Murder me with your Love Part 2

Avatar for leejhen
2 years ago

ANONYMOUS PEOPLE

"Ano na naman ang ginawa mo? Can't you leave me alone?"

"Leave you alone? Don't you want Revenge? We are getting to an end! Just keep quiet!"

"Hindi ko na kaya! Ayoko na!"

"Ayaw mo na! dahil andiyan na naman si Lover boy mo? Hahahha he will never catch me!"

Photo Credit to Unsplash

LANSHAN UNIVERSITY

Nang dumating si Athena sa School nagkakagulo ang Lahat ng estudyante.

Nakita niya si Mylene na patakbo papunta sa kanya.

"Athena! Breaking news! Napakasamang balita." Humihingal na sabi nito.

"Calm down! What happened?" Tanong ni Athena.

"S--si M--tthew patay na!" Nahintakotang sagot nito.

"Ha? Bakit? Paano?"

"He's body was found at the school gym, nakabitin! At hubo't hubad! Sino ang walang puso na gumawa nito" naiiyak na sagot ni Mylene.

Sasagot na Sana si Athena ng biglang dumating si Dolores...

At sabunutan ang kanyang buhok...

"Walanghiya kang Higad ka! What did you do to Matthew?? You b----itch!!. Hysterical na ito at nag sisigaw.

"What are you doing! Bitiwan mo si Athena! Are you insane?" Pilit na inilalayo ni Mylene ang kamay ni Dolores sa buhok ni Athena.

"Come here b----itch! Ibalik mo si Matthew! Walanghiya ka!" Sigaw ni Dolores habang pilit na hinahawakan parin ang buhok ni Athena.

At last nakawala na si Athena sa mabangis na si Dolores.

"Anong pinagsasabi mo? Nagtatakang tanong ni Athena.

" It's you! Nag text ka kay Matthew na makikipagkita ka! Ikaw ang huling ka text Niya bago siya namatay!" Galit na galit si Dolores.

" Wala akong alam diyan! Di ko nga alam ang number ni Mylene kay Matthew pa!". Naguguluhan na sagot ni Athena.

Susugod pa sana si Dolores ng dumating ang School Principal si Mr. Navarro.

"Enough! Among nangyayari dito?" Go back to your class or go home!" Galit na sabi nito.

Then humarap kay Athena.

"Ms. Athena Dela Merced right?" Tanong nito kay Athena.

"Yes sir it's me." Kinakabahan na sagot ni Athena.

" I will invite you sandali at the Dean's office for some questioning.

"Oh o-okay". Nagtataka man si Athena at sumang ayon nalang siya. Dahil dumadami na rin ang mga usyuserang estudyante sa paligid.

DEAN'S OFFICE

May binigay na Xerox copy si Sir Navarro kay Athena. Picture ito ng Cellphone ni Matthew na andun ang mga text niya daw sa kanya.

At some record of messages for the said Murder.

Nanginginig na kinuha ni Athena ito at binasa.

Pero ang cellphone number na nakalagay ay hindi naman sa kanya!

Sino ito???

"What can you say about that Athena?" Tanong ni Mr. Navarro.

"Hindi ko po ito Cellphone number sir! At wala akong number ng Lahat ng mga classmates ko dahil bago pa po ako dito sa school."

"Hmmmm ganun ba... Palaisipan ito. May I see your cellphone? Just to make sure lang at para ma clear na din ang name mo sa mga police."

"Sure po" kinuha ni Athena ang kanyang cellphone sa bag at binigay kay Sir Navarro.

Tumayo ang police na kanina pa pala sa kabilang table at nagsimulang mag inspection sa kanyang cellphone.

Madali lang e open dahil hindi naman niya nilagyan ng password.

After that day, nalinis na ang pangalan ni Athena. Pero si Dolores ay ayaw parin maniwala at galit na galit sa kanya.

Isang linggong hindi pumasok si Dolores dahil busy sa pagtulong sa burol ni Matthew.

Hindi na pumunta pa si Athena doon para iwas gulo. Baka ano pa ang mangyari. Hinayaan nalang Niya si Mylene at mga classmate niya na maki burol.

Lumipas ang mga araw ay nakalimutan na ang karumal dumal na pagkamatay ni Matthew.

At dahil buntis ang kanilang PE teacher at hindi na kaya pa ng katawan. Meron silang new PE teacher.

Substitute lang naman. After manganak ni Mrs.Santos ay babalik din siya.

Photo Credit to Unsplash

AT THE CLASSROOM

"Class, meet your new substitute PE Teacher, Mr. Rainier Gonzalez." Pagpapakilala ni Mr. Dimataga.

Hiyawan ang mga girls.

"Ay ang gwapo ni Sir!" Kinikilig na sabi ng mga ito.

Habang si Athena ay kalmado lang. Pero si Mylene ay kinikilig na rin.

"Athena ang gwapo! Siya ang pinaka batang teacher dito!' bulong ni Mylene.

Natawa nalang si Athena.

"Shhhhh wag kang maingay. Kalma ka lang naku gumagaya kana sa mga girls natin dito." Nakatawang sabi ni Athena.

At pag angat niya ng mukha....

Si Sir Rainier andiyan na sa harapan niya!

Ang gwapo nga! Natulala siya habang nakatawa pa.

"What's funny? Miss?" Seryoso ang mukha nito.

Paktay na!....

"Ah, eh Athena sir I'am Athena!". Nauutal na sagot niya.

"Then Miss Athena, what's funny that you cannot stop laughing huh?"

Estrikto naman nito. Minus pogi points na.

Ang mga girls ay naging seryoso na rin.

"Ah nothing sir, I'am just happy to welcome you ".

"Hmm thank you and I'am happy too, to let you open your book in page 85 and answer number 2 on the board please." Nakangiting sabi nito.

Pag minamalas nga naman.

COMFORT ROOM

Nakabalik na si Dolores sa School. At may PE activity sila sa gym.

Talagang sinundan niya si Athena sa Comfort room. Malakas parin ang kutob niya na may kinalaman si Athena sa pagka matay ni Mathew.

Inilock niya ang pinto para siguraduhing walang makakapasok at nilagay sa labas ang karatulang "Under Maintenance".

Inabangan niya si Athena na makatapos sa pagbibihis.

At ng makalabas na ito hinila niya ang buhok.

"You b----itch! Kapal naman talaga ng mukha mo!"

Pero nabigla siya ng e tulak siya ni Athena. Hinawi nito ang buhok at doon nakita niya ulit ang kakaibang Athena.

Isang Demonyong Athena. At bigla siyang kinilabutan ng ngumisi ito. The lethal smile!

Mga ngiting pamatay.

"Tsk! At bumalik ka pa talaga dito sa school? Nanahimik ka nalang Sana girl!" Nakangiting sabi nito.

" Hayop ka! Bakit mo pinatay si Matthew?"Sigaw ni Dolores.

" Ows! Ako talaga? But wait is Matthew really dead? Hahaha sayang naman patay na patay yon sa ganda ko".

Photo Credit to Unsplash

"Aba't ambisyosa ka!" Pasugod na sigaw ni Dolores. But nailagan lang ni Athena ang mga galaw niya at bigla siyang nahawakan nito sa mukha at nginudngod sa lababo.

Athena turn on the faucet habang e sinusubsob ang mukha ni Dolores dito.

" You should have stayed quietly dear! And today don't worry you will meet Matthew again at Hell! Hahaha" ..

To be continued...

leejhen ๐Ÿ’ž

Love the Story?

Start reading at the beginning....

Part 1

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-1-84e0f0aa

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/iFmi5OivOkb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

๐Ÿ‘‰https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

๐Ÿ‘‰https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty

12
$ 5.62
$ 5.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @kli4d
$ 0.05 from @Olasquare
+ 5
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Hala sya bitin na Naman Yung story Akala ko tuloy tuloy na hahahaha Pa bitin ka talaga sis kelan ulet Ang next part?๐Ÿ˜

$ 0.05
2 years ago

Haha nag iisip pa ako.๐Ÿ˜

$ 0.00
2 years ago

At naiwan na naman po akong bitin. Hahaha! Ate naman eh. Part 3 na agad para malaman kung tama ba hula ko. ๐Ÿ™ˆ

Feeling ko either my twinnie si Athena or may DID s'ya. Wala, naisip ko lang. Kaka-basa ko ng ganitong genre sa Wattpad. Hihi

$ 0.05
2 years ago

Haha let's see if tama ang mga feeling niyo๐Ÿ˜

$ 0.00
2 years ago

Nakooo. 'Di na pala ako sure, Ate. ๐Ÿคฃ

$ 0.00
2 years ago

Ayos din suspense hehe.. the angel and devil Athena haha

$ 0.05
2 years ago

Haha devil in disguise.

$ 0.00
2 years ago

Ayan Ang napala ni Dolores ,si Athena ba talaga yong killer? I will wait for the next episode

$ 0.05
2 years ago

Di ko alam๐Ÿ˜ joke lng.

$ 0.00
2 years ago

E wait ko ang kasunod

$ 0.00
2 years ago

Buti nga sa'yo Dolores ang kulit mo kasi sabi ngang hindi si Athena ang pumatay!, pero sino nga ba? :) mapapaisip ka talaga!, nice article sis, kaabang-abang!.

$ 0.05
2 years ago

Killer si athena??? Part 3 na po!! Exciting po talaga ang mga ganto๐Ÿ˜

$ 0.05
2 years ago

Now, now.. Athena is a killer? Naku. Kakaiba. May pamatay na ganda talaga. At nakakamatay pag lumapit ka sa kanya. Part 3 na po agad!

$ 0.05
2 years ago