Last shift ng night shift ni hubby ng Sept.30. At dahil wala pa ring kuryente sa amin ay isinama nya kami ni bunsuan sa work place nya. Solo duty lang kasi amg mga guards sa substations. At dahil mabait naman daw ang karelyebo nya at ang nakamonitor sa cctv nila ay okay lang naman daw. Sarap ng tulog ni bunsuan pano ba naman kasi ay naka aircon pa sya ngayon. Feel na feel nya. Sana talaga pag uwi namin mamaya may kuryente na para mahimbing naman kami makatulog lalo si hubby. October 1-15 kasi ay 2pm to 10pm na si hubby. Pagod na nga sa work ay hindi pa makakatulog ng maayos dahil sa init. Hindi rin pala biro ang trabaho nya dito sa substation ng electric cooperative. Kada may bibigay na feeder (ibig sabihin may area na nawalan ng kuryente) ay kumakalabog ang machine nito. Kahit anong himbing magigising talaga...bukod itong si bunsuan talaga tulog na tulog.
No comments yet