read.cash Log in

@Mhean

Joined 15 June 2020 · 14 posts

120 KT

0 KT Β· 1Β’ received · 0 KT given

Posts

M@Mhean

Fishball Dati-rati madalas ako kumain ng fishball dahil madalas ako sa bayan ngunit nung nagkaroon ng pandemic bihira ko na ito makain dahil hindi na ako makapunta lagi sa bayan . Sa aming barangay ay walang nagtitinda nito kaya nakakamiss talaga ang pagkain nito. Sino nga ba naman ang hindi makakakain nito eh isa ito sa pangmasang pagkain ng pinoy dahil mura na, masarap pa, sa halagang sampung piso ay mabubusog ka na, lagyan mo pa ng sauce at kaunting suka na may sili ay talagang solve ka na. Tunay nga talagang hahanap-hanapin mo ang pagkain ng fishball. Mapabata man o matanda ay kumakain nito, isa sa street food ng pilipinas. Pero bakit nga kaya sa tagal ng panahon ay 50 cents parin ang presyo ng fishball? Kahit dumaan ang panahon ay nananatiling mura parin ang fishball, siguro ito na lang ang hindi nagmamahal na pagkain sa ngayon. Sana ay hindi din magbago ang presyo nito para abot kaya ng lahat dahil isa din ito sa abot kayang presyong pangmeryenda ng mga tao. Isa din ito sa paborito ko, siguro ay bibili na lang ako sa palengke para iluto ko na lang dahil nagcracrave talaga ako dito,gagawa na lang ako ng masarap na suka na may siliπŸ˜‹πŸ˜‹πŸ˜‹

M@Mhean

Scam Marami sa atin ang naghahangad kumita ng pera ngunit dahil sa kagustuhan nating kumita ay nalalagay tayo sa isang sitwasyon na hindi natin inaasahang hindi maganda. Aaminin ko na ako ay nascam ng ilang beses at kahapon lang ay nascam na naman ako pati na ang aking mga kamag-anak dahil sa pagtitiwala sa tao na kapwa kamag-anak din kaya kahit kamag-anak mo ay pwede ka ding maloko kaya ito ay aral na sa amin na huwag basta-basta magtiwala at wag din magpadala sa sinasabi nilang kikita ka ng ganun-ganun na lang dahil gaya ng sabi ng nakakarami na walang easy money, ang lahat ay pinaghihirapan. Ngunit sa kabila ng biktima ng pangsscam ay bago kami mag-invest ay inisip na din namin ang sakaling mangyari kaya kami ay naging mautak kahit paano dahil bago kami mag-invest inisip na din namin na baka ito ay scam kaya ang ginawa namin ay nag-invest kami at yung tinubo ay yun din ininvest namin at kinuha namin ang puhunan kaya nung nalaman namin na scam na ay patas lang ang nangyari dahil nasa amin na ng mother ko ang puhunan ngunit kabaligtaran naman sa aking ibang kamag-anak dahil hindi nila nakuha ang kanilang puhunan kaya ngayon sila ay malungkot at umaasang mababalik pa ang kanilang pera pero kung hindi man ito mabalik ay sana mabigyan ng parusa ang mga nasa likod nito, wala na sanang mabiktima pa.

M@Mhean

Gastos sa Covid-19 Aminado ako nung una na hindi ako basta naniwala na malaki ang magagastos sa covid-19 pero ganun pa man, ako naman ay nag-iingat para sa sarili ko. Hanggang sa nitong nakaraang araw ay mayroon ulit nagkaroon ng covid sa aming barangay at dinala ito sa private hospital. May nagkwento sa mother ko na umabot na sa pagbebenta ng lupa ang kaanak ng pasyente ng covid-19 at nakonpirmang totoo talaga ito dahil kaibigan pala ng mother ko ang bumili nito. Napaisip lang ako na paano kung walang lupa o ari-arian ang tamaan nito? Mas lalo siguro mahihirapan kaya huwag na nating antayin na sa atin ito mangyari dahil hindi lang pagkapahiya, mahirap na karamdaman na maaari pa nating ikamatay at pagkakaroon ng malaking gastos sa pagpapagamot nito bagkus ay magdoble ingat na lang tayo at maging maarte sa panahon ngayon dahil hindi ito biro. Isa isangtabi muna natin ang kagustuhang gumala at magkaroon ng kumpulan sa panahon ngayon. Kung kinakailangan namang lumabas dahil sa trabaho ay magdoble ingat din sa nakakasama sa trabaho dahil marami ngayon na sa katrabaho nahahawa. Huwag kalimutan ang mga paalala sa atin upang hindi tayo makadagdag pa sa bilang ng kaso ng covid-19. Manalangin din tayo sa Diyos at humingi ng kapatawaran kung tayo man ay may pagkakasala o nakakalimot na sa kanya. Hilingin natin na sana ay matapos na ito upang makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay.

M@Mhean

Hello po, tanong lang, bakit po kaya pag nag-aadd lead image ako, hnd ko maupload yung image na gusto ko ilagay? Salamat sa sasagot.

M@Mhean

Lucky Me Pancit Canton Soy Sauce Sino-sino ba dito yung nakanood ng video ng pansit canton soy sauce na nagtrending yung merong bubog daw sa loob ng toyo. Well, sabihin ko po sa inyo ang totoo. Yung video po na yun ay naishare ko din sa aking mga friend at kamag-anak dahil sa pag-aakalang totoo nga yung nasa video pero nung naipasa ko siya sa pinsan ko, ang sabi ng pinsan ko ay asin daw yung parang bubog sa toyo ng pancit canton kaya ang ginawa ko tiningnan ko yung plastic na pinaglalagyan ng toyo at nakalagay pala dun na minsan ay nagbubuo-buo pala talaga ang toyo dahil meron siya asin dulot ng paiba-ibang panahon. Muntik na sana ako hindi kumain ng pansit canton dahil sa napanood ko na video pero buti at sinabi ng pinsan ko na asin lang pala yun kaya wag magpapaniwala agad-agad sa pinapakita sa video, basahin muna ang nakasulat sa pagkain bago manghusga. Sana malaman din nung mga nagvideo na mali pala ang pagkaintindi nila dito. Mahilig pa naman ako kumain ng pansit canton dahil bukod sa madali lutuin ay masarap ang lasa na hahanap-hanapin mo pero wag din lagi kumain nito dahil masama din naman sa kalusugan kung dadalasan mo.

M@Mhean

Turon Sino pa nga bang pilipino ang hindi nakakaalam sa pagkaing ito. Mapabata man o matanda ay alam ang pagkaing ito dahil kahit saan ito makikita dahil sa dami ng nagbebenta nito. Kanina lang ay nakaisip ako magluto nito dahil marami kaming saging ngayon, binigyan kasi kami ng aking pinsan ng maraming saging galing sa kanilang taniman. Napakadali lang lutuin ng turon. Kahit sino yata ay alam itong lutin kaya hindi ko na ilalagay dito kung ano mga sangkap. Kung mas gusto nyo ang mas masarap na turon, lagyan nyo na din ng langka para lalong sumarap.

M@Mhean

Tanong lang, may matatanggap pa po ba na points pag nagsulat ng article? Salamat sa sasagot.

M@Mhean

Disiplina Karaniwang tao ngayon ay nakakalimutan ang salitang "disiplina" kaya naman nagdudulot ito ng hindi magandang bunga. Kung ang bawat isa sa atin ay may disiplina, malamang katulad din tayo ng mga bansang kakaunti ang kaso ng Covid-19. Ito lang ang paraan para maiwasan din nating mahawa sa lumalaganap na sakit ngayon ngunit kabaligtaran ang nangyayari dahil marami ang pasaway kaya lalong dumadami ang mayroong may sakit na ganito. Ang sabi nga, nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa kaya sikapin nating magkaroon ng disiplina upang hindi tayo basta mahawa, kasama ang pananalangin natin na huwag mahawa at sabayan ng pag-iingat. Sana lahat sa atin ay ganito ang isipin upang matapos na din ang krisis sa ating bansa at sa iba pang mga bansa. Alam naman natin na mahirap lang ang ating bansa kaya hindi kayang mabigyan lahat ng ayuda. Ang tangi lang talaga nating magagawa ay sumunod na lang sa mga ipinagbabawal ng gobyerno kaya bawal ang pasaway. Nasa ating lahat ang susi upang matapos na ito. Ugaliing magsuot ng mask, maghugas ng kamay o alcohol at huwag dumikit sa tao upang hindi basta mahawa. Kung tayo ay hindi nag-iingat at tayo ay nahawa, wala ng kasalanan dyan ang gobyerno. Huwag na tayo dumagdag sa kaso na mayroong covid upang lahat tayo ay mayroong masayang pamumuhay dahil hindi din biro ang magkaroon nito, bukod sa sakit na iniinda mo ay dagdag isipin pa ito, pwede ka pang pandirian ng mga tao. Sa dinanas ng aking kabarangay na mayroong covid,siya ay pinandirian,binubully at sinisisi ay talagang hindi magandang pangyayari ang kanyang sinapit kaya mag-ingat na lang tayo at kung pwede ay wag na lang lumabas ng bahay.

M@Mhean

Dynamite Lumpia Sino ba ang hindi pa nakakakain sa atin ng siling berde na nilagyan ng palaman sa loob na kung tawagin ay dynamite? Marahil halos lahat sa ating mga pinoy ay nakakain na nito. Ngunit ang iba naman ay ayaw nito dahil sa taglay niyang anghang. Pero ako,paborito ko talaga ito kahit pa maanghang, masarap siya lalo at isawsaw sa sauce. Pwede namang mabawasan ang anghang kung ito ay ibababad sa tubig na may sin. Kanina lang ay nakakain ako nito dahil mayroon kaming kapitbahay na nagbebenta. Mukang ok din ang tubo nya dahil sa halagang sampung piso bawat isa. Ok din pala talaga siya ibenta ngayon habang mayroong pandemic,pwede din siyang ibenta online. Nakagawa na ako nito dati at simple lang naman ang mga gagawin, hiwain ang sili sa gitna at alisin ang mga buto pagkatapos ay ibabad sa tubig na may asin, sa palaman naman, pwede din ang giniling na baboy at igigisa mo lang o kaya ay ham na may cheese, nasayo naman kung ano ang iyong ipapalaman tsaka mo lalagyan ng pambalot ng lumpia.

M@Mhean

Takoyaki Japanese food "takoyaki" Marami sa atin ay alam na itong pagkain na ito na mula sa mga hapon. Tunay nga na maraming pagkain ang impluwensya nila sa atin tulad na lang ng takoyaki. Ngunit kahit ito ay nagmula sa kanilang bansa, tinatangkilik at nagustuhan din ng iba sa atin ang pagkain na ito. Nakakabusog at nakakatakam talaga ang pagkain na ito at sa pagluluto palang ay kakaiba ang paraan ng pagluluto nito dahil sa hugis bilog ito. Iba-iba din ang timpla nito dahil mayroong vegetable o pusit ang flavor nito na nilalagyan ng teriyaki sauce o mayonaise. Marami na sa atin ang nagnenegosyo nito dahil sa pagiging patok sa panlasa ng iba sa atin. Karaniwang makikita ito sa mga mall.

M@Mhean

Tanong lang po,pag nagcash out ng funds sa read.cash, ilang oras po bago dumating sa inyo?

M@Mhean

Beach Nakakamiz magswimming sa beach at magrelax pero dahil sa merong pandemic ngayon ay bawal pa magswimming, kailangan nating sumunod para na din sa ating kaligtasan. Kaya sana matapos na itong pandemic na ito para maranasan na ulit natin magswimming. Sa ngayon hanggang picture na lang muna tayo. Naalala ko nung nagswimming kami dati sa probinsya ng tiyuhin ng friend ko na katabi nila ay beach, paggising mo sa umaga ay tabing dagat na agad ang makikita at lalong maganda pag aabangan mo ang pagsikat ng araw. Pagkatapos ay dun kayo sa tabing dagat magpipicnic habang nakatanaw sa dagat, what a nice experience! Sana maulit muli ang pagpasyal namin sa kanilang probinsya.

M@Mhean

Pancit Canton in a Cup My midnight snack for today! Lahat naman ng pinoy alam ang pagkain na to dahil bukod sa masarap ay madali pa lutuin kaya naman ito ang naisipan kong kainin sa ngayon dahil nagutom din ako sa mga oras na ito. Actually, this is my all time favorite at hindi talaga ako nagsasawa dito, hindi mawawala sa isang linggo na hindi ako makakain nito. Hindi lang din dahil pampalipas gutom pero dahil nagcracrave din talaga ako dito kaya naman nagstock na ako para hindi na bumili pa sa tindahan at good news dahil meron na din silang pancit canton sa cup na kung saan ay mas madali na kainin dahil lagyan mo lang ng mainit na tubig at pag lumambot na ang noodles ay pwede na lagyan ng seasoning then ready to eat. Mabibili siya sa mga grocery kasi sa ibang tindahan hindi sila nagbebenta nyan siguro dahil mas mahal ng konti. Pwedeng-pwede talaga to sa mga nagwowork na laging nagmamadali umalis at pwede ding baunin kahit saan na hindi na kailangang iluto pa. Kaya kung bet nyo, try nyo na dinπŸ˜‰

M@Mhean

No Bake Oreo Cheese Cake Magandang gabi! Eto pala ang aking oreo cheese cake. Natakam kayo ano? Well, madali lang naman yan gawin basta meron ka mga gamit para sa pagbabake at hindi na din kailangan ng oven dahil kahit sa ref lang pwede ilagay yan. Naisipan ko lang gumawa nyan dahil nagcrave ako sa mga nakikita ko sa ibang post at masarap siya. Pag nailagay mo sa freezer pwedeng maging ice cream. Eto pala ang mga ingredients nyan. Oreo biscuit, cream cheese, nestle cream, butter. Try nyo din. Pwede pagsaluhan ng pamilya, barkada o kahit sino. Hindi nakakaumay dahil kumokontra ang cream cheese sa tamis. Pwede din ihanda sa birthday o iba pang okasyon atleast hindi mo na kailangang bumili ng cake, sarili mo pang gawa. Need mo pala ng electric mixer para sa cream cheese at nestle cream.