read.cash Log in
@Tadiak

CARDO DALISAY so yun na nga noh. maaga ako umalis ng bahay kanina para pumasok dito sa work.. siguro wala pa 7am ay nasa biyahe na ako. at napansin ko kada stop light eh. mga kasabayan ko mga naka-motor din ay lahat may suot na jacket. mapa maong o leather jacket noh. at mga nakasapatos wari ba e ginaw na ginaw sila anoh.. samantala ako e naka crocs na peke at wala ako suot na jacket man lang. pero naka-pants naman ako at polo-shirt noh. so lumalabas na ako lang ang SAKALAM.. ako lang ang PETMALU sa lamig noh hehehe eh bakit nga ba hindi ka nagsusuot ng jacket man lang Tadiak? hindi kaba giniginaw man lang? eh lam nyo kase.. giniginaw din naman ako.. at meron din naman ako maisusuot na jacket panlaban sa lamig. e kaya ko di na sinusout yun e. para kasi ako action stars sa pormahan e. kung alam ninyo yun Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.. e parang ganun na ganun ang datingan ko noh.. isa ako dun sa binubugbog ni Cardo Dalisay hehehe joke lang.. ang totoo nyan e naiwan ko kahapon ang jacket ko dito sa site office.. kaya tiniis ko ang lamig kanina habang nasa biyahe ako. ehehehe Ang pinupunto ko lang naman dine sa post ko.. e ugaliin natin double check mga gamit natin bago tayo umuwi.. nang sa gayon e wala tayo nakakalimutan na importante gamit natin na kakailanganin natin kinabukasan.. e ako kasi nalimutan ko mga ito hahaha kaya eto at pinapaalala ko ngayun sa inyo at sa akin na rin. Carding Makakalimutin So yun lang anoh. Magandang Malamig na Araw ng Martes mga Ka-noise mate at Ka Mema sa inyong lahat.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.