read.cash Log in
@santiagorhie

Dumating narin sa wakas! Isa sa pinakahihintay namin ni hubby. Kasi 3 cp namin, kanya, sakin, kay bunsuan, pero 1 charger lang ginagamit namin 3. Nakakatakot na rin gamitin kc nakikita na ung itim sa loob ng cord malapit sa isinasaksak sa cp. Kada magagalaw rin o namamali ng pwesto ang cp na nakacharge ay nahihinto sa pagcharge. At dahil mukhang bibigay na tlaga ang cord ni hubby ay umorder na ko sa shopee. Vivo ang cp ni hubby, kami naman ni bunsuan ay oppo. Pero nasa 500 more or less ang orig oppo/vivo pag galing sa official store nila. Ayoko naman ung class A na wala pang 100pesos kc baka short span lang ang usage o kay baka ung matyempuhan ko ay umuusok. Sa Bavin Official Store ako umorder. Inorder ko noong 9.9 kaya nakadiscount pa. Isang set na charger at isang 1m cord ang inorder ko at ang binayaran ko 181 lang pati na shipping fee. Sinubukan ko agad ung cord. Ang ganda ng cord at makapal. Sana pala 2 cords na ang inorder ko, isang 0.5m pa pala sana para sa powerbank, kasi sensitive din ung cord ng Rapoo powerbank ko pag nagagalaw. Pero itong Bavin cord mukhang maganda. Sinubukan ko sunod iyong charger set. Mahigpit sya at mukhang ngang fast charger talaga. 9% ang cp ko ng icharge ko sa Bavin charger at pagkalipas ng isang oras ay nasa 56% na ito. Bumagal din malobat ung cp na chinarge ko. Inaassume ko talagang nasiksik ung battery ng cp ko sa tagal malobat kumpara sa dating charger nya! Ung quality ng charger at cord ay maganda rin! Tingin ko magtatagal din ito, at shempre depende pa rin naman sa gumagamit ang itatagal ng mga gamit. Kapag nasira ito, ganito ulit ang oorderin ko. Satisfied ako lalo don sa nakasama ng velcro na pangsinop sa cord.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.