read.cash Log in
@santiagorhie

Si hubby na laging curious sa mga foreign phrases napasearch pa sa meaning nitong "in aeternum te amabo". Latin pala ito at may ilang english meanings tulad ng "i will love you forever", at "my love for you will stay forever". Dahil jan ay ito ang napili kong gawing profile picture sa facebook account ko. Solb kaming pareho sa pinuntahan namin at napakaganda pa ng nadaanan namin. Lalo ung express way na madadaanan mo ang New Clark City mula San Jose Tarlac papuntang Bamban Tarlac. Natest naman ni hubby ang limit ng puso nya sa motor at umabot kami ng 103kmh. Gusto ko pa sanang mas mabilis pa. Siguro kung ako ang may hawak ng silinyador mas napataas ko pa. At yun ang dahilan kung bakit hindi pa ipinagkakatiwala sa akin ni hubby yung service nyang Nmax. Kaskasera daw kasi ako. Yung service kong Mio average takbo ko na ang 80-90kmh regular na araw. Kapag malelate na ko nakaka 95-100kmh na rin ako pero madalang ko lang gawin naman. Tinanong ko si hubby kung nasiyahan ba sya sa pinuntahan namin? Oo naman daw. Pero kung babalik pa kami? Hindi na okay na daw yun at napuntahan naman na namin. Bakit? Tagaroon kasi ang ex ko bago kami naging kami. Dun pinakathreatened si hubby.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.