Murder me with your Love Part 7

Avatar for leejhen
3 years ago

ANONYMOUS PEOPLE

"Boss nakatakas si Joshua sa Mental Hospital."

A bad news indeed.

"Alert our men and bring some of them in Palawan. I'm sure Joshua will going in there for Athena."

"Yes Boss, Copy."

Photo Credit to Unsplash

HOUSE OF THE ANONYMOUS GIRL

Nakatulog pa si Joshua na may ngiti sa kanyang mga labi.

Niyakap niya ng mahigpit ang unan sa pag aakalang si Athena ito.

Nang tuluyan ng magising at imulat ang kanyang mga mata.

Siya lang mag isa sa kwarto?

Agad siyang kinabahan at lumabas. Nagpunta siya sa sala, wala si Athena.

Tumakbo siya sa kusina. Wala din doon si Athena.

Binuksan niya ang CR wala rin! Kinakabahan na siya at napatakbo sa labas ng bahay kahit naka boxer shorts lang.

Athena! Sigaw niya.

Pero tahimik ang buong paligid. Tumakbo siya pabalik ng kwarto at agad na nagbihis.

Hahanapin niya si Athena. Nang biglang nag ring ang kanyang cellphone.

Si Athena ang tumatawag. Dali-dali niya itong sinagot.

"Babe,where are you?" Nag aalalang tanong niya.

Pero iyak ni Athena ang sumagot sa kanya.

"B-babe, H-help me!" Umiiyak na sagot nito.

Di na mapakali si Joshua sa pag aalala.

"Where are you, what happened?" Nalilitong tanong niya.

"Buti nalang naitago ko ang cellphone ko at hindi niya nakita." Bulong na sagot ni Athena.

"Where the hell are you?" Di na mapigilan ni Joshua ang galit.

"Nandito ako sa airport, help me babe. He suddenly kidnap me." Umiiyak na naman ito.

Lalong nag init si Joshua sa narinig.

" Sino, ang kumidnap sayo?" Galit na tanong nito.

"Si-si, Sir Rainier!"sagot ni Athena.

Rainier again, I'm gonna make sure to kill him!

Hindi naitago ang sobrang galit na nadarama ni Joshua. Si Rainier na naman!

Ang kontrabida sa buhay nila Athena.

"Babe listen to me." Tawag ni Athena.

"Narinig ko papunta sila ng Palawan for the camping. Isasama niya ako, baka mahuli niya ako babe at hindi na kita matawagan. Help me babe, please." Lalong lumakas ang iyak ni Athena.

Na lalong nagpasakit sa puso ni Joshua.

"Don't worry babe, I will go there. I will bring you back!" Galit na sagot ni Joshua.

Pero sigaw ni Athena ang narinig niya.

" Rainer? No!" Tapos naputol ang linya.

"Babe, Athena?" Kinakabahan na tanong ni Joshua. Pero wala ng sumasagot sa kabila.

Mabilis siyang lumabas at tinawag ang taxi na paparating.

Wait for me Babe.

Rainier Gonzalez, I will kill you!

Photo Credit to Unsplash

ANONYMOUS PERSON

" Hahaha, I'am loving what I see. Chaos is on the way. Who will die this time?

Isang mala demonyong halakhak ang pinakawalan ng babaeng nagbabaga ang mga mata sa galit.

The fire of revenge is very visible in her eyes.

At lalamunin ka ng buhay.

AT THE AIRPORT

"Everyone is here already?" Tanong ni Sir Rainier.

"Yes Sir andito na lahat." Sagot ni Sabina.

"Check your tickets kung andiyan ba, then after 15 minutes we will go inside."

Excited ang lahat sa Trip to Palawan. At mag Camping at the Beach and Forest.

Pero si Athena ay tahimik lang sa gilid. Hindi siya excited. Her only friend Mylene is not there.

Wala siyang makausap. Kundi ang mga boys na laging nag flirt sa kanya. Ang mga girls ay ayaw naman sa kanya.

Nilapitan siya ni Rainier.

"What about you Athena. Is everything ready?" Tanong nito.

Napaka gwapo ni Sir Rainier sa suot nitong hawaiian polo shirt.

Pero malungkot parin si Athena. Kung pwede nga lang na hindi sumama but it's part of her grades.

"You are out of this world again." Muling nagsalita si Rainer.

"Ready na ang lahat Sir, no problem." Matamlay na sagot niya.

"Sige sir, doon muna ako." Paalam niya sabay hila sa kanyang maleta. Pero sa kasamaang palad ay natalisod siya at na out of balance ang kanyang heels na suot.

Muntik na siyang ma modmod sa semento but luckily Rainier catch her.

Nagtama ang kanilang mga mata at di alam ni Athena kung ano ang gagawin.

She was drown in Rainier's eyes. Hindi niya maalis ang tingin niya rito.

Then her sight suddenly went down on Rainier's lips. The magical kiss that they shared, Is always playing on her mind.

She will never forget her first kiss...

Wake up Athena! This is not right.

Ayaw ni Athena bumitaw sa mga yakap ni Rainer. Gusto niya,ganyan lang muna sila. Ang tumigil kahit ilang segundo lang ang ikot ng mundo at pagmasdan ang gwapo nitong mukha.

Hindi niya alam when it started. Basta ang alam niya, bigla nalang nagkaroon ng puwang sa puso niya si Sir Rainier.

Photo Credit to Unsplash

But she is not meant for him. He deserves someone better.

Bakit , wala ba siyang karapatang maging masaya?

But she will only drag him down. So stop all your delusions Athena and face the reality!

Dali dali siyang bumitaw sa pagkakahawak kay Rainier. Kahit masakit ang kanyang mga paa dahil sa pagka tapilok pinilit parin niyang maglakad.

At naiwan si Rainier na nakatanaw habang siya ay papalayo.

RAINIER

Nakatanaw parin siya sa daan kung saan naglaho si Athena ng iwan siya.

He could gonna kiss her, kung hindi ito bumitaw kaagad.

Lately Athena is invading his mind. His whole system!

That he cannot function well that affected his job.

Everytime he will laid his eyes on her. It's like magnet. He cannot take it off and bring to the other direction.

It was only focus on Athena's beauty.

Her beauty that is worth dying for...

Her beauty that every girls wish to have.

That every man's fantasy.

The beauty that could make a man's heart fall in an instant.

And that is happening to him right now!

But he knew that this is not the right time to fall in love.

Pinakawalan ni Rainier ang malalim na buntonghininga.

"Athena, what magic and charm that you possess?" Tanong niya sa kanyang isipan.

"You are disturbing my mind and make my heart beats as crazy as hell."

Photo Credit to Unsplash

PALAWAN

The students check in at the Hotel. Doon muna ang lahat as they are given a privilege to enjoy the place.

They are all free to roam around at their own expenses. Then after three days proceed na sila on their camping site.

As the Teachers need to verify the area first if it is safe for the students.

Since may pera naman si Athena pinili niya ang private suite na overlooking from the sea.

Ayaw niya muna mamasyal. Gusto niya lang pagmasdan ang magandang tanawin ng dagat. Dito na muna siya sa loob.

OUTSIDE THE HOTEL

SABINA

Masayang nakikipag kwentuhan si Sabina sa mga group of friends niya.

Pinaplano na nila kung saan sila unang mamamasyal.

Nang biglang mahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na mukha na papasok sa Hotel.

Si Mr. Dimataga!

What he is doing in here? I thought naka sick leave si Sir.

And he is with a young lady?

Parang, kasing edad ko lang ah.

Out of curiosity sinundan niya ang mga ito papasok. Hindi niya makita ng mabuti ang mukha ng babae dahil naka sombrero ito ng malaki at naka black shades.

In fairness, napaka sexy ng girl ni Sir hehe.

The girl is wearing a thin see through beach outfit dress. And inside of it ay naka sexy red two piece swimsuit.

Kitang Kita ang bawat kurbada ng katawan nito. Very perfect! Kahit saang anggulo tingnan.

Pero ang mukha ay hindi pa niya makita ng mabuti. Kaya lumapit siya ng konti.

Makinis na mala porcelana ang kutis.

Napakaswerte naman ni Sir.

Pero naglaho ang ngiti ni Sabina ng mag tanggal ng black shades ang babae. Napalitan ito ng galit.

Si Athena?

Ibang Athena ang nakikita niya ngayon. Mukhang sopistikada, maldita ang mukha at malandi.

At nakuha pa talaga maglandi ng babaeng ito.

Sinundan niya ang dalawa na sumakay ng elevator. Pero hindi na siya pumasok pa dito at baka mamukhaan siya.

The elevator was set at 20th floor. At ang mga room na nandoon ay para lang sa maykaya at mayayaman.

Suite is very expensive. Sila ay nasa low class room lang. While she is just enjoying.

Ang makating Athena! Akala mo di makabasag pinggan. Swerte niya, naiwan ang phone ko sa room.

Laman na sana ng buong internet ang picture niya.

Mula ng mamatay si Dolores. Napakabigat na ng loob niya kay Athena. Kahit pa napatunayan nitong inosente siya.

Masama parin ang kutob niya sa babaeng ito. Maganda ang mukha at nasa loob ang kulo.

Pagkatapos landiin si Joshua. Si Sir Dimataga na naman.

At sa Airport. Nilalandi rin si Sir Rainier!

She needs to talk to Sir Rainier. Kailangan niyang mabalaan ito against Athena.

Photo Credit to Unsplash

JOSHUA

Nahuli na siya ng dating sa Airport at hindi na naabutan ang mga classmates niya.

But still he book a flight. He needs to save Athena. At baka kung ano pa ang gawin ng Rainier na yon.

At sa wakas nakarating na siya dito sa Palawan.

Kanina pa siya naghahanap pero hindi niya matagpuan si Athena.

Wala sila sa camping site.

Nasaan ka Athena?

Kinalikot niya ang kanyang cellphone ng mapunta sa phone book at makita ang number ni Marky.

Dali dali niya itong tinawagan.

"Hello, Joshua ikaw ba to?" Masayang tanong nito.

"Marky kumusta na, nasa Palawan ba kayo?"

"Yes, bro at ang ganda rito. Sayang lang wala ka." Malungkot na sagot nito.

"It's okay bro. Kumusta naman ang camping experience, ayos ba?"

"Hindi pa kami nag Camping nasa hotel kami for three days. May inaayos pa kasi sa camping site."

Biglang nabuhayan ng loob si Joshua pagkarinig sa sinabi ni Marky.

"Tell me bro, what Hotel are you staying?"

Makikita niya na si Athena at maililigtas sa hayop na si Rainier.

Wait for me Babe. I'm coming...

To be continued

leejhen๐Ÿ’ž

Love the Story?

Start reading at the beginning...

Part 1

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-1-84e0f0aa

Part 2

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-2-95a1a470

Part 3

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-3-ccf113f5

Part 4

https://read.cash/@leejhen/murder-me-with-your-love-part-4-6274c588

Part 5

https://read.cash/@leejhen/murder-me-with-your-love-part-5-116bba62

Part 6

https://read.cash/@leejhen/murder-me-with-your-love-part-6-042fac9f

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/BUOrHfShdlb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

๐Ÿ‘‰https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

๐Ÿ‘‰https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty

15
$ 10.09
$ 9.76 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @gertu13
$ 0.05 from @Jnavedan
+ 7
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
3 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ateeeee! Sabi ko na nga ba eh. May something talaga akong naaamoy kay Athena eh. Bakit feeling ko 'di lang talaga 2 'yung Athena? Si mabait, flrty at 'yung anonymous. Hay nako, ewan ko ba haha. Then 'di kaya si Athena na mabait 'yung tumawag kay Joshua? Kasi feeling ko si Athena na flrty 'yung kasama na Mr. Dimataga eh tapos kung si Athena na mabait pa lang ang nasa airport that time, baka s'ya nga talaga. And sabi din nya na deserve ni Sir Rainier ang mas better sa kaniya. I smell something fishy ah. Baka si Sabina na susunod ah, hihi.

Ilang chapters ba 'to, Ate? Buhol buhol na kasi talaga braincells ko eh. ๐Ÿ˜‚

$ 0.05
3 years ago

May mali parin haha. Pero malapit na ang hula mo. 40 Chapters haha

$ 0.00
3 years ago

Halaaaa. Saan jan 'yung malapit na, Ate? Para may clue ako sa next chappies. ๐Ÿ™ˆ

$ 0.05
3 years ago

Hahha malapit niyo na makilala ang secret haha.

$ 0.00
3 years ago

I really love the floe of your story ateeee .. para na akong nagbabasa ng wattpad o di kayay ebook hehe naaadik nadin. Naiilang ako sa dalawang athena nako po.

$ 0.05
3 years ago

Haha let's see thanks.

$ 0.00
3 years ago

Papaganda na ng papaganda yung story ma'am leejhen. Gusto ko na makita ni Joshua si Athena. Sana sa tamang Athena kasi dalawa si Athena diyan. Hindi ko na ma wait ano susunod. Aabangan ko to maam leejhen..

$ 0.05
3 years ago

Thanks pero hindi parin nahulaan about kay Athena haha.

$ 0.00
3 years ago

Naku Athena paparating na si Joshua sa Palawan, iwasan mo nalang si Sir Rainier baka magkagulo lang silang dalawa dahil sa iyo hehe.

$ 0.05
3 years ago

Haha yon lng walang alam si Athena ๐Ÿ˜

$ 0.00
3 years ago

Tiyak magkagulo na naman si Joshua at Rainier.

$ 0.00
3 years ago

Naku naman Sir Rainier, gulo yang pinasok mo. ๐Ÿคง

$ 0.05
3 years ago

Bakit haha

$ 0.00
3 years ago

May pa suspense ang mga stories mo bah.

$ 0.05
3 years ago

Oo sinubmit ko siya sa Dreame.

$ 0.00
3 years ago

Uhuuuy sa Dreame, Ate? Anong username mo 'dun?

$ 0.05
3 years ago

Wala pa haha. Waiting pa ako sa hatol kung approved ba itong murder me with your love o hindi haha.

$ 0.00
3 years ago

Ay di pala s'ya tulad sa Wattpad na pwedeng i-publish anytime ang works?

$ 0.00
3 years ago

Need pa ang approval ng mga editors then signing of contract next month or next year pa cguro haha. Pero nasa wattpad ko siya.

$ 0.00
3 years ago

May ibang athena pala naku sigurado na yari si sir Rainier nito kay Joshua..

By the way sis thanks nauna ako hehe

$ 0.05
3 years ago

Haha congrats ๐Ÿฅณ

$ 0.00
3 years ago

Salamat

$ 0.00
3 years ago