Kahapon ng hapon sinundo namin ni hubby si bunsuan nung uwian ng hapon. 1-3 pm lng ang pasok ng mga grade 1 sa hapon kaya ang kapatid na babae ni hubby nagbabantay nalang para makatipid sa pamasahe. 3 silang grade 1, anak ng kapatid na babae ni hubby, si bunsuan, at isa pang anak ng isa pang kuya ni hubby. Kaklase ni bunsuan ang anak ng kuya ni hubby habang ibanh building naman ang anak ng kapatid nyang babae. Tumambay kami sa open gym at ng natanaw na namin na nagpapapila na sa labas ang teacher ng mga bata indikasyon na uwian na at ihahatid na sila sa gate ay lumapit na kami sa room. Naghihigpit na rin amg school nila bunsuan sa mga sundo. Pero nung nakita ako ng dalawang bata ay tumakbo sila saken. Nakita rin ako ni teacher pero first time ko lang susundo kaya akala ko ay sisinuhin pa ako ni teacher o iinterviewhin pa. Sabagay ay hindi naman sasama ang mga bata sa hindi nila kila kya siguro kampante rin si teacher at hinayaan na kming makaalis. Naawa naman ako sa dalawang bata kya kinuha ko ang mga bag nila at nilagay sa tig isa ng balikat ko. Kaya lang hindi ako nakalakad ng maayos. Ang bigat pala ng mga bag nila. Tig 7 notebooks lang ang laman ng mga bag nila pero nahirapan na ako. Halos isang room lng din ang haba ng nilakad ko na bitbit ang mga bag nila pero yung lakad ng dalawang bata hindi ko pa mahabol. Sinalubong naman kmi ng kapatid na babae ni hubby at knuha na ang isang bag n dala ko kaya bag nalang ni bunsuan ang bitbit ko hanggang sa makarating kmi kay hubby. Dumaan pa kami ni hubby at bunsuan sa plaza para magmeryenda. Pagkauwi sa bahay ay sobrang nahapo ako at gusto ko ng matulog. Pero hndi naman ako nakatulog dahil biglang kumirot ung loob ng tahi ko. At sumakit din ang ulo ko. Nagpabili ako ky hubby ng biogesic at uminom din ako mg pain reliever. Nasermunan din ako ni hubby dahil nga nagbuhat ako kahit bag lang ni bunsuan. Bawal pa talaga akong magbuhat at mabilis pa rin akong mapagod. Pangatlong linggo ko palang mula ng maoperahan ako. Hindi pa rin pala ako totally nakakarecover.
No comments yet