Katatapos lang ng malakas na ulan dito at dahil doon baha na naman sa labas namin. Kaya pala ganun na lang ang init ng panahon kanina dahil uulan pala ng malakas. May hangin pa nga kala mo may bagyo. Heto share ko sa inyo itong gummy candies ng mga baby ko. Bigay ng maganda nilang tiyahin. (bolahan natin ng konti baka mabasa) Madami daw yan kahapon. May pringles, may potato chips, may ice cream , wafers at softdrinks. Yan na lang daw natira. Kaya pala kahapon budat na namang umuwi ang bunsong anak ko sa bahay dahil sa dami ng kinain sa lola nila. Sabi ko sa kanya bawasan ang kain at pabili dahil tumataba siya. Kaso , alam mo na bata. Gora ng gora lang. Kaya minsam na iimpatso. So, ito ngayon ang pinagkakaabalahan nilang kainin. Favorite nila ang gummy candies. Parang lahat ng bata yan ang gusto. Ganda kase ng design. Feeling ko nga ang sarap dumukot ng fries,ahe.
No comments yet