MERYENDA TAYO OH!
Nakakain naba kayo niyan? kung hindi pa edi pumunta lang kayo sa malapit na Panaderya sa inyo jan at sabihin ang "teh o kuya.. may pandecoco po ba kau? pabili po isa ng matikman man lang" dahil sure ako madalang ang panaderya na wala nagtitinda nito.
at alam nyo ba Ang pan de coco ay nagmula sa Honduras at ipinakilala sa Pilipinas ng mga Espanyol noong panahon ng kolonyal. noong panahon sinakop ang bansang Pilipinas ng mga Kastila? hindi nyo alam yun noh? kasi di kase kayo nagreresearch e. at alam nyo din ba na ito ang dinner ko kagabi? limang piraso yan e. dalawa yun nakain ko kagabi. at ito nga at binaon ko sa work yun natira para sa meryenda. oh diba tipid tipid din kase paminsan minsan di yun panay steyk steyk pang nalalaman e noh.
KC SANCHEZ BAKERY BEKENEMEN..
bakit kaya ganon.. sa tuwing ako e masisiar dito. lagi na lang ako may naabutan naglilinis. mahiyain pa man din ako. alam mo yun.. hindi mo maitodo yun pagbirit ng wetpu mo at mailabas mo ng bonggang bongga yun nagpapasama ng tiyan mo. kaya kanina e dahan dahan pa ako sa pag-tono. pero hindi pa rin naiwasan na meron lumabas na tunog.. at kahit ako e hindi ko nagustuhan yun amoy na inilabas ko. ok sana kung marami kami sa bawat cubicle e. para kahit paano e di basta basta malalaman kung sino ba yun nagpatunog na yun at gumawa ng kakaibang amoy.
paglabas ko nagkatinginan kami nun babaeng naglilinis at napa smile na lang siya. at nag smile na rin ako.
pasensya tanghalian na yata jan sa makakabasa nito..
*masi-cr
so yun na nga noh. dahil naibigay na ni bossing sahod ko. e naisipan ko i-treat ko man lang ang aking sarili noh. kaya eto kumain ako sa isang bihira ko naman kainin. kaya ayun nag order agad ako ng T-bone. at 7up at sinamahan ko na rin ng cream of mushroom.. e yun ang nakalagay sa menu e.
tapos nga.. kaya pala nitawag na T-bone yun e dahil sa pag naubos mo na yun karne e lalabas yun hugis letter T hehehe oh diba ang galeng. Ameeeeyyyy sing! ahahaha
pasensya.. kung di gaano nalinis yun nasa plato ah. kahiya din kase kung dadampian ko ito ng daliri ko para makuha yun naiwan sauce.. dami din kase nakain that time. hihihi 😁
napakalinis tignan kung wala gaano nahambalang sa mesa diba. chill lang kumbaga 😅
wala lang.. ma update lang ba dito hihihi 😁
SKL
nakakain naba kayo nito? parang tikoy siya e na binalot ng sesame seeds.. actually masarap siya kainin at parneran mo ng kape.. para sa akin ah.. kaso nga lang e kapag sa gabi mo ito kinain.. kinabukasan e mapapa aww ka sa banyo kapag naglalabas kana ng ano hehe sa pakakuware ko e dahil ito sa sesame seeds na siyang nagpatigas ng parang semento ba.. e mararamdaman mo yun sa gedli ng wetpu eh. basta yun kasi naramdaman ko nun isang araw dahil sa naparami kasi ako ng kain nito hehe
pasintabi na lang po sa nakain ngayon ah
SKL 😅
DAY 9
So yun na nga.. sa wakas gumaling na.. clear na yun virus.. negative na.. medyo late na ako nag update dito.. kahapon pa ako okie at nag start na uli ako mag work.. at napansin ko na parang ang pogi ko kapag naka facemask ah 😅 hihihi. lagi na ako magfacemask para alam na this.. siempre para iwas covid noh hehehe
at sa mga nakakabasa nito na nakakaranas din ng virus na yun at sa mga hindi pa.. ugaliin mag inum lang ng marami tubig busugin ang sarili sa tubig at inum din ng vitamin C para mas lumakas ang resitensya laban sa virus. at suot din kau facemask kung tulad nyo rin ako na parang PPSS o GGSS pag naka-facemask ahahaha 😅😂
Yun lang and.. ingat lagi mga ka-noise mate. 😀
DAY 4
Pang apat na araw na.. at sa tingin ko e parang bumubuti naman na.. pero ito nga at nagtest uli ako at akala ko e ligtas na o wala na.. dahil sa isang guhit lang ang una ko nakita.. pero mga after few minutes ay bigla nag iba ang resulta.. may gumuhit uli na medyo malabo.. kaya patuloy ko pa rin iinumin ang mga gamot na sinabi sa akin ng kakilala ko na nakarecover dito..
LH24 = 4 capsule x 3 a day
vitamin c = 3 tablet a day
konti araw pa at magiging ayos din ang lahat..
DAY 3
So yun na nga pangatlong araw na mula nun nag positibo.. at hindi ko pala nabanggit nung una na meron naman ako panlasa at pang amoy.. sa ngayon ang nararanasan ko ay paninikip ng dibdib na parang meron nagtutulak mula sa harap ng dibdib mo at meron naman nagtutulak mula sa likuran mo.. ganun yun feeling. at ang hindi pa mawawala wala e itong sipon.. na isa dahilan kung bakit hirap huminga.. yun bang matutulog ka na nakatagilid tapos maya maya e magbabara na sa kabila butas ng ilong mo kaya ang need mo gawin e kumabila naman ng tagilid at maya maya makakaramdam ka ng ginhawa kasi nawala ang barado ilong pero maya maya din e magbabara uli yun kabila naman.. nagegets nyo ba yun ibig ko sabihin hehehe..
kanina nagising ako ako mga 8am na medyo ramdam yun paninikip ng dibdib.. naisipan ko mag suob.. kaya ang ginawa ko na lang e pumunta ako sa isang massage place malapit dito na meron sila sauna room at steam room.. medyo napamahal lang kung ang ginawa ko e yun suob na nagpakulo ng tubig na may asin.. e gusto ko kasi buong katawan ko e pagpawisan ba.. kaya ayun.. alam ko na iba hindi agree dahil sa lumabas pa ako at pwede makahawa sa iba.. pero siempre meron naman ako face mask.. kaya nga sauna lang ang pinunta ko dito at hindi massage..
ano nga ba maganda naidudulot ng sauna o steam sa atin
https://bit.ly/3tJqeKX
basahin nyo na lang dine..
at gaano katotoo na nakakatulong ang suob para gumaling sa covid-19..
https://bit.ly/3pTQq4C
ako naniniwala ako.. basta.. kaya ko nga ginawa e kasi naniniwala ako na gagaling ako hehehe at bumili na rin pala ako ng 2 test kit para malaman kung negative naba ako.. hindi ko pa uli sinusubukan dahil sa meron pa ako sipon.. at ramdam ko na mag positive uli ako.. medyo mahal din kasi isang test kit na nabili ko.. 3USD kaya kako baka masayang lang.. pag wala na ako sipon saka ko uli susubukan..
O sya yun lang mga ka-noise mate.. stay safe everyone..
TATABLAN PARIN PALA AKO..
March 6 bandang hapon..
Nakaramdam na ako ng kakaiba.. parang masakit ang mga kalamnan ko..
March 7 pinilit ko pa rin mag work. pagdating sa site mga bandang tanghali. naramdaman ko na parang nilalamig ako na parang lalagnatin.. kaya nun kinahaapunan habang pauwi na ramdam ko na nilalagnat ako.. at sinisipon din..
March 8. umaga masama na pakiramdam ko.. nilalagnat pa rin at masakit ang kalamnan at parang meron dumidiin sa likod at harap ng dibdib ko na siyang nagpapasikip ng pakiramdam kaya naisipan ko mag Rapid Diagnostic Test (makikita sa picture) na nagpositibo ako..
hindi ko ito ni post para maging proud sa nangyayari sa akin.. gusto ko lang maging aware din ang iba na baka nararamdaman din nila ang mga ganito sintomas..nararamdaman ko.. kaya lang e wala sila pang test.. kaya hindi alam kung sila ba e nag positibo o negatibo..
Alam ko malalampasan ko ito.. patuloy lang humingi ng tulong kay God.. at siempre yun gamot na para dito.. hindi ko alam kung biro ba yun nagreply ng isa namin ka GC na wag na ako umasa na gagaling pa ako. hehehe. medyo di magandang biro.. anyway dalangin ko na sana e dimo ma exp o ng pamilya mo ito nararanasan ko ngayun..
Pero pangako babalikan ko itong post ko na ito at gagawin negatibo ang magiging resulta kapag nag test muli ako..

Amoy talaga e
so yun na na nga. pumunta ako dito sa shop. ang sabi kase e may deliver daw ng food before 8pm. e nasa kalagitnaan pa naman ako kanina ng hehehe drinking session tas e sabi yun nga may need ideliver ng food.. since wala naman kami tao para magdeliver nito kaya ayun dali dali ako pumunta ng shop. para ako mismo maghatid ng mga order na food.. pagdating ko dito e may kumakain ng biryani.. dahil gutom ako. sumimple ako. ano kako yan? masarap ba yan? kaya ayun sa halip ng sagutin ako e binigyan ako hehe.kaso lang e yun nga amoy putok ang lintek hehe. siempre diko na sinabi yun sa nagbigay. kasi inubos ko naman e.. at masarap din naman talaga siya. kaso amoy putok hahaha
yun lang hehe
OK BA BINTANA MO
so yun na nga noh. kakatapos lang namin magtest ng mga bintana.
ang mga larawan makikita nyo ay kung saan ni checheck mabuti ng PM o Project Manager ang mga bintana kung ito ba ay pasado sa kanya. kung ito ba ay wala papasok na tubig kung sakali dumating ang malalakas na hangin na may kasamang ulan o ang tinatawag na bagyo. hehehe ang gara ko dito.
Ang mga ginamit na pang test lang ay yun high pressure water gun. dapat talaga dito e mag sesetup muna sa labas ng mga tubo para pang test ng sa gayon e mga 2 hours na tuloy tuloy ang daloy ng tubig sana sa mga bintana at hindi lang yun maglalagay din siempre ng malaking electric fan para magsilbing siya malakas na hangin.. subalit matrabaho daw kaya ganito na lang ang ginawa.. (matrabaho naman talaga yun e)
Mainam na itest ang mga bintana kasi malaking perwisyo ito sa gumawa dahil kapag ito ay hindi na test at dumating nga ang panahon ng tag ulan at ang mga halos ng bintana ay nagkaroon ng leak o pinapasok ng tubig ay. Perwisyo ito sa may ari ng building at perwisyo din sa gumawa dahil need talaga nila ayusin ito at maglalagay uli sila ng scaffolding o di kaya e mag ala SPIDERMAN yun tao nila para ayusin ang bintana hehehe biro lang dito. at hindi naman papayagan ang tao na sa ganun style aayusin ang bintana. safety first ika nga. kaya gagamit sila tiyak ng lift hanging scaffolding para marating nila yun bintana na aayusin
at sa huli ang mapapagalitan e si PM o Project Manager, bakit hindi nagkaroon ng window test hehehe tapos magagalit si PM dun sa gumawa ng mga bintana.. bakit hindi maayos ang pagkakagawa..
so yun lang ano.. sana e may natutunan kau sa pinagsasabi ko kasi parang napapansin ko e nagiging seryoso na mga post ko ehehe..
HULI KA BALBON ang karugtong
at kung hindi mo nabasa ang kwento kanina nito ay ito yun link nya para mabasa mo kung hindi pa. pero kung nabasa mo naman na kanina at wala ka man lang ginawa. lam mo yun ehehe 😅
noise.cash/post/9z4qgnqhqzq6
ang mga sumusunod na larawan ay rated SPG (Striktong Patnubay at Gabay)
so heto na nga. i upload ko na yun mga nakalap ko litrato at info tungkol dito sa nangyari sa dalawang mag jowa yata ito o mag asawa na.. yun ang diko tiyak sa kwento na ito ah.. kung jowa ba o asawa na.. tapos nga e siempre ginamitan ko uli ito ng google lens upang matukoy kung ano ba ang mga ito noh.. kasi ngayon ko lang talaga nakita ang ganito uri e. tapos ginaganun pa nila.. kawawa..
eh siempre dayo lang ako dito.. wala ako K para pagsabihan sila na mali yang ginagawa nyo.. baka maya nyan e sa akin ibaling ang atensyon nila at ako ang kainin din nila noh.. ang yummy ko pa naman ... char ehehehe
so yun lang noh e sana e sa mga nakakakita nitong mga larawan ni upload ko e mga tapos na kayo mag tanghalian anoh kasi alam ko hindi kaaya aya sa paningin e.. at sana din e may natutunan din kau na meron pala ganun uri ng hayop na nabubuhay sa mundo..
Ang lesson siguro dito ay kung wala ka K wag kang ano. ok nga sana kung yummy nga e tas di naman pala ahahaha patungkol naman ito sa nauuso na meme ba yun AKO NGA PALA YUN SINAYANG MO...charot
HULI KA BALBON
Nakakaawa ang sinapit ng mag asawa o mag jowa pa lang yata ito sa kamay ng mga taga dito..
Inabutan ko na nakakulong sila dalawa, nagawa ko pa nga kuhanan sila ng litrato sa sitwasyon nila.. at makikita nyo na galit na galit yun isa at pumunta na ako sa site office. para mag work.. at makalipas ng tatlumpung minuto at naisipan ko kamustahin ang lagay nila dalawa sa kulungan.. at hindi ko inaasahan na ganito na ang sumunod na nangyari sa kanila.. sila dalawa ay dinarang sa apoy.. at kitang kita mga natamo nila sugat. at siguro hindi kinaya kaya ang dalawa ay patay na.. haaaisstt ano ba nangyayari sa mundo.. kaya bumalik na uli ako sa site office.. pero sa pagkakataon ito ay lagi na sa isipan ko ang sinapit ng dalawa magjowa o mag asawa na yata na yun.. kaya mga ilang minuto uli ang nakalipas ay binalikan ko uli sila.. wala talaga awa ang mga gumawa nito sa kanila.. haaaisstt.. hindi ko alam bakit may mga tao talaga na ganun.. hindi ko na yata kaya ituloy ang kwento..
so yun lang muna.. matagal na pala uli ako wala update dito..
baka mamaya e i post ko yun mga litrato nila.. nagdadalawang isip din kasi ako na isama yun litrato eh.. lam nyo na may maseselang bahagi din kasi ako nakuhanan e..
MARUPOK
so yun na nga noh, bumili uli ako suman dun sa dati ko naikwento rin na nagkamali sa sukli tapos nga nun e sinabi ko sa sarili ko na hindi na uli ako bibili ng suman sa kanya..
pero ayun nga bumili na uli ako.. everytime kasi na nadadaan ako sa kanya. kita ko yun inis minsan hanggang sa parang siya din ay iwas na din sa akin hehe. pero dahil nun nakaraan taon naman na yun nangyari.. e naisipan ko na mag move on na.. mahirap din kasi yun parang may sama ka ng loob sa ibang tao dinadala..
at tama nga natatandaan din nya ako. kasi pagkaabot ko ng bayad kanina ay binilang nya uli ito sa harapan ko para maliwanag na ganito lang pera ang natanggap nya. at may sinabi siya na khmer word na pakiwari ko e humihingi siya ng pasensya sa nangyari nun nakaraan dahil after nya sabihin yun e nag smile siya.. hindi lang ako gaano marunong sa salita nila kasi itatanong ko sana kung nasaan yun anak nya na minsan yun ang nagtitinda hehehe siempre lam na ahahaha (maganda kasi yun eh 😅)
so yun lang noh.. o kau baka meron din kau nakasamaan ng loob nun 2021. patawarin nyo na din sana hehehe move on na..
CURRY CURRY
so yun na nga noh. hehehe kanina nina lang e may kausap ako dito na isa sa noisemate natin na si @Lirabell about sa post nya nun isang araw na chicken curry at nagcomment ako na hindi ko kako bet ang lasa nun curry hehe
tapos nga e itong naman si Taguro ay nagpasama kanina pumunta sa isang site at dun na kami inabutan ng lunch time. kaya naghanap kami ng makakainan na malapit mismo sa site. at ang sabi nya e meron daw siya alam na makakain na tiyak ko magugustuhan ko daw.
at ayun na nga dito ako dinala sa Cafe Malaya (Malaysian Restaurant) nagtataka ako, bakit nya sinabi na magugustuhan ko dun hehe una si Taguro ay Singaporean at ako naman e siempre Pinoy. 5USD ang kain dito at eat all you can.. kaso halos yata ng pagkain ay puro may curry.. haaisst kaya no choice ako at hindi na lang ako nagsabi kay Taguro na hindi ko gusto ang pagkain. kaya kumuha lang ako ng konti talaga at yun pagkain na parang alam ko lang at makikita nyo ito sa picture sa ibaba. siya naman kase magbabayad ng kakainin ko e hehehe
Pero nakadalawang balik ako hehe binalikan ko yun beef curry nila.. ang sarap pala nun e. 1st time ko lang kasi makakain nun.. para din siya caldereta na may hawig hawig.. pero pinakapanalo e yun salted egg hehe nakarami ako nun eh.
Kaya ang lesson dito e wag na mag inarte sa pagkain lalo na't libre lang naman.. nyahahaha 😂
BALOT 2022
whatsuppp mga kanoise mate ehehe yun oh. tagal ko din pala wala update dito..
so yun nga noh. kagabi kasi naisipan ko kumain ng balot. Unang balot na kinain ko sa taon ito 2022. akala ko nga dati e sa Pinas lang meron nagtitinda ng balot. dito din pala sa Cambodia ay meron din.. at sa tingin ko e mas mura ang presyo ng balot dito. 1,500 riels ang isa. 15 pesos naman sa pera natin. e bakit ko nasabi na parang mas mura dito. kasi kita mo dami kasama yun balot na dahon dahon at meron pa chili bawang. e sa Pinas suka at asin lang yata hehe. pero hindi ko kinain yun dahon dahon na yun. gara lasa e.. ehehe
Meron kasi dito night market. naisipan ko bumili ng salamin sa mata proteksyon ba alikabok pag nagmotor. naiwala ko kasi yun salamin ko minsan dahil sa alam mo na ahaha.
Tapos yun nga nakita ko ito mga nakalatag na banig banig tapos madami din kumakain. kaya ayun ni try ko.
Una ko binili is 4 na balot.. tapos maubos nun e bumili din ako ng parang mga nipriprito parang pisbol sa atin. tapos yun pinili ko e crab meat. ayun masarap naman ng lasa. ayun tapos na hehe.
MGA GANAP PART 2
So yun na nga hehe eto na yun karugtong nun kwento ko. so after ko nun magsimba umuwi muna ako sa bahay para maglaba hehe. kasi meron nag invite sa akin kasamahan sa work na dun daw ako mag celebrate ng Christmas at Im sure na mapapalaban ako nun tiyak at kinabukasan e hindi ko tiyak maasikaso mga labahin ko noh.
Ang usapan e 4pm pa lang dapat dun na ako sa location. buti na lang yun location na sinasabi nya e same din nun location kung saan ako sumakay ng barge. kaya pala dun ang sinabi nya e sasakay uli kami ng barge pero this time e parang medyo bongga ang datingan noh. sasakay pala kami sa boat na mukang dragon na parang bibe na ewan hehehe.
Ang bayad nila sa renta dito sa boat na mukang dragon na parang bibe na ewan ay 200USD per 3 hours na biyahe.. na iikot ikot lang din siguro ang layo e, same nun biyahe ko nun pumunta ako ng simbahan..nun nalaman ko na ganun ang presyo ay ahh ok.. at pede rin mag videoke sa loob nun boat na yun.. pero yun nga parang nanghihinayang ako sa 200usd kasi nga pag andun kana sa loob at enjoy mo mga food at drinks e para ka lang din nasa isang place na di mo naman namamalayan na naandar na pala yun. edi sana nagrent na lang sila ng isang bar na marami ano ahaha. I mean restaurant na madami makakain. kasi di naman libre food dyan. sila sila din may dala mga food. kaya ayun ehehe. tapos nga e mga 9pm natapos yun sakay dyan. tapos umalis na ako at diko alam paano ako nakatakas dun ahahaha XD
MGA GANAP
hehehe nabusy ako masyado nitong mga nagdaang araw kaya ngayon lang uli nakapag update dito..
so yun nga kukwento ko lang mga naganap nun Pasko ko dito. Pero Dec 24 pa lang kasi ay nalaban na ako ng inum noh hehe. pero hindi ganun kalalakas ang kalaban. kaya nun Dec 25 ay maaga ako nagising para puntahan yun parang simbahan nila dito. Need mo sumakay ng barge para marating ang lugar na ito kaya ayun sumakay ako kasama ang motor ko. ang bayad dito ay 500 riels per head. o 5 pesos sa pera natin. kaya ang binayaran ko ay 1,000 riels kasama ang motor.
Ang ilog na tinawid namin ay ang tinatawag nila Mekong River. ewan bakit nila tinawag na ganyan yan. mga 5 mins siguro yun naging biyahe ng barge hanggang makarating sa kabila dulo. tapos yun pumunta na ako dun sa simbahan na yun.. ang napansin ko lang e parang mga vietnam community na mga nasa palagid ng simbahan. kasi iba mga salita nila compare sa madalas ko madinig.
Tapos yun nga siempre kaya ako nagpunta dito ay para pasalamatan si God sa lahat ng mga blessing na binibigay nya sa akin at sa palagi nya ako ni guide o binabantayan.. at siempre hingi na rin ng kapatawaran sa mga nagagawa ko kasalanan ^^..
Pero alam nyo ba na meron kwento ang 2 statue na nakalagay dito, kung saan sila nakita o nang galing. eh ang sabe dito daw sa Mekong river sila nakuha. tapos yun na. ^^
sunod na lang uli yun kinagabihan na ehehe XD
Merry Christmas everyone!, except sa mga INC. Happy Holiday sa inyo 😊
"Sabihin mo dyan sa mamang yan na alisin yung agiw sa sulok ha?"
SPOILEEEER!!
so yun nga ano hehe. kagabi kasi nanood ako ng Spiderman No Way Home.
Akalain mo Pinoy pala yun bestfriend ni Spiderman dun na si Ned Leeds (Jacob Batalon) baka hindi nyo alam yun noh hehehe o ako na naman ang hindi pa nakaka-alam dun..
Tapos nga e may eksena dun na ayun nga hehehe si Lola e ayun ahahaha Dumating kasi yun isa.. tapos dumating din yun isa pa.. dun lang medyo malabo yun kwento e kumbaga parang hindi na realidad kasi nga una pa lang hindi na totoo e tapos bigla me ganun story. ahahaha ang gulo ko noh.
Oh sya yun lang.. nakaka proud lang na meron ganun eksena siempre Pinoy tayo eh. hehehe
#SPIDERMAN no way home
#NOISECASH
ANG BOBO! at ANG BABOY!
Alam nyo ba? na ang lugaw ay essential! narinig nyo na rin siguro yan ano. at nag viral pa nga ng kasagsagan ng lockdown dyan sa Pinas.. pero hindi yan ang kwento ko ngayon ehehe, pero tungkol din ito sa lugaw na madalas ko din kainin dito sa Cambodia, eto yun Porridge with minced Pork and Century Egg at yun deep fried pork ribs garlic nila. sarap nyan eh..palibhasa gawa ito ng Chinese e. lam mo naman pagdating sa food mga yan e malinamnam talaga ang lasa, kasi nagamit sila ng MSG o yun mas kilala na brand yun AJI NO MOTO na aking ni re-search ay ito ay nagmula sa Japan. e sa name pa lang nya diba o baka kasi di nyo lam yun e hehe. o ako na naman ang hindi pa nakakaalam nun anoh.
Pero Alam nyo ba na ang tawag o ang maririnig mo sa mga Khmer(Cambodian) kapag sinabing lugaw ito ay "BOBO" sa kanila.. naalala ko dito si Mr. Larry Gadon ehehe.. pero sa google ang spelling nya ay BABAR kung gagamit ka ng google translate at i click mo yun speaker icon para mapakinggan mo kung ano daw ba sabi eh BOBO talaga dinig ko hehe.
So bakit ko ito sinasabi ngayon sa inyo noh. at hindi ito about sa pulitika na may nagkonek na dati sa LUGAW ano.. yun PINKachu pa nga at HADOKEN O KAMEHAME WAVE NI GOKU.. hindi dahil dun noh
Eh baka sakali mapunta kayo dito sa Cambodia at maisipan nyo kumain ng Lugaw e alam nyo na kung ano ang dapat nyo sabihin "bakit hindi ba sila marunong mag english?" may marurunong din naman e malay nyo nga diba kung natapat kau sa hindi gaano marunong.. kaya ayun.. "ngek.. kakain lang ng lugaw dadayo pa ng ibang bansa ahahaha" nga naman. baka lang naman mapadaan at hindi nyo alam mga ganun salita noh. (kausap ang sarili ahaha)
So yun lang ano. ugaliin kumain ng Lugaw para ikay?? hehe at Magandang Araw ng Martes sa lahat XD
BOAZANIAN BEAST FIGHTER
Kung isa ka sa batang 80's at 90's at nanonood dati ng Voltes V anime, alam mo yun sinasabi ko boazanian beast fighter.
At eto nga natagpuan ko na ang kuta nila dito pala mismo sa makro sila pinapalakas at sinasanay ng husto para ipangtapat kay Voltes V
At mukhang mababangis talaga sila kaya kinakailangan nakagapos ang mga galamay nila.
Pero kahit anong bangis nila at lakas ay alam ko na hindi papatalo siempre ang ating bida na si Voltes V. dahil sa madami panlaban ang ating bida andyan ang:
1. Finger missile. yan yun nagiging missile mga daliri nya noh. kaya nga finger eh..
2. Ground fire. eto naman yun naglalabas ng apoy mula dun sa sinturon nya. du. sa may bandang gitna
3. Ultra Electromagnetic Whip, eto naman yun mismo sinturon nya noh. latiguhin lang nya mga kalaban mapapa aww na yun
4. Ultra Electromagnetic Top. eto yun isa sa paborito gamitin nya hehe kasi nahilig din ako maglaro ng trumpo nun e. astig to eh
5. Voltes Bazooka. eto yun nibabali nya yun kamay nya tapos magiging bazooka yun boom ganern
6. Chain Knuckle. sa kamay din ito nalabas. pag sinabi ni Steve Armstrong yan e ayun lalabas na sa kamay ni Voltes V yun. basta yun na yun.
7. Laser Sword. at siempre eto yun pantapos nya e. V cut. hihiwain nya yun mga boazanian beast fighter. tapos tapos na hehe
so yun lang ano sana e nagbalik alaala sa inyo kahit papaano ang kabataan nyo ano. dahil kay Voltes V hehe. hanggang sa muli. mga ka mema XD
SKL - Electro Plasma Generator
so yun nga noh SKL.. napanood ko kasi ito sa ytube at baka iba sa inyo ay hindi pa nabalitaan ito. kaya naisipan ko i-share na rin dito para atleast alam nyo noh hehe. kasi pwede ito na ang mag aahon sa Pilipinas.. Sana nga ito na.. Hindi man ako maalam pagdating sa mga electrical na yan. Pero naniniwala ako sa inventions nya.. wala naman masama doon e. SUPORTA ika nga at hindi naman talaga masama yun na imbento nya..
Si Sir Elias Delos Santos isang Filipino inventor ay nakagawa ng NO FUEL, NO BATERY , NO POLLUTION ELECTRIC POWER GENERATOR, for the first time in the world! Ito na kaya ang papalit sa fuel gaya ng coal, gas, or oil at baterry sa paggawa ng electric power.
at nabanggit din sa video si Sir Elon Musk na CEO of Tesla Motors o mas kilala natin dahil siya ang isa sa dahilan kung bakit tumaas ang value ni DOGE coin. dun ko naman talaga siya nakilala eh..
SO ito yun Video link na sinasabi ko
https://www.youtube.com/watch?v=r51TdNPA55s&t=1792s
mahirap kasi paliwanag kung ano ba yun napanood ko dito, kaya panoorin nyo na lang din dyan hehe.
I-GMT
Sana naman e wala gaano napinsala ang bagyo dumadaan ngayon sa area vicinity ng Pilipinas gawing Visayas dahil ayon sa Cambodia Weather Radar ay nasa gawing Palawan na ito. at Mukang papunta na ito sa gawi namin.. Kailangan paghandaan.. at sabe e Wednesday pa sakali umulan dito..Maganda rin talaga meron Google ano nakikita mo ang mga updated weather. kaya ok na ok ito sa mga nagplaplano na magbakasyon o meron kailangan puntahan na lugar. pwede mo ito i google para malaman kung magiging ok ba ang panahon sa lugar na yun.
Sabi nga minsan ni lodi Michael V. ay I-GMT mo hehehe di ko na sasabihin kung ano ba meaning talaga nyan ano. DYOR ika nga hehe
Oh siya yun lang muna at busy pa rin hanggang ngayon. at
Magandang Araw ng Biyernes sa lahat mga ka-Mema
BUBOT
ako eh natutuwa sa akin nakita, muli na naman kasi nagkabunga ang puno ng mangga na katabi namin dito sa site office. maliit lang yun puno at parang ang bilis niya mamunga dahil halos 1 month lang yata ng magawan ko din ito ng kwento dito. tungkol pa nga yun sa buto ng mangga na ginagawan namin ng ritual hehehe. kung nais mo uli iyon mabasa ay ito ang link na yun hehe
noise.cash/post/8x6z90wtrxr9
balik tayo dito.. bakit bubot, ang una ko sinabi pala.. kasi sa totoo lang nalulungkot na naiinis din ako e. kasi ba naman itong katabi namin subcon. pag yan bunga ng mangga na yan e domoble o magtriple ng size nya.. yan nasa picture ah.. e pinipitas na nila agad ito at kinakain, na akala mo e mga ngayon lang nakain ng mangga. Mano ba naman palakihin nila ng mabuti at saka pitasin, edi mas marami pa sila makakain diba. wala kasi dito yun talagang may ari ng mangga para bantayan ito.
Kasi kung ako ang may ari niyan e hindi ko hahayaan na kumuha na lang basta basta mga yan.. palalakihin ko mabuti yun bunga at kung pwede e yun gawin hinog pa nga.. at ibebenta ko ito. nyahahaha kaso hindi e hehe.
Pwede pala natin maikonek ito sa crypto like itong BCH.. kaya nga tayo andito hindi ba. para sa BCH kasi nakakaipon tayo nito.. kaso mababa ngayon ang palitan nito.. kaya dapat e wag basta basta pitasin o mag sell ng mga naipon natin BCH ano.. wait din natin ito lumaki mabuti ng sa gayon mas marami tayo makain hahaha kasi madami tayo pera pambili ng pagkain pag nagkataon. (bata ba kausap ko o nagbabasa nito) hahaha
So yun lang ano BUBOT hehe at
Magandang Araw ng Miyerkules sa inyong lahat mga ka Mema at sana OK tayo dyaaan!
#BCH
#noisecash

Elizabeth Tower, London, England
The Sydney Opera House of Sydney Australia
Windmill of England
Eiffel Tower ng France at marami pang iba na hindi ko na alam kung saan ba lugar yun ehehe
So yun na nga noh.
Sobrang busy ako kahapon dahil nilibot ko lahat ng yan ng isang araw lang astig diba ehehe.
Ang lugar na ito ay parang naging pasyalan na rin ng mga tao dito kahit na hindi pa gaano tapos ang ibang mga ginagawang establisimyento dito. at isa na dito yun isang project namin kaya napasyal ako dito. makikita nyo sa huling picture ito. isa itong parang kasalang bayan kase pede magsabay sabay lahat ng ikakasal dito. ewan ko kung nagets nyo yun ibig ko sabihin dun ahahaha. basta yun na yon.. tapos nun kasal ay pwedeng pwede sila magpapicture sa mga nagagandahan lugar na pinakita ko dito..
At si ft paweerrss ay hanggang ngayon ay stroke pa rin.. baka dahil sa hindi ako naging active dito.. kasi ba naman si trip pagkain trip e hahaha charot joke lang.. wala siya kinalaman sa hindi ko pag active dito.. nabusy lang talaga masyado.
So yun lang ang kwento na wala naman kayo matutunan talaga halos. hahaha pasensya. At magandang araw ng Martes sa lahat kasama na rin ang mga Marites na pasimple dyan hehehe
panlaban ko sa hangover ko
https://noise.cash/post/mwnrrrxbxmx3
nainip na ma ipost sa trip pagkain trip ahaha
so yun nga noh hehe
heto yun dahilan kung bakit anlakas pa rin ng hang over ko.
kagabi kase e nalaban ako ng inum sa 3 khmer. makikita nyo ang pulutan namin na parang hilaw pa ano hehe pero masarap sya pramis. parang steak din e.
pero ang pinaka nagustuhan ko ni order nila eh yun dede ng baka. may malalasahan ka gatas. yah meron talaga hehe at malambot ang karne nya ah. first time ko lang makakain nun..
kaya balak ko pag nagawi uli ako sa lugar na yun e bibili uli ako nun karne na yun at isasama ko sa menu ng bar ko. hiwain lang ng manipis na hindi tulad nun nasa picture at dodoblehin ko ang presyo nya, sana magtagumpay hehehe
nakakain na rin ba kayo nun sinabi ko pagkain ayoko na banggitin uli ang name at maselan din kasi hehe masarap talaga siya pramis 😄
hinding hindi na ako magpopost sa pagkain trip ba yun..hehe antagal nila i approve yun post ko inabot ng 5 oras.. kaya ni post ko na lang sa wall ko.. parang bad trip tuloy hahaha museet eh
Keiv Teav
Cambodian Noodle Soup
"som kitiw moy saytsurok" isang noodles soup nga po na may karne ng baboy ibig ko sabihin dyan pag mag order ka
at dahil lakas ng hang over ko hehe (nalaban kase ng inuman kagabi) eto ang madalas ko kainin. kung lalagyan lang ito ng bagoong alamang ang kalasa nito ay ang sikat na sikat na La Paz Batchoy ng mga taga Iloilo.
Ang presyo nito ay 6,000 riels o 60 pesos sa pera natin. sa tingin ko e mas mura ito kesa sa presyo ng Batchoy natin sa Pinas. kasi may unli bawang kapa..
Tara kain na tayo. masarap kasi ito habang mainiit init pa ang sabaw.
MALL DAW BA? HUH? ANO DAW?
so yun na nga noh. ehehe
Ayon sa mga Marites may nasagap sila sa mga eksperto na pinaplano na gumawa ng isang Mall ang nasabing sikat na sikat na platform na ito..
Ang nasabing mall ay kasalukuyan ginagawan ng konsepto na si Tad.. subalit sumakit daw bigla ang ulo nya habang ito ay kanyanG ginagawa hehehe hindi nakayanan ang pressure na inaatang sa kanya..(bigla kasi sumingit si Taguro eh. ang ingay ingay ng bunganga)
ehehe. paano nga kaya kung magkaroon ng mall ang noise cash ano.. edi magkaroon edi masaya.. magtatayo ako dun ng pwesto ko para sa tocino ko ehehehe. kayo isip na kayo na pwede nyo itinda dito habang hindi pa nabubuo ang plano weeehh..
haaisst pasensya na sa waley post ko na ito..
Maganda Araw ng Sabado sa lahat! sanay ok tayo jan!
#noisecash
#mall