Ang mga sumusunod na pangyayari ay hindi dapat gayahin.. pawang mga eksperto lamang ang siyang gumagawa nito.
So yun na nga noh.
Ako e nagawi dito sa bandang likuran ng site office namin. at napansin ko na madami na tumubo mga ibat ibang halaman. at naispatan ko ang na may bunga ito. kaya naisipan ko picturan gamit ang cellphone ko.
Eto ah. baka iba sa inyo e hindi pa alam gumamit ng GOOGLE LENS noh. eto ay napakahusay para sa akin kasi kaya nya hanapin kung ano uri ba ng halaman ang napicturan nyo. astig diba. o baka ako lang uli ang hindi nakakaalam pa nito hehe. anyway balik tayo dito. so yun na nga. ni search na ni google lens kung ano nga ba ang bunga at halaman na ito. makikita nyo ito sa mga ni upload ko na pictures sa ibaba. at ang sabe e. "edible" edi pede pala kainin ito noh. at yun bunga naman nun ni search ko ang sabe e "best 10 health benefits of eating iv" yan lang sabi kase hindi ko na binuksan yun link.
So ginawa ko e pumitas ako ng isa bunga at aking kinain kasi nga diba sabe e pede naman daw kainin at may benefits ito. at hawig siya kasi ng cucumber (paborito ko pa naman yun) pero ito ay sa tingin ko lang ah..di na ako natingin sa ni search ni google lens at yun na nga kinain ko yun bunga kanina... hhhmm
Nga pala habang ginagawa ko nga pala itong post na ito ay kasalukuyan ako ay nasa hospital ngayon.. joke lang hehehe.
Pero tulad nga nang sabi ko sa simula e hindi dapat gayahin. at hindi naman talaga dapat basta basta kakain ng kung ano yun nakita mo lang basta basta at ngayon mo lang talaga nakita noh. di porke nasabi ko minsan na dati dito na HINDI NA BALE MATAKAW WAG LANG MAYABANG. e ganun na ako katakaw noh. maling mali yun madudes hahaha.
So yun lang noh. Magandang Araw ng Huwebes sa inyong lahat at huwag masyado matakaw.. XD
TRUEPA
so yun na nga noh. eto eh nabasa ko lang minsan..
Alam nyo ba na maari mo malaman ang mga tunay mo kaibigan sa social media o kahit kaibigan mo personal
Ay Kapag nagtayo ka ng negosyo. yah tama negosyo.. malalaman mo kung sino ang mga tunay mo kaibigan.
Kunyare nagtayo ka na nga ng Negosyo mo noh yun maliit lang na negosyo. tapos e siempre ipopost mo ito sa social media mo.. tulad sa facebook diba. at kapag yun inaasahan mo na akala mo.. e tunay mo kaibigan, e hindi man lang ni-like o pinusuan ang na ipost mo produkto..
ma-dudes.. hindi mo yun tunay na kaibigan.. hindi mo yun Truepa.. nakakalungkot pero totoo yun..
Hindi mo dapat asahan ang inaakala mo tunay na kaibigan mo na bumili man lang ng produkto na tinitinda mo.. ok lang yun dahil nga baka wala siya pera.. kadalasan ganun kasi diba..
Pero yun hindi man lang ni-like ang post mo o pinusuan ang post mo about sa product na tinitinda mo.. mano ba naman pindutin lang yun icon na ito π o kaya nito β€οΈ diba..
Hindi naman siguro masama yun product na tinitinda mo para hindi i-like man lang at isa pa libre lang naman yun pag-like.. at malaking bagay na rin yun sa taong nag nenegosyo kapag nakakatanggap siya ng simpleng like. kasi ang tawag dun ay SUPORTA
relate kasi ako dito hehehe. dahil sa post ko pork tocino minsan sa fb ko. ahahaha. siempre andun yun nakaramdam nga ako ng haaaist... di naman maiiwasan yun lalo nat bago ka pa lang sa pag nenegosyo. kaya nag isip pa nga ako ng ganito oh. "pag ako yumaman sa pagtotocino ko who u ka sa akin" char lang hahaha
So yun lang anoh mga ka-noise mate. ka mema.. Magandang Araw ng Miyerkules sa inyo lahat. hehehe
PAGSASAAYOS
Isa ito sa na disenyo ko.. isang bar na pinapa renovate.. mga taong 2017 ito. at marami kwento tungkol dito.. pero hindi ko na lang sasabihin lahat.. pero isa na dito yun muntik na ako hindi mabayaran dito sa design na ginawa ko. dahil hindi tinapos ng contractor ang paggawa sa nasabi renovation.. at muntik na nga ako hindi mabayaran ng kapwa ko din Pinoy na nagtratrabaho dito..
At nakiusap na lang sa akin ang may ari ng bar na bigyan ko uli sila ng kopya ng design para ipasa nila ito sa bagong gagawa..
Ganun talaga ang buhay hindi lahat perpekto. kahit nasa ibang bansa ka pa ngayon.. ay mayroon at mayroon pa rin tayo makakasalamuha na kapwa Pinoy na hindi maayos kausap at hindi patas lumaban..
HALA
isa na naman panaginip ang napaginipan ng isa natin ka noise mate na si @euaio.
maari niyo uli ito mabasa dito sa link na ito ang buong panginip niya.
https://noise.cash/post/wzprr8ncnpnr
at ito ang aking tugon sa panaginip niya..
"hala eto rin ang una pumasok sa isip ko na dapat ko din sabihin dito.. hala.. at ayaw ko na rin bigyan ng mahabang kahulugan ang panaginip na ito. sapagkat maari matakot lamang ang taong nanaginip nito.. subalit ang gusto lamang ipahiwatig ng panaginip na ito ay magsisi na siya sa mga kasalanan na gawa nya habang siya ay andito pa.. kaya nga sinabi sa panaginip na hindi mo pa oras. ang ibig sabihin nun ay may pagkakataon kapa na ihingi lahat sa KANYA ang kapatawaran mga kasalanan nagawa mo.. Simulan mo na ang pagbabago iho. simulan mo naaaa.." ( pahina ng pahina at mabagal na pagbabasa ang nararapat sa huling sinabi ko dito)
CARDO DALISAY
so yun na nga noh.
maaga ako umalis ng bahay kanina para pumasok dito sa work.. siguro wala pa 7am ay nasa biyahe na ako. at napansin ko kada stop light eh. mga kasabayan ko mga naka-motor din ay lahat may suot na jacket. mapa maong o leather jacket noh. at mga nakasapatos wari ba e ginaw na ginaw sila anoh.. samantala ako e naka crocs na peke at wala ako suot na jacket man lang. pero naka-pants naman ako at polo-shirt noh. so lumalabas na ako lang ang SAKALAM.. ako lang ang PETMALU sa lamig noh hehehe
eh bakit nga ba hindi ka nagsusuot ng jacket man lang Tadiak? hindi kaba giniginaw man lang?
eh lam nyo kase.. giniginaw din naman ako.. at meron din naman ako maisusuot na jacket panlaban sa lamig. e kaya ko di na sinusout yun e. para kasi ako action stars sa pormahan e. kung alam ninyo yun Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.. e parang ganun na ganun ang datingan ko noh.. isa ako dun sa binubugbog ni Cardo Dalisay hehehe joke lang.. ang totoo nyan e naiwan ko kahapon ang jacket ko dito sa site office.. kaya tiniis ko ang lamig kanina habang nasa biyahe ako. ehehehe
Ang pinupunto ko lang naman dine sa post ko.. e ugaliin natin double check mga gamit natin bago tayo umuwi.. nang sa gayon e wala tayo nakakalimutan na importante gamit natin na kakailanganin natin kinabukasan.. e ako kasi nalimutan ko mga ito hahaha kaya eto at pinapaalala ko ngayun sa inyo at sa akin na rin.
Carding Makakalimutin
So yun lang anoh. Magandang Malamig na Araw ng Martes mga Ka-noise mate at Ka Mema sa inyong lahat.
SA WAKAS KINILIG ULI AKO XD
kakatapos ko lang panoorin yun One True Pair nila JLC at Bea.. grabe hahaha kinilig ako sa mga linyahan nila ah. kanina kasi nun ni share ko ito sa wall ko halos wala pa ako nun sa half.. e na excite agad ako i share yun.. tapos nga e ayun tinapos ko na.. at kakakilig nga.. bihira na kasi ako kiligin ngayun maliban na lang kung maliligo na hindi gagamit ng hot water hahaha astig sila dalawa!
Kung hindi mo pa ito napanood nandito sa link na ito yun link nilang short film
https://noise.cash/post/3n9zj7pck8k5
One True Pair The Movie
so yun na nga noh. bigla ko na kita itong short film na gawa ni Jollibee dito sa youtube. so hindi naman ako fan nila JLC at ni BA noh hehe. wala lang naisipan ko lang i share dito baka kasi meron dito mga fans nila dalawa kaya ayun. Pero bakit excited ako i share ano hehe. sige na nga fan na din ako nila dalawa nina Popoy at Basha hehehe
So hindi ko na patatagalin pa.. ito yun link oh baka gusto nyo rin mapanood sila. natural yun actingan e. yun lang ang napansin ko.
https://www.youtube.com/watch?v=xw3yzsvUw8k
so yun na nga noh.. magandang araw ng Lunes mga ka-noise mate. mga ka-mema.. ako e magtatanong lang sa mga gumagamit ng mcm auto faucet. kung error din ba sa inyo ito.
at sa mga hindi nakakaalam ng mcm auto faucet ay isa ito sa ginagamit ko para maka earn ng mga ibat ibang crypto.. barya barya lang lang naman din ang nakukuha ko dito.. pero siempre pag dumami e edi dumami hahaha I mean siempre malaki na din.. haaist ganun din yun e parang ewan lang e noh.
So yun lang noh.. at Magandang araw uli ng Lunes sa inyo Lahat dyan mga ka-noise mate, mga ka-mema
ay may pahabol pa pala na tanung pede kaya dito mag post ng link kung sakali mga ganito link mga autofaucet mga ganern hehehe
Cocomelon: βTinapos ko na ang lahat saΓ½o..
Tinimbang ko ang lahat kung ano meron ka.. subalit kulang..β
Licious: βHanggang kailan ba tayo ganito...?β
Sumigaw si Direk
Direk: βCUT!! Jusmeyo! Cocomelon ang tagal mo na artista bakit hindi mo maibigay ng buo ang emosyon mo sa tuwing sasabihin mo mga linya mo.. ohmayghad at ikaw naman Licious ok talaga acting mo pero sa punto ito wag mo masyado sasapawan si Coco kahit na sabihin na ikaw ang bida dito.. kasi sa eksena na ito si Cocomelon dapat ang makitaan ng matinding pag arte. kuha mo?β
Hehehe Good vibes lang mga ka-noise mate.
Kagabi kasi e tinapos ko na mag repack ng mga nagawa ko tocino nun Sunday, so bale naka 3 nights na rest si Tocino ko bago ko siya irepack noh. kaya ayun meron timbangan naganap kagabi. at kung hanggang kailan ko nga ba ito gagawin e hanggat meron nagkakagusto sa atin produkto e gagawa at gagawa ako nito.. di naman ganun kahirap eh. basta masaya ka sa ginagawa mo, saka dagdag kita nga ito noh.. 200grams nga pala per pack nun mga yan. at ang presyo ay presyong abroad hahaha. diko na sasabihin at alam ko may masasabi iba dyan na ang mahal naman ng tocino mo. well kung presyo Pinas e mahal nga. bakit sa Pinas ko ba ito ibebenta e hindi naman.. at kung mamahalan man ang taga rito bebentahan ko. edi sabihin ko mag order ka dun sa Pinas i pa shipment mo ng bongga hahaha
So yun lang noh. pasensya na kayo sa intro alam ko mais masyado hehehe. Magandang araw ng Huwebes at sanay nasa maayos tayo na kalagayan lahat..
ENKANA
so yun na nga.. inaya ako ni taguro maglunch kasi tinulungan ko siya mag sukat ng mga walls. tapos heto ang mga napili ko kainin hehe
2 inihaw na pinirito pa yata na hito o catfish o mudfish basta yan
stir fried na gulay na hindi ko alam kung ano ano andito
saka yun parang papaitan ang lasa na ang karne nya ay baka
at kung gusto nyo malaman kung ano lasa ng mga ito e.. need niyo muna ilista ang pangalan ninyo, baka kasi malimutan nyo pangalan nyo e pag natikman nyo na. hehehe joke lang
pero infairness e masarap din naman pagkakaluto ng khmer food na ito.
so yun lang noh. enkanakayo!
MATAPANG KABA
Dati rati oo isa ako sa matapang talaga.. wala kinakatakutan.. pero ngayon panahon ito.. hindi ko alam bakit nag iba na ako.. hindi kaya dahil sa tumatanda na.. marahil nga siguro isa ito sa dahilan. Gayon pa man mahirap din naman yun nagtatapang tapangan lang e. ano yun pabida.. hehe
Isa lang naman talaga ang kinakatakutan ko sa panahon ngayon e. ang maligo sa umaga na hindi gagamit nito.. anlameeeg na kase jusko.. hinde ko carry talaga aahahaha
So yun lang noh. Mula dito sa Cambodia.. Magandang araw na malamig na Martes sa sa inyo lahat mga ka-noise mate.
MAGBILANG KASI NG SUKLI
so yun na nga noh..
medyo medyo hindi ok kanina nangyari. e ganito kasi... bumili uli ako suman 5 piraso. ang presyo ng suman ay 1,000 riels isa
nagbigay ako ng 10usd. sa pera nila ay nasa 40,000 yun.. e tapos nga e sinuklian ako ng
2 = 10,000 riels,
1= 5,000 at
1= 1,000
total is 26,000 riels
pagkaabot ko kanina ng sukli ay hindi ko na binilang mabuti at nilagay ko na sa bulsa ko.. kasi nga tiwala ako sa kanya dahil sa madalas naman ako nabili ng suman nila.. kaya ko lang nalaman na may mali sa sukli ay nun andito na ako sa site office at kinuha ko na sa bulsa ko yun riels na pera at ilalagay ko na sa wallet ko. tapos yun nga pagbilang ko ay bakit kako ganun.. kaya ginawa ko e binalikan ko yun nagtitinda at sinabi ko na mali yun sukli. tapos yun usap nga na tagalugin ko na hehe 3 daw yun bigay nya na 10,000 riels at isa 5,000 riels kapag ganun sukli ay tama.. pero mali e. wala naman ako ibang pera dito kundi dollars sabi ko sa kanya. tapos yun hanggang sa nagbilang sya ng mga benta nya at binigay na rin sa akin ang tamang sukli..
ayoko lang kasi ng ganun na parang nandadaya.. madalas kasi mangyari dito yan kapag ako e namimili sa palengke.. kahit ba maliit na pera lang yun e maging tapat lang sana at huwag manglalamang ng kapwa.. pare parehas lang naman tayo na naghahanapbuhay e..
kaya ayun lang. pero ok na hehehe. kaya next time e wag masyado magtiwala at bilangin nga mabuti ang mga sukli na binibigay.. yun ang mali ko kanina hehehe
so yun lang noh. makulimlim na Lunes mula dito sa Cambodia sa inyo lahat mga ka-ingay..
MAKRO
β© βͺ β« β¬ Come'on in, look at what we got
There so much more and such a lot
Here at MAKRO, We got it all
[We got it all]
Lots of excitements and bargains and fun
[We got it all]
Shopping convenience for every one
At MAKRO... its all at MAKRO
Here at MAKRO.., We've Got It All For You! β© βͺ β« β¬
kung papansinin nyo ay may mali dito sa kanta na ito hehe sana di ako mapagalitan..
so yun nga noh.. nagpunta uli ako dito sa MAKRO para bumili ng karne ng baboy, para dun sa gagawin ko uli pork tocino.. mukang tagumpay kasi yun nagawa ko nakaraan at nagustuhan nila ang lasa. at meron uli nag order noh. hehehe. kaya heto at gagawa nga uli.. muntanga paulit ulit sinasabi hehe
yun lang π
LIFE HACKS MGA KA MEMA
Mga Momshie at Mga Daddeh.. pwedeng pwede ito gawin sa mga anak nyo na katwiran lagi e "ma pa hindi ko po nabasa message nyo"
kaso isang beses nyo lang siguro ito magagawa. o di kaya naman e babaguhin lang yun dialogo dun sa "ibibili ng cellphone"..
So yun lang noh hehehe
DAGDAG KAALAMAN MGA KA MEMA
Alam nyo ba ang paghalik sa leeg sa inyong asawa o sa inyong jowa ay nakakatulong upang mabawasan ang kanilang mga libag.
isdatru
madalas ako makabasa dito sa comment ng sis.. e kaht alam naman na lalaki o boy yun nagpost. e kahit nga sa akin e nangyari yun ganun e. nitawag ako na sis.. kunyare ang sarap nyan ulam mo sis..e bakit nga ba ganun? dapat di pede yun ganun. nakaka insulto sa amin mga lalaki pag gayon.. charot hehe
e pede naman tawagin bro.. o di kaya yun uso ngayun mars short for marites yata . kaso pang babae yun.
boyet na lang pag lalaki chismoso. hoy boyet ano nasagap mo dun ehehe
hoy boyet ansarap mo. este ang sarap ng pagkain mo ah hehe
ayun lang ^^
SHUMAN- SHUSHIMAN-SUMAN
nagkita uli kami ni Ate Suman (hindi ko alam ang pangalan) hehe, namiss ko yata sya. kaya ayun napabili ako ng 5 piraso nito.
Ang presyo nga lang ng isa e nasa 1,000 riels ang mahal diba kung numbers ang pag uusapan. wan-taw-san ba naman eh ehehe. pero kung convert natin yan sa pera natin sa peso ay nasa 10 pesos yan..diko lang alam kung same same presyuhan sa atin ng mga tindang suman..
Ang suman na ito ay may laman sa loob na diko mawari kung pinagsamahan nilagang itlog na meron munggo na manamis namis sya.. at masarap naman din talaga.. bibili ba ako nito kung di masarap diba.
Oh siya e hanggang dito na lang muna.. at magandang araw ng Miyerkules sa atin lahat.
werk werk werk na kase hehehe
BIGLAAN LANG
nag crave bigla sa steak.. tapos nag order din talaba.. talabang hindi masarap kasi 5 piraso lang hehe.. bitin kasi. pero totoo nyan ansarap. kaya ayun busog much π
PORK TOCINO
so yun na nga noh. kahapon diba sabi ko e nakita ko si optimum pride. urgh urgh argh.. so yun nga.. kasi nga pumunta ako sa macro.. ano ginawa ko sa macro? edi bumili ng pork. ang pinili ko e yun sa part ng shoulder.. ano gagawin ko dito? edi ano pa edi pork tocino. bat kaba tanung ng tanung inaano kaba. hahaha o yan ang pork tocino na gawa ko kahapon na ngayon lang ni upload dito..
sikreto para sumarap lalo ang pork tocino nyo.. kung maisipan nyo man gumawa nito e. wag nyo agad lalagay sa freezer. hayaan nyo lang dun sa ilalim ng chiller.. mga 2-4 days sya dun para ma-marinated ng bonggang bongga.. tapos nun kung meron na kayo plastic na lalagyan saka nyo iplastic saka nyo ilagay sa freezer.
e sasabihin ko pa nga sana kung ano ano ba nilagay ko ingredients dito eh.. kaso baka gayahin nyo e. hehe
ano gagawin ko dito? edi ano pa balak ko ibenta hehe. yun mga nabilhan ko kasi dito na gumagawa ng tocino e para waley e di nila magaya yun lasa nun pampangas best.. e sa tingin ko etong nagawa kong ito e medyo medyo kuha nya yun lasa nun sinasabi ko kanina. e sa maniwala ka man o sa hindi. wala ako pake hahahah
LIDER NG MGA OTOBOTS
"thang inah! si optimum pride.. woh ikanang optimun pride oh. urgh urgh argh argh.. thang ina ekh.. bib si optimun pride oh urgh urgh argh argh"
at kasama pa nya iba pang otobots. sina bambol bi at yun isa hindi ko kilala hehehe
nadaanan ko pauwi galing ako sa macro.. kaya ayun naisipan ko picturan sila. hehe wala lang.
ARROZ VALENCIANA BULACAN STYLE
Magandang araw ng Biyernes sa lahat noh, dahil holiday ngayon dito sa Cambodia. ni celebrate nila ngayon ang water festival. kahapon pa bale nagsimula ito..
Kaya Samahan ninyo ako.. tayo ay magluluto ng arroz valenciana bulacan style
Disclaimer lang po ah. hindi po ako eksperto sa pagluluto o yun tinatawag na chef noh. ako po e natuto lang magluto sa panonood sa ytube ng mga pagkain na nais ko makain. so wag na natin ito patagalin noh. hehe tara na
Mga Sangkap na gagamitin natin ay:
Chicken meat
Patatas
Carrots
Bell Pepper
Bawang
Sibuyas
Dahon ng sibuyas
Celery
Asin at Paminta
Atsuete o anato oil
Mantika
Patis
3 chicken cube
at siempre kanin.. dapat ang kanin nyo ay buhaghag pag naluto kasi maganda ito i sangag mga ganern noh. kung meron kayo budget bilhin nyo is yun jasmin rice.
toyo
calamansi
sili
at dahon pala ng saging noh.
Paraan ng pagluluto na ginawa ko ay ito.
1. siempre una e magpainit na ng kawali noh. tapos lagay ng anato oil o mantika kung di kau nakagawa ng anato oil. ang paggawa ng anato oil e need nyo siempre ng atsuete seed tapos magpainit kayo ng mantika tapos tambog nyo lang yun buto ng atsuete hanggang sa magkulay ito. pero dapat sa mainit na apoy lamang ah para hindi masunog ang mga buto ng atsuete. pero half lang ng nabili nyo atsuete gawin nyo anato oil ah yun iba kasi e pakatasin nyo na lang sa mainit na tubig. kakailangan din kasi natin ito para kung sakali bitin sa kulay.
2. tapos pag mainit na ang mantika simulan nyo na prituhin bahagya ang patatas, carrots at bell pepper. para kumapit na mismo sa oil yun mga lasa nito. tapos nun e i set aside nyo muna kapag nagawa nyo na lahat yan
3. ayun na nga simulan nyo na mag gisa ng bawang at sibuyas. so alam nyo naman na siguro kung paano mag gisa nyan noh.
4. tapos nun e ilagay nyo na chicken meat at halu haluin nyo konti tapos nun e isunod nyo na ilagay ang paminta at asin.. at isunod nyo na rin yun patis.. tapos yun haluin nyo uli para kumapit sa chicken meat yun mga lasa na mga nilagay nyo. after nyo mahalo e takpan para ito ay mag simmer sa mahina apoy ah. mga 10 mins siguro. ganun
5.tapos nun 4 e ito na gawin nyo. ilagay nyo na yun pinakatas nyo na atsuete tapos lagyan nyo na din ng tubig kung nabitin sa tubig. tapos lagay nyo yun 2 chicken cubes, papakuluan na kasi natin ang chicken meat para ito ay lumambot.
6. at pag malambot na ilagay nyo na yun mga naprito nyo kanina na patatas, carrots at bell pepper at haluin..lutuin lang ng mga 5mins
7. tapos nang 5mins siempre tikman nyo muna baka di masarap pagkakatimpla hehe. pag ok na edi ok na itabi na yan at simulan na natin gawin yun fried rice.
8. fried rice siempre lam nyo na paano ito ginagawa noh. need nyo siempre mantika at bawang.. tapos yun na isangag nyo yun rice.. tapos kuha kau sauce sa naluto nyo kanina sa chicken noh para magkulay yun kanin.. pag medyo ok ok na ang kulay ialagay nyo na yun ni chop nyo na celery at sibuyas dahon sa niluluto nyo fried rice.. tapos halu haluin lang at ilagay na rin yun natitira natin chicken cubes para magkaroon din ng lasa ito. tapos halu haluin uli.. tapos nun e tapos na whooala nakapagluto kana ng arroz valenciana bulacan style
Tapos nun e mag prepare lang kayo ng plato at lagyan nyo ito ng nilisan nyo dahon ng saging.. kung di nyo alam noh ang dahon ng saging ay nakakadagdag sa lasa sa ganitong lutuin. lalo nang mainit init pa yun fried rice.. tapos prepare na rin kayo ng toyo, calamansi at sili, masarap kasi ito parneran ng ganito sawsawan.. wag nyo na lang pigain mabuti yun sili para di gaano maanghang..
Tapos yun na hehehe. Sanay e may natutunan kau kahit paano sa pamamaraan ko ng pagluluto noh..
Tara kainan naaaahh!
ANG BATA BATA PA NILA..
Ang mga sumusunod na mga larawan ay rated SPG.. patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.
So yun na nga noh.. first time ko makakita ng ganito..Ang bata bata pa nila..
Kalunos lunos ang mga nasaksihan ko kagabi dito malapit sa palengke kung saan napadaan ako at inusisa ko kung ano nga ba ang kanilang pinagkaka-guluhan..
Wala ng ulo.. wala na rin ang mga kamay at paa.. at ilang parte ng katawan ay hiwa hiwa na..
Dito sa kahabaan ng malapit nga sa palengke dito ko mismo nakita..
Ang dalawang batang buwaya.. na animo'y binebenta ang kanilang laman..wala na sila buhay.. marahil iba sa inyo ay sanay na sanay na makakita ng ganito.. dahil minsan ko na rin napanood ito sa KMJS, ang paglilitson ng buwaya..pero siempre iba ang feeling kapag nasa harap mo na ito.. hindi katulad ng nakikita lang natin sa ating mga phone o sa ating mga telebisyon.. kaya..kayo na ang humusga..
Dapat bang ibenta? mgkano per kilo sa inyo? ano ang masarap na luto dito? nakakain naba kayo ng luto ng buwaya? ano lasa? masarap ba? hanggang dito na lang po..
Mula dito sa bansang Cambodia
Ako po si Tadiak.. nag-iingay.. at ito ang... I-Ingay
so yun na nga noh. hehehe
alam niyo ba mga marites dyan..
hiwalay na si Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.. kinonpirma ito mismo ni Boss A.
so yun lang noh π
"PASKO ANG DAAN.. NATULI ANG ARAW"
So yun na nga noh hehehe.
43 days na lang at Pasko na naman..ang bilis talaga lumipas ang araw.. o kay tulin ng araw sabi nga sa kanta na "Pasko Na Naman." siguro kung wala lang pandemic na nangyayari sa bansa natin.. ang mga ibang bata sa atin ay nagprapractice na kumanta para sa caroling nila. tulad ng dalawang bata na ito sa napanood ko sa video. pursigido sila mag-practice sa kanta nila, lalo na yun batang babae. at yun batang lalaki naman ang nag gigitara.. parang naiba nga lang yun lyrics ng kanta nila o baka sariling version nila ito. π€£ hehehe... buti na lang at meron nagtuturo. siguro tatay nila yun. at sa tingin ko e nangaroling din sya nun bata din sya. parang ako hehe. upgraded nga lang itong mga bata na ito dahil sa may gitara sila instrumento. ako kasi nun nangaroling kami ang dala ko lang nun instrumento kundi dalawang kahoy o di kaya dalawang bato. pag uupugin lang para makagawa ng tunog. kumbaga cymbals ang datingan hehe. double purposes din kasi yun instrumento na hawak ko.. pag nahabol kami ng aso gawa ng ingay namin sa kanta.. e meron ako pambato sa mga aso.. at madali naman mapalitan yun instrumento na yun noh hehe at iba naman e lata ng nido (NIDO BAKA NAMAN hehe) bilang drums at yun pinitpit na tansan para maging tansan tambourine hehe
so hindi ko na patatagalin pa noh. eto yun video na sinasabi ko, dalawang batang nagprapractice yata mangaroling..
"PASKO ANG DAAN.. NATULI ANG ARAW"
https://bit.ly/3najh3L
so yun na nga noh hehehe
dahil natapos na ako sa mga utos ni Taguro, bukas na lang tapusin yun ibang mga utos nya hehe.. kaya medyo nakakanoise noise noise na hehe. tapos nga e nagview ads ako dito sa https://r.adbtc.top/1398954.. para kahit paano e makaipon ako ng BTC. tapos e nakita ko ito oh.. si Alice.. parang sumabay yun kanta na..
Magandang dilag
Puso ko'y yong nabihag
Wala nang ninanais
Biyaya ng langit
O magandang dilag.. β© βͺ β« β¬
kaya ayun naisipan ko siya tanungin kung...
kaso ayun nga naging sagot nya..
π₯Ί ππ
so yun na nga noh.. hehe
kahapon diko na pala nagawa kumanta ng careless whisper.. kasi anlakas ng ulan nun pauwi na ako.. pero naulan na nun bago ko naisipan kantahin sana yun.. baka kasi iba sa inyo e sabihin kaya naulan e dahil nga sa nakanta ako ng ganun.. maling mali yun hehe.
so yun na nga. e kahapon pauwi na ako e naisipan ko isuot ang sapatos ko, kase nga putik sa daan. eh kadalasan kase nag tsinelas lang ako pag uuwi, e yun motor ko eh andun pa sa malayo dun sa may guardhouse.. need ko pa lakarin..eh pagkatapos nga nun nasa kalagitnaan ng ako ng biyahe. e biglang lakas uli as in doble ang lakas nya..buti naman at nakauwi pa rin ng ligtas.. kasi habang daan e nagdadasal talaga ako na i guide kako ako ni God pauwi.
e di nyo natatanung dito kasi sa Cambodia, maulan lang ng malakas e kala mo meron na bagyo ah.. tas nga e mga ilang lugar na baha na agad hehe..e wala naman sila ganun ganun na babalita na meron bagyo na signal na ganito ganire.. wala si ganun..
kaya meron picture ng sapatos ko na bibilad ko dito sa site. para matuyo agad sana..kasi kung sa bahay ito. e baka hindi matuyo.
so yun lang mga noise mate. wag tayo makalimot magdasal bago matulog at pag ka gising sa umaga.. ugaliin natin magpasalamat sa KANYA.. sa mga blessing na binibigay nya at sa bawat pag guide nya sa atin kung saan man tayo mag punta..
parang ibang iba datingan ko ngayun ah ehehe..
so yun lang noh.. Magandang Araw ng Miyerkules sa ating lahat
so yun na nga noh hehe
eto na sya oh yun nikakanta ko kanina umaga habang nasa biyahe punta ng work ehehehe
tenenen.. ten-tenenen..
tenenen.. ten-tenenen..
tenenen ten-ten.. teneneneneneneneen.. β© βͺ β« β¬ 2x
oh.. oh.. oh.. ohh..
I feel so unsure..
As I take your hand.. and lead you to the dance floor..
As the music dies.., something in your eyes..
Calls to mind a silver screen..
And all its sad good-byes..
I'm never gonna dance again
Guilty feet have got no rhythm..
Though it's easy to pretend..
I know you're not a fool..
kantahin ko let uli toh pauwi naman ahaha. π
TEN-TEN
tenenen.. ten-teee.. nenen..
tenenen.. ten-teee.. nenen..
tenenen ten-ten.. teneneneneneneneen.. β© βͺ β« β¬ 2x
I..
So yun na nga noh hahaha. waley na waley talaga itoh ahaha π
meron kaya makakahula ng kinakanta ko?
habang nasa biyahe kasi ako kanina e. itong song na ito ang naisip ko. tapos yun inulit ulit ko pa sya hanggang makarating ako dito sa site. na LSS ba tawag dun. last song syndrome
hindi ko pa natry ito kantahin sa videoke kahit mag isa lang.. di naman kasi ganun ka songer e hahaha tamang ano lang tamang trip lang na feeling songer ang peg mga ganern.
so yun lang noh haha. ulitin natin ha. ahaha π
tenenen.. ten-tenenen..
tenenen.. ten-tenenen..
tenenen ten-ten.. teneneneneneneneen.. β© βͺ β« β¬ 2x
oh.. oh.. oh.. ohh
so yun na nga noh.. hehe
ngayon lang uli nakapagkwento dito nabusy kasi masyado.. hanggang ngayon busy pa rin. e.. kaso nagkaroon ako ng pagkakataon makapag kwento ngayun ehehe.
so yun na nga... late na ako nagising kanina para gumayak at papasok sa work. kakamadali e di na ako nag bfast sa bahay.. kaya naisipan ko bumili na lang sa daan.
at ang laman ng supot sa halagang 50 pesos at 20 pesos kung convert sa pera natin ay...
kanin siempre
pritong itlog (sunny side up)
pork inihaw
meron pa na parang atsara sa atin. pero pipino nga lang sa kanila..
at yun sabaw hehe. dapat lagi may sabaw. boring kasi kumain kung wala sabaw.. ahehe
tapos may nadaan din ako nagtitinda naman ng suman kaya ayun bumili na rin ako kasi sure na gugutumin ako.. mahirap mag-work ng gutom e.
so yun lang noh. kau din dapat, kahit anung late papasok sa work.. ay pilitin nyo pa rin makapag bfast kahit papano, need natin ng lakas siempre. at sa susunod e agahan na kase ang gising para di ganito hehe. so yun lang waley na waley na naman e...hhmmm.. magandang araw ng Lunes sa lahat.
so yun na nga noh hehehe
mabilisan lang.. pumunta ako ng mall.. naisipan ko dun kumain.. ito ang napili ko kainan.. tapos pumili ako ng pwede ma order tapos ito napili ko.. kasi diet ako haha. tapos eto na sya. picture ko muna bago ko ubusin tapos yun na.. whooala..ubos na sya. hahaha
so yun na nga.. minsan need natin pasayahin ang sarili natin.. minsan need natin i treat ang sarili natin..kahit sa simpleng pagkain na gusto mo kainin.. siempre..dahil nga sa araw araw na pagtratrabaho.. andyan yun na stress ka sa boss mo hehe o sa ibang bagay.. para man lang kahit papano e nalalasap mo yun pinaghihirapan mo..
so yun lang noh. kain na din kau mga mate ^^