read.cash Log in
@charol09 more from that month

May online activities akong tinapos ngayon kaya tinanghali sa pagpopost pero sa gising 5am pa rin, consistent mula noon kahit pa magsabado o linggo. Kelan ba ang pahinga? hmm, siguro kapag may bagyo lang. Walang pasok si hubby at mga bata,ahe. Nagpapasalamat naman ako na hindi kami tinatamaan ng malakas na bagyo dito sa lugar namin ngayong taon. Ang dalang ngang umulan dito ng malakas. Share ko ngayong umaga itong activity ni bunso, may pattern siyang ginupit at dinikit para makagawa ng box. Nag enjoy naman siya at natuto.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.