MAGBILANG KASI NG SUKLI so yun na nga noh.. medyo medyo hindi ok kanina nangyari. e ganito kasi... bumili uli ako suman 5 piraso. ang presyo ng suman ay 1,000 riels isa nagbigay ako ng 10usd. sa pera nila ay nasa 40,000 yun.. e tapos nga e sinuklian ako ng 2 = 10,000 riels, 1= 5,000 at 1= 1,000 total is 26,000 riels pagkaabot ko kanina ng sukli ay hindi ko na binilang mabuti at nilagay ko na sa bulsa ko.. kasi nga tiwala ako sa kanya dahil sa madalas naman ako nabili ng suman nila.. kaya ko lang nalaman na may mali sa sukli ay nun andito na ako sa site office at kinuha ko na sa bulsa ko yun riels na pera at ilalagay ko na sa wallet ko. tapos yun nga pagbilang ko ay bakit kako ganun.. kaya ginawa ko e binalikan ko yun nagtitinda at sinabi ko na mali yun sukli. tapos yun usap nga na tagalugin ko na hehe 3 daw yun bigay nya na 10,000 riels at isa 5,000 riels kapag ganun sukli ay tama.. pero mali e. wala naman ako ibang pera dito kundi dollars sabi ko sa kanya. tapos yun hanggang sa nagbilang sya ng mga benta nya at binigay na rin sa akin ang tamang sukli.. ayoko lang kasi ng ganun na parang nandadaya.. madalas kasi mangyari dito yan kapag ako e namimili sa palengke.. kahit ba maliit na pera lang yun e maging tapat lang sana at huwag manglalamang ng kapwa.. pare parehas lang naman tayo na naghahanapbuhay e.. kaya ayun lang. pero ok na hehehe. kaya next time e wag masyado magtiwala at bilangin nga mabuti ang mga sukli na binibigay.. yun ang mali ko kanina hehehe so yun lang noh. makulimlim na Lunes mula dito sa Cambodia sa inyo lahat mga ka-ingay..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet