So ngayon wala akong pasok dahil binigyan kami ng pahinga. So ano nga bang ginagawa ko? Lalo na kapag walang magawa?
Obviously napakanonsense ng article ko today dahil sa wala rin akong magawa.
Gumising ako kanina ng around 11am, nasobrahan ako sa tulog dahil rin siguro sa pagod. So pansin ko, habang tumatagal ng tumatagal mas nagiging cute ako pero chars lang. Char lang talaga, atleast diba? Inaamin kong cute ako kahit di naman talaga. 'Di masamang maging cute, kaya oo na cute na ako.
Wag niyo seryosohin sinabi ko kasi wala lang rin akong magawa kaya magchichikahan tayo.
At dahil wala akong topic, TARA THOWBACK TAYO.
Naaalala mo paba?
Naaalala ko nung elementary ako, lagi akong gumigising ng alaskwatro ng umaga lalo na nung grade 1 ako kasi yung morning class ko is nasa 5:30 umaga. 'Napakabait namang estudyante. Nakikipaglabanan pa ako ako sa tubig palagi nun kasi naman sobrang lamig tapos ayaw pa ni mader na maginit kasi daw mainit naman pagtanghali. So no choice ako kundi maligo rin ng ubod ng lamig na daig pang nasayelo ako jusko.
Grade 8 and Grade 10 Days
Naalala ko nung nasa grade 8 and 9 ako, may teacher akong sobrang napakaistrikto. Yung tipong sa sobrang istrikto kulang nalang mamahiya ng estudyante pero oo, nagpapahiya siya ng estudyante kapag di niya gusto yung tao. Pero paborito ako nun, kasi daw lagi akong active sa klase niya.
Di niya alam takot lang ako kase lagi niya akong tinutukso ðŸ˜
Volleyball
Actually hindi ako athletic, yung nilalaro ko lang is talagang badminton and wala nang iba. One time nagkaroon ng trial sa volleyball as part ng PE namin nung grade 12 ako, jusko mga dzai di ko kering habulin yung bola. Kapag tinitira ng kalaban tinutulala ko lang to na para bang di nageexist, takot kasi ako baka mamaya sa mukha ko dumeretso yung bola kaya wala akong pakielam noon. Dahil tuloy sa PE nagka78 ako. Atleast pasado.
Kumakanta ng Tulog
Actually isa to sa mga di ko makalimutang nangyare. Tulog ako nito mga hating umaga na, so bago ako matulog yung kaibigan ko pinapakanta ako ng secret love song pero ayaw ko kasi nga mataas saka di naman ako kumakanta, pero palaban ako sa karaokehan. So eto na, habang tulog sa panaginip ko kausap ko yung kaibigan ko tapos nasa karaokehan kami, ako naman tong sarao na sarap sa tulog di ko alam na sisigaw ako. Nananaginip kasi ako na Pinapakanta nya ako ng Secret Love Song kaya pumayag ako, ay dzai yung last part diba mataas? Di ko alam ano pumasok sa kaluluwa ko at sinigaw ko yung last part nya.
Tapos yung daddy ko biglang nagising saka sumigaw ng "Ano yun?!", Ayun bigla akong natauhan. After ko matauhan di ko alam pero tawang-tawa ako. Ang lakas ng pagkakasigaw ko ng "AHHH" kaya nagising lahat ng tao sa bahay ðŸ˜
The Menudo Song
So karamihan saatin lalo nasa mga 30's and 40's na edad diyan alam yung mga kanta nito, yung nanay ko kasi one time nagpasearch ng kanta ng menudo. Ako tong lutang yung pinamusic ko is yung mga nagsasabi ng recipe ng menudo, eh that time nakaspeaker pamandin. Ayun natigilan lahat sa narinig nila.
Puro Nalang Ano Di Mo anuhin
So ako minsan kapag nagsasalita puro ano sinasabi ko lalo na kapag wala akong maisip, nakakahiya lang kasi one time nay nakausap akong teacher ko na sinabihan kong "Ma'am, Kasi ma'am nagaanuhan Sila ma'am tapos ako nagaano lang diko kaya di ko alam kung ano inaano nila" (Ampanget lang pakinggan, kung iba pagkakaintindi mo, oo teacher ko rin)
Huwag Magtatanong Kapag Lutang Ang Kausap.
So dakilang lutang ako,yes. Kapag may sinasabi o tinatanong kasama ko puro ako oo kasi di ko naman naintindihan. One time may kaibigan akong first time lang sa city tapos ako nananahimik sa gilid eh tumawag . Pupunta daw siya ng bh ko para makitulog muna, ngayon nag tanong kung ano sasakyan nya kung eto ba o ayun eh ako puro oo. Ayun, kesa makarating sa bh naligaw siya sa city. Maski ako di ko alam san siya nakaabot heeheh.
Misheard Lyrics
Alam niyo yung song na "Love Me Two Times By The Doors"? Lagi kong naririnig sa unang lyrics niya is "One per cheese 🧀 Today" OMG I CAN'T ðŸ˜
One time kinanta ko siya sa public tapos pinagtinginan ako, di ko alam mali lyrics ko ðŸ˜.
So iilan lang to sa mga naaalala ko, madami akong di maalala ewan ba HAHAHAH. Ayun, kamusta lahat?
Kung handa kayo makipagchikahan bigay niyo sakin buong oras niyo. Chars.
Author's Note:
It makes me super sad kapag may nakikita akong nagsstruggle dahil sa karamdaman. I don't know if you're able to read this pero I want you to recover agad ate (Di na kita imemention). Lahat kayong nakakatanda sakin dito, ate and 2nd parents tingin ko sainyo. Di ko maexplain ano pakiramdam pero nakakabigat siya sa feeling masyado.
I have a mother na may sakit sa puso, she's not moving too much dahil lang sa nahihirapan na siya. May mga medications siya and mga gamot na iniinom, dagdagan mo pa akong may karamdaman rin.
Sobrang hirap makita sa part ko na yung ibibili niya ng gamot saakin napupunta, that's why I told her na kesa ibili niya ng gamot ko sakaniya nalang. Ayaw ko makitang nagsstruggle siya dahil lang sa kakulangan sa gamot, everytime na sinasabi niyang masakit at mabigay dibdib nita masyado akong ninenerbyos. I'm not ready na mawala pa sya, I can't accept the fact na may sakit siya. I can't accept the fact na I'm the one who saw if gaano siya nahihirapan. It's tearing me apart.
I'll end this topic here, get well sa mga may sakit. God will never abandon us. I'll pray for those who were sick and etc. Take care everyone!
Thank you so much sa walang sawang pagsuporta nyo, I'm trying my best to visit all of the articles na nasa notification ko. However, I can read 5 or more lang. I'm kinda sad kasi my time is limited talaga.
9-30-21
Hoy kawawa naman kaibigan mo HAHAHAHAHAHAHA kakatakot pa naman maligaw