ANG BATA BATA PA NILA.. Ang mga sumusunod na mga larawan ay rated SPG.. patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. So yun na nga noh.. first time ko makakita ng ganito..Ang bata bata pa nila.. Kalunos lunos ang mga nasaksihan ko kagabi dito malapit sa palengke kung saan napadaan ako at inusisa ko kung ano nga ba ang kanilang pinagkaka-guluhan.. Wala ng ulo.. wala na rin ang mga kamay at paa.. at ilang parte ng katawan ay hiwa hiwa na.. Dito sa kahabaan ng malapit nga sa palengke dito ko mismo nakita.. Ang dalawang batang buwaya.. na animo'y binebenta ang kanilang laman..wala na sila buhay.. marahil iba sa inyo ay sanay na sanay na makakita ng ganito.. dahil minsan ko na rin napanood ito sa KMJS, ang paglilitson ng buwaya..pero siempre iba ang feeling kapag nasa harap mo na ito.. hindi katulad ng nakikita lang natin sa ating mga phone o sa ating mga telebisyon.. kaya..kayo na ang humusga.. Dapat bang ibenta? mgkano per kilo sa inyo? ano ang masarap na luto dito? nakakain naba kayo ng luto ng buwaya? ano lasa? masarap ba? hanggang dito na lang po.. Mula dito sa bansang Cambodia Ako po si Tadiak.. nag-iingay.. at ito ang... I-Ingay
2 comments
ngayon ko lang nalaman na pwede po pala kainin yan buwaya, pero kahit minsan hinding hindi ako kakain nyan. 🤮
hahaha eeewww ba masyadow? XD