read.cash Log in
@charol09 more from that month

Lumabas muna ako ng bahay para nakalanghap man lang ng sariwang hangin. Sinilip ko na rin si bunso sa kapit-bahay. Aba'y 2 hours ng nakatambay sa kabila tinatanong ko na nga kung plano na ba niyang doon tumira dahil araw-araw na lang nandoon siya. So ayun, natawa lang siya at continue lang sa paglalaro tapos ako naman ay tumingin-tingin na lang muna sa halamanan ni inlaws kung anong bago. Napansin ko lang itong tipaklong na ang tindi ng kapit kahit sumasayaw na ang halaman dahil sa hangin. Wala lang sa kanya ang wind. Sana ganyan din tayo kalmado kahit niyuyugyog ng problema. Yun talaga ang naisip hano?😅 Ang lakas kase ng hangin para sa maliit na katawan niya pero hindi nito alintana. Wala man lang kaba. Sana ol talaga!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.