read.cash Log in
@Tadiak

"PASKO ANG DAAN.. NATULI ANG ARAW" So yun na nga noh hehehe. 43 days na lang at Pasko na naman..ang bilis talaga lumipas ang araw.. o kay tulin ng araw sabi nga sa kanta na "Pasko Na Naman." siguro kung wala lang pandemic na nangyayari sa bansa natin.. ang mga ibang bata sa atin ay nagprapractice na kumanta para sa caroling nila. tulad ng dalawang bata na ito sa napanood ko sa video. pursigido sila mag-practice sa kanta nila, lalo na yun batang babae. at yun batang lalaki naman ang nag gigitara.. parang naiba nga lang yun lyrics ng kanta nila o baka sariling version nila ito. 🤣 hehehe... buti na lang at meron nagtuturo. siguro tatay nila yun. at sa tingin ko e nangaroling din sya nun bata din sya. parang ako hehe. upgraded nga lang itong mga bata na ito dahil sa may gitara sila instrumento. ako kasi nun nangaroling kami ang dala ko lang nun instrumento kundi dalawang kahoy o di kaya dalawang bato. pag uupugin lang para makagawa ng tunog. kumbaga cymbals ang datingan hehe. double purposes din kasi yun instrumento na hawak ko.. pag nahabol kami ng aso gawa ng ingay namin sa kanta.. e meron ako pambato sa mga aso.. at madali naman mapalitan yun instrumento na yun noh hehe at iba naman e lata ng nido (NIDO BAKA NAMAN hehe) bilang drums at yun pinitpit na tansan para maging tansan tambourine hehe so hindi ko na patatagalin pa noh. eto yun video na sinasabi ko, dalawang batang nagprapractice yata mangaroling.. "PASKO ANG DAAN.. NATULI ANG ARAW" https://bit.ly/3najh3L

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.