so yun na nga noh.. hehe kahapon diko na pala nagawa kumanta ng careless whisper.. kasi anlakas ng ulan nun pauwi na ako.. pero naulan na nun bago ko naisipan kantahin sana yun.. baka kasi iba sa inyo e sabihin kaya naulan e dahil nga sa nakanta ako ng ganun.. maling mali yun hehe. so yun na nga. e kahapon pauwi na ako e naisipan ko isuot ang sapatos ko, kase nga putik sa daan. eh kadalasan kase nag tsinelas lang ako pag uuwi, e yun motor ko eh andun pa sa malayo dun sa may guardhouse.. need ko pa lakarin..eh pagkatapos nga nun nasa kalagitnaan ng ako ng biyahe. e biglang lakas uli as in doble ang lakas nya..buti naman at nakauwi pa rin ng ligtas.. kasi habang daan e nagdadasal talaga ako na i guide kako ako ni God pauwi. e di nyo natatanung dito kasi sa Cambodia, maulan lang ng malakas e kala mo meron na bagyo ah.. tas nga e mga ilang lugar na baha na agad hehe..e wala naman sila ganun ganun na babalita na meron bagyo na signal na ganito ganire.. wala si ganun.. kaya meron picture ng sapatos ko na bibilad ko dito sa site. para matuyo agad sana..kasi kung sa bahay ito. e baka hindi matuyo. so yun lang mga noise mate. wag tayo makalimot magdasal bago matulog at pag ka gising sa umaga.. ugaliin natin magpasalamat sa KANYA.. sa mga blessing na binibigay nya at sa bawat pag guide nya sa atin kung saan man tayo mag punta.. parang ibang iba datingan ko ngayun ah ehehe.. so yun lang noh.. Magandang Araw ng Miyerkules sa ating lahat
4 comments
Panay po siguro kanta mo kaya lakas ulan sir hehe
hahaha ikaw naman.. masyado nare. nagkataon lang yun noh ^^
magandang araw saiyo . ingat po sa buong araw . GOD BLESS
magandang araw din sau. sensya na nabusy hehe