first love-part3
Hindi ko akalaing makalipas ang apat na taon ay naaalala parin niya ako at ang pangako niya.Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumakbo ako palayo sa kanya.Deretso ako lumabas ng gate at hindi ko na hinintay si bff.Umuwi nlang ako para makaiwas sa kanya.Mag isa sa kwarto.Habang nakahiga.Malalim ang iniisip ko.At walang ibang laman ang isip kundi si Carlos.Hindi ako makapaniwala.Paano bukas?dun din pala sya pumapasok?ano gagawin ko?.Ang daming tanong sa isip ko."Bahala na!".Kinabukasan,sabay kaming pumasok ni bff na medyo nagtatampo pa dahil iniwan ko kahapon.Hahaha.Bahala ka dyan.Magkaibang course ang kinuha namin ni bff.Journalism ako while Education sa kanya.Hindi talaga ako mapalagay,laging lingon ng lingon na para bang may kinatatakutan.Pero nirelax ko ang sarili ko at "Bahala na nga".Natapos ang araw na hindi ko nakita si Carlos.Nakahinga rin ng maayos.Forwarded.Almost 2 months sa college.Okay lang naman pala ang college life.At okay rin kasi simula nung enrollment hanggang ngayon di ko na sya nakikita."Baka nananaginip lang ako nun".Natawa ako sa naisip ko."panong nangyari yun?nanaginip na mulat na mulat ang mata?:.mas lalo tuloy ako natawa sa naisip ko."Ang ganda mo pag nakangiti."Nabigla ako at napalingon.Para akong na.freeze,hindi makagalaw."Ano ba??!bakit ba ang hilig mong mang gulat?!".pagalit na sabi ko."masyado ka kasing naka focus sa imagination mo kaya lagi kang nagugulat".sabi ni Carlos."anong paki mo?:.sabi ko. "sandali nga lang,nung highschool pa tayo,sobrang lakas ng loob mo nung nag confess ka sakin.at para kang aso sa sobrang amo.ngayon ang tapang mo,hindi naman kita ina.ano ah".sabi ni Carlos. Sabi ko naman "tseee!!"sabay tayo at lakad palayo.Nawala na sya sa paningin ko.After nun hindi ko ulit sya nakita ng ilang araw.Almost a month din.Habang nasa loob ng classroom,nagbabasa lang.Walang lesson nun kasi wala si teacher.kaya nasa loob lang kami ng room binigyan ng lessons to read.Biglang nagsigawan ang mga classmate kong babae habang nakatingin sa may bintana.Tapos tinignan ako at tinukso."Ang sweet namn ng boyfriend mo".sabi ni classmate.Nanlaki ang mata ko."Anong boyfriend??eh wala ngang nanligaw sakin boyfriend pa kaya?"sabi ko."eh ano tong nasa labas?tingnan mo nga".sabi ni classmate.tumayo ako at tinignan.Na shock ako sa nakita ko,may lalaking nakatayo sa labas at may hawak na malaking papel na may nakasulat na "DATE TAYO MAMAYA ANA HAH!".
Please like po..
first love-part2
Masyado akong nagulat sa sinabi niya.Liligawan niya ako?.Hindi ko akalaing yun ang sasabihin niya.Kaya parang nagkaroon ako ng pag asa.At mas lalo ko pang pagbubutihin ang pag aaral ko dahil alam kong may naghihintay sa akin sa dulo.Syempre ang pinaka inspirasyon ko ay ang magulang ko.Pakilig moments lang po si crush😊.hehehehe.Dumaan ang ilang taon.Natapos ko ang highschool with honors.Bawat school year kasali ako sa top10.Syempre pinagsusumikapan ko rin na magkaroon ng high grades para hindi naman madiscourage ang parents ko.Hindi nawala sa isip ko si Carlos pero hindi na rin ako nag.expect na magiging totoo ang sinabi niya."Nakalimutan na siguro ako nun" sa isip ko.Ipagpatuloy ko nalang ang nasimulan ko.Magsumikap sa pag aaral para sa magulang ko at sa sarili ko narin.17years old na ako nung grumaduate ako ng highschool.Syempre pagka.graduate hanap agad ako ng school sa college na papasukan ko.Journalism ang kinuha kong course dahil dun ako magaling.Nakapag.enroll na ako kasama ng bff ko nung elementary at highschool.Unang araw ng pasukan sa college.Hindi katulad nung sa highschool na ang sasaya ng mga students.Dito parang pressured ang mga mukha😂.Nakaupo ako sa isang table malapit sa garden habang naghihintay sa bff ko.Naaliw ako sa mga nag gagandahang makukulay na bulaklak.Hanggang sa binangga ng hangin ang mukha ko at napapikit ako.Ang sarap sa pakiramdam.Ang presko ng hangin.Biglang may narinig akong nagsalita."Baka makatulog ka niyan."Napalingon ako sa nagsalita.Nagtaka ako,hindi ko siya kilala.Pero parang familiar ang mukha at tindig niya.Binalewala ko siya.Binaling ko ang tingin ko sa mga bulaklak."Hindi ko akalaing lalaki ka ng ganyan kaganda.".Tiningnan ko ulit sya na may pagtataka.kilala ba ako ng lalaking ito?Ang tikas ng tindig niya.Makisig ang pangangatawan.Ang gupit ng buhok niya ay parang gupit ng sundalo o pulis.At gwapo din sya.Ang sarap halikan ng labi nya.Hahahaha."Baka matunaw ako sa tingin mo."Kinompronta ko siya"sino ka ba?!"."pwedi ba hwag ako ang pagtripan mo!marami pong mga babae dun ohh,na mas kikiligin sa trip mo."Tumayo ako at naglakad palayo sa kanya.Bigla syang sumigaw "hindi mo na ako naaalala?nakalimutan mo na ba ang pangako ko sayo noon?".Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad."Diba sabi ko noon pag natapos ka ng highschool liligawan kita!!!".Napahinto ako.Biglang uminit ang tenga ko na dumaloy sa lahat ng bahagi ng katawan ko.Napalingon ako sa kanya at tinitigang mabuti."oo nga,sya yun.kaya pala familiar ang mukha niya.paanong naaalala parin niya ako hanggang ngayon?talaga bang pinanghawakan niyang mabuti ang pangako niya?Hindi ba ako pinagtitripan ng lalaking to?".Sa isip ko.
please i.like niyo po ito with comment narin po..abangan ulit maya maya ang continuation ng story ko.😊
first love
Unang araw ko sa highschool nun.Medyo naninibago pa ako sa skwelahang pinasukan ko kasi first time kong makatuntong sa skwelahan ng highschool.Pero sobrang excited din akong makakilala ng mga bagong kaibigan at kaklase.Nung araw na yun kasama ko ang bff ko na elementary palang ay kaklase ko na at lagi ko ring kasama.Habang busy sa pakikipagsiksikan dahil tinitignan ko ang pangalan ko kung saang room ako,may biglang umagaw ng atensyon ko.Isang matangkad,medyo payat,fluffy hair at gwapong lalaki ang umagaw sa atensyon ko.Ang excitement na nararamdaman ko ay nahaluan ng kaba at nerbyos."Sino kaya ang lalaking ito ?"sa isip ko."Carlos!"narinig kong may tumawag sa kanya.Carlos pala ang pangalan niya.Pangalan palang ang gwapo na.Kinilig ako.Natapos na ang unang araw sa klase,pero laman parin ng isip ko si Carlos.At naisip kong may pagtingin na ako sa kanya.Natawa pa nga ako sa sarili ko kasi first day of highschool life may crush na ako agad!.Pero hindi ko akalaing sa pagdaan ng mga araw ay mas tila lalong lumalim ang paghanga ko sa kanya.Sa bawat araw na papasok ako sa klase ay sya ang naging inspirasyon ko.Hindi ko magawang mag absent dahil para sakin hindi kompleto ang araw ko kung hindi ko siya makikita.Kaya lagi akong ganadong pumasok sa klase.Di kalaunan ay nalaman rin ng mga kaklase ko na crush ko sya kaya nga hindi ko maiwasang kiligin pag tinutukso nila ako.Sa sobrang bilis ng panahon di ko namalayang malapit na palang matapos ang first year ko sa highschool.Masyado akong nalungkot ng panahong yun dahil ang pagkakaalam ko ay gagraduate na si Carlos dahil sya pala ay 4th year student.Wala pang k-12 nang panahong yun.Hindi ko lubos maisip kung paano na ako kapag hindi ko na sya makikita.Eh sya ang inspirasyon ko para ganahan ako sa pagpasok araw.araw.Dumating na ang graduation day.Kaya nung araw ding yun nagpasya akong aminin sa kanya ang feelings ko for him."Gusto kita" .Nabigla sya sa sinabi ko.Hindi sya umimik.Tiningnan nya lang ako.Parang nagtataka o hindi naniniwala dahil ang bata ko pa para magkagusto diba?.13 years old pa nga pala ako nun."Ang sabi ko gusto kita!".Bigla syang ngumiti tapos nagsalita."Alam mo,hanga ako sa tapang mo.sa liit mong yan nagawa mong mag confess sakin.Walang masama kung may nagugustuhan ka man.Pero ilagay mo sa lugar.Kung ako sayo bata,unahin mong atupagin ang pag aaral mo.At pag natapos ka na ng highschool,magpapakita ako ulit sayo para ligawan ka."Masyado akong nagulat sa sinabi nya,at halos lumuwa na ang mata ko dahil sa hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko."Liligawan nya ako?"Sa isip ko.
para sa continuation ng story,i like nyo lang po ang article na ito at mag comment na rin po kayo.Salamat.
kaya kitang hintayin
."kaya kitang hintayin hanggang sa mkatapos ka ng high school,sana ganun ka rin sakin." halos hindi ako makahinga sa sinabi niya.hindi ko lubos maisip na yun ang sasabihin niya..sa sobrang bigla ko hindi ko namalayan na umalis na pala siya..Simula noon,nag.pursige akong mag.aral araw.araw..siya ang naging inspirasyon ko para magsumikap..dahil bata pa ang isip ko,wala akong ibang hinangad at pinang.hawakan kundi yung sinabi niya..dumaan ang maraming araw,buwan at taon..nagkaka.crush man ako sa ibang lalali,pero iba parin talaga ang nararamdaman ko sa tuwing iniisip ko siya..hindi ko alam pero talagang ganun nalang kalaki ang pagtingin ko sa kanya na hanggang sa maka.graduate na ako ng highschool ay siya parin talaga laman ng puso at isip ko..never ko na siyang nakita simula nung huli naming pag.uusap..pero malinaw na malinaw ko paring nai.imagine ang mukha niya..kung gaano sya ka.gwapo kapag ngumiti..lagi kong hinihiling na sana isang araw makita ko siya ulit ..enrolment na nun sa college..BSEd ang kinuha kong kursO..kasama ko ang childhood bestfriend ko sa enrolment..ilang araw lang ang nakalipas pasukan na namn ulit..first day of school sa kolehiyo..sobrang daming students..kahit saan ka lumingon ang daming ibat ibang klase ng tao..umupo muna ako sa isang bakanteng upuan sa may garden habang hinihintay ko si bff na may inaasikaso sa requirements niya..nilibang ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro nang may biglang nagsalita."long time no see." napalingon ako sa may.ari ng matipunong boses na yun..nabigla ako,kilala ko siya,medyo may nagbago lang sa itsura niya pero alam kong siya yun..biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko..lalo na nung tumabi siya sakin sa pag.upo.."so,pwedi naba kitang ligawan ngayon?nkatapos kana ng highschool dibA?"..
.just wait for the next ep...
highschool crush
It was my first day in highschool as a first year student,kasama ko palagi bff ko since elementary pa ako..sa dinami rami ng mga studyante nun,isa lang talaga ang naka agaw ng atensyon ko..nag iba yung pakiramdam ko nung nakita ko syang nakatawa kasama mga kaklase niya..at napagtanto kong ganun pala ang pakiramdam ng humahanga sa isang tao na sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman..di nagtagal nalaman ko pangalan niya at kung anong year na siya,syimpre nag imbestiga ako..😊😊..fourth year highschool na pala siya..lumipas pa ang maraming araw,mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya..di nagiging masaya ang araw ko kapag di ko siya nakikita..mas gusto ko pa ang school days kaysa weekends kasi school days ko lang siya nakikita..naisip ko ganito pala talaga kapag nagkakagusto kana sa isang tao..noon tinatawanan ko lang mga kaibigan ko kapag kinikilig sila sa mga crush nila,ngayon nkikipag sabayan na ako sa kiligan moments namin..di ko napansin na malapit na pala mag end ang shool year..huli na nang ma.realize kong graduating pala ang crush ko..masyado akong nalungkot kasi di ko na siya makikita ulit pag balik klase na..kaya bago pa siya umalis ng tuluyan sa school namin,nag lakas loob akong magtapat sa kanya ng feelings ko..akala ko mabibigo ako.pero nabigla ako sa sinabi niya. "kaya kitang hintayin hanggang sa mkatapos ka ng highschool,sana ganun ka rin sa akin."
i will post the second episode next day...
away-bati
sabi ng karamihan,pag ang isang relasyon daw ay walang away at tampuhan,,boring daw.kaya siguro hanggang ngayon kami parin magkasama ng asawa ko dahil walang buwan na hindi kami nag.aaway..halos buwan buwan meron kaming away at tampuhan.minsan kahit konting bagay lang ang pinag.aawayan,nauuwi sa mas matagal na walang imikan.pero hindi ibig sabihin na hindi ko na minamahal ang asawa ko katulad noon kung paano ko sya minahal nung una plang kami nagkakilala.para sakin,mas lalo ko pang minahal ang asawa ko at patuloy ko syang mamahalin dahil alam ko na sya talaga ang para sa akin.
mapagmahal na ina
sobrang laki ng bilib ko sa aking ina dahil nataguyod nya kaming lima na magkakapatid ng maayos syempre nang dahil na rin sa suporta at pagmamahal ni papa.pinalaki nya kami na may takot sa Diyos,mapagmahal sa mga kapatid at matapang na tao.hanggang ngayon sobrang bilib ako sa kanya.masyado akong mapala na sya ang naging ina ko.dahil hanggang ngayon na may sariling mga anak na ako,lagi pa rin nya akong sinusuportahan.hindi pinababayaan.laging inaaalalayan sa pag.aalaga sa mga anak ko.sa kanya ko nakuha ang mga magandang paraan sa pagpapalaki ng mga anak.kaya ang tanging hiling ko sa Poong Maykapal na sana ay bigyan pa ng napakahabang buhay ang aking ina pati na rin ang aking ama.dahil para sakin sila ang pinakada.best na magulang sa buong mundo.
being a mom
I am so happy that i have kids to take care and gave them a unconditional love.Their smile is the greatest thing that completes my day.I love my children more than i love myself because they are my world.