Murder me with your Love Part 3

Avatar for leejhen
2 years ago

COMFORT ROOM

"Ahhhhhhhh!!!!! Sigaw ng Janitress habang tumatakbo papalayo sa CR.

Agad na nagsipag labasan ang mga estudyante.

At nakiusyusyo kung anong meron sa loob ng CR.

Si Sabina ang unang pumasok. Dahil nakita niya si Dolores kanina na sinusundan si Athena!

Photo Credit to Unsplash

Nang buksan niya ang pinto napasigaw siya sa takot at sumuka dahil sa kanyang nakita.

Ang kaawa awang sitwasyon ni Dolores! Labas ang mata at puno ng bugbog ang mukha na halos di na makilala!

Nakabitin na ulo! Bumabaliktad na ang sikmura ni Sabina sa nakikita pero dinaig siya ng panghihina at pagkatulala.

Alam niyang Maldita si Dolores pero ito ay kaibigan niya! At walang karapatan ang sino man na basta nalang siya patayin ng walang away!

Sino ba ang pumatay kay Dolores? Si Athena ba?

Hindi Niya alam! Pero walang ibang tao sa loob kundi sila lang dalawa! Nasaan si Athena?

Tulala lang siyang nakatayo sa pintuan.

At nagsipasukan ang mga ibang estudyante pero agad din namang lumabas ng makita ang kalunos lunos na tagpo sa loob.

At sa wakas dumating na si Mr. Navarro na may kasamang medics.

"Students go back to your class! now!!!"galit na sigaw nito.

Nagsialisan naman ang mga usyuserang estudyante.

Halos masuka si Mr. Navarro sa kanyang nakita.

Isang estudyanteng babae na naka bitin ang ulo sa lababo! Basag na basag ang mukha at halos hindi na makilala.

Buti at nakasuot ng ID ang estudyante.

MARIA DOLORES FLORENCIO.

What is happening in here? Pangalawang krimen na ito!

Tanong ni Mr. Navarro sa kanyang sarili.

"Si-Sir! Can I talked to you please?" Pagsusumamo ni Sabina.

SCHOOL GYM

"Nakita mo yon? Grabe ang sinapit ni Dolores!" Bulungan ng mga estudyante.

"Athena bakit kaya ang ingay ng mga students? Tara makiusyuso Tayo" bulong ni Mylene.

" Ano ka ba may PE activity Tayo at andiyan lang si Sir Rainier Ayoko na mapagalitan at mapahiya ulit." Sagot ni Athena.

Pero si Mylene di nagpapigil at pumuslit ng takbo habang may ka text Si Mr. Rainier.

Nang makabalik ito halos binuhusan ng malamig na tubig ang mukha.

"Oh Mylene bakit?" Tanong ni Athena.

"A-thena si Dolores!" Naluluha na ito.

"Bakit? Oo nga pala asan si Dolores? Kanina pa nagsimula ang PE natin."

Biglang napahagulgol ng iyak si Mylene.

"Athena si Dolores patay na!"

"What???" Nabigla si Athena sa narinig dahilan upang mapalakas ang boses niya.

Alam niyang di sila close ni Dolores at bully ito sa kanya pero ni minsan hindi niya hinangad ang mamatay ito!

Nakakalungkot!

Nang biglang dumating si Mr. Navarro....

"Athena Dela Merced, I'am inviting you again to the Dean's office!"

ANONYMOUS PEOPLE

"She is getting worst! First time ito na dinamay niya ang walang kinalaman! Boss what's our next move?".

"Hintayin natin ang instructions sa taas. But how come she did the murder! I saw her and she didn't went out of my sight! This case becomes a puzzle again....

Sana lang hindi tayo bumalik sa square one...

DEAN'S OFFICE

"It's you again Athena!" Si Mr. Navarro.

Kinabahan si Athena. "Po? Bakit po? May nagawa po ba ako".Kinakabahan na tanong niya.

" There is one witness on Dolores Murder, Sabina get inside!" At biglang lumabas si Sabina sa kabilang silid.

" Tell us what you see." Utos ni Mr. Navarro.

" Nakita ko si Dolores, tatawagin ko sana siya para sabay na kami sa PE class namin but hindi niya ako napansin. Yon pala naka focus ang tingin niya kay Athena.

Pumasok si Athena sa loob ng CR ganun din si Dolores so naghintay nalang ako sa labas at bumili ng Snack sa canteen pero pagbalik ko may karatulang nakalagay "Under Maintenance".

Pero ng pumunta ako sa PE class wala pa si Dolores. Out of instinct bumalik ako sa CR at doon nakita ko si Manang Janitress na sumisigaw papalabas.

Bigla akong kinabahan at mabilis na pumasok sa loob. A-at doon nakita ko ang ka lunos -lunos na sinapit n-i Dolores!" At biglang napahagulgol ng iyak si Sabina.

"At kayong Dalawa lang ang nasa loob ng Comfort room Athena!" Pahabol na sigaw ni Sabina.

Si Athena ay halos maiyak na rin sa mga narinig. Pero bakit siya? Siya na naman!

Nasa PE class lang siya! Paano niya sasabihin ang totoo? maniwala kaya sila?

" What can you say about these? Ms. Dela Merced?" Tanong ni Mr. Navarro. Na may halong pagdududa.

Ano nga ba ang e sasagot niya?

Nang biglang dumating si Mr. Gonzalez! Si Rainier!

"She has nothing to do with the crime Mr. Navarro!" Singit ni Rainier.

Napataas ng kilay si Mr.Navarro ng makita si Rainier.

"How come you can say that Mr. Gonzalez?"

"Ms. Dela Merced has been in my PE class during the crime and she never left not even once!. You can check on the CCTV for verification."

Napabuntong hininga nalang si Mr. Navarro. Two crimes in a Month! And the school already lose its reputation.

Hindi niya na alam ang gagawin. At ang board of directors ay may meeting bukas na bukas din.

Nanganganib ang position niya as a Dean.

ANONYMOUS PEOPLE

"Bakit? Bakit ayaw mong tumigil!" Naiiyak na sigaw ng isang babae.

"Huh? Bakit? Anong ganap?"

"Bakit mo pinatay si Dolores???"

"Dolores who?"

"Stop pretending! Let's stop all of this! Hindi ko na kaya! Hindi ka pa ba kuntento???"

"Hindi! And never! Hangga't buhay pa ang mga lahi nila!"

BANG!!!!!

Tunog ng Isang baril ang umalingawngaw sa kalagitanaan ng gabi....

Dahil sa krimen na nangyari napag desisyunan ng school na wala munang uuwi ng alas singko.

3 pm ang bagong uwian ng mga estudyante. Wala munang research sa library at practice.

Close muna lahat ng students club. Pero pwede hiramin ang mga books at doon mag aral sa bahay.

At dahil malapit na naman ang exam, panay aral ulit nila Athena at Mylene.

Ginabi na si Athena sa pag uwi galing kina Mylene.

Photo Credit to Unsplash

Habang naglalakad siya. May aninong nakasunod sa kanya.

At magtatago ito pag siya ay lumingon.

Kinuha niya ang kanyang pocket mirror. At nagkunwaring nagsasalamin lang.

At doon nakita ni Athena ang aninong sumusunod sa kanya!

Isang lalaki?

Binilisan niya ang paglalakad hanggang umabot siya sa may kanto.

Kinuha niya ang payong at matiyagang inabangan ang anino.

At lumabas na ito sa pagkukubli ng hindi na makita si Athena.

Papalapit ng papalapit....

Ang anino sa pinagtatagoan ni Athena!

At ang kaba ng dibdib ni Athena ay palakas ng palakas.....

Kinakabahan at pinagpapawisan habang hawak hawak ang payong.

At ayan na!

Isang liko at andiyan na ang anino!!!

Pinikit ni Athena ang kanyang mga mata at nagbilang...

Nakahanda na ang payong para e pamalo sa kung sino mang aninong sumusunod sa kanya.

But she will make sure not to hurt this person kung sino man ito.

Just a warning move.

1.......

2......

3.......

Ahhhhhh!!!!!

To be continued....

leejhen πŸ’ž

Love the Story?

Start reading at the beginning....

Part 1

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-1-84e0f0aa

Part 2

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-2-95a1a470

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/rkhtmrfaQkb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

πŸ‘‰https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

πŸ‘‰https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty

13
$ 16.68
$ 16.24 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Crackers
$ 0.05 from @Glez
+ 8
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Nice! Para lang akong nagbabasa ng ebook or Wattpad galing naman ate

$ 0.05
2 years ago

How sweet of you πŸ’• dear friend I'm here first time but it's totally happiness for me to read this and enjoy your day I don't understand You're Language but some word give me idea and i think there is a totally happier

I still learning this language because I have a friend who tell me some word om daily basis

Best wishes for you Best of luck dear
Enjoy your day and make sure it's Really Amazing for you

$ 0.05
2 years ago

Sigurado may twist yan abangan hahahaha charrrrr , bitin ulet

$ 0.05
2 years ago

Di'ba dalawa naiisip ko na pwedeng nangyayari kay Atena, either may kakambal s'ya or may psycho disorder s'ya like DID. Ngayon? Feeling ko may kakambal talaga s'ya eh. Ewan ko lang sa next part. Baka none of the above na. Nawiwindang na braincells ko, Ate ah. πŸ€£πŸ˜‚

$ 0.05
2 years ago

Hahaha surprise!

$ 0.00
2 years ago

Kawawang Athena lagi nalang hehehe. Siguro yung teacher ang salarin, kutob ko lang.

$ 0.05
2 years ago

pwde nka mowrite ug isa ka pocketbook ate. congrats

$ 0.05
2 years ago

Poor athena 😭hehe, waiting for the next part 😁

$ 0.05
2 years ago

Ka suspense ba ani nga mga articles oi, makulbaan sad tag apil, maunsa kaha si Athena ani. abangan sa susunod na kabanata.

$ 0.05
2 years ago

Haha πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Grabe naman po silang pumatay hehe. Kawawa naman si Athena palaging pinagbibintangan hehe

$ 0.05
2 years ago

Poor Athena πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

OMG, may twin si Athena! I knew it!

$ 0.05
2 years ago

Hahah let's see😁

$ 0.00
2 years ago