My Old Billionaire Husband (Chapter 5)

0 13
Avatar for leejhen
2 weeks ago

Chapter 5 The Grandest Wedding Ever

Alexis
The contract between sa aming dalawa ni pangit ay nalagdaan na, kaya naman ang lola ninyo ay pwede ng rumampa.
But not now, huwag excited masyado.
Andito pa kami sa wedding photoshoot.

At ang bongga lang dahil ang ganda ko with my sexy beautiful gown bwahaha. At hinihintay ng lahat ang aking husband to be.
Nasaan na naman kaya si pangit. Palaging late at pabida.
And speaking of the devil pangit...
He is coming towards us now.
And take note naka maskara parin!
Bahala na siya basta ba ako ay may freedom kahit hindi niya tanggalin ang maskara forever wala akong paki hehe.
Nagsimula ang aming photoshoot at nanigas na naman ang aking panga sa kaka ngiti.

Yan Kasi, ang plastic mo girl.
Magtigil ka brain! Isa pa 'tong si pangit grabe kung makalingkis sa aking beautiful and sexy body ah.
Kahit naka maskara siya eh mukha kaming in love na in love sa picture.
Nang malapit na matapos ang photoshoot ay biglang dumating si Bebe Rond!

"Talk to him in private, huwag dito go somewhere else." Ang mahinang bulong sa akin ni Zac.
Pero at least okay lang sa kanya. Dali-dali akong nagbihis at hinila si Bebe Rond papuntang parking lot.

We are going somewhere else, sa private place daw haha.
Ang dumi ng isip niyo ah! Bawal kaya ako makipag sex. Magiging kabit ko pa si Bebe Rond. Hayy, buhay.
"Bebe, na miss mo ako?" Naglalambing kung tanong.

Pero mukhang bad trip ata ang pagmumukha ni Bebe!
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko ulit.

"Later na tayo mag usap let's go," at hinila ako papasok sa kanyang car.

Hmmm, now ko lang nakitang serious si Bebe ah.
Nag park kami sa isang beach.
At napakaganda ng view.
Very relaxing sa paningin at presko ang amoy ng dagat.
Ng bigla akong halikan ni Bebe!
Pero ito ay kakaiba, medyo wild at aggressive. At halos di ako makahinga.
My God, I'm out of breath pagkatapos ng kissing scene namin.

"Ano ka ba Bebe! Magsabi ka naman kung hahalikan mo ako. Grabe ang halik mo ngayon. May problema ba?" Hinihingal kung tanong.

At nagbago ang facial expression ni Bebe! He looks like a monster na galit at anytime pwede kang kainin.

"Of course there is! Ano, magpapakasal ka talaga sa matandang 'yon? Enjoy na enjoy mo pa ang mga yakap niya," nakasimangot na sigaw nito.

Wow na touch naman ako. Nagseselos si Bebe hehe.

"I'm sorry Bebe, but there's no other choice eh. Pero don't worry okay naman si Zac sa relationship natin. Payag siya at bibigyan niya ako ng freedom. Anytime pwede tayo magkita in private nga lang." Paliwanag ko.

"Kahit na! Ikakasal parin kayo. At ako ay magiging kabit mo nalang. Bwesit na pangit!" Galit parin si Rond.

Lambingin natin si Bebe para hindi magalit.
"Hindi mo na ba ako mahal Bebe? Ayoko maghiwalay tayo," at niyakap ko siya ng may paglalambing hehe.

"I love you Bebe, you are my life. At ayokong maagaw ka ng pangit na 'yon." Niyakap niya rin ako.

"Hindi niya ako maaagaw, haha. As of now ito lang ang tanging paraan Bebe, tiisin na muna natin ha?" Malambing kung tanong.

"Basta para sa'yo Bebe," nilunod ulit ako ni Bebe sa kanyang mga halik...

Hindi na masama itong sitwasyon namin ni Bebe, basta ba magkikita parin kami ay ayos na ako dito.
But later on I'm planning an annulment. Kapag nabigyan ko na ng anak ang pangit na 'yon.
Sana lang enough na sa kanya ang isa at huwag na maghangad ng sampu dahil patay ang beautiful body ko niyan!

*******************
Wedding Day
Our wedding ay gaganapin sa Mansion nila Zac. It's a garden wedding na dadaluhan ng mga powerful politicians and business tycoons here in the country.
And this is not a Mansion but a Palace!
Ang laki ng bahay niya three times ng laki sa Mansion namin.
The garden is very beautiful.
Walang sinabi ang 1 hectare garden namin.
Ito ay 2 hectare ata ang laki at ang mga flowers ay imported ang iba na makikita mo lang sa ibang bansa.

Napakagaling ng nag landscape ng garden na ito. Napakaganda!
At may mini waterfalls pa sa gitna at may mga isda.
In fairness kay pangit, he has a creative and amazing taste.
Sa ngayon napakabongga ng decorations sa garden. Gold ang motiff ng aming kasal kaya naninilaw ito. At meron talagang nakasabit na totoong gold! Sa buong paligid.
A flowers that is made of real gold. At ang carpet girl hindi red, it's yellow but made of tiny pieces of gold. And I'm sure that they are real. Kumikinang pa ito.
Lahat sa buong paligid ay kumikinang pati ako. May headrest has tiny pieces of gold and pearls as well as my wedding gown.
Sosyal! At ang ganda ko today hehe.
And this is it! Our wedding will about to start. Nagsimula ng kumanta ang singer ng "Beautiful in White" At isa-isa ng rumampa ang mga abay sa kasal. Ang tatlong friends ko na lukaret ay ang aking bridesmaid. Ang ganda ng tatlo.
At ito na, I will walk down the aisle with my Dad.

Mahinhin lang ang paglakad baka madapa tayo nakakahiya hehe.
At andun si pangit na naka maskara parin. Naghihintay sa akin.
Ewan kung nakangiti ba siya o nakasimangot? Bahala siya, matapos lang ang kasal ay okay na.
Pero it's our wedding kaya makiayon tayo. I smile at him, 'yong genuine talaga. At least hindi ko muna siya aawayin because it's our wedding day.

Ipinasa ni Dad ang kamay ko kay Zac and this is it for real.
Ikakasal na talaga ako!
Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa seremonya.
Until the priest said...

"You may kiss the bride." Naku! Hahalikan niya ba ako?

Oo girl para ano pa at ikinasal kayo?
Shut up brain!
Half lang ang maskara ni Zac so anytime pwede niya akong halikan at ang ingay na ng mga tao sa paligid.

Kiss the bride! Kiss the bride!
Ay bwesit kayo, tumigil kayo sa kaka sigaw.

Tumingin sa akin si Zac with the look that asking for permission. Syempre baka mapahiya siya sa lahat kaya nakiayon na ako.
I nod my head and give him my sweetest smile. At na gets naman niya.
He open my wedding veil at na exposed na ang maganda kung mukha.
The audience become silent at nag aabang na halikan ako ni Zac.
He smile then he kiss me.
Pero saglit lang.
Smack on the lips. Buti nalang dahil andiyan si Bebe Rond nakatago sa mga flowers at alam ko ay selos na selos na 'yon.

Pero ang mga tao ay ayaw magpaawat. Nakakagigil!
More! More!
Kiss her! Kiss her!
More kayo diyan, bwesit na mga 'to!
Buti nalang at na sense ni Zac that I'am not comfortable.

"Later!" He shouted. At nagtawanan ang mga audience.
Syempre makitawa din tayo girl. Ang plastic ko lang hehe.

Natapos ang seremonya sa wakas at ito na ang pinaka aabangan ng lahat.
Kung sino ang makakasalo ng bridal bouquet.

Ang mga malalanding kababaihan ay nagsitakbuhan na sa gitna at nag-aabang. Pati ang tatlo kung lukaret na friends nakikipagtulakan na.
Hindi halatang excited kayo girls!

In 1,2,3...
At inihagis ko na ng nakatalikod ang bouquet.
At ang nakasalo?
Walang iba, si Debbie!
Ang saya saya ng lola ninyo oh.
Ngiting tagumpay haha.

And it's Zac time, ihahagis niya na ang garter. At hulaan ninyo kung sino ang nakasalo?

Isang matabang lalaki bwahaha.
Ang nakangiting si Debbie ay mukhang maiiyak haha.
Parang naging comedy ata ang kasal ko.

Proceed kaming lahat sa reception.
Sa Hotel lang din nila Zac. At doon nagsayaw kami in the middle.
At yayamanin ang mga lumapit girl 1k ang sinasabit sa damit namin ni Zac. Ang daming 1k. Ang gold na motif ay napalitan ng kulay blue.

At ang 5 layer cake namin ay may gold bracelet na nakasabit. Bawat slice ng mga bisita ay pwede sila kumuha ng isang bracelet for souvenir.
Ang gara at sosyal girl.

At pa sweet din kami sa pagsusubuan ng cake. Pero sa katapat na mesa ay andun si Bebe Rond! Nanlilisik ang mga mata dahil sa selos.
Naku Bebe malapit ng matapos. Hang in there.

And at last natapos din ang engrandeng wedding namin ni Zac. At balak ko na pumuslit at puntahan si Bebe.
Nakapagbihis na ako at ready na ng harangin ako ng isa sa mga bodyguards ni pangit.
And what is the meaning of this? Akala ko ay may freedom ako?
Walanghiyang pangit! Na scam ako ah.

Padabog akong pumasok sa hotel suite namin at si pangit relax na relax lang na nakaupo sa sofa with matching drinking the wine.
Humanda ka sa pag alburuto ng bulkang Mayon!

"Ano na? Akala ko may freedom? Bakit wala? Naghihintay si Bebe sa labas!" Pasigaw kong sabi.

Ang pangit ay parang walang narinig. Relax na relax lang.
"Hoy pangit, I'am talking to you!" Sumigaw ulit ako.

"Calm down, and please lower your voice. Nakakabingi ang boses mo." Sagot niya na hindi man lang tumitingin sa akin. At tuloy lang sa pag inom ng wine ang bwesit na pangit.

Okay kalma Alexis. Breathe in, breathe out...
"So ano na? Bakit hindi ko pwede puntahan si Rond?" Mahina kong tanong.

"There are eyes everywhere at nakakalat ang mga reporters. They are just there waiting for us to commit mistakes. It's our wedding day we are supposed to be together and tomorrow we will fly to Japan for our honeymoon." Kalmadong paliwanag nito.

Wait ano daw?
Honeymoon?
Agad agad na? Makikipag sex na siya sa akin?
Manyak talaga ang pangit na 'to!
"Sex na agad? Ang bilis naman ata!" Reklamo ko.

At si pangit tumawa lang ng pagkalakas.
"What's funny?" Tanong ko na pasigaw.

Then he took off his mask!

leejhen 🤍

1
$ 0.00
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
2 weeks ago

Comments