Pagkaraan na pagkaraan ni bagyong Karding ay idineklara agad na isa sa mga lugar sa Pilipinas na under state of calamity ang lalawigan ng Nueva Ecija. Pero hindi pa ata updated si SSS sa mga lugar na nasalanta ni bagyong Karding. Ayon naman sa aming opisina ay aprubado lahat ng magfafile sa amin ng calamity loan. Kapag updated na si SSS at pwede na kami makapagfile ng calamity loan ay magiging pang 3 ko na itong loan. Malaki laking bayarin din ito sa loob ng 2 years lalo at kakasimula ko palang noong August sa Pagibig 1st time multipurpose loan worth 8k at SSS 2nd time salary loan worth 20k. Bukod sa calamity loan na ito ay may sickness benefit pa kong hihintayin. Saktong isang buwan na ang nakalipas mula ng maoperahan ako ng bato sa apdo ngayong araw. Pero kahapon palang naisumite ng opisina namin ang application ko para sa sickness benefit ko na 45 days ang sakop. 1 to 2 months pa ata ito bago dumating.
No comments yet