read.cash Log in
@charol09

@charol09 in July 2022

@charol09

Dahil extend pa ng 1 week ang klase nila bunso heto at nagpapaka expert siya sa pagbabasa at pag e spelling. Maganda na ring handa. I advance natin ng makasunod siya sa aralin kapag face to face classes na. Maganda na yung mahigpit ang turo para alam niya ang kahalagahan ng pakikinig,ahe. Ganyan din naman ang ate niya kaya hindi siya ligtas.

@charol09

Ito nga pala yung baon ni hubby kanina, Malamang pamaya-maya kakanin na yun dahil maglulunch break na. Simula ng mag-asawa kami lagi itong nagbabaon sa trabaho. Laking tipid din kase. Never pa itong naging magarbo sa baon. Ang mahalaga kumakain at hindi nagpapalipas ng gutom. Matrabaho lang sa umaga ang pamimili at magluluto pero laking bagay na para maka menos. Ang lutong ulam kase ay may kamahalan tapos ang konti pa ng laman. Wag nyo ng pansinin yung lalagyan niya ng ulam…

@charol09

Budol uli kay Lazada, short ni bunso. Need ng magpasalamat sa paglilingkuran ng mga short niya dahil luma na at maiksi. Nag try muna akong bumili ng 4 pcs kung maganda. At ang rate? 10/10, yuhoo! Maganda siya kanoise. Taslan short ang tawag. Ages 8 to 10 years old kinuha ko at sakto sa kanya ang haba kahit tumaas pa siya. 44 pesos each nga pala ito. Bili na kayo sa G Clothing sure na maganda.

@charol09

Bakit parang broken hearted ang feeling ko ngayon.Sinabayan pa ng maulang panahon. Nakikisimpatya ka ba weather? Kakauwi nga lang pala namin kanoise, bumungad sa amin ang mga kalat sa bahay. Naglaro na naman ng rambulan yung dalawa naming alaga. Nilaglag pa ang lalagyan ng tindang mantika. Nasira tuloy yung isang plastic. Luge na naman ako nito. Kamusta po ang gabi natin?

@charol09

Flex ko lang ng mabilisan itong 1 box na Maxglow 1 liter na tinda ko. Pinabili ko kay hubby kahapon dahil wala ng stock. Kakataas ng bilihin nakisabay na rin ako pero presyong mababa pa rin kumpara sa tindahan sa may kanto. 30 pesos noon 32 pesos na ngayon. Presyong pangmasa pa rin. At kitang ok na sakin kesa tumambay sa maghapon. Ahe, nagmamadali nga pala ako dahil aalis kami. Pano ba yan mga kanoise sisilip-silip na lang uli ako. Ingat sa maghapon!

@charol09

Flex ko itong sili na nakuha ko sa bakuran ni friendship. Sili is life. Hindi makakain ng walang anghang sa pagkain. Ahe, damihan ko sana kaso dalawa lang ang hinog. Next week balik uli ako para kumuha.

@charol09

Kaway-kaway sa mga kumakain ng gulay na ito! Nagsulputan kapag tag-ulan. Damo ang turing ng iba pero pagpapala naman sa tulad ko. Saluyot mga kanoise ang gulay na paboritong ihalo ng inyong lingkod sa sardinas, ginataan sa labong, bulanglang at many more,ahe. Basta may saluyot kahit anong luto kakainin ko. Ayaw ng iba dito dahil madulas tulad ng okra pero gustong gusto ko naman lalo sa ginataang labong. Uy, kasarap talaga!

@charol09

Mga kaPilipinas Turn up Tayo ay Pilipino Kahit anong kulay ng balat isasapuso Mapa-tagalog bisaya o ilokano Walang tatalo sa bagsik ng ating dugo Isigaw ng malakas ang ating panalo Wag nang pagusapan ang mga negatibong Pangyayari san mang panig ka nasa mundo Kinabukasan na natin to (panalo) Panalo Song by Ez Mil Good morning mga kanoise! Maging panalo sana ang buong araw natin! Sunday is Samba day at Family day mga kanoise enjoy po, Have a Funday today!

@charol09

Nagtataka ako kung bakit tahimik yung panganay na anak ko. Pagtingin ko sa higaan niya sa taas, abala pala itong nagbibilang ng ipon nilang magkapatid. Ano na naman kaya naisip nitong gawin at naisipang buksan ang lalagyan ng yaman nila,ahe? Ipon nila yan kanoise mula sa binibili nilang meryenda na naka stock sa bahay namin.

@charol09

Sarap matulog ngayon kanoise,hindi masyado mainit ang panahon. Tambay mode muna , nag-iisip ng meryenda. Gayahin ko sana yung puto mixture na nakuha ko dito kaso natamad akong gumawa,ahe, wala namang kinalaman sa picture yung content ko. Nataon lang na puro picture ng dalawa naming alaga yung laman ng gallery ng phone ko. Sila lagi bida sa amin kase masyado ni papampam.

@charol09

Umagang maganda mga kanoise! Kahapon tambay mode ngayon naman trabaho mode na. Ay, ang bilis! Laundry day ngayon ni inday kaya mag bi busy busihan na naman ako. At dahil 2 days na hindi naglinis ng bahay si inday gawa ng mga lakad paroon at parito kaya isasabay niya ang paglalaba habang naglilinis ng bahay. Yohoo! Happy pagod day mga kanoise,ahe..

@charol09

Habang naglalaba at naglilinis hindi ko maiwasang hindi mapansin ang kacute-an ni Negneg, ang sherep ng buhay ni Negneg kanoise, sana all! Mga 12noon tapos na akong maglaba, konting pahinga si bunso naman aasikasuhin ki mamayang hapon dahil nabasa ko sa gc na may online class sila bukas, at mag i spelling assessment sila sa English kaya ang siste, bawal magtatamad-tamaran uli,huhuhuhu

@charol09

Maaga akong nakayaring maglaba,yes! Tapos na rin kaming kumain ng lunch pero me panghimagas na pagkaing mavetsin dito sa tabi ko,ahe. Pampawala ng pagoda kaya kakain ako. Kamusta ang lunch nyo po? Ito yung nakakatabang paraan ng pagkain, yung kakakain mo pa lang pero kumakain ka na ulit,ahe

@charol09

Paayuda ni mayor,este ni mister. Budget namin for 15 days. Naisingit na ang bigas ,ulam na lang ang iintindihin. Ang gusto ko sa bigas kapag naluto mabuhaghag, ayoko ng malambot. Masarap kase isangag ang mabuhaghag na bahaw. Ang iba naman gusto malambot.,ahe, kayo po mga kanoise ano gusto nyo sa sinaing?

@charol09

Share ko nga pala itong niluto ko kahapon na puto, mejo tinamad kahapon pero noong sinipag naman eh nagluto rin. Yung recipe at mixture mula kay sissy @Pen28, thank you po. Legit po yung takal ng mixture,ahe, hapunan na po namin yan kagabi, dalawang patong ng steamer yung nagawa ko po kaya madami na po talaga para sa amin. Imbes na tubig evap ang pinaliit ko para mejo espesyal sa kakain.ahe,

@charol09

Isa sa routine ng mga mommy ang maglinis ng tahanan lalo na kung may mga chikiting ka pang pinapastulan. Kahit maglinis at magligpit ka pa buong araw asahan mong pagmulat pa lang ng mata mo ay may kalat na agad na bubungad sayo. Kaway-kaway sa mommy diyan! Ahe

@charol09

Reading and Spelling assessment na mamaya ni bunso kaya nag-aaral na siya ngayong umaga. Hindi ko alam kung ano ba dito ang i papa spelling ni titser kaya need niya talagang mag review. 10am start nila at pang huli siyang papasok sa online nila. One on one kase ang assessment ni titser. Panghuli siya sa listahan. Ayos naman yun para may oras pa siyang mag spelling review habang naghihintay mamaya. Mejo bumubuti na rin ang paraan niya ng pagsulat. Mainam naman para ready na…

@charol09

Tanghalian na, ang bilis ng oras. Kamusta ang kalahating araw natin mga kanoise? Tapos na mag online ang bunso ko. Nakapagbasa naman siya at nakasagot. Ngayon busy sila magkapatid mag YouTube , minsan lang naman sila manood kapag very good silang magkapatid. Ang madalas na ginagawa ni bunso ay makikipaglaro sa kapitbahay habang ang ate naman niya ay nagbubutingting ng kung anuano sa loob ng bahay.

@charol09

Grabe late na kami nakauwi gawa ng malakas ang ulan. Flex ko lang mga kanoise itong panghimagas namin. Kanina habang nakikipagkamay ako bigla inabot sa akin ito. Dalawa yan kaso naubos na namin yung isa. Share ko lang sa inyo bago matapos ang araw na ito. Ang totoo naduduling na ako sa antok kaso abala pa mga kasama ko kaya heto at nagpipigil pa ako ng antok. Noise muna ako , kanina pa ako absent eh..

@charol09

Masabong morning mga kanoise! Sabon ang inaasikaso ko ngayong idisplay sa muntik kong tinda-tindahanan. Literal na munti lang siya kanoise dahil apat na klaseng panglaba lamang ang naka display sa munti ko rin na estante. Mabili dito sa Lugar namin ang budget friendly na panlaba dahil matao. Halimbawa, 32 pesos lamang ang tinda ko na1 liter Maxglow diswashing. 48 pesos naman ang Yen-yen Falcon 1 liter , 20 pesos naman ang 1/2 kilo na detergent powder na All Mighty at 20…

@charol09

Fan ako ng mga prutas pero kapag santol, duhat, atis kahit sagana parang tinatamad akong kainin. Pero iba itong santol na ito kahit hindi Bangkok pero ang tamissss! Magugustuhan ito ng panganay ko kapag natikman din niya. Isawsaw ko na lang sa sili at asin ang balat ng santol mamaya para sa asim kilig. Maasim-asim kase ang balat pero yung buto apakatamis. Baka gusto nyo kanoise kuha na kayo.

@charol09

Kuha yan mga 4 years ng nakakaraan. Kapag walang pasok si hubby 5am pa lang nagba bike na kami papuntang pampangga. Tig-isa kaming bisikleta. Angkas niya yung dalawa naming anak tapos nasa harap niya nakasakay ang bunso at sa likod naman ang panganay. Ilang baranggay din ang nadaanan namin at madilim pa ang daan ng maipasok ng bunso ko yung paa niya sa harap ng gulong. Ayon nabalatan at nagkasugat kaya pumuputok pa lang ang araw ng masugod kami sa ospital gawa ng sugat niya…

@charol09

Kapag sinisipag akong mag bake may batang taga simot lagi ng hinahalo kung mixture. Naggagayak palang ako ng sangkap nakatanghod na siya at nagaabang. Hindi pa luto yung cupcake busog na siya,ahe.

@charol09

May online activities akong tinapos ngayon kaya tinanghali sa pagpopost pero sa gising 5am pa rin, consistent mula noon kahit pa magsabado o linggo. Kelan ba ang pahinga? hmm, siguro kapag may bagyo lang. Walang pasok si hubby at mga bata,ahe. Nagpapasalamat naman ako na hindi kami tinatamaan ng malakas na bagyo dito sa lugar namin ngayong taon. Ang dalang ngang umulan dito ng malakas. Share ko ngayong umaga itong activity ni bunso, may pattern siyang ginupit at dinikit para…

@charol09

Hindi pala nagsend yung picture kanina kaya heto at ginamit ko . Gawa ng bunso ko activity kanina. Maulan nga pala ang hapon ko kanoise. Tambay sa higaan habang ang mga bata ay naghahanap ng malilibangan. Hindi naman kalakasan ang ulan dito. Hihinto tapos uulan. Sabi ni hubby malate siya ng uwi gawa ng may meeting pa sila.

@charol09

Dahil nag chat si hubby na hindi na siya sa bahay maghahapunan kaya naman nagluto nalang ako ng 1 pc ng fried egg para kay self,ahe. Ang mga bata nagbukas na lang ng paborito nilang Century tuna flakes in oil kaya nasolve ang dinner naming mag-iina. Tapos na kaming kumain at naglilinis na si ate ng lamesa at naghahanda na para maghugas ng pinggan.

@charol09

Ang ganda ng sikat ng araw dito noong umaga pero noong bandang pahapon na ang lakas ng ulan. Nakuhanan ko pa nga ng litrato itong garden ni friendship na sobrang sukal sa dami ng tanim. Sabi ng nanay niya may sawa daw sa compound nila at bayawak parati daw nawawala yung manok nilang alaga at bebe. Naku naman, maglalakad-lakad pa naman ako kaso wag na lang pala,ahe.

@charol09

Pangalawang beses ko na itong magluto ng puto. Pwede na po bang pangbenta? Nilakihan ko na po yung cheese para espesyal sa pagbibigyan. Gift ko sana sa nag invite sa amin mamaya. Sa mga may puto business po dyan magkano po ba ang bentahan ng puto per size at per sukat ng bilao? Gusto ko lang sana ng idea kung magkano benta sa merkado at ilang piraso?

@charol09

Kulang yung small puto molder ko at medium kaya ginamit ko na ring Big size molder ng puto para matapos na ang lahat ng lutuin kanina. Binukod ko na rin ng lalagyan para maganda tingnan hindi halo-halo yung sukat sa bilao. Naka tatlong paper spaghetti box ako nito atsaka 1 bilao small na dadalhin. Sulit na ito lalo na ng mag pasharon si friendship kanina. Simot ang handa.

@charol09

Flex ko lang ng mabilisan itong baon ni hubby na walang katabataba (kabaliktaran). Ito yung ulam na nagtatawag ng patis at sili mga kanoise 🤤. Oh siya, napasilip lang. Busy si inday at naglalaba. Ingat sa paghapon mga kanoise!

@charol09

Konteng kembot na lang mga kanoise at malapit na ako dineng matapos. Monday be good to me ha! Mamayang gabi kana umulan kung ayaw mo talagang magpapigil sa pag-ulan,ahe. Patuyuin mo man lang ang aking san linggong labahin.

@charol09

Share ko itong pusang nakita namin ni hubby kahapon na parang gusto na niyang iuwi dahil sa kacute-an. May lahi itong pusa na ito pure breed. Ang ganda ng balahibo at ang lambot pa. Hindi lang maganda kundi mabait pa. Kahit kargahin mo ng matagal tahimik lang siya. Hindi katulad ng Negneg namin na walang kalambing lambing tapos lagi pang galit na para bang utang na loob mo pang binuhat mo siya,ahe😅 . Sabi ko nga sa may-ari ng pusa iplaplastic ko na pauwi. Sabi naman niya…

@charol09

Ito yung pinagkakaabalahan ng panganay ko kaninang umaga na kinatamaran naman niyang tapusin dahil sa kakalaro. Inip na inip sa ginagawa. Sabi ko yariin na at meron pang isa siyang gagawin. Tapos naman na ang klase itong ginagawa niya training niya para sa editorial cartooning na natambak kakapataan niya . Sabi ko tapusin na niya ng wala siyang maiwang trabaho,kaso hindi pa rin ako na sunod. Buhay ina nga naman,ahe

@charol09

Happy morning po sa lahat? Kamusta po ang umaga? Walang pasok si hubby today kaya family day sa amin ngayon. Movie time lang naman ang gagawin namin. Nga pala pinapupunta kami sa skul ng titser ng mga bata kunin daw po namin yung medal nilang dalawa,ahe, may award sila mga kanoise. Wala kaming handa pero ayos lang sanay na kami. Happy morning po sa lahat!

@charol09

Nakuha na ni hubby yung award ng mga anak namin. Nauna na itong medal tapos bukas ang virtual recognition nila. Congrats po sa lahat ng graduates ngayong taon na ito na masisipag at nagtyaga na mag-aral gayundin sa mga parents na masisipag ding umalalay at sumoporta sa mga anak nila. Sa mga kabataan dyan tuloy tuloy nyo lang po ang pag-aaral nyo. Mahirap ang buhay. Kung magtitiis lang din kayo agahan nyo na ngayon nang hindi kayo mahirapan masyado sa hinaharap.

@charol09

Pinyang hapon po sa lahat,ahe, busy nga pala ako dine sa pagtutupi ng labahin. Tapos yung labahin ko sa banyo eh natapos ko na at nababad ko na sa falcon. Mamaya ipasasampay ko sa panganay ko pagnaasikaso ko ng mai dryer. Kahit mag rest ka, kahit nasa bahay ka obligado kikilos ka pa din. Bakit kaya ang nanay maraming mata? Samantalang yung mga kasama ko sa bahay walang mata? Ahe, bagay pala yung meryenda ko ngayon sa sentimyento ko. Pinya kayo dyan!

@charol09

Ang agang nagbubogbugan nitong mga alaga namin. Ang saya nila lagi sa umaga. Dami na nilang nasirang kulambo kakatalon at bedsheet na naninisnis pero dahil lablab sila hinahayaan na lang silang dalawa basta masigla sila,ahe. Good morning mga kanoise! Ang sarap pang matulog dahil ang lakas ng ulan kaso hindi pwede si hubby may pasok ngayon. Palate lang daw siya ng konti hindi pa nga rin pala siya nakakabili ng ulam.

@charol09

Flex ko itong niluto ni friendship na ibinahagi niya sa social media na halayang kalabasa. First time lang akong nakarinig nito. Sayang dahil hindi ko man lang matitikman dahil malayo. Maliit palang daw yung kalabasa inani na niya. Ang taniman kase nila ng gulay malayo sa bahay nila kapag napupunta sila sa taniman kapag umaga nawawala ang mga bunga dahil ninanakaw kaya kahit maliliit pa kinukuha na niya para kahit papaano eh mapakinabangan man lang nila. Biruin ninyo mga…

@charol09

Sa wakas pagkatapos ng isang linggo at tatlong araw nayari din ng anak ko yung isa sa kulang na need niyang iguhit. Meron pang isa na hindi pa tapos pero sinimulan na nya kanina. Hindi niya perfect dito yung mukha ng taong tumatakbo pero ayos lang naman. Importante nag prapraktis siya. Sa dami ng gustong gawin ng anak ko minsan hindi niya alam kung saan magpopokus. Nahahaling naman ngayong gumagawa ng mask holder at nagplaplanong mag-ipon ng pera para makabili ng gagamitin…

@charol09

X-men sa Gtv ang pinanonood ng mag-aama ko habang ako abala sa kakapindot sa cp,ahe, kung kdrama ito malamang nanonood ako kaso hindi eh. Bakit sa lahat ng may mga super power na boboringan ako sa palabas na ito lalo kapag English,ahe. Kung kwento ito ni Logan/Wolverine baka magustuhan ko pa.

@charol09

Nanginginig yung braso ko mga kanoise, kapag talaga mag -alaga ka ng baby tapos 7 kilos ang timbang,kangalay grabe,huhuhu. Ang arte pa namang alagaan ng 4 months old kapag naistorbo ng tulog kapag hindi mo nahabol magbubugnot kaya nakadalawang sayaw pa ako. Buti na lang nakakauto ako ng kiss kaya sinisipag akong alagaan. Minsan lang naman dito ito kaya hinahayaan ko lang. Alam ko rin kase ang hirap na mag alaga ng sanggol. Bawal mapagod dito,ahe,sempre sila boss.

@charol09

Napabili ako ng buko juice sa uhaw ko. Dito lang ako nakatikim ng buko juice na masarap hindi matabang ang timpla pero masarap sana ito kung purong buko juice lang. Minsan nakabili ako ng isang buko na bunga 45 pesos ang isa . Pinakisuyuan ko nalang na biyakin at iplastic ang laman niya. Gusto ng mga anak ko ang buko juice mas mainam ito kumpara sa nabibiling juice na tinitimpla.

@charol09

Kala ko last na itong ipapasa ng anak ko pero pagkapasa may dalawa pang sinend si titser na gagawin nila. Ang tanong kelan kaya uli magagawa ng anak ko ito? Mainam naman kung parati siya mag do drawing, gusto ko nga yun para mahasa. Sa lahat ng gusto niyang gawin sa life itong pagguhit ang gusto ko na ginagawa niya, nauubos kase gamit namin kakakutkot sa kusina kapag nairal ang imagination niya,ahe.

@charol09

Ulam ko nga pala itong laing na may suso kaninang tanghali. Nalimutan kong ipost. Bigay ng kapitbahay namin. Inaasikaso kahapong balatan at biladin ang tangkay ng gabi tapos gayatin ang mga dahon. Matrabaho itong lutuin pero sulit naman. Mga bata ngayon hindi alam ang pagkaing ito. Mga anak ko kapag inaalok kong kumain ng suso ayaw nila. Samantala noon walang kaselan-selan ang bata. Ang mga bata noon ang libangan manghuli ng palaka sa may patubig. Maglaro ng itlog ng kuhol.…

@charol09

Good morning mga kapamilya! Kagabi mukhang sinipag ang Ate kaya nakabawas ng isa sa gawain niya. Kaht past 8pm na pero abalang nagguguhit habang nanonood ng telebisyon dahil doon bibigyan ko siya ng 7 stars,ahe. Nga pala bigayan ng card today kaya obligado nanaman akong maglakad papuntang eskwelahan. Para na naman akong lagari nito na paroot parito lalo na kapag face to face na sila. Init pa naman ng panahon ngayon. Kamusta naman po ang Friday morning ninyo mga kanoise? Ang…

@charol09

Puro taas presyo na lang naririnig ko sa balita. Ang may mga regular na trabaho umaaray na edi mas lalo yung mga pamilyang isang kahig isang tuka. Asukal at itlog ay ilang pangunahing pangangailan ng tao sa araw-araw kaya talagang masakit sa bulsa ang pagtaas ng presyo ng produkto. Haaist, ano pa ba ang maextrang trabaho ngayon kanoise para may maipandagdag sa gastuhin sa bahay?

@charol09

Ibabahagi ko sa inyo itong pinag-iinitang beads ng anak ko sa Lazada. Hati daw sila sa bayad ng kaibigan niya (kapitbahay namin). Gusto daw nilang gumawa ng bracelet at ipamigay sa mga kaibigan nila sa church. Noong una nga face mask holder ang gusto . Ewan lang kung bakit biglang nagbago. Ang ipambabayad naman dito ay ipon niya kaya wala akong reklamo. Imbes na pangmeryenda na sana nito ang 12 pesos na budget niya sa maghapon tinatabi na lamang nito ang pera para makabili…

@charol09

Last Jan 2020 itong kainan namin. Bale reunion namin ito. May mga kanya-kanyang bitbit para hindi mabigat sa bulsa. Ang sarap ng kwentuhan kapag may masarap na kutkutin kapag nagkasamasama. Meron pang dumpling jan, brownies, palabok, okay , Texas friend chicken at maraming pang iba. Kaya noong uwian na sa dami ng pagkain may kanya kanya pang bitbit. Hindi pa nga nauulit gawa ng pandemic pero sana sa susunod may part 2 pa.

@charol09

Heto pa ang throwback picture ng mga foodie namin noong last Jan. 2020 Hindi ko na makita yung sangwataw na picture ng palabok. Busog na busog talaga ang lahat ng nagpunta. May pagames pa at papremyong galing sa kabinet ng nagpalaro. Kinuha na niya yung stock nilang sardinas, asin,napkin, noodles ,sabon at biscuit. Kaya super enjoy talaga.

@charol09

Watz up po sa lahat! Share ko muna itong Blue ternate plant na malago. Katuwa lang pong tingna gawa ng maaraw at masigla din ang halaman. Sa mga health conscious dyan mahusay po itong pamalit sa kape dahil sa daming health benefits na maidudulot nito sa katawan. Pipitas lang po kayo ng bulaklak ng blue ternate, hugasan at banlian lamang ng mainit na tubig sa tasa, haluin at pwede na siyang inumin.

@charol09

Ito nga pala yung picture ng blue ternate na hindi pala na upload kanina. Sayang naman kaya pinost ko na. OK naman ang maghapon ko mejo naging abala lang sa maraming bagay at kung anu-anong intindihin. Hindi naman ako nainip sa oras dahil napakabilis ng ng maghapon. Kahit nga wala kang gawin ngayon mabilis pa rin ang oras.

@charol09

Stress na umaga sa lahat,ahehe, este happy Monday morning mga kanoise! Kagaling ng bungad ko hano? Lunes na naman kase eh, trabaho na naman ulit. Kahit parang ayaw pang bumangon ng katawan ko dahil sa katamaran eh pipilitin para sa mga bills,ahhe

@charol09

Pagodang tanghali po sa lahat! Rest muna si Inday gaya ni Mingming dahil napagod kakalaba while linis ng bahay plus palit ng bedsheet. Ang hilig kaseng mag multitasking ng mga mommy tapos apura reklamong masakit ang katawan,ahehe, pinaikot ko na nga rin pala yung mga stuffed toys ng mga bata at amoy ewan na. Last year ko pa ata huling nalabhan yun.

@charol09

At ayun nga kanoise naulan ng malakas dine, nilabhan ko pa naman itong mga bebe lab nila bunso. Buti me dryer, sinalang ko ng hindi mahirap patuyuin kaso sumingit ang ulan. Tuwing hapon ganito ang panahon dito umuulan ng malakas. Kayo po kamusta dyan?

@charol09

Padaan muna po itong alaga ko sa screen nyo. Nahimbing matulog habang nakadila,ahehe. Mukhang nananaginip ng maganda ang Negneg namin pero kanina may kalokohang ginawa, hinulog yung lalagyan ng mantika ayun nabasag. Ang dami pa namang laman. Tapos na nga pala kaming maghapunan. Relax mode na muna kami habang sinasamantala ang malamig na panahon.

@charol09

Hi mga kanoise, share ko sa inyo ngayong umaga ang goal kong gawin. Simple lang naman. Gusto ko lang mag-ipon ng gamit ng mga anak ko sa darating na pasukan ng makabawas. Grabe, next month na pala yun! Ang iksi ng oras. Dalawang bag pa lang ang nabili namin, tapos nakabili na si hubby ng xl kentucky sando niya kulang pa pero OK na din nakabawas kahit papaano. Uniporme pa nga nila ang iniisip ko. Hindi na kase kasya lahat yung lumang uniporme. Ka stress pala next month,ahe.…

@charol09

Ist post ko ngayong araw. Share ko sa inyo itong cupcake na niluto ko gamit ang sangkap at sukat ni sissy #Amarahsweets sana tama spell at hindi amari ang username,ahe, basta may sweets. 😅 Thanks to you sissy nagamit ko rin ang inaalikabok ko ng oven ,ahehe. Ang totoo hindi ko matyaga ang baking tumataas ang stress level ko. Tama lang yung dami ng apf para sa meryenda ng 2 kids ko. Kung inenegosyo OK na OK din para sa 1 dozen cupcakes. At infairness masarap siya.

@charol09

Hindi ko alam kung anong halaman ito pero si friendship natutuwa sa mga tanim niya kahit hindi mga namumulaklak. Ang gusto ko kaseng halaman ay yung mga namumunga o mga flowering plants para happy ang surroundings. Namamangha ako sa mga video sa fb watch at YouTube kapag ang tanim ay mga berries, mulberries, strawberries, raspberries. Lahat ng berries ganun,ahe. O kaya mga apple, oranges and many more. Nakakatakam kaseng tingnan tapos nakakabusog po ng tyan,ahe, di ba kapag…

@charol09

My Hero Academia Buti naman nagbago na ang palabas sa tv5 . Pati ako nalilibang. May Trolls na din sila at How to train your dragon tuwing umaga, hindi siya movie kaya bago talaga. Ngayon ito naman ang pinanonood namin. Maulan nga pala dito . Ang lamig, aalis nga pala kami ngayon. Mamamasyal ang mga bata sa lola nila. Last week pa ang mga iyo nangungulit kaso abala kami ng sabado at linggo kaya hindi namin maihatid sa kabila pero ngayon free si hubby kaya gora na.

@charol09

Dumating na ang order ko kay bunso na kentucky sando. Ang susunod naman ay para kay hubby. Kulang pa ng 3 pcs ang sando niya. Sunod naman ay para kay ate. May tatlong dress na inadd to cart ko na para sa kanya sana kada sahod mabili na. Unti-unti lang para hindi masakit sa bulsa. Ang hirap ng sagad sa gastos kaya kontrol lang sa paghawak ng pera mas importante pa rin na may pambili ka ng pagkain at bayad lahat ng bills para walang stress. Iwas utang din para mas masaya ang…

@charol09

Kamusta ang maghapon ng lahat? Ako, OK naman. Rest day kaya puro dutdut ng selpon maghapon,ahe, nandito si hubby dahil wala siyang pasok kaya wala naman ako masyadong ginagawa. Siya kase nagluto ng lunch at naghuhugas ng pinggan kapag nasa bahay lang. Mas concern lang ako sa alaga namin mukhang may pinagdadaanan ang lalim ng iniisip. Nasilip ko lang kanina na ganyan ang itsura habang may kausap ako sa selpon. Kulang ata hapunan nila kaya malungkot🤭

@charol09

Makulimlim na umaga sa lahat! Yung panahon nakikisimpatya sa damdamin ko,ahe, salamat weather!😅 Ang hirap maging hindi perpektong tao. Taglay natin ang limitadong kakayahan, limitadong pang-unawa, meron tayong damdaming sensitibo at maraming mga kahinaan . Hindi na nga tayo perpekto tapos ang pakikisamahan pa natin ay kaparehas nating hindi din perpekto. Kaya ang resulta, tensyon. Wala naman akong problemang mabigat. Hindi ko nga laang ma pin point ang saloobin ko. Basta…

@charol09

Lumabas muna ako ng bahay para nakalanghap man lang ng sariwang hangin. Sinilip ko na rin si bunso sa kapit-bahay. Aba'y 2 hours ng nakatambay sa kabila tinatanong ko na nga kung plano na ba niyang doon tumira dahil araw-araw na lang nandoon siya. So ayun, natawa lang siya at continue lang sa paglalaro tapos ako naman ay tumingin-tingin na lang muna sa halamanan ni inlaws kung anong bago. Napansin ko lang itong tipaklong na ang tindi ng kapit kahit sumasayaw na ang halaman…

@charol09

Dahil busy kapag weekend hindi ko na nagawang makapag update dito. Buhay kase ng paroo't parito ay nakakapagod pero sa kabila ng kaabalahan nakakasilip naman. Sandali nga laang. Kahit papaano nakakapag comment at interact naman ako kaninana dito. O siya, nahihilo na ako sa pagod at nais na ng mga talukap ng mata ko na pumikit na dahil gigising pa bukas ng maaga. Kahit gabi na busy pa itong anak ko. Nabasa kase niya sa gc nila ng classmate niya na siya na lang ang hindi pa…

@charol09

Flex ko lang itong cupcakes na gawa ko today,ahe Hinihintay ko na lang umuwi sila hubby at ate para makain na namin ito sa dessert at para makapag tanghalian na din kami dahil hindi pa kami nagla lunch. Family day naman ngayon kaya gawin na nating mejo special ng kaonti. Kahit everyday naman talagang special ang araw dito,ahe, charot! Nag chat si hubby mejo malate silang umuwing mag ama dahil may dadaanan pa sila. Yung friend kase namin nagpaayos ng bahay. Sa kanya…

@charol09

Katatapos lang ng malakas na ulan dito at dahil doon baha na naman sa labas namin. Kaya pala ganun na lang ang init ng panahon kanina dahil uulan pala ng malakas. May hangin pa nga kala mo may bagyo. Heto share ko sa inyo itong gummy candies ng mga baby ko. Bigay ng maganda nilang tiyahin. (bolahan natin ng konti baka mabasa) Madami daw yan kahapon. May pringles, may potato chips, may ice cream , wafers at softdrinks. Yan na lang daw natira. Kaya pala kahapon budat na namang…

@charol09

Kuha ito ng bunso ko na 7 years old. Feeling binata na. Naka di kwatro pa. Natawa nga ako ng makita ko. Buti hawak ko ang selpon kaya nakuhanan agad ng litrato. Parang matanda sa post niya. Sabagay, lumalaki na rin. Mabilis lang naman ang laki ng bata. Hindi ka na maiinip ngayon. Ang oras nga mabilis na lang lumilipas. Tulad ngayon gabi na tapos 5 days na lang katapusan na. Kaya i treasure ko na ang bawat oras na kasama ko ang mga bata. Kapag nagsilakihan na ang mga ito…

@charol09

Maganda sikat ng araw today, yihie! Isang kembot na lang yari na ako maglaba. Excited ng mahiga ang likod ko sa pagod kakayuko at tayo,huh! Naglunch na po ba ang lahat? Damihan nyo po ang kain para bawi ang lakas. Habang naglalaba may nilagang kamote ako sa lamesa ,apura kain ko kada daan kaya kahit patapos na akong maglaba e may lakas pa akong makipagsuntukan sa kapit-bahay,ahe. (Kung may maghahamon lang naman😅) Kayo po? Kamusta ang morning?

@charol09

Sarap ng tulog ko. Dumating na pala si hubby at umalis ng hindi ko namamalayan. Napagod ako sa paglalaba. Ang sakit nga ng braso ko ngayon. Enrollment today sa skul kaya sabi ko kay hubby kung makakauwi siya ng maaga kung pwede ito na ang magpunta ng skul para I enroll ang mga bata. So ayun nga, dumating siya at tulog naman ako. Ngayon naman dahil nakatuyo ako ng mga sinampay, tupiin si waving! Simulan ko na nga ng bukas magawa ko naman yung aturgahin kong iba. So paano mga…

@charol09

Paws of fury The legend of Hank Matapos ang nakakapagod na maghapon heto kami ngayon at nag momovie time. Happy ang mga kiddos dahil meron na naman silang uulit uliting palabas,ahe. Habang nanonood nagpapamasahe ako ng likod kay hubby , sempre pakunswelo sa pagod ng paglalabandera ko.(may ganun😅) Ah basta merong ganun, sakit kaya ng likod ko. Update lang ako sa mga damit na tinutupi ko. Sa dami may natira pa bukas. Inabutan na ako ng hapunan at katamaran kaya nahinto. O…

@charol09

Maagang kasipagan sa lahat! Nag defrost ako kagabi ng refrigerator para maagang malinis. Kaya heto maaga ngang natapos. Mamaya punuin ko na yan ng sandamakmak na tubig,ahe, ito lang talaga laman nyan. Tubig at tilapya ni Negneg. While naghihintay kay hubby sumaglit muna ako ako dito sa noise.cash para magsabi sa lahat ng "Good Morning madlang noisers"! Araw-araw humihiling ako ng kasipagan at gawaing makabuluhan para maging abala naman ang araw ko, kapag paulit-ulit ang…

@charol09

Taas marahil ng stress ko ngayon. Ang sakit ng ulo ko sa pag intindi ng problema ng iba,haiist! Kamusta kayo mga kanoise? Me, so far not good ang Tuesday ko. Flex ko lang muna itong modem namin. Ang load namin per week ay Homesurf 199, hindi pa namin nauubos ni hubby ang load na yan. Minsan tinutoyo ng signal (lahat naman) pero gora pa ring gamitin. 2 years na stock yang modem at nasimulan lang gamitin ng husto noong magpandemic. Ang budget namin sa load kinukuha namin ni…

@charol09

Nais ko kayong batiin ng Magandang umaga Kahit ang araw ko ay puno ng problema Pero hindi iyon hadlang para hindi ako maging masaya bagkus aking ipagpapasalamat na ako ay buhay at masigla. Kapag ang problema ay dumarating nakapanghihina talaga giliw, pero mano ba't may awa ang May Likha sa sitwasyong ito ako'y hahango sapagkat alam ko na siya'y maglalaan ng daan na malalabasan dahil ito'y kanyang pangako. Good morning! Keep on fighting mga kanoise💪 Huwag kang hihinto, Huwaag…

@charol09

Ang haba ng pila para sa vaccine ng mga edad 5-11 at 12-17. Ang mas madaming pila ay 1st dose. Buti 2nd dose na kami kaya natawag agad kahit 15 mins waiting palang. Sabi na mag aapura mga magulang sa pagpapabakuna kapag malapit na ang pasukan. 1st dose namin last month ang konti lang ng nagpapabakuna ng edad 5-11. Ngayon madaming bata. Buti nakatapos na kami at nakatulog pa sa hapon pag-uwi. Kagigising ko nga lang. Kung hindi nga lang may kumakatok para bumili ng mantika edi…

@charol09

For the first time ngayon lang ata ako inabot ng gabi sa kakadotdot sa noise,ahe. Ang tagal kaseng matulog ng mga kasama ko. Kanina tinatanong ko ang bunso ko kung ano ba ang parating ginagawa ng papa at mama niya. Sabi niya "puro selpon". 😅 Hala, napapansin pala nila na ganun ang gawi namin sa maghapon o hanggang gabi. Haiisst, nag momovie time naman kami, nagkwekwentuhan sa hapag kainan pero napapadalas na pala na ang buhay naming mag asawa ay gadget na. Sila…

@charol09

Next week start na uli ako mag online selling. Busy na uli si inday sa paghahanap ng sakit ng katawan, ahe, share ko sa inyo itong ilang produkto ko, yung ibang picture hindi ko maipakita kase reseller lang ako ng ibang product kaya mostly kinukuha ko lang ang picture sa wall ni seller. So ayan, made to order leche flan , chocolate cake tub, lumpiang sariwa, Salabat, Turmeric tea, ang karaniwang niluluto ko. Ang ibang product na ni reresell ko ay Sampalok, Macapuno ,…

@charol09

Kakayari lang naming maggayak ng lulutuing Salabat para bukas, paubos na kase ang stock kaya need ng magluto. 3am na naman ako nito babangon para magluto. 2 to 3 hours kase ang paghahalo. Need ko pang asikasuhin si hubby bago pumasok. Tapos kapag OK na ang lahat tsaka naman ako babawi ng tulog,ahe. Buhay raketera. Dumating na nga pala kahapon itong order na beads ng anak ko. Ito yung pinag iponan nilang magkaibigan. At sinimulan ng gawin ng anak kahapon. Hirap ngang…

@charol09

Naunahan ko ang alarm bago tumunog kanina. Before 3am bumangon na ako. Hindi pa ako natutulog dahil inaasikaso ko pa ang bahay bago mahiga. Heto nga at nakuhanan ko pa ng larawan itong tanim na halaman sa bakuran namin. Natuwa lang ako kase dalawa ang kulay ng bulaklak niya. Isang dilaw at pula. Parang plastic lang yung kulay pula at may bilog pa sa gitna. Bukas sabado na naman kaya busy ang life ni inday. Malamang yung mga walang pasok bukas hindi rin mamamahinga,ahe, mga…

@charol09

Nakatulog naman ako kahit 1 hour. Nag aaway kase ang mga bata kaya naalimpungatan. Kamusta kayo mga kanoise? Nakapag lunch na ba ang lahat. Pagkatapos naming kumain mamaya matutulog uli ako ng makabawi sa puyat. Aalis pa naman kami ni hubby mamayang hapon kaya kailangang matulog par hindi lutang. Mainam na lang nakaluto na ako kanina kaya hindi na kailangan mag asikaso ngayon. Kakain na lang kami ng mga bata. Paano ba mga kanoise? Tatayo na ako at maghahain, enjoy na lang sa…

@charol09

Flex ko itong first order ko ng leche last year, ahe, nakita ko lang sa wall ko. Kaya kung taga Baliuag, Bulacan kayo kanoise, comment lang kayo sa order. Meron ako sa Wednesday. Comment is the key. Kulang pa rin ang tulog ng puyat. Ang init naman kase ng panahon hindi masarap matulog.

@charol09

Napaupo kaya nakapag noise. Gawa nga pala ito ng friend ko. 1 week na nyang ginagawa kaso hindi tutok kaya matagal matapos dahil pumapasok siya sa Order Mo. Sana ol marunong gumawa ng portrait,ahe.

@charol09

The Youth and the Nation Our country’s vision lies in the hands of our youth. Their generation is filled with inspiring ambitions that it would be a waste if they will not have the chance to show who they are. Our country needs vibrant youth for our land to be a brighter place to live in. The foremost need of the youth is quality education to be good citizens of the future. They need to learn skills to work on the job for our country’s economic need. They should be educated…

@charol09

Dahil sa kasipagan ng marami nag try akong sumali sa read.cash. Nakakahawa pala ang kasipagan ng iba. Kaso inabot pa ako ng 1 week para lang makapag post ng isang maiksing article. Share ko sa inyo itong link kung nais nyong magbasa,ahe https://read.cash/@charol09/the-youth-and-the-nation-c595fbd1 Hindi ko aasahang magugustuhan nyo mga kanoise,ahe, pagpasensyahan nyo muna ang nakayanan ko. Umaasa akong bubuti pa yung idea na papasok sa isip ko. Kaya saludo ako sa mga nag…

@charol09

May bagong pinagkakaabalahan ang panganay ko. Nag tree painting naman siya ngayon. Nanawa na siyang gumawa ng bracelet 😅. Ang ginagawang activity ng bunso ko nitong mga nakaraang araw ay mag paint kaya yung mga pinanggamitan niya nasa lugar lang na madaling makita. Siguro habang naghahanap ng pagkakaabalahan yung panganay ko ito marahil ang nahagip ng mata niya. Paggising ko kinukwento niyang nag try siyang mag paint gamit ang water color. Ganyan mag patay ng oras ang anak…

@charol09

Na miss kong kumain ng Macapuno Nasa gallery ko ito dahil isa ito sa ni reresell ko. Produkto ito mula sa San Miguel Bulacan. Weekly si supplier nagdedeliver dito sa lugar namin kaya kapag may order madali lang makakuha sa kanya. Yung mga ganitong pagkain madalang na lang ang gumagawa. Ang hirap din kaseng I istock nito dahil may pagkasira kaya mas mainam ang made to order para bagong gawa kapag ideniliver kay costumer. Bukod sa Macapuno Fan din ako ng Bukayo, Yema ,…

@charol09

Wake up mga kanoise! Kanina pa ako gising now lang nahawakan ang selpon. Batiin ko lamang kayo ng Magandang umaga! Sisipagan ko na ang trabaho ngayon para hindi ako matambakan ng gawain,ahe. Kayo po ano ang schedule nyo ngayong araw? Busy always si Inday tapos kapag wala namang ginagawa eh naiinip 😅. Ano ba yarn,? O siya, pasakitin ko muna ang katawan ko ngayong araw. Happy laba day to me! Flex ko lang itong magandang flower. Morning!