Finally napatulog ko rin si bunsuan. Nabihisan ko pa sya ng pajama habang tulog. Nakalimutan ko kasi syang bihisan nung gising pa sya. Friday na bukas at may PTA meeting pa ang buong school nila ng 2pm. Ano kya ang isusumbong ni teacher sa akin na ginawa ni bunsuan sa school? Nung sinundo sya ng tita nya minsan ang sumbong sa akin ay tinapok nya sa noo yung isang kaklase nyang lalaki na niloloko sya. Nung minsan naman ay pinaikot ikot nya daw ung isang kaklaseng lalaki ulit na nakikipagbiruan naman daw sa kanya. Take note na babae si bunsuan ha. Isang beses naman tito nya ang sumundo sa kanya ay isinumbong daw sya ni teacher na after ng recess ay natulog daw sya sa upuan nya. I hope mag improve si bunsuan. Kaya nga mas pabor na rin ako sa face to face classes para totoong teacher na ang magtuturo ng mga lessons. Sana talaga maharness ni teacher ang talino at abilidad ni bunsuan. Ineexpect ko na mag improve sa academics si bunsuan. Sa writing at listening wala syang problema pero sa speech hindi sya ganoon ka active. Namimili sya ng kinakausap at mas madalas na mood nya ay ayaw nyang makipag usap. Kaya nga tuwang tuwa kami pag nakikipag monologue sya sa mga pinsan nya, kila ate chloe at ate alyssa. Nakakatuwa rin naman kapag sa mga tita nya sya nakikipag usap kaso mas madalas kc umienglish sya. At pag nagtatagalog sya ung dila nya parang palipit. Medyo hirap sya magtagalog pero smooth naman sya sa english, with accent p nga. Siguro sobra na sya sa youtube...
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet