Ang haba ng pila para sa vaccine ng mga edad 5-11 at 12-17. Ang mas madaming pila ay 1st dose. Buti 2nd dose na kami kaya natawag agad kahit 15 mins waiting palang. Sabi na mag aapura mga magulang sa pagpapabakuna kapag malapit na ang pasukan. 1st dose namin last month ang konti lang ng nagpapabakuna ng edad 5-11. Ngayon madaming bata. Buti nakatapos na kami at nakatulog pa sa hapon pag-uwi. Kagigising ko nga lang. Kung hindi nga lang may kumakatok para bumili ng mantika edi sana tulog pa rin ako. Ayoko sanang pagbuksan kaso ang mga costumer ko matatyaga sa pagtawag,ahe. Nagbabadya na naman ang ulan dito. Ingat po sa pabago-bagong panahon. Uso lagi ang sakit. Dito sa amin malamok na naman. Uso pa naman ang Dengue kaya doble ingat po tayo. Enjoy your day dito sa noise.cash 😊
No comments yet