read.cash Log in
@charol09 more from that month

Good morning mga kapamilya! Kagabi mukhang sinipag ang Ate kaya nakabawas ng isa sa gawain niya. Kaht past 8pm na pero abalang nagguguhit habang nanonood ng telebisyon dahil doon bibigyan ko siya ng 7 stars,ahe. Nga pala bigayan ng card today kaya obligado nanaman akong maglakad papuntang eskwelahan. Para na naman akong lagari nito na paroot parito lalo na kapag face to face na sila. Init pa naman ng panahon ngayon. Kamusta naman po ang Friday morning ninyo mga kanoise? Ang mga baby ko tulog pa. Himala nga si bunso tanghalina nasa higaan pa. Si Ate naman kung hindi gigisingin hindi babangon. Noon pa man ganyan na siya hindi katulad ng bunso namin 6am tanghali na sa kanya ang gising na yun. Iba iba talaga ang bata hano?

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.