Sarap talaga sa pakiramdam kapag pinapahalagahan ka ng partner mo at pinapahalagahan nya ang mga requests mo. Well half meant joke ko lang naman ung sinabi ko nung isang araw na baka naman pwede kaming sumama ni bunsuan kay hubby. Kasi naman ilang araw ng walang kuryente sa bahay namin dahil kay bagyong karding, pang 5 days ng Sept.30. Nung gumagayak na si hubby sabi nya sa akin, o gayak mo na dadalhin nyo (ni bunsuan). Aba hanggang tenga talaga ang ngiti ko. Hindi ko naman kasi inexpect na isasama nya talaga kami sa trabaho nya. Sekyu si hubby at solo duty sila lagi. Substation ng electric cooperative ang dinudutyhan nya. Sarap ng tulog ni bunsuan, aircon kasi. Kami ni hubby nagigising kapag may feeder na bumibigay. Ibig sabihin kasi may area na nawalan ng kuryente at kumakalabog ang mga machine ng mga feeder. First and last na sama ko naman siguro ito ng over night kasi 1 week na lang natitira sa bakasyon ko from open operation. Malapit na rin ako magbalik ulit sa trabaho ko. 2 months worth ng paperworks ang hahabulin ko para double icheck at ifile.
1 comment
Kakatuwa naman sis si bunso :)