read.cash Log in

@Jadeh

Joined 11 June 2020 · 73 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

J@Jadeh

Magandang Gabi mga ka read cash!! Kamusta na Po Kayo?? Mga one month din akong nawala... Hindi ko na Alam Kung anong ganap dito... Pero may pasahod pa Rin si read cash sa akin kahit small amount Lang... May naipon ako.. Thank you read cash☺️☺️☺️

J@Jadeh

Panaginip Bakit Kaya palagi Kong napapanaginipan Ang isang lalaki na naging crush ko noong college days ko? Meron kaming mutual understanding noon.. Masasabi Kong palaging my coinsidence... Pero walang kami... Kaklase ko sya SA nstp noon... Pero nong 2nd year college kmi, nag Aral sya SA Silang ,Cavite para maging SAF... Hindi ko Naman sya iniisip.. SA panaginip ko, bigla syang dumating ... Maliligo na Sana ako, pero nakita ko sya..Nakangiti...Nanibago ako sa itsura nya... May tinawag ako , Sabi ko dalhan mo ako Ng tuwalyang pantakip... May nagdala sakin Ng puting tuwalya at yon Ang ginawang pantabon... Pero bakit tumalikod ako SA kanya na pumapatak mga luha ko??? Tapos may nagtanong sakin Kung may dala ba akong gamit, Parang intermediate pad ibig nyang sabihin... Sagot ko Wala.... Ano Kaya ibig sabihin Ng puting tuwalya ?? Ang intermediate pad ay kulay puti din... Bakit ako umiiyak?? Ayaw ko na mangyari ulit panaginip ko...Nanaginip ako dati, sya Rin at kasama nyang SAF na naging kaklase ko sa nstp dati.. aatend ako SA kasal... Pero nakapulang gown ako... Lahat NG tao sa simbahan nakikita Kong nakapula at malungkot Kaya napaiyak ako ... Pero pula din Ang luha ko... After 1 or 2 weeks, nabalitaan Kong inambush Yong kaibigan nyang police ..nangyari Lang noong February ata.... Dead on the spot... May Tama sa ulo...

J@Jadeh

Nakakabagot Kelan pa Kaya matatapos itong epedemya? Para makabalik na tayo SA normal na buhay...Nakakamiss na Kasi umuwi Ng probinsya... Gustuhin man nating umuwi Ang hirap dahil maraming kailangan at Parang nakapaka delikado pa ring bumyahe... Hanggang ngayon close boarder pa Rin probinsya namin dahil maraming positive cases ... Minsan natatahimik na Lang ako, gusto ko Ng mayakap anak ko... Ang hirap pa Ng buhay dito sa maynila Lalo na pag Wala Kang trabaho... Lahat NG kilos mo kailangan mong bumili... Pag Wala Kang pera ,gutom aabutin mo... Wala pa naman kaming natatanggap na ayuda galing sa gobyerno SA loob Ng apat na buwan ... Pero tiis Lang Ng konti, pasasaan bat makakaraos at malalampasan din natin ito..Wag Lang tayong mawalan Ng pag asa... Tiwala Lang tayo sa maykapal na Hindi nya tayo pababayaan...

J@Jadeh

Brief History of Rizal Park Rizal Park was named after the name of our national hero Dr.Jose Rizal as a tribute and honor to his name.It is also called luneta park because the area looks like a present ( lunette ). The site was declared as national park on Dec.19, 1955. Built by a designer named Richard Kissling. Rizal Park is an historical urban park located along Roxas Boulevard, City of Manila, Philippines. It is one of the major tourists attractions. It is also one of the important site in the Philippines history: the execution of our national hero, Dr. Jose Rizal during Spanish era on December 30, 1896.

J@Jadeh

The Ruins in Talisay It was 19th century when Don Mariano Ledesma Lacson built his ten bedroom Italian mansion in the memory of his wife Maria Braga Lacson who died during her pregnancy in their 11th child. This Mansion is located in Negros Occidental. During world war 2 Filipino guerillas employed by Us armed forces intentionally set the building on fire in order to prevent Japanese Invaders to use the building as headquarters. After decades, they restored and reopened it to the public though the mansion has no roof, windows, interior walls and much floor divided the first and second stories. Today, the Ruins is a picturesque tourist destination. It is popular venue for weddings and other social events.

J@Jadeh

Mt.hibok hibok Isa SA mga tourist spot Ng Camiguin Ang mt.hibok hibok... Maraming turistang dumadaan at Hindi maiwasang huminto sa gilid Ng kalsada para mgpa picture.. may part Ng kalsada Doon na makikita mo Ang kabuuang view Ng bulkan.. At dahil first time ko sa Lugar na yon, medyo inosente pa ako noon... Ni Hindi ko Alam na bulkan pala yon dahil Ang akala ko Simpleng bundok Lang na may magandang tubig Ng dagat sa baba... Ito pala Ang dahilan Kung bakit my hot spring Doon...

J@Jadeh

Sunken cemetery Sinong mag aakala na Ang ilalim Ng tubig na Ito ay sementeryo pala?.. Ito Ang sementeryo noong panahon Ng mga hapon.. Tinatawag itong sunken cemetery ng mga Tao dito sa camiguin dahil SA lumipas na panahon nilamon Ito Ng tubig at naging dagat na Rin... SA sobrang Linis Ng dagat matatanaw mo Ang mga lapida .. para makatawid ka papunta sa chapel nila kailangan mo Ng gumamit Ng Bangka dahil sobrang lalim na Ng tubig...

J@Jadeh

Cedar Ang cedar ay isang SA mga tourist spot na matatagpuan sa bukidnon... Habang papasok ka SA lugar na yon mararamdaman mo agad Ang lamig SA paligid... Meron silang man made forest... Merong swimming pool na makaluma Ang istilo... Meron ding tubig galing sa batis Kung saan pwede Kang maligo Ang maglaba... Nag gagandahan mga halaman at malalaking kahoy Ang bubulaga sayo roon... Pwede kang pumunta SA gubat para mag picnic.. SA gubat na yon , Doon mo makikita nagtatandaang mga punoNg kahoy.. Estimate Ng mga taga Doon, nasa 100 years na Ang mga punong kahoy...

J@Jadeh

Old church in Camiguin Una Kong pinuntahan noong nagbakasyon ako sa camiguin ay Ang old church.. Isa SA mga tourist spot Ng Camiguin Ang old church noong panahon Ng mga hapon.. Wala ka Ng makikita SA loob, Wala na ring bubong... Pero konstraksyon Ng simbahan masasabi Kong matibay Ang pagkagawa.. binabahayan Ng lumot Ang buong dingding pero makikita pa Ang mga sulat Ng sinang unang panahon... iniingatan Ng mga Tao Ang naturang simbahan sa paniniwalang sagrado Ang Lugar..

J@Jadeh

Cloud 9 360 view Mga apat na taon na ako dito SA antipolo pero minsan Hindi pa ako nakapunta sa Isa SA magandang tourist spot dito... Palagi akong niyaya Ng mga kasama ko SA work na pumunta sa cloud 9 para maexperience ko daw Ang dumaan sa hanging bridge... Dec 25, 2019 nang pumayag ako... Noong una lakas loob pa akong pumipila habang nakatawang tumitingin SA mga nauna sakin na dumaan sa hanging bridge na naghihiyawan SA takot dahil habang papalapit Doon sa kabilang building mas lalong tumataas Ang bridge..... Kailangan tumawid para Makita Ang 360 view Kung saan makikita mo Ang view Ng lungsod.. pero bago nyan, pumasok kami SA isang kwarto kung saan Doon mo makikita Ang lahat NG antigong koleksyon Ng lungsod. Kaya nawala Wala Ang kaba ko noon Kasi nawili ako sa mga nakikita ko... Noong kami na ang nakatukang dadaan sa hanging bridge Doon ko narasaan na parang babaliktad sikmura ko SA takot... Naginginig buong katawan ko pero kailangan Kong marating Ang kabilang building at medyo mahaba haba na din Ang nalakad ko...sayang Naman Kung bumalik pa ako... Dahil kasama ko Ang mga kaibigan ko, medyo naibsan din Ang takot ko... SA wakas, narating ko din... Kailangan Lang natin na e overcome natin Ang takot na dinadaanan natin para makarating SA paroroonan..

J@Jadeh

Pakikisama Kapag nasa boarding house o staff house ka ibat ibang ugali Ng Tao masasalamuha mo... Kaya kailangan natin mag adjust... Minsan may kakasundo , minsan Naman kahit anong gawin mo Hindi talaga kayo bagay pagsamahin... Katulad ngayon, sagot Ng mga bossing Namin Ang bahay, tubig, kuryente at bigas may pa allowance pa para sa ulam magrereklamo ka pa ba? SA tatlong buwan na Kain tulog Lang Ang ginagawa mo mabigat ba magpasalamat SA mga biyayang natatanggap? SA konting pakisuyo Ng amo namin Ang bigat sa loob sumunod... Naglaro Ng bulag bulagan at bingi bingihan... Pero bakit SA ibang Tao na ngayon Lang nila nakilala isang utos Lang mabilis pa SA kidlat sumunod? Kaya Ayan tuloy, nagalit Ang mga boss... Pinag alsa balutan... Maaawa ka sa kanila na maiinis.. bakit Kasi hindi nag iisip bago gumawa Ng Kung ano ano... Syempre kapag nasa kontrata ka Ng amo mo, hawak nya galaw mo... siguro nga, iba talaga ugali nila... Kasi kami Naman ditong natira magkasundo Naman... Kaya Ayan, masaya , nagkakatuwaan, sabay kumain at Wala namang problema... Nagtutulungan sa loob Ng bahay... Yon Naman talaga Ang dapat eh, kapag nakatira kayo sa isang bubong tratuhin na pamilya Kung Sino man Ang makakasama...Sino nga ba Ang may deperensya? Sino nga ba Ang hindi marunong makisama?? Ayaw na namin patulan mga parinig nyu😂😂😂..

J@Jadeh

Linggo: malas part 4 Tumatawag Ang mag asawang doktor dahil hapon na, Hindi pa ako nakarating SA bahay nila... Hindi ko na sinasagot tawag nila... Ginawa ko, pinadala ko sa LBC Ang Susi Ng clinic at resignation letter to drop mismo sa clinic nila.. Nag message din ako SA kanila na Hindi na ako babalik dahil takot na ako SA kanila.. Ang dami nilang sinabing masasama sakin... Isa SA mga natandaan ko sinabi nila noon, siguraduhin Mong pag naospital ka, Hindi ka maadmit SA ospital na pinagtatrabahuan namin Kasi pagtatawanan ka namin... Simple Lang Ang reply ko noon... Wag Po kayong mag alala dahil araw araw ko pong panalangin na ilayo ako at Ang pamilya ko sa mga sakit... Tapos napabulong ako, Sana lahat NG masasamang sinabi mo sakin, bumalik sa inyo.... One week after Ng lumayas ako, nabalitaan Kong namatay Ang panganay nilang anak na lalaki dahil SA bangungunot siguro nasa 18 years old pa Lang nag aaral Ng medicine dito sa UST sa manila.. sayang Lang at sya Ang nagbayad sa kasamaan Ng magulang nya... Kahit papaano nalungkot ako Kasi mababait Naman mga anak nya SA akin ... Kaya wag mapanakit SA kapwa... Maging makatao... Wag mapag mataas...

J@Jadeh

Araw Ng pagtakas: malas part 3 Tapos na Ang bakasyon nila... Byernes dumating sila pagka sunod na araw balik trabaho silang mag asawa... Sabado nagpaalam ako na uuwi sa bukid para Makita ko anak ko... Pumayag sila, Ito na Ang pagkakataon na makakatakas ako... Tinapos ko Ang buong araw sa pagtanggap Ng mga pasyente.. tiniis ko gutom at uhaw na nararamdaman ko...Kasi 100 pesos na Lang pera Tama Lang pamasahe pauwi SA Amin... Feeling ko mahihimatay na ako non SA sobrang gutom ... Alas 3 na Ng hapon pero Hindi pa ako nakakain mabuti na Lang may matanda akong pasyente na naawa sakin Kasi Alam nyang Wala pa along Kain dahil ilang oras na din silang naghihintay SA doktor... Binigyan ako Ng cucumber juice na matabang at siopao.. Hindi ako umiinom Ng ganyang juice pero naubos ko yon... hanggang maubos lahat NG pasyente alas 7 Ng Gabi.. nagpaalam ako ulit na derecho na ako pauwi SA bukid.. una nag alinlangan pang Ibigay sahod ko baka daw Hindi na ako bumalik, pero Sabi Ng lalaki Ibigay na daw.. tinanggap ko sahod ... Kaya Ng gabing iyon dala ko lahat NG gamit ko... Dinala Ng katabi Kong secretary sa gas station ... Para Hindi mahalata na madami akong dala.. Umuwi ako kahit gabing Gabi na... Nagulat magulang ko noon... Pero SAbi ko Hindi na ako babalik Kasi Hindi ko na Kaya ugali Ng mga amo ko..

J@Jadeh

Plano sa pagtakas : Malas part 2 Dahil Doon sa pagbibintang Ni doktora na ako kumuha Ng pera nya nag decide ako next day na magpaalam na magresign... Pero Hindi ako pinayagan.. Una, nakatakda silang magbakasyon sa America noon at pangalawa kailangan ko humanap Ng kapalit... Paano Naman ako makakahanap Ng kapalit Kung SA ugali pa Lang nila nahirapan na ako ... Baka mamaya mapatay pa nila na hire ko pati ako madamay pa... One week silang Wala Kaya may one week din akong pagkakataon para tumakas... Pero Hindi ko magawa Kasi iniwan sakin Ang nanay nilang kakalabas Lang Ng ospital dahil na mild stroke... Wala akong choice kundi alagaan Kasi nga nauna ng tumakas ang katulong nila... Ginawa ko araw2 ko dinadala ko paunti unti mga gamit ko papunta sa clinic at ipatago sa mga katabi Kong secretary..para sa oras Ng pagtakas ko madala ko lahat NG gamit ko.. mabuti na Lang at tinutulungan nila ako... Hindi ko Kasi madala lahat NG gamit ko dahil may CCTV... Hanggang maubos ko lahat... Nag iwan Lang ako Ng gamit na masusuot hanggang tuluyan na akong makatakas...

J@Jadeh

Malas Nakarinig na ba Kayo SA kasabihang" swerte SA trabaho pero malas SA amo"? Nong nasa probinsya ako dati, naging private secretary ako Ng mag asawang doctor. Ang lalaki eent at Ang babae pediatrician... SA lahat NG mga private secretary sa mga clinic masasabi Kong swerte ako Kasi mas mataas Ang sahod ko compare SA kanila... 7000 a month plus free board and lodging and meal... Lahat NG milk in can at vitamins na binibigay Ng mga med rep Kay doktora binibigay sakin for my daughter... Pero bakit nasabi Kong malas pa Rin ako,?? Dahil katumbas non ay hirap at pagod... Libre nga SA bahay at pagkain pero dapat pagtrabahuan ko SA Gabi after clinic hours... Imagine, 4 am gising na ako to cook for breakfast nila.. 6am nasa clinic na ako until 7pm... Pagdating ko cook for dinner ulit... May time na kahit Gabi na naglilinis pa ako Ng bahay nila... Kakapagod di ba?? Pag nasa clinic Naman, kahit maraming Tao kapag may ipo ipo yang mga utak nila pinagmumura ako SA harap Ng mga pasyente.. anong mukha pa ihaharap ko? Wala na ,syempre... Iyak ka na Lang... Minsan Hindi ka pa makakain sa tanghali SA sobrang dami Ng pasyente, no time out... Pinaka worst? Ang doktora na Kung saan saan nilalagay pera nya... Kumakatok Naman ako bago pumasok bakit ba Naman ilagay sa gilid Ng lamesa na nakadikit sa dingding Ang isang bundle Ng pera na Tig isang libo?.. Tapos nong nakalimutan nya Kung saan nilagay, pinagbintangan ako na ako kumuha??? Hanep di ba? Una, Hindi sya tumayo o lumabas Ng clinic nya... Tapos sa bag ko hahanapin? Matalino Sana pero , hahaha... Papatawag daw Ng pulis, Sabi ko sige Po... Hindi Naman ako takot Wala Naman sakin eh... Nagsumbong sa asawa nya, Sabi Ng asawa nya, hanapin mo muna baka nakalimutan mo Lang... Ayaw paawat .. pinalabas ako... Hinanap nilang dalawa... Inusog Ng lalaki Ang lamesa nahulog Ang pera, Sabi Ng lalaki , ikaw Naman siguro naglagay dyan... Pinulot na Lang Ng Hindi humingi Ng paumanhin... Magandang ugali di ba???

J@Jadeh

Ulam probinsya Pag SA probinsya ka, walang problema ulam Doon Lalo na kapag mahilig la magtanim... Mga malunggay, papaya, sitaw ,talong, okra at Kung anu ano pang gulay... Ika nga, sipag Ang kailangan para makaraos sa buhay... At diskarte para makakain araw araw... Share ko Lang Ang mala tinolang recipe Ng mother ko ha... Syempre pag SA probinsya ka Hindi ka naman araw araw nakakaulam Ng mga manok Kaya nag imbento Ang mother ko Ng masarap na ulam.. meron syang papaya at kamoteng kahoy... Ginigisa Yong kamoteng kahoy tapos lagyan tanglad .. pag malambot na Ang kamoteng kahoy ilalagay nya Ang papaya ... Kapag ok na , nilalagyan nya Ng beef noodles pati vitsin Ng noodles at malunggay... Try nyu Po... Masarap 😋😋😋😋

J@Jadeh

Letters Two years old pa Lang Ang anak ko dati gusto nya Ng mag Aral since malapit Ang kinder school sa bahay namin Kaya eninrol ko sya... Mga three years old na sya nong time na Ang topic nila ay letter P.. tinuturuan sila Kung paano magsulat Ng letter P at Kung anong mga bagay Ang nagsisimula sa letrang yon... Magiliw sumagot Ang anak ko Sabi Ng teacher... Isa Isa silang tinatawag papunta sa pisara para turuan SA pag sulat... Ang Sabi Ng teacher, isang linyang pababa at isang maliit na oblong SA taas... Ngayon Ang susunod ay anak ko, sabi nya ayaw nya Kasi Hindi sya marunong... Pinilit sya Ng teacher... Galit na tumayo Naman Ang anak ko at pumunta SA harap Ng pisara sabay Sabi sa teacher na, "akin na Po Ang chalk ma'am, letter O Lang akin Kasi Yan Lang Ang Alam ko...😅😅😅.. natawa na Lang teacher nya, bakit nya nga ba pipilitin eh, o nga Lang Ang Alam... Atleast daw , may mga ibang letters syang Alam...

J@Jadeh

Engkanto May kalabaw kami dati... Maliit pa Kaya gustong gusto Ng kapatid Kong lalaki na sya Ang mag alaga... Grade five pa Lang ako kapatid ko noon... Dahil sya Ang nagpapakain SA kalabaw namin mahilig syang pumunta Kung saang saan gubat at ilog para makaligo din Yong kalabaw... Minsan nagyayayaan silang magbarkada Kung saan matataba Ang damo, Doon sila pumupunta... Medyo malayo layo din sa bahay namin pero kampante Naman Ang mama ko Kasi may kasama Naman sya.. Isang araw, nang nasa gubat Ang kapatid ko , pag uwi nya , nagkwento sya na may lumapit daw SA kalabaw nya Ng napakagandang manok ...maliit Lang pero iba iba Ang kulay Ng balahibo... Kaya nagustuhan nya... Kinakausap nya daw pero Hindi umaalis kahit hawakan nya... Kaya araw araw kahit mag Isa sya bumabalik sya Doon... Pero dahil nga nag aaral Ang kapatid ko, minsan nasa paaralan din sya... Nagulat na Lang kami isang araw na Hindi na sya makalakad... Pinatingin Ni mama sa albularyo, Sabi Ng albularyo sinadya daw yon Ng engkanto na nagkakagusto SA kanya...Dahil daw Hindi na nagpapakita Ang kapatid ko sa tagpuan nila... Ang manok pala na ibat ibang na palaging lumalapit sa kanya Ang engkanto.. Ang tagal Hindi nakalakad Ng kapatid ko... Hanggang napahinto sya SA pag aaral.. Kaya dahil SA nangyari SA kapatid ko ibenenta na Lang Ng magulang ko Ang kalabaw...

J@Jadeh

Lihi Totoo pala na kapag buntis ka lahat NG kawerduhan na sayo... Nong pinagbuntis ko Kasi anak ko sumasama pakiramdam ko kapag Hindi ako makakain Ng dinuguan sa tanghali... Ewan ko ba , tuwing umaga para akong lantang gulay na antok na antok ... Walang ganang kumain at maligo ... Iniisip ko Ang tagal Naman magtanghali para makakain ako Ng dinuguan sa paborito Kong karenderya... Tapos Ang paborito Kong nguya nguyain ay tsokolate , tobleron,cloud 9 o di Kaya Choco mucho.... SA Gabi naman, gusto ko lagi akong nasa Jollibee ... Gusto ko Lang makakita Ng spaghetti pero Hindi Naman ako kumain.. kakain ako Ng kanin pero Hindi chicken ulam ko , kundi pineapple juice.. hahaha... Weird no? Totoo Po Yan... Kaya Ayan, Kung gaano ako kaputing babae ganyan natin kaitim anak ko... Hahaha... Minsan tinatanong Ng anak ko bakit daw sya maitim... Hayyy.... Naawa nga ako eh, palaging nyang sinasabi ,nanghihilod Naman ako Mami bakit Hindi ako pumuputi?.. sagot ko na lang., Ok Lang Yan.. maganda ka Naman eh... Morena Kasi anak ko... Ang layo sa kulay Ng balat ko...

J@Jadeh

Kabataan Naranasan mo ba noong kabataan mo lumiban Ng klase para Lang makapunta Ng ilog?.. ako, Gawain ko Yan dati... heheheh.. sumasama ako SA mga kapitbahay ko... Tapos sasabihin ko sa mama ko na Wala Yong guro namin Kaya napaaga Ang uwi ko... Hindi Alam Ni mama pumupunta ako sa ilog Kasi hinuhubad ko uniform pag nagtatampisaw ako SA tubig... Siguro mga isang linggo ko yang ginagawa... Palaging absent Kaya ayon pinatawag si mama sa school... Doon nya nalaman na uumuuwi ako tuwing tanghali pero hapon na Kung dumating SA bahay... Tinanong ako Kung saan ako pumupunta Hindi talaga ako umamin... Pero Yong tatay Ng kasama ko pala palagi na kaming sinusundan Ng di namin Alam... Kaya ayon nahuli kami SA ilog naliligo... Hahahah..

J@Jadeh

Skyflakes at Royal Alam Kong marami SA inyo makaka relate nito... Noong kabataan nyo binibilhan din ba Kayo Ng royal at skyflakes Ng magulang nyu para Lang gumaling sa lagnat??? Hahaha... Ganyan kami dati eh.. pero bakit gumagaling agad tayo Noh??? Ngayong malaki at matanda na tayo, bakit kahit uminom ka pa Ng gamot at kumain Ng prutas Ang tagal nating gumaling??? Hahaha .. Ewan pumasok lang Yan SA isip ko guys Kasi naambunan ako nakaraang araw Kaya may konting sinat at sipon... Pero ok naman ako... Aside from that, Wala Naman akong nararamdamang Iba..

J@Jadeh

Panira Ng trip tong friend ko.. Ano ba Yan?!! Nagke crave pa ako Ng chorizo de Cebu tapos bigla na lang susulpot tong kaibigan Kong mahilig din maghanap Ng makakain sa Facebook.. naglalaway pa nga ako SA nakita Kong chorizo Ng Cebu lalapit sakin sabay sabing Ito uulamin natin mamaya... Bicol express 😂😂😂... may magagawa pa ba ako?. Wala namang chorizo de Cebu dito😏😏😏.. Ok .. uhmmm... Medyo maanghang na Naman ulam ko mamaya🤣🤣🤣..

J@Jadeh

Craving Ang papa ko dati nakapag trabaho sa Cebu... SA tuwing uuwi sya, Ang dala nyang pasalubong samin ay chorizo de Cebu... Siguro nasa sampung balot Ng small size at limang balot Ng large size... syempre tuwang tuwa kami... Alam mo Yong tamang timpla Ng chorizo , matamis pero Hindi nakakaumay... Masarap na Hindi nakakasawa... Kahit Yan ipaulam sakin araw araw Hindi ako magrereklamo... Sobrang sarap Kasi... Ang tagal ko Ng Hindi nakakain Ng chorizo de Cebu.. kumakain Naman ako NG chorizo galin sa palengke pero iba Ang lasa... Masarap Naman pero may kulang.. hehehe... Shhhpppp... Saan Kaya may ganito dito sa manila... Wala akong mahanap... Craving for chorizo de Cebu na talaga ako😭😭😭..

J@Jadeh

Higa Palaging tanong sakin Ng mga kasama ko SA bahay, Hindi ka ba nagsasawang nakahiga?. Ewan ko ba, Kaya Kong humiga 24hours a day😂😂 char! Yong babangon ka Lang kapag ginugutom kana... Ewan ko, mas gustuhin ko pang humiga buong araw kesa makihalobilo SA kanila.. Reklamo nila, pag sila daw siguro sumasakit na Yong likod nila SA kakahiya... Sakin Naman the best feeling Kasi kapag nakahiga ka eh... Yong nakayakap ka sa paborito Mong unan... Useless Naman Kasi Kung bababa pa ako kasama nila... Hihiga pa Rin Naman ako sa sofa😅😅😅... Ewan ko, siguro dahil Ito Ng kabataan Kong Hindi ako sanay lumabas o maglakwatsa... Mahilig Lang SA loob Ng bahay ... Kaya pag Wala Ng gawaing bahay kulong agad SA kwarto... Kaya ayon, dala dala ko hanggang ngayon...

J@Jadeh

Puyat Nang dahil nakipag join ako sa barter online dito sa Lugar namin Hindi talaga ako nakatulog... Yong antok na antok ka na pero Ang diwa mo cellphone pa Ang iniisip.. Kaya Ito ako ngayon puyat... Sakit Ng ulo dahil kulang SA tulog... Hindi ako nakatulog kakascroll Ng Facebook makahanap Lang Ng kabarteran... Ang dami Kong na notice Doon... Yong mga appliances at gadgets nila pinapabarter na Lang minsan sa food... Yong Alam mong sayang pero no choice ka na kesa magutom pamilya mo... Grabe pala talaga hirap natin ngayon noh... Halos lahat tayo naghahanap Ng paraan para maka survive... Meron din akong nakita mga gamit sa bahay like mga monoblock table kapalit Ng isang pack Ng gatas Ni baby... Mga stuff toys para sa 2 pack Ng biscuits... Haii.. Ang Alam Kong barter Yong Hindi mo na kailangan pero mapakinabangan pa Ng iba... Pero dito sa sinalihan ko, Yan na Yong source of food nila... Kelan pa Kaya tayo makakaahon sa kinalalagyan natin ngayon...

J@Jadeh

Bahay It was year 1999 nong lumipat kami SA probinsya.. pinatira Lang kami SA bahay Ng mga kapatid Ni mama... Since, mag aasawa na sila kami na Ang tumira Doon... Simula 7 years old ako hanggang lumaki ako Doon kami nakatira... SA haba Ng panahon dahil gawa Ng SA kawayan at kahoy Ang bahay, sira na at maraming butas... Dahil SA hirap ng buhay at palaging kapos Hindi namin paayos... Ang dami Ng butas at bagsak na pati mga haligi... Yong tipong babagsak na talaga o di Kaya mapapalid na Ng malakas na hangin... Tumutulo na mga bubong sa kwarto at kusina... Palaging tanong Ng mama ko sa papa,kelan Kaya natin mapapayos to?? Simula Ng nagtrabaho ako, lahat NG pagod tiinis ko... Kahit masama pakiramdam ko, ayaw kong umabsent iniisip ko sayang Ang kikitain ko SA isang araw... kailangan ko mag ipon para makapagpatayo ako Ng bagong bahay para sa pamilya ko... Taon din Ang hinintay ko para makapagpagawa ... Dahil mas inuuna ko allowance Ng mga kapatid ko sa school ,mga kailangan nila ,bigas, ulam at SA loob Ng bahay... Sustento din sa anak ko... Nagsimula kaming magpagawa noong December... Hindi pa lubusang tapos dahil naabutan Ng Covid19 pero nakalipat na sila... may mga kulang pang tiles sa floor, jealousy na bintana at division Ng dingding SA kwarto... . Pero pwede Ng matirhan... Hindi pala biro magpagawa Ng bahay noh? Dahil sa ambisyon Kong mapasaya sila nagpagawa ako Ng up and down... semento SA baba at kahoy sa taas.. 2 kwarto SA baba 2 din sa taas... pati sa kusina may isang kwarto... 2 din Ang cr sa loob at labas..Magastos pala talaga... Pero Keri Lang! Hanggat Kaya ko at may lakas pa! Aja!! Alam Kong kahit papaano masaya magulang ko... Yon Lang Naman Ang pangarap ko eh... Makitang masaya mga magulang ko... Sana makabalik na tayo SA mga trabaho natin... Para matapos ko na talaga...

J@Jadeh

Barter success! So ayon na nga... Since lagi Kong nakikita SA timeline ko Ang barter barter na Yan... Na curious ako at naging interesado... Ang daming pumasok SA isip ko na Kung Anu ano para Lang may ipambarter... Since marami akong gamit na Hindi ginagamit tulad Ng mga bedsheets at shoes nag try ako.. and yes! May nakausap akong interested sa bedsheets na pinost ko.. nakipag deal ako SA isang tray Ng itlog for a large size... See? Just done my meet up.. May pang ulam na ako... Ganyan pala dapat... Sayang Lang Naman kapag Hindi mo magamit at nakaimbak Lang... Solve na pangtorta ko SA talong... Hahaha...

J@Jadeh

Barat Naranasan nyo na bang matinda Ng Kung anu ano para may pambili sa mga pangangailangan nyu SA loob Ng bahay?Sino Ang mahilig humingi Ng tawad? Maykaya ba o kapwa mo mahirap?? Ang mga magulang ko mahilig magtinda Ng Kung anu ano dati SA bayan Lalo kapag araw Ng pamamalengke...meron silang mga uling, kahoy,dahon Ng sili, dahon Ng malunggay, mga kayamito, bayabas, Gabi at Kung ano ano pa... Kahit gaano pa kadami bitbit nilang paninda, pag uwi nila bagsak parin mga balikat nila... Alam nyu Kung bakit? Dahil lahat NG paninda nila binarat Ng mamimili... Yong tipong gustong hingin na Lang sayo... Kapag mahirap ka, no choice ka na eh... Kesa maghintay ka hanggang maghapon tapos Wala Ng bibili sayo... Syempre mas pipiliin nilang ibenta sa murang halaga para makauwi na dahil Alam nilang may mga anak silang naghihintay na Hindi pa nakakain.. Tanong ko Lang, bakit sa mahihirap mahilig tayo humingi nagtawad? Yon Lang Naman source of income nila... Bakit pagkumakain tayo SA restaurant , nakakabigay naman tayo Ng tip sa mga waiters/waitresses na may mga sahod Naman sila... Yan Ang naaalala ko nong Bata pa ako.. Kaya ngayon, kapag bumili ako NG mga gulay, pinilipi ko Ang mga nakalatag sa kalsada ...Hindi ako humihingi Ng tawad bagkos nagbibigay ako NG sobra... Hindi ko kinukuha sukli ko para tulong na din sa kanila.. liban na Lang talaga kapag malaking halaga pera ko...kapag nasa restaurant ako, nagbibigay din ako NG tip, maliit na halaga pero Alam Kong nakapagpapasaya...

J@Jadeh

Chicken feet Share ko Lang Po Yong first time Ng anak Kong makakita Ng chicken feet... Isang Gabi, nagluto mama ko Ng adobong chicken feet... Dahil minsan lang nakakaluwag luwag, minsan din makakatikim Ng mga ganyang ulam... Naalala ko anak ko mga magtatlong taon pa Lang sya, marunong na magsalita... Nong inilagay Ni mama Ang adobong chicken feet sa lamesa lahat kami nasa harap na Ng hapag kainan... Nagulat Ang anak ko, napatayo sa upunan at lumapit mismo Doon sa bowl na nilalagyan Ng ulam sabay tanong sa mama ko, "mama Lola, kaninong kamay niluto mo?.. nagulat kami SA tanong pero lahat kmi napahalakhak..syempre dahil maliit pa sya, at kasing laki Lang Ng kamay nya Ang chicken feet, nag aalala baka kamay Ng batang maliit Ang ipapakain SA kanya... Kahit anong pilit namin na pakainin sya, ayaw nya talaga... Siguro dahil lagi sinasabi Ng kapatid Kong lalaki na kapag mang away sya puputulin kamay nya Kaya ayon!Hindi talaga kumain.. pero ngayon ok na, nag ngangatngat na din😅😅😅

J@Jadeh

Lakad Naranasan nyu bang maglakad Ng ilang kilometro makapunta Lang SA paaralan?.. nagigising kami alas kwuatro Ng umaga para maligo sa bomba na Ang layo ay aabot Ng bente minutos..simula elementarya hanggang makapagtapos kami Ng kolehiyo naglalakad kami mahigit kumulang 45 minutes umaga't hapon makapunta Lang SA bario araw araw... Pagdating SA bario, mag aabang Ng bus Ng tag kalahating oras makasakay Lang.... Ilang bukid inaakyat namin, ilang baha Ang tinatawid namin makapunta Lang SA paaralan... Lahat NG yon tiniis namin mga taga bukid SA awa Ng Panginoon, nalampasan namin... Di alintana ang pagod sa paglalakad makapagtapos Lang.. sa layo Ng nilalakad namin, minsan ginugutom kami SA daan... Kahit gaano daw kahirap Ang iyong dinadaanan, kahit gaano pa kahaba Ang iyong lalakarin basta't may sipag at tyaga may magandang patutunguhan...