Ang Medalya ni Maya

52 139
Avatar for carisdaneym2
3 years ago
Topics: Tagalog, Fiction

Nanaaaaaaaayyyy!!! Nay! Tapos na po ako maglinis ng bahay. Magiliw na sigaw ni Maya. Mahahalatang ito ay hinihingal pa sa pag takbo makarating lamang sa kinaroroonan ng kanyang mahal na ina. "Nay, halina po tayo at nakapag handa na ang ate ng almusal, kain na po tayo" dugtong na sabi ng apat na taong gulang na si Maya sa kanyang ina na abala sa pagtatanim ng halaman sa bakuran.

Sige! mauna kanang kumain at susunod na lamang ako, pagkatapos ay hugasan niyo ang mga pinagkainan, ayokong may makikita mga nagkalat na laruan ha, Maya. Pasigaw na tugon ng kanyang ina sa batang si Maya.

"Masusunod po inay, punta na po kayo habang mainit-init pa ang sabaw ng ulam. Naghihintay na rin po si Tatay sa hapag-kainan."

Bumalik si Maya sa kanilang tahanan at ipinarating sa kanyang Ama ang sinabi ng ina. Habang naglalaro si Maya kasama ang kaniyang paboritong manika ay bigla na lamang itong hinablot ng kanyang nakatatandang kapatid. "Maya! Laro ka ng laro diyan, nagkalat pa iyong mga laruan. Ligpitin mo na iyan at tumulong ka sa ate mong maglaba!" Dali-daling inayos ni Maya ang mga laruan at pumaroon na labahan upang timbaan ang kaniyang ate habang ito ay nagbabanlaw ng mga damit. Napansin niyang may luha sa mata ang kaniyang nakatatandang kapatid ngunit minabuti na lamang niyang manahimik at baka masigawan na naman siya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Naaay! Nanaaay! Dala dala ko na po aking resulta ng pagsusulit oh! Nay pasado daw po ako Hihihi" Masayang-masaya na sambit ni Maya habang hingal na hingal sa pagtakbo at makikitang ang dumi ng kanyang uniporme marahil nadapa na naman ang bata sa pagmamadaling umuwi.

Maya naman! Ang dumi dumi ng damit mo, ang hirap hirap maglaba lalo mo pang pinahihirapan ang nanay mo. Kay linis at puti ng iyong uniporme ng ika'y pumasok sa paaralan, ano na naman ang ginawa mong bata ka!

Naramdaman ni Maya ang galit ng kanyang ina at agad itong humingi na paumanhin. Pumasok siya bahay nila upang linisin ang kanyang damit na puno ng putik. "Hays, kung hindi lang siguro mabilis ang takbo ng kotseng iyon, hindi sana magagalit si nanay sakin." Katatapos lang ng ulan at iyon ang naging dahilan ng pagtalsik ng putik sa kanyang damit.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dumating ang panahon na si Maya ay labing-isang taong gulang na at nalalapit na ang kanyang pagtatapos sa ika-anim na baitang.

" Nanay, sino po ang magsasabit ng medalya sa akin sa araw ng aking pagtatapos? Ang sabi ng aking guro ay kakailanganin daw po ang isa sa magulang. Makakarating po ba kayo, nay?"

Hindi agad kumibo ang kanyang ina. Mabuti na lamang ay sumingit sa usapan ang Kanyang Ama." Ano ka ba naman, Maya. Siyempre darating ang tatay mo upang isabit ang medalya sayo. Halika ka nga dito, bakit ba sabik na sabik ka eh ang medalyang iyon ay dahil lamang sa ikaw ang pinakamasipag sa loob ng klase at hindi ka naman kasama sa nangungunang Estudyante, hindi mo gayahin ang ate mo, Sumasali sa mga debate at patimpalak, ang kuya mo ay ganoon din, hahaha ang sayo naman ay puro most behave, most industrious at most responsible award.

Pilit na ngiti lamang ang sinagot niya sa kanyang ama at nagpaalam na siya ay gagayak na patungo sa paaralan. "Sige po nay, tay, alis na po ako!" Malungkot si Maya habang naglalakad at hindi niya malaman kung bakit. Siguro ay dala ito ng labis na pag-alala na baka madismaya na naman ang kanyang mga magulang sa pinag-gagagawa niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Si Maya ay kinakabahan sa kadahilanang ito ang unang araw niya bilang isang ganap na estudyante sa paaralang sekondarya. Marami siyang makakahalubilong tao at paniguradong ang mahiyaing tulad niya ay mahihirapan sa pakikisalamuha. Tinatagan ang kanyang loob at muling sumabak sa hamon ng buhay. "Hayss this is it pansit, ang mga medalya ay aking masusungkit! Darna!" sabay isinubo ang kendi na kanina pa niya hawak. Huli na nang malaman niyang ginawa niya ito sa harap ng kanilang silid-aralan at nakatingin ang nga bago niyang kaklase na talaga namang humagalpak pa ng tawa ang ilan sa kanila. Maging ang kanyang guro ay napangiti na lamang sa kanyang ginawa. "Dito ba iyong silid? Pumasok kana at Magpakilala sa iyong mga kaklase." agad na sumunod si Maya at nagpakilala. "Magandang umaga sa inyong lahat, Ako nga pala si Maya. Hindi ako isang ibon ngunit pangarap ko ang lumipad, lumipad patungo sa aking mga pangarap. Pwede na rin siguro si darna, si ding at ang bato na lamang ang kulang haha"

Naging maganda ang takbo ng kaniyang pag-aaral. Napapa bilang na siya sa mga batang masipag mag aral at dumating na ang kaniyang pinakhihintay, ang pagbibigay ng grado.

"Nanay! Nanay! Tataaay! Ateee at kuyaaa! Bunsoooooo!" Malakas na sigaw ni Maya ng siya ay makauwi na sa bahay upang sabihin ang naging resulta ng kaniyang pag aaral. "Tingnan niyo ang aking grado, hindi lang basta pasado, ako ay aakyat sa stage at sasabitan ng medalya! Top 2 ako sa aming silid aralan!"masayang sigaw ni Maya ngunit walang reaksyon ang kaniyang mga magulang. "Ang galing naman ng kapatid ko, sige ako ang sasama sayo at magsasabit ng medalya mo" hinatak siya ng kanyang ate at hinagkan ito. "Magaling ka Maya, masaya ang ate para sayo. "

Hindi na napigilan ni Maya ang kanyang sarili at pumunta sa kanyang mga magulang. "Nay, Tay busy po ba kayo sa araw na iyon, maaari po bang kayo ang magsabit ng medalya para sakin? " Mausising tanong ni Maya.

"Pasensya kana Maya, hindi makakapunta ang itay ngayon dahil nga gawaan na sa bukid at ang mama mo naman ay may lakad din" Tugon ng kaniyang ama.

"Sana man lang ay nag top 1 ka, hindi ka naman nangunguna sa inyong silid ngunit kung makapag salita ka ay tila ba ikaw ang nanalo sa lotto" sambit ng kaniyang ina na naging dahilan ng tahimik na pagtulo ng mga luha na nagmula sa kaniyang nagsusumamong mga mata.

"Naiintindihan ko po, magpapasama na lamang po ako kay ate". Lumabas si Maya at pumunta sa bukidan at tinanaw ang napakaliwanag na kalangitan. Sa ilalim ng puno ay tahimik na umiiyak si Maya. Kahit anong gawin niya ay hindi mawala ang mga masasakit na salita na sinabi ng kaniyang ina. Tila parang ang bigat bigat sa pakiramdam at sobrang sama sa kaniyang kalooban. Umiiyak lang ng umiyak si Maya hanggang sa hindi niya namalayan ang oras na paparating na pala ang gabi. Dali-dali itong tumakbo pa balik sa kanilang bahay.

Nang makauwi siya ay abot ng sermon at palo ang kanyang natamo. Nakaligtaan niya kasi ang paghuhugas ng plato at naging dahilan kung bakit mas lalong kumulo ang dugo ng kaniyang ina. Inisip ni Maya na kasalanan naman niya ang lahat kaya tinanggap niya lamang ang mag masasakit na salita.

Hindi nagtagal ay naging ganon nalang ang takbo ng lahat, hindi na nagsasabi si maya sa kung ano ang mga medalyang kanya naiuuwi, hindi na rin kasi siya masamahan ng ate dahil masiyado na itong abala sa kaniyang trabaho. At hanggang dumating ang moving-up ceremony na ang guro ang kasama niya sa lahat. Maging sa pagtatapos ng Senior High School ay mag isa niyang hinarap ang lahat. Si Maya ay nag uwi ng medalya at ang title nito ay "With High Honor" ngunit hindi niya sinabi sa lahat at nagpatuloy sa pangarap na gusto niyang malipad.

Ngunit dumating ang araw na si Maya ay nawalan ng pakpak sa paglipad.

Inipon niya ang kaniyang mga medalya, sinabit ito sa loob ng bahay nila na kung saan makikita ng mga magulang niya. At sa araw din na iyon...

Sa araw kung saan kaarawan na ni Maya...

Siya ay inabutan na nilang hindi humihinga....

Sa kamay ni maya ay may hawak siyang liham, at ang liham ay may pinamagatang "Ang medalya ni Maya"

Wakas...


Author's Note:

January 08, 2021

Article #73

Magandang umaga! Maraming salamat sa pagbabasa ng aking munting likha. Marahil ay nagtataka ka ngunit nais ko lang sabihin na ito ay hindi hango sa aking tunay na buhay, may mga pagkakahawig subalit ang karamihan ay aking iniba.

Sinulat ko ito ngayong umaga dahil may kasalanan ako sa nanay ko, nakalimutan kong maghugas ng mga plato at ngayon nagtitipa ako habang nagtatago sa aking kwarto haha.

Gusto ko lang din sabihin ang mensahe ko sa mga mag-aaral na katulad ko, huwag niyo sana isipin ang ginawa ng aking Maya haha. Alam kong nahihirapan kana din sa pag-aaral mo, ngunit sana ay huwag kang sumuko. Lumapit ka sa kaibigan mong handang makinig sayo at sundin mo ang mga payong makakabuti para sa sarili mo.

Minsan naisip ko din na parang ako si Maya, pero sa huli naman ay aking kinaya ang mga problema. Lilipad kahit walang pakpak, andiyan si darna ngunit si ding at ang bato nalang ang wala😂✌️

Masaya ako na umabot ka hanggang sa dulo, ako si caris, ang cute na wais at mukhang walis.

Isingit ko lang na nakita ko na grades ko at masaya ako na lahat ay pasado kahit may mga exams na zero🤣✌️

Ang mahalaga, buhay at humihinga pa. 😁

Hanggang sa muli!

Maaari mo naman akong hanapin sa mga sumusunod na plataporma kung nais mong ako'y makilala pa.

20
$ 5.18
$ 3.60 from @TheRandomRewarder
$ 0.40 from @Ruffa
$ 0.30 from @ExpertWritter
+ 14
Sponsors of carisdaneym2
empty
empty
empty
Avatar for carisdaneym2
3 years ago
Topics: Tagalog, Fiction

Comments

Grabi siya oh mapanakit AHAHAHA! It's just hard to know na mayroong talagang magulang na ganyan in real life. Yung tipong lahat ng achievements mo na malaking bagay para sayo is maliit lang at walang halaga para sa kanila. Na parang kahit anong makuha mo, makamit mo at marating mo may mga masasabi at masasabi sila sayo. Hindi nila alam na yung yung words nila is nagdudulot na ng pain sa puso, kaya habang lumalaki naiipon ng naiipon hanggang dumating na yung time na pagod na at susuko hayyss.. Nice story caris!💚

$ 0.05
3 years ago

grabe kahit yung comment mo nakakaiyak pa din, sobrang painful kasi talaga and for sure ang daming students na nararanasan iyan. sana kayanin at magpakatatag pa din sila at hindi tumulad kay maya. Salamat sa pagbabasa khairro :) <3

$ 0.00
3 years ago

Okay, I'm about to cry. 🥺 I can totally relate to Maya. I was never the academic achiever in the family until Senior Highschool. Most of my awards from Elementary to Junior Highschool were just the events that I joined. Being sad that, I am not really excited to talk about it with my parents.

And also, the part in the story where her Mom can't come to her recognitions, I have similar experience. My dad never went up the stage with me, it's always Mom that would pin my awards and medals. Though he would pick us up when the ceremony is over. Mom would always tell Dad that he should have a father-figure where he can accompany us. But all I know is my Dad is just too emotional and a very private person.

Maya, you are such a brave daughter and a student. You never gave up on your dreams. It's sad to know about how your life ended.

$ 0.00
3 years ago

Awee, You're such a strong person din kasi kahit never pa pumunta dad mo para sabitan ka, kinakaya mo pa din at nauunawan mo siya. anyhooow, thanks for reading uwu. labyuuu <3

$ 0.00
3 years ago

Hindi maganda ugali ng magulang mo Maya naku. Dito ka na lng sa Amin ako na maging tatay mo. Hahaha kay pait ng sinapit na hagupit ng buhay ni Maya. Kung kilala ko yang magulang mo Maya ay nako papasok ko yan sa sako at ilagay kung saan na may maraming hantik ng mataohan yan.

Caris hugas hugas din kasi pag may time hahaha. Wag ka na magtago dya. Labas na hahaha.

$ 0.05
3 years ago

sige po, paampon na din ako :)

$ 0.00
3 years ago

Haha sure. Why not kya lng di parin maiiwasan ng pag huhugas ha? Hahahaha

$ 0.00
3 years ago

uy ansakit HAHAHAH dama ko to, halos lagi ako sinasabihan na sana da wnagtop 1 ako kasi lagi akong top 3, kesa na support makuha ko sakanila mas dinadown pa nila ako. minsan naiiyak nalang ako pero wala akong magawa HAHAHAHA

$ 0.05
3 years ago

iba din kasi yung sakit kapag yung mga taong inaasahan mo ng maglilift sayo, sila pa pala yung hahatak pababa, sobrang sakit lang :(

$ 0.00
3 years ago

minsan mapapasabi kanaang na bahala na sila HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Oyyyyy nakakaiyak, loka kaaa. Huhu

Pero ang galing ah. Ganitong ganito yung nangyayari sa maraming estudyante noon hanggang ngayon. Di maiiwasan pero kaya sanang pigilan na mangyari kung marunong lang umappreciate ang nakararami. :(

$ 0.05
3 years ago

Inaaano ba kita hahhaan pero sana all muna may mga medalya😂😂🤣🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Hahaha eh bakit ba kasi. Eh sa nakakaiyak ih. 🤣

$ 0.00
3 years ago

Medyo relate ako dito ah, high school days, those days na masipag pa akong mag aral hahaha. Everytime na kasali ako sa honor students, always kong binabalita agad sa parents ko but they're like, "ah, okay" hahaha awit. Hanggang sa nakakasawa na na ganon nalang palagi yung eksena. Kaya kapag Kasama ako sa honor students, sinasarili ko nalang, Hindi ko na sinasabi sa kanila 🤧😂

$ 0.05
3 years ago

Estudyante feels kapag nadidisregard feelings nila😭😢

$ 0.00
3 years ago

Hehehe hindi ko alam pero hindi ko pangarap yung mga grade grade dati 🙈 pramis! Haha sa amin kase, basta makagradweyt ay ayos na kay nanay at tatay. 😅 basta maalam bumasa at sumulat ay sapat na sa kanila. Siguro nasa kapaligiran na lamang talaga. Hehe. Pero sana wala ng katulad pa ni maya ang malungkot dahil hindi naacknowledge ang kanyang mga ginawa. Hehe. Sana lahat, alam na ang bawat paghihirap na ginagawa natin, ay hindi para sa iba king hindi para sa ating sarili, sa ating konsensya, at dahil nais lang nating mas maging mabuti hindi para maging mahalaga :)

$ 0.05
3 years ago

Hayss sana nga😭

$ 0.00
3 years ago

Why some parents have to be so harsh on their child no. Comparing, no contentment, didn't even show affection to the kids. Yong ginagawa mo ang lahat para mapansin ng magulang. Yong nagsikap sya kaya nangarap. Nagkamit ng medalya para sana ialay sa ina. Pero yong kaisa isang pangarap na hiniling nya di nya makuha. Recognition lang sana mula sa magulang diba. Ang aga aga Carismatic nagpapa iyak ka😭. Why you have to end it this way, oh Maya. Sana di ka nalang nagsikap, sana di mo nalang pinangarap na mapansin ka ng iyong ina. Sana buhay kapa 😭. Oh waeeee 😭.

$ 0.00
3 years ago

I'm so sorry ate parot haha, nadala lang ako ng emosyon

$ 0.00
3 years ago

Huli na ako mag basa , Gabi ko na nabasa grabe sobrang nakakaiyak 😢😢 ang daming nakakaiyak na nag gawa mg story pero ito ang kakaiba sobrang nasaktan ako. Grabe na ang effort na ginawa ni maya para sa magulang niya hindi manlang naaapreciate.. Grabe yung mama niya naiinis ako naiiyak ako hmmmmm ano ba tong nadarama mo 😭😭😫

$ 0.05
3 years ago

Waaah sorry Caroline kung napaiyak kita🙈🙈🙈

$ 0.00
3 years ago

Okay lang.. Sanay naman ako umiyak haha kakalungkot talaga kapag naiisip ko Cutie. Grabe talaga yang gawa mo kay Maya.. 😢😢

$ 0.00
3 years ago

Pabatok po yung nanay nung bata, makapagsalita, akala mo, siya nag-a-aral. Tsk...

$ 0.05
3 years ago

Hahqhqh grabe naman iyan🤣

$ 0.00
3 years ago

Mapanakit ata lahat ng author ngayon? Huhuhu. Nakakalungkot isipin na nangyayari ito sa totoong buhay.

$ 0.05
3 years ago

Hqmahahaha kaya nga, mukhang may mga pinagdadaan sila ngayon, 🤣

$ 0.00
3 years ago

HAahhah oo nga eh

$ 0.00
3 years ago

Don’t tell me this story ended with “finally” hehehe. I hope there is a continuous episode?

And what’s pity maya couldn’t make it at the end All that could be of his struggle was the letter he wrote

I am eagerly waiting to read what she wrote in the letter. Hahahah

$ 0.05
3 years ago

Awieee the story you just read is what Maya wrote in the letter🙈🙈🙈 Thank you for translating my work so that you can relate, I really appreciate this☺️💜💜

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha. I have always love Filipino movies for a very long time. So coming here to read you guys stories is just like I am watching new episodes of those movies again 😀.

$ 0.02
3 years ago

aweee thank you so much! <3

$ 0.00
3 years ago

😍😍😍😍😍

$ 0.00
3 years ago

Hahah more kasalanan to come para mas maraming likhang akdang maaaring maibahagi saamin.

$ 0.05
3 years ago

Hahahajajaja😭😭🤣🤣🤣 Why naman ganon po🙈😂

$ 0.00
3 years ago

Napakahusay ng pagkakagawa. Oo, Maya tunay na kaysakit ng iyong sinapit, ngunit hindi sagot ang pagkitil ng iyong buhay. Hanapin nyo ang kasiyahan sa inyong sarili, dahil pag hinanap niyo ito sa iba, kayo'y malulungkot lamang.

Ang mga nakamit mo ay para sa iyo, at para sa iyong kinabukasan, kung sana ay nagpakatatag ka lamang at hindi nagpadala sa labis na lungkot.

Oh, Maya, kaysakit ng iyong dinaranas. Kumusta ka na kaya ngayon?

:(

$ 0.05
3 years ago

Waahhh nung binasaa ko po comment niyo, feeling ko sakin niyo sinabi. Salamat po😢☺️

$ 0.00
3 years ago

Walang anuman! Ikaw ba si Maya? Magpakatatag ka!

$ 0.00
3 years ago

Nakikita ko ang aking sarili kay Maya na ginawa lahat ng makakaya ngunig hindi parin sapat sa paningin ng kaniyang Ina. Bkit napakapait ng mundo ang nais lang naman ni maya ay pagnamahal galing sa babaeng nagluwal sa kaniya ngunit hindi ito naibigay sa kaniya. .....

$ 0.05
3 years ago

Maraming salamat po sa pagbabasa☺️

$ 0.00
3 years ago

Ayy ang lungkot naman. Namatay sya na hindi nya nadarama ang pagmamahal ng kanyang magulang😭

Ang ganda💚

$ 0.00
3 years ago

Supeeerrrr nakakasad😢

Salamat sa pagbabasa☺️

$ 0.00
3 years ago

Kaya di pala masarap ulam ko kaninang umaga 😩 HAHAHA may magpapaiyak pala why naman ganon ang mga magulang kasi. Lagi nalang silang nageexpect at laging nag cocompare sa iba. Di man lang maapreciate lahat ng ginagawa niya 🥲

$ 0.05
3 years ago

Ayun nga eh, isa pa iyan yung pagkukumpara😭😭😭

$ 0.00
3 years ago

Nabitin ako cutie.. Pero ang ganda... Merong ganitong storya sa totoong buhay.. Kalungkot lang...

$ 0.05
3 years ago

Sa truuueee kaya nakakaawa yung mga hindi na kinakaya at sumuko nalang.

$ 0.00
3 years ago

Bat namn nakakalungkot dai? Pro nangyayari to sa toroong buhay.. minsan mga magulang pa dahilan ng kawalang ganang mabuhay at ipursue ang pangarap ng mga anak.. Too much pressure can kill

$ 0.05
3 years ago

Totoong totoo po ate jane, dami din talagang nasusuicude sa sobrang nakaka depress yung pinag daanan.

$ 0.00
3 years ago

Yes! Been there haha. Mangatulong nalang daw ako sabi ng nanay ko noon 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Ako daw po lumipad nalang sa japan🤣

$ 0.00
3 years ago

Sagot sa kahirapan e no haha

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Grabe naman ang sakit 💔 Hindi ko na mapigilan luha ko, nakakaiyak kasi kahit anong gawin ni Maya ay hindi parin sya na-appreciate ng kanyang magulang 😢Lahat naman ginagawa nya pero baliwala lang sa kanila. Sobrang nasaktan ako dito 😔💔 nakakabiyak ng puso

$ 0.05
3 years ago

Hindi ko din alam, naaawa ako sa sitwasyon din ni Maya sobrang sakit huhu. Karamihan din sa mga students na gusto ma appreciate efforts nila pero hindi nababaliwala lang 😭😢

$ 0.00
3 years ago