Next week start na uli ako mag online selling. Busy na uli si inday sa paghahanap ng sakit ng katawan, ahe, share ko sa inyo itong ilang produkto ko, yung ibang picture hindi ko maipakita kase reseller lang ako ng ibang product kaya mostly kinukuha ko lang ang picture sa wall ni seller. So ayan, made to order leche flan , chocolate cake tub, lumpiang sariwa, Salabat, Turmeric tea, ang karaniwang niluluto ko. Ang ibang product na ni reresell ko ay Sampalok, Macapuno , bedsheet, Honey, pillow set and many more,ahe. Nagdagdag ako ng isa pang made to order na pagkain ito nga yung puto, na nito ko lang na perfect gawin ,ayie, kaya nilabas ko na. Hindi ako nag expect ng malaking kita sa pag oonline selling, kumita lang sapat na sa'kin. Alam ko kase na kapag naghangad ako ng maraming kita, maraming pagod at panahon din ang kailangan kong maranasan. Kaya sapat na sa akin na may tumatangkilik sa tinitinda ko kesa sa wala. Kaya happy na ako kapag may nag cha chat ng "paorder". Ang totoo sa salitang ito ako kinikilig,ahehe. 2021 picture ko yang leche flan, binago ko na kalaunan yung packaging niya. More pagod to come!
1 comment
gusto ko n uli magtinda din napapaisip ako