read.cash Log in

@santiagorhie

Joined 12 February 2021 · 4236 posts

♥ WorkingMom & MovieBuff ♥

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@santiagorhie

Hello Noise! Hello everyone! I am back again. I was glad to share to everyone that I will be on my third trimester soon. I am currently at 27 weeks and 1 day of my pregnancy. The baby in my tummy is very active and moves a lot. We still don't know yet the gender though. Hubby keeps on insisting that we try again for an ultrasound this month. My next check up is scheduled on 17th of April. Maybe we'll know the baby's gender then. All family members and friends wish the baby to be a boy this time since hubby and I already have 2 daughters. Both of us are also wishing the baby to be a son this time, especially me. Coz honestly I don't want to undergo another pregnancy after this. I wish this to be the last one. 3 kids is enough for me. But hubby doesn't want me to be ligated yet. If ever baby #3 is a girl again. He wants another try and that for sure is our last try coz that is going to be a 3rd cs delivery for me and the only safest count for the mother. We still haven't bought any baby things yet. I was planning to buy everything on the first day of my maternity leave and that will be on July 11. I am due to delivery the baby between July 7 to 14. That is my 40th week. But maybe we will start buying things by the month of June instead just to be sure. Who knows I might not reach 40 weeks. Hope everyone was doing fine. G'day!

@santiagorhie

Last March 11, I opened a UBP debit account online. Also requested an ATM card after successful online account creation. Exactly 2 weeks after, the card arrived. I already activated it through the online app. Now I am excited to use it. Though I might not be able to use it immediately. Or if I can really use it at all, lol! I even joked at hubby that maybe we can use this card as savings for our dream car.

@santiagorhie

Long time no post!! I am currently busy at work. Also trying my luck looking for WFH jobs. Really wanted to be one of those stay at home moms that earn more than when they were still doing full time jobs. Now that I am nearing 3rd trimester, the thought of just staying at home for the kids and still be able to earn decent money is a big dream. I hope for that dream to come true soon.

@santiagorhie

Really having a hard time lately. I am not sure if it's just my pregnancy messing with my thoughts. Or life really gets tougher day after day. I miss the old noise application honestly. When it was still noise.cash. But so as everyone else, we must move forward and accept changes. I wonder where my old acquaintances are? At the time of noise.cash the people I interact with were around 4k people and all are from all parts of the world. Now there are only 90 people. If ever you read my sentiments, do you managed to get in touch with most of your friends and followers from noise.cash? I wish everyone migrated here. ♥

@santiagorhie

So happy for my oldest daughter's achievements. Consistent top 1 of her class for 1st and 2nd quarter. Also top 1 of her class in Mathematics. The only regard she asked was a black low cut chuck taylor. Unfortunately, she just lost her phone last week. I am planning to get her a globe phone plan, an oppo a17k. Not too expensive yet for a Grade 7 student.

@santiagorhie

What's up? Took me quite a while before deciding to migrate here. I settled migration from noise.cash to noise.app just now. Belated Merry Christmas and Happy New Year to all by the way! Sharing to everyone our epic New Year's family picture. Either bunsuan or hubby is having wacky faces. I am all smiles as I am very happy. Have you noticed changes in my body? Yep that's quite a tummy as I am already in my 3rd month of pregnancy. It was unplanned and unintended but hubby was very very happy and excited. He was also very patient with me recently compared to when I was pregnant with bunsuan. Oops she's not bunsuan anymore. We call her now baby ate and the baby in my tummy is baby bunso. My edd is July 14!!

+1 more

@santiagorhie

Looking for more ways to earn extra. Call lazy and impossible but I really want to experience earning while sleeping. Lol! That kind of earning that even if I do nothing my money keeps on growing. I hope someone can share to me something. Anyways. Good morning everyone! How bad does typhoon Paeng hit your area? Bunsuan and I are on a bed weather today. She's enjoying YouTube while I enjoy the tv. Keep safe and warm everyone!

@santiagorhie

This morning, the seafarer boyfriend of hubby's sister arrived at their house. He had so many treats for everyone. Chocolates like Hershey's, toblerone, and kitkat. There are plenty of liquor. 3 different brands of red wine, 3 different flavors of soju, and 3 bottles of chivas regal xii. There are also different types of nuts like walnut, pili nuts, almond nuts, kasuy nuts and regular flavored nuts. He will stay a few more days and then will go to Manila for some training and will return to sea again in a few more weeks.

@santiagorhie

Matagal tagal din akong di nakabisita dito ah. Kamusta ang lahat? Share ko lang sa inyo itong family picture namin. Ito ay noong nakaraang October 20 lamang. Selebrasyon ng aking byenan para sa kanyang 70th birthday. Naipursige rin ng mga kapatid ni hubby ang lechon. Buti at umabot sa petsa ang release ng calamity loan ni hubby kya nkapagshare sya ng 5k. Dahil sa sorpresang lechon ay napaiyak namin hindi lang si tatay kundi pati na rin si nanay. At dahil 69 si nanay ngayong taon at naipaglechon namin si tatay ay obligado dw namin ulitin ito sa isang taon sa 70th birthday din ni nanay.

@santiagorhie

Noong nakaraang Linggo sobrang saya ni Ate Kelin. Dinalaw sya ng mga kaklase nya sa bahay. Sakto ang pinamigay ng opisina para sa amin na dalawang macaroni packs pang mac spaghetti. Nagkayari ang lahat sa meryendang ito na ang sahog lang ay pork in can, bossing hotdog at nilagang itlog. Sana kahit sa ganitong pag estima sa kanila ang napasaya ko sila lalo na ang dalaga kong si Ate Kelin. Parang kelan lang ay ako ang karay karay ng mga kaklase ko sa mga bahay nila. Ngayon bahay na namin ang dinadayo at ako na ang inang punong abala.

@santiagorhie

Si hubby na laging curious sa mga foreign phrases napasearch pa sa meaning nitong "in aeternum te amabo". Latin pala ito at may ilang english meanings tulad ng "i will love you forever", at "my love for you will stay forever". Dahil jan ay ito ang napili kong gawing profile picture sa facebook account ko. Solb kaming pareho sa pinuntahan namin at napakaganda pa ng nadaanan namin. Lalo ung express way na madadaanan mo ang New Clark City mula San Jose Tarlac papuntang Bamban Tarlac. Natest naman ni hubby ang limit ng puso nya sa motor at umabot kami ng 103kmh. Gusto ko pa sanang mas mabilis pa. Siguro kung ako ang may hawak ng silinyador mas napataas ko pa. At yun ang dahilan kung bakit hindi pa ipinagkakatiwala sa akin ni hubby yung service nyang Nmax. Kaskasera daw kasi ako. Yung service kong Mio average takbo ko na ang 80-90kmh regular na araw. Kapag malelate na ko nakaka 95-100kmh na rin ako pero madalang ko lang gawin naman. Tinanong ko si hubby kung nasiyahan ba sya sa pinuntahan namin? Oo naman daw. Pero kung babalik pa kami? Hindi na okay na daw yun at napuntahan naman na namin. Bakit? Tagaroon kasi ang ex ko bago kami naging kami. Dun pinakathreatened si hubby.

@santiagorhie

Limang araw din pala akong walang paramdam, omg! Kakabalik lang ng kuryente namin noong isang araw. Ngayon palang ako mag aasikaso ng labada dahil kahapon ay naggala kami ni hubby. Tinupad nya aang pangako nya na ipapasyal nya ako bago ako makabalik sa trabaho. Nakarating kami kahapon sa Tarlac. Unang pinasyalan namin ay Monasterio De Tarlac. Sumunod ay Goshen Hotel and Resort pero sight seeing lang kami dito.

@santiagorhie

Ikapitong araw makalipas manalasa si bagyong Karding. Wala pa ring kuryente sa gawi sa amin. Ilan na lang kami sa kakaunting hindi pa natutugunan ang pangangailangang magkailaw. Nasanay na rin sila hubby at bunsuan na matulog ng walang bintilador. Nakakamiss na rin ang maliwanag na gabi. Hindi na rin kami updated sa mga sinusubaybayan namin sa telebisyon. Miss ko na ang netflix. Hindi rin ako makalaba ng maayos dahil nakakapagod magkuskos, magkusot, magbanlaw at magpalipit ng mga damit. Balewala rin ang downy. Kapag isinampay sa loob ng bahay hindi rin matuyo tuyo dahil maghapon nag uulan. Miss ko na ang automatic washing machine namin. Kabisado ko na rin ang magsaing sa kalan. Pati pagpapakulo ng tubig namin ngayon pangkape o pangligo sa kalan na rin pinapakulo. Ang haba na ng pahinga ng aming rice cooker at electric kettle. Ang sabi sa update sa eskwelahan nila ate kelin at bunsuan may klase na ulit sa isang araw. Kaso ay hindi pa plantsado ang uniporme nilang mag ate. Huling linggo ko na ng bakasyon ngayon pero mukhang hindi ko pa masusulit kung ganitong matagal kaming bago magkakuryente ulit. Sana bukas, kahit sa hapon na, ay magkakuryente na rin kami.

@santiagorhie

Sarap talaga sa pakiramdam kapag pinapahalagahan ka ng partner mo at pinapahalagahan nya ang mga requests mo. Well half meant joke ko lang naman ung sinabi ko nung isang araw na baka naman pwede kaming sumama ni bunsuan kay hubby. Kasi naman ilang araw ng walang kuryente sa bahay namin dahil kay bagyong karding, pang 5 days ng Sept.30. Nung gumagayak na si hubby sabi nya sa akin, o gayak mo na dadalhin nyo (ni bunsuan). Aba hanggang tenga talaga ang ngiti ko. Hindi ko naman kasi inexpect na isasama nya talaga kami sa trabaho nya. Sekyu si hubby at solo duty sila lagi. Substation ng electric cooperative ang dinudutyhan nya. Sarap ng tulog ni bunsuan, aircon kasi. Kami ni hubby nagigising kapag may feeder na bumibigay. Ibig sabihin kasi may area na nawalan ng kuryente at kumakalabog ang mga machine ng mga feeder. First and last na sama ko naman siguro ito ng over night kasi 1 week na lang natitira sa bakasyon ko from open operation. Malapit na rin ako magbalik ulit sa trabaho ko. 2 months worth ng paperworks ang hahabulin ko para double icheck at ifile.

@santiagorhie

Last shift ng night shift ni hubby ng Sept.30. At dahil wala pa ring kuryente sa amin ay isinama nya kami ni bunsuan sa work place nya. Solo duty lang kasi amg mga guards sa substations. At dahil mabait naman daw ang karelyebo nya at ang nakamonitor sa cctv nila ay okay lang naman daw. Sarap ng tulog ni bunsuan pano ba naman kasi ay naka aircon pa sya ngayon. Feel na feel nya. Sana talaga pag uwi namin mamaya may kuryente na para mahimbing naman kami makatulog lalo si hubby. October 1-15 kasi ay 2pm to 10pm na si hubby. Pagod na nga sa work ay hindi pa makakatulog ng maayos dahil sa init. Hindi rin pala biro ang trabaho nya dito sa substation ng electric cooperative. Kada may bibigay na feeder (ibig sabihin may area na nawalan ng kuryente) ay kumakalabog ang machine nito. Kahit anong himbing magigising talaga...bukod itong si bunsuan talaga tulog na tulog.

@santiagorhie

5 days after typhoon karding and we still have no electricity. Though there are already some parts in the city that electricity was restored. We hope today to be a good news that we will be having electricity again with in the day. For the meantime, hubby and I will have our breakfast by the candle light. Bunsuan is still asleep and already used to the darkness and lack of fan I guess.

@santiagorhie

Darating din pala ung panahon na kami naman ang pupuntahan ng ibang electric cooperatives para tulungan dahil sa pinsalang dulot ng bagyo. Yung mga nakaraang taon kasi na sobrang naminsala rin ang nga nagdaang bagyo sa ibang lugar ay kami ang nagpapadala ng task force para tumulong sa kanila. Nakakatuwa rin naman at bukas talaga ang lahat para magkawang gabi sa mga ganitong pangangailangan. Sana ay mas lalong mapabilis at mapadali ang pagsasaayos at pagbabalik ng supply ng kuryente sa amin. Ngayong hapon ay nag ikot kami ni hubby. Ipinasyal namin si bunsuan at napansin namin na nakakadaan na ang mga sasakyang paluwas ng Maynila na dadaan sa San Miguel, Bulacan.

@santiagorhie

Pagkaraan na pagkaraan ni bagyong Karding ay idineklara agad na isa sa mga lugar sa Pilipinas na under state of calamity ang lalawigan ng Nueva Ecija. Pero hindi pa ata updated si SSS sa mga lugar na nasalanta ni bagyong Karding. Ayon naman sa aming opisina ay aprubado lahat ng magfafile sa amin ng calamity loan. Kapag updated na si SSS at pwede na kami makapagfile ng calamity loan ay magiging pang 3 ko na itong loan. Malaki laking bayarin din ito sa loob ng 2 years lalo at kakasimula ko palang noong August sa Pagibig 1st time multipurpose loan worth 8k at SSS 2nd time salary loan worth 20k. Bukod sa calamity loan na ito ay may sickness benefit pa kong hihintayin. Saktong isang buwan na ang nakalipas mula ng maoperahan ako ng bato sa apdo ngayong araw. Pero kahapon palang naisumite ng opisina namin ang application ko para sa sickness benefit ko na 45 days ang sakop. 1 to 2 months pa ata ito bago dumating.

@santiagorhie

Aftermath of typhoon karding. Photo taken last Monday, Sept.26 at the Gapan City bridge going to San Leonardo. Gapan City going to Bulacan still not passable as of today. At home, we still don't have electricity and water supply. Talk n txt still have no network signal. Good thing I have spare cherry prepaid sim card that I am using now.

@santiagorhie

Kahapon ginanap ang pta meeting sa school nila bunsuan. Naghalalan na rin ng pta officers. Nakakaaliw ang mga parents dahil hindi naman kami magkakakilala kaya walang ibig magnominate. Ang nangyari tuloy naging pta president ang pinaka may edad. Treasurer ang confirmed na pinakamayaman. At muse ang pinakamaputi at masexy ang suot na nanay. Habang ako ay nagbusy busyhan sa pagsulat sa attendance sheet at waiver para sa anti bullying ng mga bata.

@santiagorhie

Finally napatulog ko rin si bunsuan. Nabihisan ko pa sya ng pajama habang tulog. Nakalimutan ko kasi syang bihisan nung gising pa sya. Friday na bukas at may PTA meeting pa ang buong school nila ng 2pm. Ano kya ang isusumbong ni teacher sa akin na ginawa ni bunsuan sa school? Nung sinundo sya ng tita nya minsan ang sumbong sa akin ay tinapok nya sa noo yung isang kaklase nyang lalaki na niloloko sya. Nung minsan naman ay pinaikot ikot nya daw ung isang kaklaseng lalaki ulit na nakikipagbiruan naman daw sa kanya. Take note na babae si bunsuan ha. Isang beses naman tito nya ang sumundo sa kanya ay isinumbong daw sya ni teacher na after ng recess ay natulog daw sya sa upuan nya. I hope mag improve si bunsuan. Kaya nga mas pabor na rin ako sa face to face classes para totoong teacher na ang magtuturo ng mga lessons. Sana talaga maharness ni teacher ang talino at abilidad ni bunsuan. Ineexpect ko na mag improve sa academics si bunsuan. Sa writing at listening wala syang problema pero sa speech hindi sya ganoon ka active. Namimili sya ng kinakausap at mas madalas na mood nya ay ayaw nyang makipag usap. Kaya nga tuwang tuwa kami pag nakikipag monologue sya sa mga pinsan nya, kila ate chloe at ate alyssa. Nakakatuwa rin naman kapag sa mga tita nya sya nakikipag usap kaso mas madalas kc umienglish sya. At pag nagtatagalog sya ung dila nya parang palipit. Medyo hirap sya magtagalog pero smooth naman sya sa english, with accent p nga. Siguro sobra na sya sa youtube...

@santiagorhie

Kamusta ulit! Gusto ko lang din ishare ang invitation na ginamit ni ate chloe para sa mga pinapunta sa kanyang kaarawan kahapon. Made by yours truly!! Hilig ko rin talaga mag layout layout ng ganito. Twing my birthday sa mga in laws ko at gusto nila ng may invitation ako talaga ang gumagawa. Pati mga gagamitin nilang name plates sa school at mga name tags ng mga gamit nila ako rin ang naglelayout. Nakkarelax din ito sa part ko. At ngayong nasa bahay lang ako hindi ako sa pc nakapaglayout nyang invitation ni ate chloe. Partida cp ko lang na more than 3 years old na ang gamit ko. Pero proud parin ako kahit pano ay nagustuhan nila ang gawa ko!

@santiagorhie

Kahapon nagcelebrate si ate chloe ng kanyang 7th birthday. Sya ay pinsan ni bunsuan at pinakamatured sa kanilang 3 magpipinsan. Pinakamabait, matulungin, maalalahanin at malambing. Nabusog lahat ng bisita ni ate chloe sa dami ng handa nyang pagkain. Sopas, pansit, spaghetti, puto cheese, puto flan, fried chicken, lumpiang shanghai, biko at maja. Meron ding mga sweets tulad ng kendi, marshmallows, chocolates, cupcakes at ice cream. Maingay rin ang naging birthday ni ate chloe dahil sa videoke. Share ko na rin ung second photo na invitation ni ate chloe. Ako ang gumawa nyan para sa kanya! Tuwing my birthday inako ko na talaga ang paggawa ng mga invitations nila at kung para sa bata ay pti pagprint ng cupcake toppers.

@santiagorhie

Ngayon nalang ulit ako nakapag open ng noise.cash at noise.app. Nakakatuwa may wallet update na rin sa noise.app. Papasok kaya ang munting sorpresang ito kung kahapon nagnotify at ngayon ko palang naiupdate ang aking wallet? Kung hindi pa rin kaya nakakagawa ng inyong noise.app account ay pumunta na kayo roon gamit ang aking invitation link!! Baka matanggap mo na rin ang munting sorpresa. https://noise.app/invite/5jskiasw

@santiagorhie

Kahapon ay nagcelebrate si ate chloe ng kanyang 7th birthday. Marami din syang naging bisita. Mga kamag anak nia sa side ng papa nya at shempre mga kamag anak nila hubby. Nabusog ang lahat sa handa nyang sopas, spaghetti, pansit, puto cheese, puto flan, biko, maja, at mga kendi marshmallows at chocolates para sa mga bata. Nagpalaro rin ng pabitin na mga party bags na my lamang mga kendi ulit. Natuwa ang mga bata sa mga lobo. Ang mga matatanda naman natuwa sa videoke at alak.

@santiagorhie

Kahapon ng hapon sinundo namin ni hubby si bunsuan nung uwian ng hapon. 1-3 pm lng ang pasok ng mga grade 1 sa hapon kaya ang kapatid na babae ni hubby nagbabantay nalang para makatipid sa pamasahe. 3 silang grade 1, anak ng kapatid na babae ni hubby, si bunsuan, at isa pang anak ng isa pang kuya ni hubby. Kaklase ni bunsuan ang anak ng kuya ni hubby habang ibanh building naman ang anak ng kapatid nyang babae. Tumambay kami sa open gym at ng natanaw na namin na nagpapapila na sa labas ang teacher ng mga bata indikasyon na uwian na at ihahatid na sila sa gate ay lumapit na kami sa room. Naghihigpit na rin amg school nila bunsuan sa mga sundo. Pero nung nakita ako ng dalawang bata ay tumakbo sila saken. Nakita rin ako ni teacher pero first time ko lang susundo kaya akala ko ay sisinuhin pa ako ni teacher o iinterviewhin pa. Sabagay ay hindi naman sasama ang mga bata sa hindi nila kila kya siguro kampante rin si teacher at hinayaan na kming makaalis. Naawa naman ako sa dalawang bata kya kinuha ko ang mga bag nila at nilagay sa tig isa ng balikat ko. Kaya lang hindi ako nakalakad ng maayos. Ang bigat pala ng mga bag nila. Tig 7 notebooks lang ang laman ng mga bag nila pero nahirapan na ako. Halos isang room lng din ang haba ng nilakad ko na bitbit ang mga bag nila pero yung lakad ng dalawang bata hindi ko pa mahabol. Sinalubong naman kmi ng kapatid na babae ni hubby at knuha na ang isang bag n dala ko kaya bag nalang ni bunsuan ang bitbit ko hanggang sa makarating kmi kay hubby. Dumaan pa kami ni hubby at bunsuan sa plaza para magmeryenda. Pagkauwi sa bahay ay sobrang nahapo ako at gusto ko ng matulog. Pero hndi naman ako nakatulog dahil biglang kumirot ung loob ng tahi ko. At sumakit din ang ulo ko. Nagpabili ako ky hubby ng biogesic at uminom din ako mg pain reliever. Nasermunan din ako ni hubby dahil nga nagbuhat ako kahit bag lang ni bunsuan. Bawal pa talaga akong magbuhat at mabilis pa rin akong mapagod. Pangatlong linggo ko palang mula ng maoperahan ako. Hindi pa rin pala ako totally nakakarecover.

@santiagorhie

Laugh trip ako sayo Shopee!! 1st photo - akala ko talaga nadagdagan ang credit limit ng SLoan ko. Inanticipate ko agad na baka nadagdagan naman ng 1k. Pero sa isip ko shempre umasa ko na sana additional 5k agad. Tpos makikita ko ung notification sa 2nd photo! Ay nako Shopee! Pinaasa mo ako, malala!

@santiagorhie

Ito kayang order kong mga ribbon ni bunsuan kailan dadating? September 11 pa sya clear customs. September 13 na pero hindi pa rin nag move. Excited nako kc andito ung favorite color ni bunsuan. Sa ngayon, meron na syang 1 pair red, 1 pair yellow, 2 pairs light blue at 2 pairs light pink. Itong panibagong order ko naman ay 1 pair violet, 1 pair royal blue, 1 pair green, at 1 pair rose pink. Excited si bunsuan sa violet kasi favorite nya, terno ito sa bag nya. Excited naman ako sa green dahil terno ito sa uniform nya. Sa susunod ibang shades naman ng violet at green, at ung mga maliliit na clams naman.

@santiagorhie

Dumating narin sa wakas! Isa sa pinakahihintay namin ni hubby. Kasi 3 cp namin, kanya, sakin, kay bunsuan, pero 1 charger lang ginagamit namin 3. Nakakatakot na rin gamitin kc nakikita na ung itim sa loob ng cord malapit sa isinasaksak sa cp. Kada magagalaw rin o namamali ng pwesto ang cp na nakacharge ay nahihinto sa pagcharge. At dahil mukhang bibigay na tlaga ang cord ni hubby ay umorder na ko sa shopee. Vivo ang cp ni hubby, kami naman ni bunsuan ay oppo. Pero nasa 500 more or less ang orig oppo/vivo pag galing sa official store nila. Ayoko naman ung class A na wala pang 100pesos kc baka short span lang ang usage o kay baka ung matyempuhan ko ay umuusok. Sa Bavin Official Store ako umorder. Inorder ko noong 9.9 kaya nakadiscount pa. Isang set na charger at isang 1m cord ang inorder ko at ang binayaran ko 181 lang pati na shipping fee. Sinubukan ko agad ung cord. Ang ganda ng cord at makapal. Sana pala 2 cords na ang inorder ko, isang 0.5m pa pala sana para sa powerbank, kasi sensitive din ung cord ng Rapoo powerbank ko pag nagagalaw. Pero itong Bavin cord mukhang maganda. Sinubukan ko sunod iyong charger set. Mahigpit sya at mukhang ngang fast charger talaga. 9% ang cp ko ng icharge ko sa Bavin charger at pagkalipas ng isang oras ay nasa 56% na ito. Bumagal din malobat ung cp na chinarge ko. Inaassume ko talagang nasiksik ung battery ng cp ko sa tagal malobat kumpara sa dating charger nya! Ung quality ng charger at cord ay maganda rin! Tingin ko magtatagal din ito, at shempre depende pa rin naman sa gumagamit ang itatagal ng mga gamit. Kapag nasira ito, ganito ulit ang oorderin ko. Satisfied ako lalo don sa nakasama ng velcro na pangsinop sa cord.