Ito nga pala yung baon ni hubby kanina, Malamang pamaya-maya kakanin na yun dahil maglulunch break na. Simula ng mag-asawa kami lagi itong nagbabaon sa trabaho. Laking tipid din kase. Never pa itong naging magarbo sa baon. Ang mahalaga kumakain at hindi nagpapalipas ng gutom. Matrabaho lang sa umaga ang pamimili at magluluto pero laking bagay na para maka menos. Ang lutong ulam kase ay may kamahalan tapos ang konti pa ng laman. Wag nyo ng pansinin yung lalagyan niya ng ulam na kulay pink, baunan talaga yan ng anak ko na panganay yung kanya nasa may estante sa basket kinatamaran ko ng kunin dahil mas malapit ito kase nasa tauban ng hugasin.
3 comments
Ang salsweet naman niyan kaingay
Yes malapit na ngang langgamin,ahe
Dati ayaw magbaon sa work ni hubby pero ngayon kailangan na para tipid tsaka hindi niya gusto luto sa canteen nila.Kaya maganda padin yung nagbabaon talaga ng food.