read.cash Log in
@charol09 more from that month

May bagong pinagkakaabalahan ang panganay ko. Nag tree painting naman siya ngayon. Nanawa na siyang gumawa ng bracelet 😅. Ang ginagawang activity ng bunso ko nitong mga nakaraang araw ay mag paint kaya yung mga pinanggamitan niya nasa lugar lang na madaling makita. Siguro habang naghahanap ng pagkakaabalahan yung panganay ko ito marahil ang nahagip ng mata niya. Paggising ko kinukwento niyang nag try siyang mag paint gamit ang water color. Ganyan mag patay ng oras ang anak ko. Kung ano maisipan , ginagawa. Ngayon naman dahil gising na ako tsaka siya lalabas ng bahay para makipaglaro sa nag iisa niyang kaibigan. Silang dalawa lang kase ang magkaedad sa compound namin at sabay na lumaki. Ako naman, maghahanda para maglaba day bukas. Yan ang ikot ng buhay ko sa loob ng San linggo. Paikot-ikot lang. Parang kanta,ahe..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.