan na hapon dito sa amin. Bigla lang ang buhos at malakas.
PS. Ingat sa mga pauwi na, uuwi pa lang at yung papasok pa lang sa trabaho. Ano kayang pagkain sa bahay? 30 minutes pa. π
DULA-DULAAN
Simula elementarya hanggang kolehiyo ay di nawala ang pagtatanghal ng isang dula. Kuha po yan ng college pa ako, mahulaan ninyo kaya kung sino ako jan? π€
Ako lang naman iyang may patong sa ulo. Para may idea kayo sa pagmumukha ko. Camera shy kase eh. Siguro naman hula niyo na ang role ko jan? Ako ay isang magandang puno. Hahaha. Di ba, ang gagawin lang ay nakatayo sa gilid, pasway-sway lang. π
Nakuu, payat noon, payat pa rin ngayon. Time flies so fast! π
PS. Kayo, anong role ninyo kung mayroong play sa school?
Magandang hapon sa lahat!
https://noise.app/unknownymous
https://noise.app/invite/c8kqane6
Yan po ang link ng aking account sa noise app. Wala pa po akong panibagong post sa dahilang ginagamay ko pa po ang noise app at laging may bagong update. Nagpapaturo pa po ako sa aking bff na si @charlsss. Feel free to visit po! TYSM in advance! π€
TSISMOSANG SISIW
Nag-alaga ng mga sisiw ang kapatid ko dahil kailangan sa project nila sa school, graduating na. Glory to God! Pinupuntahan ng kapatid ko doon sa bahay nina tito kase malawak ang space doon.
Ngayon sinend ng kapatid ko kanina pagpunta kaninang umaga, may isang sisiw na certified tsismosa. Haha. Di naman naipit kase kasya pa naman daw. Sobrang likot ng mga sisiw at may lider na ata sila kase may iilan na sa liit nila eh marunong ng kumampay ng pakpak. Pano na kaya pagnagsilakihan na. π€£
Magandang morning kahit late ang pagbati. π€
KUNG PAANO HININTAY ANG DAPITHAPON
"Nagising di naman ako...na hindi na kita mahal. Kaya lang ang masakit, DI TAYO NAGKASABAY!" - Tere
Mukhang maganda ang pelikulang ito, mayroon kasing mga INDIE FILMS na magandang ang atake ng storya na di pumapatok sa madla.
https://www.facebook.com/368189913583854/posts/pfbid02cnLUvfvqy4ueWuYAW75AxDFFs1TrxQB7Ek5mo4hsGDeBV9NiYKMJNavbbJxa3scFl/
...
Falling out of love will be always my biggest fear! Naggising na lang isang araw na isa sainyo ay wala na ni katiting na pagmamahal at pagtingin sa'yo. Nauna lang siya o marahil ako o ikaw. Nagkataon lang na di nagkasabay, paano kaya kung matagal ang isa bago nawala ang love?
Hindi lang naman ito sa lovers, pwede rin ito sa magkakaibigan. Ang sakit kaya isipin na isang araw di na kayo magkaibigan. You just grow on your own separately. Back to strangers again. π₯Ί
Kaya hangga't maari if I'm not needed anymore, just tell me know. Don't keep me hanging in the end.
Good afternoon!
PS. Random song on Spotify on the playlist!
WATERCOLOR
Kuha ko ang larawan ngayonΒ² lang, edited to watercolor shade. π Inayos ko muna ang gamit ako para naman organize at madali kong makita ang mga nawawala. π€£
Masakit na kati sa mata ang sobrang kalat at mga papel. May kailangan na ring bilhin na gamit paubos na at sira na pero wala pang budget. π
Lunchtime na pala kaya kumakalam na ang sikmura. Eatwell po sa kumakain na. π€
PIZZA
Pag-uwi ko nakasunod pala sakin kaptid ko, di niya na ako tinawag kase ang bilis ko raw maglakad. May bitbit siyang meryenda namin kaya solve ang tiyan. Magsasaing muna ako, wala pang maisip na ulam. π€£
Magandang hapon sa lahat!
PS. Ingat sa pauwi pa lang, nasa byahe o papasok pa lang sa work.
LET'S PRAY FOR JAPAN & TAIWAN!
"The strongest storm on Earth this 2022 as seen from space. ππ±" - Biliran Island Page
Nakuuu napakalawak ng sakop ni Typhoon Nanmadol! Ang laki pa ng mata. Matitrigger daw nito ang mga disasters na dadaanan ng bagyo pero mukhang walang sasantuhin ang bagyong ito. Nakakatakot naman. Kaya let us pray po ang Japan maging ang karatig lugar.
Maging sa Taiwan ay nagkaroon ng malakasang paglindol. Andoon kase nakababatang kapatid ng kaibigan ko, OFW
Parehong sanay na ang mga bansang ito sa earthquake pero iba pa rin ang dalang pinsala kahit na sabihing advance sila in terms of technology at emergency response. Nakakatakot parin.
ππ»ππ»ππ»
TANGLAD (Lemongrass)
Ayon sa nabasa ko maraming benepisyo ang pag-inom ng pinakuluang tanglad. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Malilinis ang atay at kidney. (Iihi ka ng iihi)
2. Bababa ang blood sugar, cholesterol, blood pressure, uric acid, atbp.
3. Matatanggal ang allergy o anong kati sa katawan.
4. Maaalis ang kabag o bloating.
5. Ayaw rin ng ipis, lamok at ahas sa amoy ng tanglad.
Ilan lamang ito sa mga benepisyong pwede makua. Ngunit para mas makasigurado ay magtanong sa mga nakatatanda na gumamit nito o magsaliksik.
Magandang gabi sa lahat!
Good night na din.
PS. Habang mas maaga ay maging healthy living na tayo. Paunti-unti pero sumusulong. Sino na po ang nakatry nito? π€
VOYADORES
Taong 2016 pa ang larawan ito na kuha ng Naga City Government page. Nakakatuwa at nakakaproud ang bunso naming kapatid dahil nakaya niya ang parada sa gitna ng init at ulan. Grade 6 pa lang siya jan pero matangkad na sa ate. β€οΈ
Magandang hapon sa lahat! π
HEARTS
" Earthworms has five hearts and that an octupos π has two hearts ngayun...kapag may kilala kang tao na nagmamahal ng dalawa o higit pa tanungin mo siya kung anong klaseng hayop siya." - MDS
PS. 3 hearts po ang hearts ng π sinearch ko. heheπ
Magandang umaga sa lahat! π
It was a joke I saw on FB reels, hagalpak sa tawa si ako. π€£
IT'S A...
Kasisend lang ng video ng kapatid ko na isa sa nag-organisa ng gender reveal ng kanyang kaibigan. Kinakabahan kami habang pinapanuod yung video. At tama mga ang hula ko. Ansaya-saya! π
Base sa larawan, anong gender ni baby? π