Mga Paborito Kong Philippine Game Shows (1)

41 51
Avatar for kingofreview
3 years ago
Topics: Filipino

Hey, hey, hey!!! Since bloated na ang utak ko kakasalita ng Ingles, napag-isipan kong mag-Tagalog ngayon na ginagamit kong frequently sa inaaraw-araw ko na buhay.

Maliban sa mga umay na teleserye na puro kabitan, itinago ang anak na pinaikot-ikot ang istorya, immortal na pulis, agawan ng yaman, at api-apihan na teleserye, ano ba ang favorite niyong segment ng isang local network?

Kung ako ang tatanungin niyo, I like games. I like to play games, pero never na never kong paglalaruan ang puso mo (kunat nun ah).

Anyway, I want to watch games na ginagamitan ng utak at common sense kahit wala ako non. Alam mo yon, yun lang ang sentro ng pokus ko sa TV. Hindi ko talaga alam, pero yun talaga ang hilig ko nung mukha pa akong tv.

Syempre alam niyo na kung saan 'to patungo...


1) KAPAMILYA Deal or No Deal

Kung alam niyo na itong game na ito, eh 'di alam niyo. Anyway, ito lang naman ang kinakaadikan kong game show noon kapag wala si Mama kasi sumasamba sila tuwing gabi kasama nung kapatid ko.

Simply, itong entertaining show ay magbigay lito or trick sa mga viewers nila (ang lalim non ah), at alam ko naman na aware na kayo sa show na ito since in-adapt lang siya virtually. Naalala ko pa noon na lagi kong hinuhulaan kung ano nga bang number ang may laman nh isang milyon, at hindi ko pa rin talaga alam 'yung face ni banker. May idea ba kayo kung sino siya? Comment naman kayo guys.

2) Singing Bee

Kung hindi ako nagkakamali, ito talaga ang pinakapaborito at memorable ko na game show sa buong buhay ko. To be honest, lagi ko 'tong inaabangan bago magsimula ang Be Careful With My Heart, and I'm still Grade 5 that time. Hindi ko makakalimutan na ang host nitong show na tinutukoy ko ay sila Roderick Paulate at Amy Perez. Kahit nung Grade 3 ako, inaabangan ko rin ito, at kahit nung tuwing Sabado pa lang siya. Even hindi ko siya entirely nasusubaybayan nung Sabado pa ang kanyang timeslot sapagkat lagi kaming pinapatulog ni Mama, at least napapanood ko na siya bago ako pumasok nung Grade 5 na ako.

Naalala ko na bago ako kumain o gumayak papasok ng school, ililipat ko na kaagad 'yung TV namin sa ABS-CBN para manood non saka mag-a-ayos. Buti na lang at hindi ko kaagaw si Mama sa TV noon kasi eksaktong kakatapos lang niyang panoorin yung sinusubaybayan niya na K-Drama. Eh puro taguan lang naman ng anak ang plot non. Pero seriously, gusto ko talaga 'tong balikan at hindi ko lang alam kung available ulit ito sa Jeepney TV.

3) Celebrity Bluff

Fact or Bluff? Sa lahat ng trivia games na napanood ko sa Philippine television, 'eto lang siguro yung pinaka-nakakatawa at hindi boring na segment kahit medyo explicit yung mga pinagsasabi ng comedians. Kilala niyo naman yung mga parte ng show na veteran sa pagpapatawa, especially si Mr. Jose Manalo at si Boobay na laging topic ng show.

In fact, sa sobrang sikat ng show na ito, tumagal ito ng three years, at umere pa muli ito for over a month. Sayang lang, at mabilis natapos yung second airing. Ganunpaman, thankful pa rin ako kasi bilib na bilib 'yung Mama ko sa pagsagot sa scrambled words. 'Wag lang sumagot sa kaniya ng pabalang. Wala lang, share ko lang.

However, minsan lang ako manood nito kasi nga, ang aga-aga naming pinapatulog para raw may lakas kami sa pagsamba. Bata pa ako that time.

4) Who Wants To Be a Millionaire?

One of the the best show for me! Paborito ''to nang Papa ko, skl.

Anyway, maganda 'tong show na 'to kaso ang hihirap ng mga tanong. If hindi ako nagkakamali, kasabayan pa nito dati ang KMJS. Lahat kami nakaabang sa show na 'to dati, at sa una lang talaga madali 'yung mga questions. As usual, kapag patagal na ng patagal na ang series ng questions kagaya sa isang relasyon, mas lalong humihirap tapos mas mataas lang ang probability na maiiwan ka lang sa wala. Wala lang, gusto ko lang yon sabihin, Basta mahirap, pero kung smart ka, kaya mo na yan.


Since marami pa dapat akong i-i-include, sa tingin ko ay dapat ko nang i-stop ang article na ito. Like for Part 2.

14
$ 8.20
$ 7.73 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @ARTicLEE
$ 0.05 from @Jane
+ 7
Sponsors of kingofreview
empty
empty
empty
Avatar for kingofreview
3 years ago
Topics: Filipino

Comments

Naabutan ko pa yan lahat๐Ÿ˜‚ Mas maganda talaga noon di pa uso ang kabit๐Ÿ˜‚

$ 0.02
3 years ago

Parang wala pong may gusto sa may kabit hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Namiss ko si Charmel :D Nakakamiss din yung show na yan. Yung iba hindi hehe.

$ 0.02
3 years ago

Ano po yung charmel?

$ 0.00
3 years ago

Ngayon ko lang nalaman na Isa ka palang malalim na tao Ang gusto mo Yung mas marami kang matutunan , maganda yan para dagdag kaalaman din hehehe ako Kasi kapag nanonood Ng tv gusto kong palabas Yung mga light lang ayoko nung Nate tens saka Yung mga dramang masakit sa dibdib.

$ 0.02
3 years ago

ayaw ko yung kabitan na serye ate, ang baduy lalo na kuung pianapaikot-ikot lang istorya haha

$ 0.00
3 years ago

Ako din Ayoko Ng magulo tas pasikot sikot na istorya nakakaburyong

$ 0.00
3 years ago

Yung celebrity bluff lang ang alam ko dyan๐Ÿคฃ. Lagi kaming natatawa sa mga comedian dyan haha

$ 0.03
3 years ago

Si papa lalo na haha.

$ 0.00
3 years ago

HAHAHA same here hinuhulaan ko din yung deal or no deal kung anong number ang may milyon na halaga, tsaka ginagawa ko din yung pag rampa ng mga babae gamit yung case ko sa school na parang ginagamit din jaan. Sa singing bee din HAHA jan ako natuto mag hula hula ng lyrics at makisabay kahit sintunado ๐Ÿคฃ

$ 0.02
3 years ago

Mnsan lang rin po ako manood non peero gold hahahha

$ 0.00
3 years ago

Game KNB? wala ba sa list mo? Hahaha isa yun sa mga kina-adikan ko noon e. Pati Family Feud hihihi

$ 0.02
3 years ago

Kasama po haha. Sa susunod ko na lang siya i-a-add

$ 0.00
3 years ago

Hanggang ngayon, 'di ko pa din kilala si banker. HAHAHA! Pero 'dun talaga ako sa Celebrity Bluff. Grabeee. 'Di pwedeng papanoorin mo s'ya nang 'di sumasakit tiyan mo kakatawa. ๐Ÿ˜‚

$ 0.02
3 years ago

Di po mawawala ang pagiging lampa ni boobay hahahha

$ 0.00
3 years ago

Truuuu. Every episode yata nila is lumalagapak s'ya sa sahig eh. Hahaha

$ 0.00
3 years ago

Nanonood din ako nung Who Wants to be a Millionaire before. Haha. Pag d ka maalam sa mga trivia naku nganga. ๐Ÿ˜…

$ 0.02
3 years ago

Tamang google lang nga ako non eh hhahahah

$ 0.00
3 years ago

Oi Game knb ni kris mganda dn

$ 0.02
3 years ago

Yes po. Napanood ko lang siya sa tiktok that time pero pang wholesome ang questions

$ 0.00
3 years ago

Un Celebrity bluff lang ang di ko napanood jan. Tapos pinakapaborito ko eh Who wants to be a millionaire..

$ 0.01
3 years ago

Kapamilya po siguro kayo

$ 0.00
3 years ago

Oo beh, hehehe

$ 0.00
3 years ago

Sakin Deal or no deal lang yan lang pinaka nagustuhan ko. Saka, game ba ung YFSF? Grabi ang dami ko laging tawa jan. Hahahaha

$ 0.02
3 years ago

Your face sounds familliar ba yon ate? Game show pa rin po yom

$ 0.00
3 years ago

Oo yan na nga, nakakatuwa mandin yan lalo na si Alex nandyan ahahaha.

$ 0.00
3 years ago

Alam ko lahat yun mga shows. Eto yun panahon na okay pa ko pagdating sa buhay at Di pa masyado siniseryoso ang kulang na budget. Favorite ko yun celebrity bluff.

$ 0.02
3 years ago

Ako, medyo medyo lang ate hahahha

$ 0.00
3 years ago

Sa Celebrity Bluff talaga ako natutuwa. Tawang-tawa ako kila Uge at Jose๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ

$ 0.02
3 years ago

Opo tapos yung love team na pinasikat nila

$ 0.00
3 years ago

Sakin ei parang minute to win it at yung I can see your voice. Nakakatawa talaga yun na mga game show eei๐Ÿ˜… lalo na kapag nandyan sila kuya Bayani Agbayani. Laughtrip sobraa ang game show.o

$ 0.03
3 years ago

Di ko siya napapanood kasi kmjs pinapanood namin eh. Eh yung minute to win it, mas prefer ko yung classic. Ayaw ko yung last man standing

$ 0.00
3 years ago

Aah okay2 po haha basta laughtrip ko lang talaga yun๐Ÿ˜‚.

$ 0.00
3 years ago

Dun padin ako sa hep hep hooray hahaha, laughtrip tlaga kapag mabilisan na. Yung family feud din maganda kase mapapaisip ka naman tlaga, marami na akong nakalimutan na Luma eh sana mapaalala mo.โค๐Ÿ˜…

$ 0.03
3 years ago

Nakalimutan ko yung hephep hooray haha

$ 0.00
3 years ago

OYY NAALALA KO MERON PANG ISAAAA HAHAHA SOBRANG TAGAL NANON DIKO MAALALA BATA PAKO DONN UNG BUMABABA UNG UPUAN TAS PAG MALI SAGOT MO BIGLAG TATAIKOD UPUAN XD

$ 0.04
3 years ago

Saang network yon haha. Baka alam ko pero hindi rin haha

$ 0.00
3 years ago

si Cecsar or cecar gumanap don

$ 0.00
3 years ago

Hahaha nakakatuwa nman. Nakasubaybay ako dati sa mga game shows na yan ๐Ÿ˜

$ 0.01
3 years ago

Old but gold ika ng ate

$ 0.00
3 years ago

Sana nga ibalik nila. Nakakaumay na yung puro drama ๐Ÿ˜†

$ 0.00
3 years ago