Ang mga sumusunod na pangyayari ay hindi dapat gayahin.. pawang mga eksperto lamang ang siyang gumagawa nito. So yun na nga noh. Ako e nagawi dito sa bandang likuran ng site office namin. at napansin ko na madami na tumubo mga ibat ibang halaman. at naispatan ko ang na may bunga ito. kaya naisipan ko picturan gamit ang cellphone ko. Eto ah. baka iba sa inyo e hindi pa alam gumamit ng GOOGLE LENS noh. eto ay napakahusay para sa akin kasi kaya nya hanapin kung ano uri ba ng halaman ang napicturan nyo. astig diba. o baka ako lang uli ang hindi nakakaalam pa nito hehe. anyway balik tayo dito. so yun na nga. ni search na ni google lens kung ano nga ba ang bunga at halaman na ito. makikita nyo ito sa mga ni upload ko na pictures sa ibaba. at ang sabe e. "edible" edi pede pala kainin ito noh. at yun bunga naman nun ni search ko ang sabe e "best 10 health benefits of eating iv" yan lang sabi kase hindi ko na binuksan yun link. So ginawa ko e pumitas ako ng isa bunga at aking kinain kasi nga diba sabe e pede naman daw kainin at may benefits ito. at hawig siya kasi ng cucumber (paborito ko pa naman yun) pero ito ay sa tingin ko lang ah..di na ako natingin sa ni search ni google lens at yun na nga kinain ko yun bunga kanina... hhhmm Nga pala habang ginagawa ko nga pala itong post na ito ay kasalukuyan ako ay nasa hospital ngayon.. joke lang hehehe. Pero tulad nga nang sabi ko sa simula e hindi dapat gayahin. at hindi naman talaga dapat basta basta kakain ng kung ano yun nakita mo lang basta basta at ngayon mo lang talaga nakita noh. di porke nasabi ko minsan na dati dito na HINDI NA BALE MATAKAW WAG LANG MAYABANG. e ganun na ako katakaw noh. maling mali yun madudes hahaha. So yun lang noh. Magandang Araw ng Huwebes sa inyong lahat at huwag masyado matakaw.. XD
14 comments
Hindi ko pa na try ang Google lens, teka nasa bahay ka pa ba ngayon o nasa hospital na? hahaha joke lang
ahehe nasa work na mate.. try mo gamitin mas ok gamitin sa mga halaman yun mga halaman dimo alam kung ano ba name nun or check mo kung meron yan phone mo na ganun. nasa camera yun. hhmm paano ba i explain.. pag gamit nun e pede picturan mo muna yun bagay na yun tapos punta ka sa photo tapos sa bandang taas nun e meron ka makita na. ganito bilog na meron tuldok
Sige try ko,, hindi pala yan ini install?
hindi. bale build na sya andun. feature nun camera. ewan lang din baka meron na rin free apps nun. bili ka na lang bago phone hehe
mahirap kasi basta nalang tumikim lalo na bago sa paningin natin siguro na search mona rin sa google yung 20, unique fruits yung isa don parang ano sya b_ _ ___t ng girl matay ko man isipin pano nangyari yon kakaiba talaga
hhmm hindi ko pa na google search yan 20 na sinasabi mo na yan.. e ano ba yan? balikat ng girl, buntot ng girl.. ay ewan sumakit ulo ko kakaisip dyan sa puzzle mo na yan ay..
tignan mo nalang ahaha kung may time ka
ahaha baka meron ka link dyan. send mo na lang dito..
ISearch mo nalang noise makikita mo yon sa youtube
yah nakita ko na at ang name nya talaga ay milk melon from Taiwan XD
20unique fruits you'never Heard Of
ou yata. ahaha pero nakita ko na nga. at yun nga milk melon ang tawag..
ingat po tropa wag na oolitin delikado kc
yah salamat tropa.. dont worry diko naman talaga kinain yun at wala din ako balak kainin. hehe siempre pinahaba ko lang yun para alam mo na. hehe magandang araw ng Huwebes sau