July 14, 2021
The market is currently on the dip. Kumbaga sa roller coaster ride, ito na yung punto kung saan bumabagsak na. Pwede rin 'tong ihalintulad sa grades mo. Sa una mataas pero habang tumatagal pababa nang pababa, charot. Because of the market situation, the majority of crypto traders are in panic and selling their assets thus contributing to the crash.
Bilang patatas na walang kamuwang muwang sa nangyayari sa paligid nya, di ko nagawang iconvert sa USDT ang aking mga assets. Sana lahat marunong magbasa ng trading indicatorsπ. Pero sa kabila nito, hindi ko na nagagawang magpanic at malungkot. Sa halip, tinitingnan ko βto bilang pagkakataon upang makalikom ng BCH at tuparin ang aking goal na 1 BCH bago matapos ang taon.
Pati ilong ko dinudugo na. Di na ako sanay mag-tagalog π
Regardless, what are the things I am doing during this time where almost everything on the market is bloody red?
I write articles and create noise on noise.cash
Syempre bilang oportunista kailangan natin samantalahin ang mababang presyo ng BCH para makalikom. Kahit wala akong maisip na topic kanina, inuntog ko ulo ko sa pader para gumana. Effective naman kaso nalimutan ko na kung paano mag English. Kahit nga pagsusulat ng Tagalog medyo nahihirapan na ako.
Sinubukan ko mag-ingay kanina sa noise.cash pero mukhang pati yung algorithm nila ay wala sa sarili dahil sa pagbagsak ng market. Pati yata si Rusty nababaliw na dahil di pa ako binibisita simula kahapon. Pero bahala silang dalawa, magsusulat at mag-iingay pa rin ako.
Help with household chores.
Minsan lang naman ako maging tamad, minsan napapadalas. Dahil nga sa estado ng merkado ngayon, naisipan kong tumulong muna sa mga gawaing bahay para mailihis ko ang aking isipan. Naatasan ako ng nanay ko na magpaligo sa dalawang asong makulit. Pareho silang takot sa tubig pero dahil kontrabida ako at ako ang amo, walang silang nagawa kung hindi ang sumunod. Kahit mukhang masama ang loob nila pagkatapos mabasa ng tubig, di nila mapagkakaila na nakakagaan sa pakiramdam lalo naβt sobrang init ng panahon kanina. Sa oras na sinusulat ko βto, parehas na mahimbing ang kanilang tulog. Kung nakakapagsalita nga lamang ang mga aso, baka kanina pa silang nagpapasalamat sa akin.
Naisipan ko din maglinis ng nag-aalikabok naming electric fan. Parang di na nga hangin ang binubuga ng mga βto, alikabok na. Di ko rin maintindihan kung bakit ganito kaalikabok sa lugar namin. Malayo naman kami sa Sahara Dessert o sa factory ng alikabok, pero bakit ganto quality ng hangin sa amin. Baka nga maisipan kong bumili ng air purifier pag nagkaroon ng extrang pera. Panamantala, tiis-tiis muna sa pagwawalis at paglanghap.
Watching movies
Gabi-gabi naman ako nanonod ng pelikula, mga madaling araw nga lang para walang makakita at hindi mahuli. Ngunit dahil maaga palang at dilat pa ang mga tao dito sa bahay, sa Netflix ang aking diretso. Kadalasan anime ang aking pinapanood o minsan naman k-drama. Kahapon nga lang ay may inirekomendang pelikula ang aking tatay. Baka daw magustuhan ko. Marami pa syang nabanggit. Panonood lang kasi sa Netflix ang naging libangan nya nung na-quarantine sya.
So ayun, triny ko yung sinasabi nya na βThe Founderβ. Tungkol ito sa founder ng Mcdonalds at naging journey nito sa negosyo. Mukhang maganda naman kaso itinigil ko ang panonood dahil naalala kong wala pa pala akong article para sa araw na βto.
Gardening
Wala kaming garden. Sinabi ko lang na gardening para mukhang sosyal. May mga iilang halaman si mama dito at kadalasan ako ang nag-aalaga. Sa akin nya kasi laging inuutos βyon dahil gusto daw ng mga halaman ang aking kamay. Di ko alam kung pano nya nalaman . Hindi ko naman sya nakikitang nakikipag usap sa halaman. Hindi ko din naman nakikitang nagsasalita yung halaman. Paano nya nalaman na gusto ng mga halaman ang aking kamay? Hays, gulo talaga ng mundo. Yung blackboard nga green eh. Yung crush mo may crush na iba.
I sleep.
Kung meron nga lang sigurong contest ang pahabaan ng tulog, baka kasama ako sa third place. Madalas kasi ako matulog at kahit kakagising ko lang, natutulog ulit ako. Habang sinusulat ko nga βto inaantok na naman ako eh. Pero ayun nga, pag medyo naapektuhan ako sa crypto market, itinutulog ko nalang. Ito na yata ang coping mechanism ko sa halos lahat ng bagay. Kunyari out of nowhere nalungkot ako bigla, itutulog ko nalang para mawala.
Final thoughts...
Sabi nga nila, pag pumasok ka sa mundo ng crypto, kailangan ihanda mo na mental at emotion aspect mo. Kasi during these situations, yourself is your number one enemy. Pag marupok ka at di nag-iisip, matatalo ka. On other hand, kung matibay ang loob mo at di nagpapadala sa takot, malalyo ang mararating mo.
My English vocabulary is not present at the moment so I tried using Tagalog. Baka bukas or sa mga susunod na araw tagalog muna gagamtin ko. Hopefully, maging active na uli ang aking brain cells. Salamat sa pagbabasa!
Thank you to my sponsors, upvoters, silent readers, commenters, and critics for keeping me motivated in writing π―. I am just a speck of dust floating in the wind without you :)
You can read my recent articles...
Ang kukulit nung mga GIFs mo ay. Pero dito ako pinaka-natawa. "Kahit wala akong maisip na topic kanina, inuntog ko ulo ko sa pader para gumana. Effective naman kaso nalimutan ko na kung paano mag English." Parang gusto ko na lang din na gawin 'to. π