Magandang araw mga kaibigan....
Mga kaibigan hindi nyo ba napapansin ang inyong mga kapaligiran o paligid...hindi ba ang dumi na ng hangin lalo na sa mga syudad gaya ng NCR dahil sa polusyon...tapos pati mga ilog natin ay marumi na rin tsk tsk tsk..
Alam naman natin na Hindi masama ang paglago at pagunlad ng isang bansa,o natin at malayo na rin ang ating narating tama po ba...pero tingnan nyo po ang epekto nito gaya ng mga tubig sa karagatan na dati ay kulay asul sa kagandahan pero ngayon nagiging itim na po...yan po nagiging epekto ng dahil sa mga makina ng mga pabrika na nakakasira o nakakapolusyon sa hangin ....
kaya kung nais mo na makalanghap ng sariwang hangin maliban sa mga malalayong probinsya na maayos pa ay sa langit mo na ito malamang matitikman....
Yung mga batang ngayon lang isinilang sa mundong ito meron pa po kaya silang mga puno na pwedeng akyatan o mga malilinis na ilog na pwedeng languyan???
Bakit di natin pag aralan pagisipang mabuti yung uunlad ka pero yung hindi nakakasira sa ating kalikasan,o kapaligiran para mapanatili po ang mga natitira pang maayos nating kapaligiran ..
Baka dumating pa ang panahon na yung mga ibon ay wala ng madapuan dahil yung mga gubat at puno ay unti unti ng nasisira at namamatay dahil sa ating kapabayaan....
Hihintayin pa ba nating mangyari yun dahil lang sa kagustuhan umunlad?????
Dapat natin pangalagaan ang ating kapaligiran dapat ma maintain natin Ang cleanliness tsaka Yung mga plastic ay I recycle natin