so yun na nga noh. hehehe
magandang araw ng Miyerkules sa inyo lahat..
namataan ko dito sa site ang isa sa dahilan kung bakit meron ulap.
dahil matagal ko na rin ito tanung kung bakit may ulap?.. sino ang gumagawa ng ulap?.. 🤔 marahil iba sa inyo ay may ganito katanungan din. (pero parang ako lang yata meron ganun katanungan e)😅
pwes.. tutuldukan na natin yan.. hehehe
so ito na nga sya noh.. ito pa lang eroplano na maliit na ito ang siyang dahilan o sya ang gumagawa ng mga ulap.. mapapansin nyo sa larawan na nag iiwan sya ng puting usok na syang nagiging ulap.. napaka amazing diba. hahaha
so yun lang noh..waley na waley na naman po.. at pasensya na hahaha 😅
@Shawking. Maraming maraming salamat sa 4 na beses mo na ako binibigyan ng tip gamit ang sarili mo wallet.. napakabuti mo..Sana marami pang blessing ang dumating sa iyo. At kapag madami dami na ako naiipon dito.. ay ako naman ang magbibigay sa iba.. Ipagpapatuloy ko ang ginagawa mo.. sabi nga sa nabasa ko quotes..
Sharing is Caring - Teaching our children to share is teaching them compassion and love..
-Kevin Heath
Thank you again @Shawking and God Bless you more.
so yun na nga noh.. hehe
kahapon kase e medyo na-busy ako konte. dahil sa nagpa booster ako (3rd vaccine) buti na lang at sinovac uli ang nitusok sa akin.. ayaw ko kasi ng iba at lalo na yun Astrazeneca, kasi may nakapag sabi sa akin na nakakaliit daw yun nang ano hehehe 😂. ewan lang kung totoo.. at meron din naman nagsabi sa akin na nun nitusok nga daw sa kanya ito e nagkasakit sya (nilagnat) ng isang araw malakas daw kasi sya.. so far naman nun after na inject nga sa akin yun SINOVAC e ganun pa rin naman tulad ng dati ang epekto nito sa akin.. ngalay yun bahagi na naturukan.. tapos yun na hehe
after mapa vaccine e dumaan ako sa isang mall dito.. at nakita ko nga ito mga figures na ito.. bibili nga sana ako.. kaso wala naman yun gustong gusto ko mabili.. si Nami ng One Piece.. at nun tinanung ko yun nagtitinda kung meron ba sya Nami.. ang sagot nya ay wala nga raw.. at sinabi nya kung ano ang reason.. ang sabe e.. sobrang sexy daw kase ni Nami.. ayun natawa na lang kami pareho.. lintok hahaha 😂
at sa mga hindi nakakakilala kay Nami ng One Piece.. siya ang navigator ng Straw Hat Pirates. Siya ang pangatlong miyembro ng crew at ang pangalawa na sumali kay Luffy upang maglakbay..ilalagay ko sya dito sa ibaba.. at sa tingin nyo sexy nga ba talaga sya? uwuu hahaha.. ayy.. nalimutan ko pala na baka mapagalitan ako ni kuya noise kung ilalagay ko si Nami dito.. kasi nga sabi nga nun nagtitinda e sobrang sexy.. e nasa rules ni Kuya noise yun baka malintikan pa ako.. i google nyo lang hahaha
so yun lang noh.. at magandang araw sa inyo lahat mga mate. 😂
ikaw.. oo ikaw nga.. ikaw na nagbabasa ngayon ng post na ito.. alam ko hindi tayo magkakilala o lubos na magkakilala.. alam ko rin na magkaiba tayo ng ugali at paniniwala.. pero alam mo ba na meron tayo pagkakatulad? ito ay yun parehas tayo andito sa noise.cash at parehas tayo naniwala na sa ganitong paraan na kahit papaano e nagkakaroon tayo ng pagkakakitaan kahit na sabihin na ito ay barya lamang..
kaya kung ikaw ay isa sa nakakaranas ng problema sa platform na ito.. kung ikaw yun isa sa hindi man lang magkaroon ng earning sa pamamagitan ng pag-popost araw araw.. huwag ka mawalan ng pag asa kaibigan.. dahil ako man ay nakaranas na rin nang ganun sitwasyon.. halos 1 month din yata ako tumigil dito..pero bumalik ako.. at inisip ko bakit? ano ang mali sa akin hehehe at ang ginawa ko lang ay binalikan ko ang aking paniniwala.. nagpatuloy ako mag-post ng kung ano ano na waley waley hehe.. totoo din naman na para sa akin ah.. totoo din naman na mahirap gumawa ng mga post o content dito kasi ako ay nauubusan kung ano ba ang mga sasabihin ko dito.. hehe kaya mahirap din talaga kitain talaga ang pera kaya dapat mo ito pag-hirapan.. wala naman siguro madali trabaho e.. may madali trabaho siguro kung ikaw ay sanay na sanay na sa trabaho mo na yun..diba
so yun lang noise mate ah... wag ka mawalan ng pag asa.. at habang binabasa mo ito ay sana nasa mabuti kang kalagayan.. at sana lahat ng problema mong kinahaharap ngayon ay iyong malampasan..( parang sa love letter ito eh ahahaha)
at nais ko pa lang pasalamatan ang nagpakilala sa akin kay noise.cash ito ay wala iba kundi si (drum roll please...) @Zzylith (ganda yarn.. pramis hehehe..) siya ang dahilan kung bakit ako andito..naniwala ako sa kanya.. hindi nya ako nibubudol lang..hahaha
at ikaw? pasalamatan mo din kung sino ang nagpakilala sau kay kuya noise.. pero kung ikaw mismo ang nakatuklas kay noise.. edi wow.. astig ka! hehe
so yun nga noh ahehehe.. magandang araw sa inyo mga ka noise mate..
kagabi kase bago ako matulog e naisipan ko magbukas ng noise.. at hindi ko inaasahan na mabibigyan ako ng simple task ni kuya noise.. (parang big brother noise house) BBNH hehehe..at ayun nga dali dali ko binuksan ang task na binigay sa akin. at ang sabi ni Kuya Noise. "house mate Tadiak bibigyan kita ng simple task sa araw na ito kung ikaw ay hindi gaano busy.. maari mo ba paglaanan ng oras para masagutan ang limang pung post na ibibigay ko sau.. suriin mo lang mabuti kung ito ba ay orihinal na post o ang mga ginamit na larawan ay galing lamang sa google.. kapag natapos mo ito ay gagantimpalaan kita ng tumataginting na 2usd.. maari mo na ito simulan.." siempre sarili version ko lang yan noh para maging hawig nga sa big brother house. pero parang ganyan na ganyan din naman pagkakasabi nya e in english nga lang.. weeehh
so siempre naging mapanuri ako at sinapuso ko talaga ang ibinigay na task na ito..kase baka yun 2usd na gantimpala e mawala pa.. at isa pa ilan ilan lang din yata ang nabibigyan ng ganitong task ni Kuya.. inabot siguro ako ng isang oras sa pag sagot nitong task hahaha joke lang yun noh.. tapos yun nga.. tapos na ahaha.
siguro kaya meron ganito experimento si kuya noise ay para maging maganda lalo ang pagsasamahan natin.. mapaganda pa lalo ang bawat nipopost natin dito.. parang pinatamaan nga nya ako e.. kase lam nyo na ang mga post ko e waley na waaley hahahaha
so yun lang mga ka noise mate.. magandang araw uli sa inyo at kung isa ka rin sa nabigyan ni kuya noise ng task na ito.. binabati kita ^^
CRANE TOWER OPERATOR
naisip nyo rin ba mga noise mate kung gaano kahirap at kadelikado ang trabaho nang isang crane tower operator? siempre yun pag akyat lang dun ay napakadelikado na.. sa taas na yun oh dun oh.. (tingin sa nipicturan ko ehehe)
kanina nun habang nipipicturan ko ito e.. napaisip ako.. paano kaya ginagawa nun operator na yun kapag sya ay mawiwi.. pero yun ganun situation ay madali solusyunan sa tingin ko.. basta may bote lang sya dun e.. madali mag shoot.. hehehe 😁 kaso e paano kung hindi naman wiwi ang nararamdaman nya ano.. paano kung need nya maglabas ng sama ng loob dahil sa kinain mangga ano. hahaha.
kasi dito sa malapit sa akin e meron isa crane tower din.. at inusisa ko nga ang loob nito.. at maliit lang talaga ang loob na ang kasya lamang ay isang tao.. sa init wala sya problema dahil may AC naman.. ang problema lang talaga e wala CR...hmmm so paano nga kaya ginagawa nya ano.. e kung baba uli sya.. naku e sa taas ba naman nito na estimate ko e nasa 50 meters ang taas.. tapos e kumukulo kulo na tiyan nya.. haaaissst hirap din isipin paano nya talaga nasusurvive yun ganun situation.. kung ako nga lang andito sa ibaba e kapag nakaramdam ng ganun e hindi na mapakali hehehe siya pa kaya..
pero baka sanayan lang.. at siguro karamihan sa mga ganyan operator e hindi sila matatakaw.. kasi kung ikaw matakaw yun bang marami ka kinain sa umaga.. malamang sa malamang e wala pa lunch time e need mo na mag cr.. buti na lang ako hindi ako ganun hehe.. kahit may kasabihan na dibale nang matakaw.. wag lang mayabang.. haaaay waley waley na naman ito hahaha
o kau baka meron dyan nakaranas na ng ganito work.. paki comment naman kung paano ginagawa ng isang crane tower operator.. at saludo ako sa inyong work. ^^ at mabuhay kau
BUTO NG MANGGA
so yun nga noh hehe..
wala na makain kaya pinag-tyagaan yun malilit na bunga ng mangga dito sa katabi puno ng container office.
pasensya na kau mga ka noise mate sa picture na nasa ibaba.. parang ningatngat ng kung anong ewan e noh. hahaha
pero may kwento ako tungkol sa buto ng manga..
naniniwala ba kau sa pamahiin? kasi ako ou naniniwala ako..
ang ginagawa kasi namin sa buto ng mangga e pinapahid namin ito sa amin tiyan at pa-krus pa nga kung ito ay ipahid hehehe.. ito raw ay para hindi sumakit ang iyung tiyan after mo makakain ng mangga..
at baka tanungin nyo kung kanino ko nalaman ito.. e nun bata pa lang kase ako.. mahilig kami umakyat ng mga kalaro ko sa puno ng mangga at dun nga minsan kumakain nito.. at dun ko nalaman yun ginagawang ritual sa buto ng mangga. kadalasan kase mas ahead sa akin ang mga kasama ko o kalaro ko.. so yun na naniwala ako sa ritual na ginagawa nila ehehe.. sa isip ko nun e pag diko ginawa yun e baka hindi na nila ako bati at di na ako isali sa laro nila. hahaha.
wala naman kako masama kung gagawin ko yun..
so yun lang mga ka-noise mate noh.. hindi ko sinasabi na gawin nyo rin yun ah.. e baka kako lang na meron din ibang noise mate dito na kaparehas pala ng ginagawa sa buto ng mangga.
at hindi ko na rin nipicturan ang ginawa ko ritual sa buto ng mangga.. baka makita nyo pandesal eh. nyahahaha 😂 🤣

so yun nga noh hehehe kakabasa ko dito sa post na andito e karamihan e prito ang nakikita ko.. tapos e reklamo sila na mahirap daw mag prito ng isda dahil sa natalsik ang mantika.. 😖
alam nyo ba na may teknik ako natutunan sa inang ko.. para hindi gaano tumalsik ang mainit na mantika sa tuwing ikaw ay mag prito ng isda?
ang una mo gagawin ay mag prito ka muna ng bawang sa mantika na iyong pag priprituhan ng isda..simplehan mo lang.. mga 5 piraso nun kahit wag mo na alisan ng balat tapos e press mo lang sya ng kutsilyo nyo para madurog onte hehe.. tapos yun..i toasted mo na..mas ok. kasi magbibigay din ito ng lasa o aroma sa iprito na isda. legit yun pramis hehehe 😁 pero dapat e sa mahinang apoy lang kung ikaw ay mag prito na ng isda para swabe ang luto noh
tapos para naman malaman kung luto na yun bahagi ng isda ni priprito mo.. hindi yun bibilingin mo agad e hindi ka sure kung luto na ba yun nasa ilalim.. kaya kadalasan nangyayari e dumidikit sa kawali yun laman ng isda.. ang gagawin mo ay pakinggan lang ang kulo ng mantika sa isda. edi ba may tunog yun.. na nagtatalsikan na mantika.. kapag yun e malakas pa ang tunog.. ibig sabihin nun ay hindi pa luto ang bahagi niprito mo.. at kung yun naman ay mahina na tunog.. yun pwede mo na sya baligtarin at perfect wala didikit sa kawali mo at hindi malalasog lasog ang karne ng isda niprito mo kapag ito ay iyo na nibaligtad.. pero siempre check mo din kung meron pa apoy ah. baka kasi kaya hindi natunog yun mantika e dahil sa wala na apoy hehe.
so yun lang mga ka noise mate noh. sanay e may natutunan kau sa waley post kong ito ehehe.. magandang tanghali sa inyo 😂 🤣
BATTERY = ISMONG
so yun nga noh. hehe kwento ko lang nangyari kanina about dyan sa battery.. e kanina kase papasok na ako sa work ng bigla ko naalala na need ko pala bumili ng battery para dun sa aircon namin sa container office sa site..
sabi ko "do you have small battery?" pero di nya ako maintindihan..problema ko pa ay wala ako load sa phone para mag google man lang ng picture ng battery at ipakita dun sa bibilhan ko. aminin ko hindi kasi ako ganun karunong talaga mag salita ng salita nila hihihi.
edi ginawa ko e pumasok na lang ako.. at hahanapin ko na lang kako yun bibilhin ko.. e naikot ko na halos yun tindahan nya e diko makita ang pwesto ng battery.. at dahil parang lutang ako kanina.. hindi ko naisip na i type ko ang word na battery sa phone ko at ipabasa sa tindera.. huli ko na na naisip na ganun nga ang gawin ko. hehehe
tapos nun pinakita ko sa tindera ang word na BATTERY.. ang bigla nya nasabi ay "ahh tomong" yun ang pagkakadinig ko hehe.. so "tomong" pala ay battery sa kanila. at yun nga pinasunod nya ako dun sa counter at dun pala nakalagay ang mga battery. kaya kahit ano ikot ko dun e diko talaga yun makikita.
Pero kung i google mo talaga ang battery ang maririnig mo ay "ismong" hehe ewan ko ba.. baka iba lang dinig ko kanina 😅
aral na mapupulot? hehe ewan haha. ah siguro ano ahh hmmm dapat lagi may load ang phone.. hehehe
so yun lang noh mga ka noise mate.. at magandang tanghali sa inyo. 😁
Mga ka-noise mate.. Magandang hapon po sa lahat.
Konting survey lang po.. kung pede po ba ganito post. ^^
Kung ikaw ay isang botante at ngayon ang araw ang botohan, sino ang iboboto mo bilang Pangulo ng Pilipinas?
1. PING LACSON
2. ISKO MORENO
3. LENI ROBREDO
4. BONGBONG MARCOS
5. MANNY PACQUIAO
bagama't mag kakaiba po tayo ng paniniwala, sinusuportahan, pananaw at napupusuang suportahan at iboboto sa mga kumakandidato ngayon sa pagka-Pangulo.
Sana po panatilihin po natin ang ating relasyon bilang mag kaibigan, mag kakakilala, sana po panatilihin natin yung respeto natin sa isat isa. kahit mag kaiba po tayo ng mga sinusuportahan, pare pareho naman po ang mithiin natin... ang mas mapaganda pa ang bansa... at mas makamit pa nito ang tunay na pag babago para sa ika-uunlad pa at ika-tatatag pa para sa ating mga mamayan nito. Mabuhay po tayo... Mabuhay po tayong mga Pilipino.
God bless the Philippines.
Yun lamang po mga ka-noise mate.. magandang hapon po uli sa inyong lahat.. ^^
hehe so yun nga noh. wala ako maisip na ma ipost dito.
kaya baka gusto nyo paano magbilang sa language ng khmer. yun kase ang una ko pinag aralan kung paano ang mga bilang nila.. so hindi ko na ito patatagalin pa. eto na sya hehe
1 moy
2 pi
3 bay
4 bun
5 pram
6 pram-moy
7 pram-pi o pram-pal
8 pram-bay
9 pram-bun
10 dap
20 ma-pay
30 sam- sap
40 say-sap
50 ha-sap
60 hok-sap
70 tyet-sap
80 pay-sap
90 kay-sap
100 moy-roy
mga nasulat ko na sa taas e babasahin nyo sa tagalog..
mahirap din kasi bigkasin at lalo na kapag papakinggan mo sila magsalita.. parang kinakain ang mga letra hehehe so yun lang muna mga ka noise mate hehe. at magandang gabi sa lahat.
ang pagbigkas pala sa khmer sa kanila ay "kamay" baka sabihin nyo e nambubudol lang ako ah. kahit search nyo pa sa gugel yan hehehe. so yun lang muna.. sa susunod naman yun iba hehehe 😂
aking sasagutin ang isang tanung sa kanyang panaginip na isa natin ka noisemate na si @euaio
ito ang kanyang panaginip
https://noise.cash/post/l8xnkq55
at ito naman ang aking nakikita na ipinahihiwatig ng kanyan panaginip
@euaio
ok ok.. kung ako ang tatanungin mo ang aking masasabi dyan na ibig sabihin nyan panaginip mo ay... magkakapera ka dahil natapos mo ang isang trabaho.. sports bag ibig sabihin ay pinagpawisan mo mabuti yun trabaho na yun..
subalit ito na nga noh meron tumawag sau.. ito ay isang babae ako na nagsabi dito dahil hindi mo nikumpleto ang kwento mo hehehe. so yun na nga tinawag ka nun babae na yun para alam na this weee uwu hahaha. tas nga e nagmamadali ka di mo namalayan na nikuha mo yun pera na 20k sa sports bag.. at tumungo kana dun sa sinabi nang babae place na pagkikitaan nyo.. tapos nga e mabilisan lang ang ginawa e hehe ayun binigay mo sa kanya yun 20k.. para ka lang nabudol hahaha.. pero dahil ito ay panaginip lang.. ito ay warning sau na iwasan ang mala Ivana Alawi ang datingan noh.. kundi mawawalan ka ng pera na pinaghirapan mo.. ok ok? sanay nagustuhan mo ang paliwanag ko sa panaginip mo. 😂 🤣
DINUGUAN O TINUMIS
so yun na nga noh. kahapon kase e habang ako e nagtingin tingin dine sa mga post ng mga ka noise mate natin. e madalas ko makita itong ulam na ito.. e alam ko kase na hindi lang dinuguan ang tawag dito.. kasi sabi ng nanay ko e tinumis daw hehe. pero siempre bata pa ako nun kaya madali ako naniwala.. e tapos nga ni search ko ngayun ang pagkakaiba ng dinuguan at tinumis. aba e meron pala sila pagkakaiba at ngayun ko lang yun nalaman.. o baka sa inyo e hindi nyo rin yun alam anoh..o baka ako lang talaga wala alam dito. hahaha. ang pagkakaiba pala ng dinuguan at tinumis e yun ginamit na ingredients na pampa-asim.. so bale ganito
dinuguan = suka ang ginamit na pampa asim
tinumis = sampalok ang ginamit na pampa asim. dahon man yan bunga o yun nabibili sa tindahan na powder..
at dagdag ko pa na sabi, ang ibang tawag dito sa inglis ay "chocolate meat" e sabi para daw mapakain mo yun bata nitong ulam na ito.. hindi bat parang mali ano.. baka pag pinakain mo anak mo nito at sinabi mo na "its chocolate meat anak masarap yan". e baka masabihan kapa ng anak mo ng. "luh luh si mama nang i-scam" hehe 😅
so yun lang ano mga ka-noise mate e sana e may bago na naman kau natutunan sa waley post ko na ito. hehehe magandang umaga na patanghali na sa lahat.. uwu hahaha 😁
so yun na nga noh magandang tanghali sa lahat mga ka noise mate.. matagal din na wala ako na ipost ah ehehe
at dahil balik work na uli.. kailangan meron pala ganito noh.. susundutin yun butas ng nose mo. nang isang medyo mahaba sya na may cotton buds sa dulo at paikot ikutin sya sa loob hhmmmm ayyy first time ko naganire ah.. medyo masakit sya na makati ah dahil siguro first time ko ito sa ilong ko na meron susundot na medyo malalim hindi tulad ng ginagawa natin.. (alam nyo yun) hehe.. ang kahawig na pakiramdam nito e yun naligo ka sa dagat tapos napasukan ng tubig alat yun ilong mo kung nafeel mo na yun e parang ganun yun mararamdaman mo ehehe at buti na lang e isang linya lang ang resulta.. na ang ibig sabihin ay negative.
so yun lang mga ka noise mate noh. magandang tanghali uli sa inyo ^^ at ingat sa lahat naway lahat na tayo ay mag negative na dito sa covid na ito..
at dahil namiss ang fishball..naghanap ng tulad nun.. pero iba pa rin ang sarap ng sauce ng fishbolan sa atin.. sarap nun e..kaibahan nga lng dto e may mga ganyan gulay na binalutan ng giniling na karne ng isda.. tulad ng young corn..sitaw.. at ampalaya..panalo na rin.. tara kain tayo hehe
Lechon Paksiw o Paksiw na Lechon
Magandang tanghali uli sa inyo mga ka-noise mate. ngayun araw na ito ay hindi ko kau tuturuan kung paano magluto ng Paksiw na Lechon.. e bale kwento ko lang na ang aking ulam ngayun ay yarnn lechon paksiw. sarap yarrn ehehehe
Kagabi kase e nag order ako ng lechon.. pero nun dumating na dito ay hindi na malutong ang balat.. at hindi na rin masarap para sa akin.. kaya naisipan na itabi na lang ito at kinabukasan ay ganito nga ang gawin luto.
So yun na nga noh. bale bumili lang ako ng liver spread para pandagdag sa sauce nya.. tapos yun niluto na nila ehehe
Pero sabihin ko na rin kung ano ano nga ba ang ingredients nito.
siempre kailangan mo ng left over na lechon mapa babes man yan o chicks anoh ehehe tapos need mo ng suka o vinegar, bawang, onions, paminta at yun binili ko nga na liver spread at siempre tubig.. paraan ng pagluto e hindi ko alam hahaha kasi nga di ako yun nagluto. so wala ako makwento nyan noh.
so yun lang mga ka noise mate at magandang tanghali uli sa inyo.. at kainan naaa! ^^
yun pala kanin sa picture. kaya hindi ko na binuo ang picture nya kase mahihiyang tumalon ang pusa dun sa dami.. matitisod sya kapag sinubukan nya yun talunin yun 😂

so yun na nga noh! hehehe magandang tanghali mga ka noise-mate.
wala ako pasok ngayun dahil holiday dito sa Cambodia.
ito ay yun tinatawag nila na Pchum Ben
ang pchum ben sa kanila ay yun inaalala nila ang mga namatay na kamag anak. nagpupunta sila sa mga temple para dun ipagdasal ang mga namayapa na nila kamag anak.. parang sa atin, araw ng mga patay mga ganun.. karamihan kasi sa kanila ay mga Buddhists at meron din naman Christian at meron din mga Muslim.. e alam nyo naman na siguro yan noh ehehe
dahil nga matagal tagal din na holiday ito sa sa monday na uli ang balik ng work. kaya tambay muna ako dito.. at dito na rin mag pusit pusit hehehe sa mga hindi nakakaalam kung ano ang pusit ay faucet talaga yun.. mga free faucet claiming site mga ganern hehe
so yun lang mga ka noise-mate.. magandang tanghali uli at kain na kau hehe ako e maya maya pa..
magandang tanghali sa lahat mga ka-noise mate.
so yun nga noh ehehe. may sasabihin uli ako sa inyo na bagong tuklas noh. ewan ko lang kung ako lang ang dipa nakakaalam sa halaman na ito.
ito ay tinatawag na pansit pansitan.. bata pa lang kasi ako e naglaro kami ng tinda tindahan hehe so ako ang role ko nun e taga supply ng paninda nun isa ko kalaro. alam nyo yun ehehe. tapos nga e itong halaman na sinasabi ko e yun nga parang damo. damong ligaw mga ganun as in yun lang.. kaya madali ito makita sa mga paligid lalo na at dun sa mamasamasa na lugar hahaha 😁
pero nun isang gabi nun namalengke ako dito.. e nakita ko na nititinda nila itong damong ligaw na ito. at naalala ko nun mga ginagawa ko nun bata ako. ay ito palang pansit pansitan e diko alam kung kinakain ba kaya ito tinitinda dito. at siempre ako ay nag research na naman noh. at natuklasan ko na ang halaman pansit pasitan na ito ay nakakagamot din noh at kinakain nga luto man o hilaw noh 😮
para sa UTI
para sa Rayuma
para sa cholesterol
at kinakain nga luto man o hilaw noh
so napaka amazing noh. at nakakataba ng puso kapag may bago ka na naman natuklasan o natutunan ehehe 😅
so yun lang mga ka noise mate. magandang tanghali uli at kain na kau ^^
mga ka-noisemate.. magandang tanghali sa lahat..
alam nyo ba na ahead ng isang oras ang pinas sa cambodia? so malamang iba sa inyo e nakakain na ng pananghalian hehe so ako e hinde pa. so baka gutom lang ito.. kaya nakakuha na naman ako ng isang epic ng litrato kung saan makikita ang isang insekto! na naman! hehehe.
so yun na nga noh. napakahusay ko yata kukuha ng mga ganito dahil sa bored na bored ba ako, pero hinde naman kasi kahapon e sobrang busy ako sa site. parang sulit na sulit nga e dami utos sa akin ni taguro hahaha.
so yun nga noh nasa picture sa ibaba yun sinasabi ko na meron ako nakuhang litrato ng insekto, ang name ng insekto ay.. siempre dapat ano dapat e may pahula na naman ako ehehe
_ _ _ A _ _ O _ G
oh ayan na ang clue ^^
so yun lang noh.. sige kain na kau.. ako e maya maya pa..
pasensya na uli sa waley post hahaha XD
mga ka-noise mate..alam nyo ba?
alam nyo ba na ang halamang makahiya ay kinakain?
kase nakain na ako nun ehehe.. dito kasi sa bansang cambodia ko yun naranasan.
at ang lasa e mapait hehe. yun pagkakaluto kasi nun e meron nga ganun makahiya tapos e hinaluan ng karne ng baka. tapos e may sabaw.. sa pakawari ko e para ako humihigop ng papaitan? papaitan alam nyo ba yun?
wag na muna natin yan pag usapan kasi hindi yan ang topic ko. ehehe
so yun nga noh pero siempre hindi sya kasing sarap ng papaitan noh. ang pagkakaluto pa nga sa karne ng baka nun e apakatigas.. kaya hindi ko rin na enjoy yun.. kahit yun sabaw nya ahaha
so yun lang noh. baka kasi iba sa inyo e hindi alam ang tungkol na kinakain pala ang makahiya.. e tapos nga e nag search din siempre ako ngayun at natuklasan ko na gamot din pala ang makahiya. oh diba waley noh ahahah.
oh sya yun lang mga ka-noise mate noh at meryenda na kau 😅😂
"KUNG MAHIRAP KUMITA NANG PERA.. MAS MAHIRAP KUNG WALA KANG PERA"
tama naman talaga diba?
saka sabe nga dun sa kanta ng Siakol na "Masakit tanggapin
Ang katotohanan Kung wala kang pera, Wala ka ring kaibigan"
naniniwala ba kau dito? ako kase ou eh, kase ang gara naman nun.. isipin mo ikaw wala ka pera? so ano ginagawa mo lang nun? umabot ka sa edad mo na yan? wala ka man lang ginawa para magkapera? e hindi talaga kita kakaibiganin o kakausapin man lang.. kasi isang kang ano eh.. batugan yun bang umaasa sa bigay ng iba mga ganun o kaya e umaasa pa rin sa magulang. kaya naniniwala ako na lahat ng noiser dito ay hindi ganun. kaya nga tayo andito diba. hehe lam na yun diba..
so ano nga ba pinaglalaban ko dito? ehehe wala naman talaga. e wala ako maisip na magandang ma ipost dito.. tapos e sakto nag-play yun kantang kanto ng Siakol.. ayun naka isip ako ng ma ipost dito. kaya eto na sya ehehe.
maya ilagay ko yun link ng kantang kanto sa ibaba..
so yun lang noh.. tanghalian na pala.. enkanakau.. ako kasi maya maya pa.
https://www.youtube.com/watch?v=KtSTMWtFXQg
ANO ANG RAPPER NAME MO?
FIRST NAME: BIRTH MONTH
JANUARY : MONSTA
FEBRUARY : BOSS
MARCH : RICH
APRIL : LIL
MAY : DR.
JUNE : NASTY
JULY : BABY
AUGUST : MC
SEPTEMBER : YOUNG
OCTOBER : BAD
NOVEMBER : BIG
DECEMBER : DJ
SECOND NAME: HULING KINAIN MO
ANG RAPPER NAME KO AY: NASTY NILAGANG ITLOG 🤩
walang wala na naman eh hahaha pasensya hehehe 😅 😂
alam nyo ba?
ang mabisang pang-hati ng papel ay ang ating mga laway. 🤤😆
siguro nagamit nyo na rin ang teknik na ito nun kayo ay nag aaral pa..
minsan nga kapag ikaw ay naubusan ng 1/4 sheet of paper. tapos e manghihingi sa katabi mong klasmeyt, pag ka abot mo ng papel ay naramdaman mo na mamasa masa yun gilid ng papel.. diba ano eeewww hahaha arte. 🙄
minsan sasabihan mo yun klasmeyt mo na. ako na maghahati ng papel para sau. siempre diskarte yun para di ka ma eewwww diba ahahaha 😂
so yun lang noh ehehe sana e may napulot kau aral kung nalilimutan nyo ang teknik na yun.. 😁
so yun nga noh. magandang araw mga ka-noise
bale sa araw na ito. gusto kong ipakita sa inyo kung ano yung post ko kahapon. legit na legit noh, na meron talaga ako nakuhanan ng insekto dun.
so bale kahapon konti lang yun parang nagka interes sa post ko noh. siempre ako din naman e kung ganun post lang e bakit ko papatulan noh hehehe.
so yun na nga papakita ko sa inyo noh, diko alam kung 2nd picture o sa 1st picture e makikita nyo na. basta andyan yun picture na nibilugan ko ng pula. yun yon insekto na sinasabi ko. totobi tutubi basta bahala na kayo pano nyo bigkasin yan noh. tapos e sinama ko na din yun sinasabi ko malapitan kuha ko dun sa insekto na yun noh.. buti na lang nun araw na yun bale kahapon yun. nakisama si tutubi di sya lumipad nun nikukuhanan ko sya ng litrato. hehe
so yun lang mga ka-noise. legit na legit diba.
bale sharawat ko lang yun mga friends ko andito. yun mga nag-participate dito sa waleykopost noh.
sharawat sau sumagot ng pari-pari, maganda nga, mais naman ehehe
sau din sa sumagot ng pakini sharawat
tas siempre sa magaling manghula. sharawat sau, maganda ka din
at siempre sa mga nag hart hart dyan. diko na kau iisa isahin hehehe sharawat sa iyo, salamat ng marami
so yun lang.. happy earnings and good vibes lang mga ka-noise hehehe

so yun na nga noh.
naisipan ko uli manguha ng litrato ng insekto.. sa pagkakataon ngayon e medyo malaki-laki ang nakuhaan kong insekto.
eh ewan ko lang kung makikita nyo ito. hehehe pero andyan yun insekto na sinasabi ko.
clue: nag tatapos sa letter "i"
alam ko ang post na ito ay hindi kapupulutan ng aral hehe. e gusto ko lang ubusin ang konting sandali ng oras nyo upang makita ito. at aaminin ko.. itoy isa na naman sa wala wenta post ko ahahaha
so yun lang noh. happy earnings and good vibes lang!
ang gwapo naman nito.. magkano kaya ito? hhhmm pogi mo hehehe
wala magawa sa site.. kaya sinubukan kumuha ng litrato ng isang insekto hehehe. at ako'y namangha sa pagkakakuha ko.. parang professional datingan e. 😅 😂
susubok muli ako ehehe
May mga bagay na kahit gusto mo.. kailangan mong bitawan..
May mga tao na kahit na napapasaya ka ay kailangan nang iwasan..
May mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan..
At may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ang tama..ikaw din ang nahihirapan..
Medyo magulo..
Minsan sundin na lang siguro kung saan ka sasaya.. dun ka magiging happy..
#DramaSaTanghali
wala ako maisip .. tas wala pa wenta ahaha.. bawal kana lumabas.. Mang Jose Mari Chan..
pero ilang tulog na nga lang at BER month na.. bilis ng panahon..
sana next year wala na talaga BERus.. maging ok na ang lahat..
REUNION ELEMENTARY
Maraming salamat mga aking mga kaibigan
Sa sandaling oras at panahon tayong lahat ay nagkamustahan
Sa reunion nating hanggang Langit ang kaligayahan
Nawa'y higit pang pagkalooban
Ng maraming oras at kapanahunan
Upang muling mabalikan ang kwento ng ating kamusmusan
Napakasarap sariwain ala ala ng ating mga kabataan
At kahit sa sandali Hindi hadlang ang pandemikong kalagayan
Hanggang sa muling pagkikita ng mga kamag-aral at kaibigan
Pamilya at kalusugan inyong pagkaingatan
Magdasal lagi upang tayo'y pare parehong gabayan..
At sana.. sa susunod na pagkikita talaga ay makasama na ako.. HEHEHE 😅