My Old Billionaire Husband (Chapter 3)

0 15
Avatar for leejhen
1 week ago

Engagement Party

Alexis

And this is it! My Engagement Party. Humanda si matandang pangit!

I'll surely make his life a living hell hehe.

Nagbabanta lang haha.

But I'am wondering if makikita ko kaya si Zac?

Of course girl, sino ka engage mo pag hindi siya dumating?

Shut up brain!

Hmm, pag nagkataon talagang humanda siya.

Nilait niya pa ang aking beautiful and perfect body.

Now it's time for my revenge.

Nang biglang may sumigaw sa aking likuran.

"Ang ganda mo Alexis!!!" Tili ni Debbie.

Lukaret na babae. Muntik na akong himatayin.

Bakit ba kasi sigaw ng sigaw 'tong babaeng 'to.

"Loka ka! Nagulat ako d'un. Pero pinaghandaan ko talaga ito girl. Tingnan ko lang kung hindi lumuwa ang mga mata ni Zac Rogen Walker sa alindog ko. Ano sexy ba?" nakangiti kong tanong kay Debbie.

At nag two thumbs up pa ang gaga!

"The best! More than perfect girl. I'm sure hindi lang mata ang luluwa kay Zac pati na ang baba hehe," pilyang sagot nito.

"Bad words yan Girl, wait may bf ka na ba? At parang alam na alam mo ah." Nagdududa kong tanong. There's something fishy on her again.

Tumawa lang si Debbie.

"Ano ka ba, I mean laglag brief niya pag makita ka girl! Sa baba, di ba haha." Lumusot ang bruha. Napaka secretive nito pagdating sa relationship.

Malalaman mo nalang na nag break na sila ng bf daw niya eh hindi ko nga alam kung sino.

Hayaan na siya. Gusto niya ang private relationship life. Unahin ko muna ang problema ko na open relationship.

Jusko! Kinakabahan ako bakit kaya?

Pero no, si Zac ang dapat kabahan. Not me!

At the Garden

Laging sa garden ang venue namin pag may event na tulad nito. Napakalawak at ganda ng aming garden at mabango pa.

Napakadaming tao from higher status. Puro big time business men and women from different Company and Corporation. And they are all here to witness our Engagement Day or maybe meron pang hidden agenda regarding business.

Pero wala na akong pakialam 'dun. I'm looking for Zac. Nasaan kaya ang pangit na 'yon.

Biglang nagsalita ang emcee at the center.

"Good evening ladies and gentlemen. Tonight we will witness the biggest and grandest engagement of all time! Let us all welcome Mr. Zac Rogen Walker and his Fiancee Ms. Alexis Jenn Buenavista!" Sigaw nito.

Aba, rarampa na ang lola niyo. And may nakita akong anino na lumabas and it's coming towards me.

Tall, dark and naka maskara?

Bwesit na pangit! Ayan na naman sa pa mysterious effect niya.

Ganyan na ba siya ka pangit not to show his face to everyone?

Huhu napaka malas ko naman.

Ano, takbuhan na ba ito? Pero bad trip sa dami ng bodyguards na nakapaligid.

At ang mga baril mga girls nakasabit lang eh.

This is it! Wala na atang atrasan 'to.

But in fairness the mask looks good on him.

Parang napakagwapo lang niya.

Pero girl, pag tinanggal natin ang mask. Baka himatayin tayo sa sobrang pangit haha.

Ano ba 'tong isip ko ah. Ang ingay mo!

Nilahad ni Mr. Pangit ang kanyang kamay at naghihintay na abutin ko

Pero alam niyo naman na maldita ako bwahaha. Kaya paghintayin muna natin ng 10 seconds hehe.

At tinanggap ko ang kanyang kamay nang nakangiti ng pagkatamis.

Pero syempre girl it's a fake smile. Halos manigas na itong mukha ko. But when I look at my Dad's direction may threat ang mga mata! na nagsasabing umayos ka.

Kaya pa girl muna tayo ngayon at kailangan mahinhin at laging nakangiti.

He bring me at the dance floor at nagsimula kaming mag slow dance. At si pangit feel na feel ang paghawak sa katawan ko.

Bwesit! Gusto ko na siyang e tulak at paliparin ng aking flying kick.

Pero sa imagination ko lang magagawa 'yon. At napatawa ako bigla na ikinagulat ni Mr. Pangit.

"What's funny?" mahinang bulong nito.

At nagtanong pa.

"You're face! Bakit ba naka mask ka? To hide your pangit face?" Maldita talaga ako, pero bahala siya.

Tumawa lang ang pangit.

"Soon, you will see me after our wedding," bulong ulit nito.

As if kikiligin ako sa mga mahinang bulong niya.

Never Zac pangit!

"But wait, don't tell me na sa kasal natin ay naka maskara ka parin?" I ask annoyed.

Parang magiging comedy ang kasal namin! Bwesit na pangit.

"Yes baby, para surprise 'pag nag honeymoon na tayo," sagot nito.

Yucks! Anong surprise ka diyan? Baka himatayin na ako at hindi na magising.

"Bahala ka and I'm not interested to see your ugly face!" Sagot ko.

Pero lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking sexy na beywang.

Aba ha! Pangit na, manyak pa. Bwesit na lalaki. Akala niya kikiligin ako sa kanya.

Just eww!

"Your hand Mr. Walker. Sinasakal lang naman niya ang beywang ko." Pinandilatan ko siya ng mata.

But I cannot see his facial expression. Pero ang smirk niya ay nakakaloka lang.

Pero ibahin mo ako boy, hindi mo ako maloloko alam ko ng pangit ka, matagal na!

"Ah, your sexy waist you mean? But, you're so fatty." At tumawa pa ito.

Fatty!? Laitin mo na lahat huwag lang ang beautiful body ko. Umuusok na ang ilong ko sa galit at nagsitayuan na ang aking mga buhok. Super saiyan activated!

Goku is that you?

"Fatty? What about your long neck! Parang giraffe lang Mr. Walker." At talagang kinurot ko ang leeg niya leaving a mark at may isa pa.

Tinapakan ko ang paa niya ng mamahalin kung sandal.

Kala mo ha!

Pero ang pangit parang balewala lang!

Hindi ba masakit? Talagang iniinis niya ako.

But never, I will not give him the satisfaction to be happy.

"Kapal din talaga ng pangit mong pagmumukha ha. Ang tigas lang! " Sorry for the insult but I'm not sorry. He deserves it.

Tumawa lang ang lokong pangit.

"Yes it's getting hard, so don't provoke me baby!" Tila mapang-akit ang kanyang boses.

Manyak talaga!

Ako naman si gaga ay napatingin talaga sa baba.

Bwesit!

"Hindi ka lang pangit bastos ka pa!" At buti nalang natapos na ang music. Iniwan ko ang pangit na manyak sa dance floor.

Kumain ako at dito sa sulok ang pinili ko na pwesto.

The food is very delicious.

Mamaya na ako makikipag sosyalan baka hindi na ako makakain.

Nasaan kaya si Debbie?

While eating I can feel an air on my back. Someone is very near at my neck! Ramdam ko ang hininga. And who the hell it is?

Galit akong lumingon at nag abot ang aming mga ulo.

Ayon bukol ang labas nito mamaya. Ang sakit kaya.

And speaking of the bwesit devil.

It's Zac Rogen Walker na nakangiti lang naman.

Tiningnan ko ang feature ng kanyang mukha. In fairness he looks handsome kahit naka maskara.

Pero he will never catch my attention. Matandang pangit na kaya siya. Hindi ko ipagpapalit ang bata at gwapo kong Bebe Rond.

Napadako ang tingin ko sa kanyang mga mata.

It's a gray eyes?

Parang nakita ko na ito ah.

But erase with that thoughts. Hindi siya yong night in shining armor ko. Ang gwapo kaya 'nun tapos ito si Mr. pangit ay literal na pangit talaga!

"Ikaw na naman? What are you doing in here?" Naiinis kung tanong.

"Looking for you baby," napakalandi ng pangit na 'to. Kahit anong lambing ng boses mo, wa epek parin sa akin.

Pangit ka!

"Can't you see that I'am eating?" Naiirita kung tanong.

"Yeah, eating can wait but our visitors will not!" And just like that.

He grab my plate and put it aside. At kinaladkad na ako pabalik sa party.

Bwesit talaga.

Ang feeling ng pangit, kung maka holding hands wagas.

"Can you release my hand?" Nais kung bumitaw pero ang tigas ng mga kamay niya. Iron man lang 'te.

"Nope, we need to show them that we are very much in love with each other." Sagot nito.

Ano daw? Parang masusuka ako. Yucks!

"In your dreams Mr. Walker. Bitiwan mo ang kamay ko!" Maldita kong sagot.

"I'm sorry but I will not let you go baby," sagot nito na mapang-akit.

Ano ba 'tong lalaking 'to?

Bakit ang landi. Mas lalo akong na bwesit sa kanya.

"Kahit anong gawin mong pa cute, pangit ka parin. Kaya bitiwan mo ako kaya ko lumakad mag isa," binitiwan naman ako pero girl kumapit sa balakang ko!

Mas naging karumal dumal! Magkayakap na kami ngayon. Ang sweet lang bwesit.

At natapos ang bwesit na araw ko sa pakikipag sosyalan at sa maharot na pangit na walang ibang ginawa kung hindi tsansingan ako!

What a bullshit day.

leejhen 🤍

It's also available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

1
$ 0.06
$ 0.06 from Anonymous user(s)
A
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
1 week ago

Comments