Murder me with your Love Part 5

Avatar for leejhen
3 years ago

AT THE CLINIC

Think Brain, Think, What to do?

"Don't tell me that you didn't get inside?" Tanong ulit ni Sir Rainier.

Ay, Nanggulat pa talaga!

Gulatin din kaya kita hehe.

"Ah Sir, no more medicine. Yes, oo tama wala daw sabi ng nurse naubusan." akward na sagot ni Athena.

Nangunot ang noo ni Sir Rainier.

"Are you joking? Well, don't bother anymore." Sabay hawak sa pinto at papasok.

OH NO!

There's no other choice.

Biglang kinuha ni Athena ang kamay ni Sir Rainier and hold it tight.

Then touch his face and kiss his lips.

My First kiss

Photo Credit to Unsplash

Natulala si Rainier at di alam kung ano ang gagawin. It's just a smack kiss but it felt good?

Wake up Rainier!

"Ms. Dela Merced, To my office."

Now! Sigaw nito.

Naku, Athena what did you do?

Ayaw parin bumitaw ni Athena kay Sir Rainier baka pumasok ito ng Clinic.

Ang ending eh magka holding hands sila papunta sa office room ni Sir Rainier.

Hindi rin naman magawang bitawan ni Rainier ang mga kamay ni Athena.

Tila magnet ito na pumulupot sa kanya.

Walang Ibang taong nakakita except sa Isang lalaking estudyante na nakatago sa di kalayuan.

Nasasaktan at galit.

Si Joshua.

Si Sir Rainier ba ang gusto ni Athena?

O, Si Sir ang may gusto sa kanya?

Kahit alin diyan ayaw ko mangyari. Hinaing ng puso ni Joshua.

RAINIER'S OFFICE ROOM

Kanina pa nakaupo si Athena pero si Sir Rainier ay wala paring imik at panay lang ang text.

Hindi maiwasan ni Athena ang ma akward lalo pa at napapatingin siya sa labi ni Rainier.

Oh my gosh, that soft lips!

Calm down Athena, Umayos ka.

"Done, checking on me?" Si Rainier na pinipigilan ang matawa.

Biglang pinamulahan ng mukha si Athena.

Feeling gwapo.

"Sir Rainier, I'am not looking at you." Depensa niya.

Sir Rainier give her examination paper back.

"Finish answering that within 30 minutes."

Grabe itong lalaking to.

"Seriously?"

"You can go or you answer that within 30 minutes, It's your choice Ms. Dela Merced." Sabay labas nito ng room.

Bwesit!

ANONYMOUS PEOPLE

"It's confirmed Sir, I think someone is using Athena's Face."

"Did you witness it with your own eyes?"

"Yes Sir, I even took a video for evidence purposes and du-dumating ka."

"Who is this Mysterious woman? Let's unveil her true face soon."

"But did you check her background again, Did she have a twin sister?"

"Medyo mahirap hagilapin ang personal information niya. Wala ni kahit ano. But I will try to dig deeper."

Natapos din ni Athena sagutan ang examination paper niya.

Nagmadali pa siya at lahat pero walang Rainier na bumalik.

Nagdadalawang isip siya kung aalis at iiwan na lang ang papers, o maghihintay baka bumalik si Sir Rainier.

Biglang bumukas ang pinto. Akala ni Athena si Sir Rainier na.

Si Joshua pala.

"Disappointed?" Nakasimangot na tanong ni Joshua.

Hindi nagustuhan ni Athena ang tono ng pananalita nito.

"What do you mean, At bakit nandito ka?"

"Bawal ba? Yang pinaggagawa mo ang bawal." Galit na sabi nito.

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" Di na rin maiwasan ni Athena ang mainis.

"Kaya pala ayaw mo sa akin, Si Sir Rainier ang gusto mo? Bawal yan sa school."

"Wait, Are you jealous?"naiinis na tanong ni Athena.

"Yes, Very Jealous!" Sigaw ni Joshua.

Pero teka Parang wala sa sariling isip si Joshua?

"At never did I thought na ang landi mo pala Athena."

Nanginig ang mga kamay ni Athena sa narinig at bigla niyang nasampal si Joshua.

Pero ngumisi lang si Joshua. Ngiting wala sa sarili at lutang.

Bigla siyang niyakap ni Joshua. Naiinis man but she can't blow her cover.

Madali lang para sa kanya labanan si Joshua but she can't do that. She needs to act innocent and weak.

So wala siyang ibang kayang gawin as of the moment kundi ang sampalin si Joshua.

But this time, umilag ito pero di parin bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"Why, the other day lang you love me and kissed me passionately tapos ngayon si Sir Rainier na ang gusto mo?"malambing na sabi nito.

Passionately,Nakakadiri.

Ano ba ang pinagsasabi ni Joshua?

"Ni minsan hindi ako nakipagkita sa sino man kasama ka na dun, Ano ba ang nangyayari sayo?"

Ngunit di siya pinansin ni Joshua, sa halip ay hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya.

At hindi na siya makahinga sa sobrang higpit!

"Bitiwan mo ako!" Ngunit tila bingi na si Joshua at walang naririnig.

"I love you Athena." Lutang na lutang si Joshua at wala sa sarili.

Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap kay Athena but in just a blink of an eye.

Biglang lumipad si Joshua sa sahig.

And there he is.

Si Rainier na hindi maipinta ang mukha sa sobrang galit.

Kasunod niya ay ang mga security guards sa school. At agad na binitbit si Joshua palabas.

"Are you okay?" Tanong nito kay Athena.

Okay ba siya?

Syempre hindi, not at all!

"Yes sir , I'm okay." tipid na sagot ni Athena.

"I'll take you home."

"No, it's okay I can manage."

"I insist, let's go." Sabay hila nito sa kamay niya.

Walang nagawa si Athena kundi ang magpahatid kay Rainier.

ANONYMOUS PEOPLE

"Ano ba yang pinaggagawa mo?"

"Huh, what did I do?"

"Next time, pwede wag ka sa school.

Ang sagwa tingnan ang sarili kung mukha na nilalandi ay isang matanda."

"Hahaha, you're funny."

"Can't you please don't laugh, muntik kana kanina."

"Don't worry, they will never catch me."

"Kailan matatapos ang lahat ng ito, napapagod na ako."

"Don't ever say that, kung pagod kana magpahinga ka.

But I will never stop till I found him!

Photo Credit to Unsplash

CAMPING ANNOUNCEMENT

Masaya ang lahat dahil sa camping announcement.

At lalong sumaya ang mga girls ng malaman nilang hindi makakasama si Mr. Dimataga for some health issues.

Ang good news ay si Sir Rainier muna ang acting adviser ng Section F.

At abot hanggang langit ang ngiti ng mga girls.

"Type ko to girl, kailangan sexy ang outfit natin niyan." Kinikilig na bulung ni Nesie kay Sabina.

"Jusko, magtigil ka nga di ka papansinin ni Sir Rainier." Ang kill joy na si Sabina.

Mula ng mamatay si Dolores ang dating palangiti na Sabina ay naging masungit.

Ang dating tahimik lang na timid girl ay naging palaban. Kaya siya ang Kontrabida Queen ngayon sa Section F.

"Naku Nesie, hayaan mo yang si Sabina. KJ lang ang peg haha." Singit ng isa pang classmate na si Leilani.

"Yeah Girl, basta tayo sexy outfit lang hehe."

"Bet ko yan, tingnan lang natin kung di maakit si Sir Rainier."

Habang si Athena na nakikinig ay nagpapang abot na ang mga kilay.

" Ikaw Athena sexy outfit ka din ba? Birong tanong ni Mylene.

Na lalong kinainis ni Athena.

"Ano ka ba, no need na ang sexy outfit dahil matagal na akong sexy." Sagot ni Athena.

"Anyare besh, palaban ka ngayon ah."

"Pero Mylene bakit hindi ka makakasama?" Malungkot na tanong ni Athena.

"May sakit si Mama eh, kaya need ko umuwi ng province."

"Parang ayaw ko na sumama, ako lang mag isa dun."

"Ano ka ba Athena, kasali sa grades natin yan. At isa pa, exempted ako kaya okay lang pero ikaw need mo yan."

"Ano pa ba ang magagawa ko nito. Magtiis sa mga kinikilig na bulungan ng mga girls at mga boys."

"Haha, nakakatawa ka. Bakit hindi ka ba kinikilig? pilyang tanong ni Mylene.

Pero si Athena ay hindi makasagot pinamulahan ng mukha.

"Omg, it shows all over in your face. I don't like to ask anymore."

"Mylene, akala mo lang yan."

"Well, speaking of." Nakangiting sagot ni Mylene habang papasok ng classroom si Sir Rainier.

Na mas lalong kinapula ng mukha ni Athena.

Sino ba ang hindi kikiligin? Lalo na at maalala mo ang iyong first kiss.

At dinala na naman si Athena sa tagpong iyon.

"Ms. Dela Merced, a penny for your thoughts?" Tanong ni Sir Rainier.

Ay gwapong kabayo.

"You are out of the world again."

Walang maisip na sagot si Athena.

Ano sasabihin niya?

That he is always in her mind?

No, it's a total embarrassment.

"Never mind, eyes on the board all of you. I have a bad news that hopefully, all of you will learn a lesson about this."

Biglang nag seryoso ang mga students pagkarinig sa word na bad news.

"Joshua Ricafort, cannot join the camping and cannot go back to school as of the moment."

Shock ang mga estudyante. Pati na rin si Athena.

Anong nangyari kay Joshua?

"Bakit Sir, what happened to Joshua?" Tanong ni Kier.

" He is in the hospital right now, aside from depression. He is being treated mentally too."

Biglang tumingin ang mga classmates ni Athena sa kanya.

Sa mga mata nila, kasalanan ito ni Athena.

"So, Athena how does it feel na ikaw ang salot dito sa school?"Singit ni Sabina.

"Watch your mouth Sabina." Saway ni Mylene.

"Watch your move Athena, I will be watching you from afar." Ngunit di pinansin ni Sabina si Mylene.

"Naku, na praning kaya si Joshua dahil heartbroken?"

"Na basted, kaya siguro na depressed."

Bulungan ng mga estudyante.

Photo Credit to Unsplash

Nagtitimpi lang si Athena at ayaw na patulan pa ang kanyang mga classmates.

"Quiet, I'm still here." Si Sir Rainier.

"Don't judge the others. Joshua is positive in using prohibited drugs."

Nabigla ang lahat sa narinig at di makapaniwala.

Dahil sa tingin nila, Mabait na bata si Joshua at masunurin.

At malayong gumamit ito ng ipinagbabawal na gamot.

"Quiet,that is why he needs treatment physically and mentally. And hopefully walang gumaya kay Joshua."

Bulungan ulit ang mga estudyante. Hindi sila makapaniwala sa sinapit ni Joshua.

Si Athena ay malalim na nag iisip sa nangyari kay Joshua.

Kasalanan niya ba?

Habang busy ang lahat. Walang nakakita sa pagsilay ng mala demonyong ngiti ng isang babaeng estudyante.

"I love the smell of Chaos, let's add more fuel." Then smile wickedly.

To be continued...

leejhen πŸ’ž

Love the Story?

Start reading at the beginning....

Part 1

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-1-84e0f0aa

Part 2

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-2-95a1a470

Part 3

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-3-ccf113f5

Part 4

https://read.cash/@leejhen/murder-me-with-your-love-part-4-6274c588

As you can observe on my Article. It is a long story now.

I planned to join and submit this story as a Novel. I don't know if it will pass so wish me luck lol.

I just need 1700 words per chapter. So hopefully those who are reading this will not get bored.

And I already wrote the Plot of the story. But I cannot share it here as I still like this story to be mysterious here in rc.

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/Gn2oqEtH1kb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

πŸ‘‰https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

πŸ‘‰https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty

10
$ 5.96
$ 5.80 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Idksamad7869
$ 0.03 from @Hanzell
+ 4
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
3 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Lahat nalang mangyayari kay Athena na ibunton ang lahat. Kasalanan ba ni Athena na maganda siya kaya nag ka ganun si Joshua? Hehehe ...kaabang-abang sis. Iba talaga ka talaga Athena.

$ 0.05
3 years ago

Haha oo iba si Athena.

$ 0.00
3 years ago

Ganda talaga niya sis hehe.

$ 0.05
3 years ago

Ganun ba thanks. Sana pumasa. Medyo nahirapan lang ako sa mga tuldok at punctuation haha. Medyo strict sa pinagpasahan ko.

$ 0.00
3 years ago

Sana sis makuha kasi maganda siya, inaabangan ko talaga :) yung twist ng kwento.

$ 0.05
3 years ago

Hahaha kakakilig naman si Sir! Ang ganda ng takbo ng story niyo po. Keep writing po. New fan niyo po ako.

$ 0.05
3 years ago

Thanks πŸ’š

$ 0.00
3 years ago

Stress na nga po ako sa module,pati ba naman sa story na ito πŸ˜‚sino po kaya ung girl?? Sumasakit na po bangs ko πŸ˜‚

$ 0.05
3 years ago

Haha epagupit mo muna ang bangs mo😁

$ 0.00
3 years ago

HAHA, waiting po ako sa next update 😁

$ 0.00
3 years ago

Waittttttt! Nagulo na naman braincells ko, Ate. πŸ™ˆπŸ˜‚

At first akala ko walang alam si Athena, like super innocent ba sa mga bagay-bagay. But, now? Bakit parang may naa-amoy ako na iba? Alam n'ya kung paano ipagtanggol sarili n'ya kay Joshua pero 'di n'ya ginawa. Why kayaaa? Hmm. Saka eto paaaa, "Ang sagwa tingnan ang sarili kung mukha na nilalandi ay isang matanda." WAITTTT! Don't tell me may alam talaga si Athena? Jusme, Ateeee. Ano naaaa? Hahahah!

$ 0.05
3 years ago

Hahah ano naπŸ˜… to be continued 😁

$ 0.00
3 years ago

Kakaexcite naman po neto. Di ko na magets ano ba talaga si athena. At sino kaya yung girl.

$ 0.05
3 years ago

Haha surprise 😁

$ 0.00
3 years ago

I want to read another past this article I really impressed by you. Amazing collection of word and different types of story to read early in the morning that's really made my smile on my face Make hard work and getting a successful day First kiss of my life i remember my that day πŸ™ˆπŸ™ˆπŸ™ˆ Everyone have some beautiful memories but this time I remember my that day and that's was very scary for me

$ 0.05
3 years ago

You mean, kaklse din nila yung isa sa nanggugulo sa school? is she the girl na nanggagaya kay Athena, o kasabwat sya sa mga plano?

$ 0.05
3 years ago

I cannot answer the question 😁

$ 0.00
3 years ago