Cocomelon: “Tinapos ko na ang lahat saýo.. Tinimbang ko ang lahat kung ano meron ka.. subalit kulang..” Licious: “Hanggang kailan ba tayo ganito...?” Sumigaw si Direk Direk: “CUT!! Jusmeyo! Cocomelon ang tagal mo na artista bakit hindi mo maibigay ng buo ang emosyon mo sa tuwing sasabihin mo mga linya mo.. ohmayghad at ikaw naman Licious ok talaga acting mo pero sa punto ito wag mo masyado sasapawan si Coco kahit na sabihin na ikaw ang bida dito.. kasi sa eksena na ito si Cocomelon dapat ang makitaan ng matinding pag arte. kuha mo?” Hehehe Good vibes lang mga ka-noise mate. Kagabi kasi e tinapos ko na mag repack ng mga nagawa ko tocino nun Sunday, so bale naka 3 nights na rest si Tocino ko bago ko siya irepack noh. kaya ayun meron timbangan naganap kagabi. at kung hanggang kailan ko nga ba ito gagawin e hanggat meron nagkakagusto sa atin produkto e gagawa at gagawa ako nito.. di naman ganun kahirap eh. basta masaya ka sa ginagawa mo, saka dagdag kita nga ito noh.. 200grams nga pala per pack nun mga yan. at ang presyo ay presyong abroad hahaha. diko na sasabihin at alam ko may masasabi iba dyan na ang mahal naman ng tocino mo. well kung presyo Pinas e mahal nga. bakit sa Pinas ko ba ito ibebenta e hindi naman.. at kung mamahalan man ang taga rito bebentahan ko. edi sabihin ko mag order ka dun sa Pinas i pa shipment mo ng bongga hahaha So yun lang noh. pasensya na kayo sa intro alam ko mais masyado hehehe. Magandang araw ng Huwebes at sanay nasa maayos tayo na kalagayan lahat..
8 comments
Kahit dipa luto natakam na agad ako...pabili po hehe
hehe layo mo e
mukhang masarap ah magkano ba benta mo jan mate ?
2 usd mate sikreto lang yan ah. tapos meron ako kakilala na sya daw magbebenta nito sa kakilala nya kaya tapos gagawin nya presyo ay 3. kaya ayun..
san ba sainyo mate ?
dito po sa Cambodia. hehehe
nakuh favorite din namin ang tocino akala ko may shooting ahaha Have a blessed thursday noisemate
ahahaha pampahaba lang mate.. lam mo na hihihi.