read.cash Log in
@charol09 more from that month

Kakayari lang naming maggayak ng lulutuing Salabat para bukas, paubos na kase ang stock kaya need ng magluto. 3am na naman ako nito babangon para magluto. 2 to 3 hours kase ang paghahalo. Need ko pang asikasuhin si hubby bago pumasok. Tapos kapag OK na ang lahat tsaka naman ako babawi ng tulog,ahe. Buhay raketera. Dumating na nga pala kahapon itong order na beads ng anak ko. Ito yung pinag iponan nilang magkaibigan. At sinimulan ng gawin ng anak kahapon. Hirap ngang istorbohin puro"wait lang" ang sinasabi,ahe. Sabi ko nga magbasa wag puro ganyan ang gawin kaso hanggang doon lang hindi mo maipilit sa pagbabasa. Kaya natutuwa ako sa mga batang mahilig magbasa. Ang panganay ko kase walang kahilig hilig. Gusto lang niya maggawa ng mga abubot. Ngayong gabi abala naman silang magkapatid sa panonood ng YouTube pinagbigyan na namin kahit 1 hour lang. Enjoy naman sila. Yan lang ang kwento ko kanoise. Magbabasabasa muna ako dito sa noise.cash habang abala pa sila kahit antok na. #original

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.