read.cash Log in
@charol09 more from that month

Ulam ko nga pala itong laing na may suso kaninang tanghali. Nalimutan kong ipost. Bigay ng kapitbahay namin. Inaasikaso kahapong balatan at biladin ang tangkay ng gabi tapos gayatin ang mga dahon. Matrabaho itong lutuin pero sulit naman. Mga bata ngayon hindi alam ang pagkaing ito. Mga anak ko kapag inaalok kong kumain ng suso ayaw nila. Samantala noon walang kaselan-selan ang bata. Ang mga bata noon ang libangan manghuli ng palaka sa may patubig. Maglaro ng itlog ng kuhol. Maghuli ng tutubi. Tumakbo sa gitnang bukid at gumawa ng saranggola.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.