ENKANA so yun na nga.. inaya ako ni taguro maglunch kasi tinulungan ko siya mag sukat ng mga walls. tapos heto ang mga napili ko kainin hehe 2 inihaw na pinirito pa yata na hito o catfish o mudfish basta yan stir fried na gulay na hindi ko alam kung ano ano andito saka yun parang papaitan ang lasa na ang karne nya ay baka at kung gusto nyo malaman kung ano lasa ng mga ito e.. need niyo muna ilista ang pangalan ninyo, baka kasi malimutan nyo pangalan nyo e pag natikman nyo na. hehehe joke lang pero infairness e masarap din naman pagkakaluto ng khmer food na ito. so yun lang noh. enkanakayo!
7 comments
Ang sarap ng lunch nyo po mapapadami ka talaga ng kain.
ou nga e. pero minsan lang manlibre si taguro hehe
happy eating mate .. kulang pa yang rice mo . dagdagan mo pa . hehe
ou kinulang nga yun rice kanina. pero nanghingi kami uli hihihi
sabi ko na . haha sarap kasi ng ulam . kunti lang yung rice .
Wow parang ang festive naman niyan mate, ang daming foods. Enjoy your meal...
ou medyo kulang pa nga yata na order ko kase madami din utos kanina si boss taguro. pero ok na rin at busog much hehe. salamat sa ft mo