read.cash Log in
@santiagorhie

Ikapitong araw makalipas manalasa si bagyong Karding. Wala pa ring kuryente sa gawi sa amin. Ilan na lang kami sa kakaunting hindi pa natutugunan ang pangangailangang magkailaw. Nasanay na rin sila hubby at bunsuan na matulog ng walang bintilador. Nakakamiss na rin ang maliwanag na gabi. Hindi na rin kami updated sa mga sinusubaybayan namin sa telebisyon. Miss ko na ang netflix. Hindi rin ako makalaba ng maayos dahil nakakapagod magkuskos, magkusot, magbanlaw at magpalipit ng mga damit. Balewala rin ang downy. Kapag isinampay sa loob ng bahay hindi rin matuyo tuyo dahil maghapon nag uulan. Miss ko na ang automatic washing machine namin. Kabisado ko na rin ang magsaing sa kalan. Pati pagpapakulo ng tubig namin ngayon pangkape o pangligo sa kalan na rin pinapakulo. Ang haba na ng pahinga ng aming rice cooker at electric kettle. Ang sabi sa update sa eskwelahan nila ate kelin at bunsuan may klase na ulit sa isang araw. Kaso ay hindi pa plantsado ang uniporme nilang mag ate. Huling linggo ko na ng bakasyon ngayon pero mukhang hindi ko pa masusulit kung ganitong matagal kaming bago magkakuryente ulit. Sana bukas, kahit sa hapon na, ay magkakuryente na rin kami.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.